The Revenge of the Dead Girl

By Black_Shitty

123K 4.6K 421

C O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalaga... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Questions!
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chaper 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 99
Chapter 100
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter

Chapter 98

811 30 4
By Black_Shitty

Adelaide's Point of View

After namin makita ang laman ng libro na nakita ko, Hindi ko alam ngunit agad ko itong nabato ng 'wala sa oras.

Agad akong napahawak sa ulo ko at doon na nagsilabasan ang mga iba't-ibang thoughts kaya agad akong nalito.

Nakita ko lang naman kasi ang mga pangalan ng mga kaibigan namin habang nakalagay ang buhok nila dito at may dugo.

Nandoon rin ang pangalan ko. Hindi, Hindi lang pala sa akin, Kundi pati na rin kila Marlo at Zayn, Nandoon rin ang pangalan nila kaya mas lalo akong naguluhan kung bakit.

Mas lalo akong nalito ng pati ang pangalan ba naman ni Mang Feliciano nandoon rin?!

Teka! Bakit ba ganoon? Bakit pati si Mang Feliciano nandoon rin? Bakit pati buong pangalan niya nakasulat doon? Ugh! What the fuck! I feel something bad.

Tsaka sa listahan pangalan ko pa ang nangunguna! Bakit?!

"Guys! Bakit sa listahan ang pangalan ko ang una?! So it means baka ako ang unang patayin?! Ganoon ba?" Kinakabahan kong tugon.

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa habang si Marlo ay nakatingin sa akin ng nakakunot ang noo at si Zayn naman ay nakatingin sa akin ng masama kaya tinignan ko lang rin sila.

"Para 'tong gago! Ang OA mo, Ade! Umayos ka nga!" Asar na tugon ni Zayn.

"Eh paano nga kung totoo?" Banat ko.

"Imbis na mag-isip ka ng ganiyan na 'wala namang kasiguraduhan, Siguro mas mainam kung hindi negative ang isipin natin at tsaka umpisahan na lang natin ang pagtingin sa mga bagay na ito." Suhestiyon ni Marlo.

Napakagat na lamang ako sa aking labi at isina-'walang bahala na lang ang naisip ko since parang tama naman ata si Marlo. Kaso lang baka kasi mamaya tama 'yung naisip ko na....

Na baka ako na ang susunod? Kasi naman e! Ako ang nasa unahang pangalan na nakalagay, Pero kung gano'n nga, Dapat maging handa na lang ako sa bawat oras.

"Oh ano pa'ng tinutulala niyo d'yan?! Umpisahan na natin ito sapagkat ang oras ay tumatakbo!" Sambit ni Marlo kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Sa'yo kaya muna, Marlo ang unahin natin? Kay Zayn naman tapos na e, Itago na lang natin 'yung sa'yo, Zayn." Ani ko kaya agad namang tumango si Zayn.

"Go 'head! Buksan mo na 'yan." Ani Zayn kaya agad namang binuksan ni Marlo ang laman ng kahon na dala-dala niya at agad na inilabas ang sobrang daming dyaryo.

Tinabi ko muna ang kahon na dala ko at inilagay sa tabi ko, Ganoon rin naman ang ginawa ni Zayn kaya agad na akong dumukot ng isang dyaryo upang basahin kung ano ang mayro'n dito.

Tinignan ko ang dyaryo at halatang ito'y makaluma sapagkat kakaiba ito dahil may litrato na nakalagay dito ngunit ito'y black and white since dati ay uso pa ito at hindi pa uso ang litrato o larawan na makulay.

Buti na lang at may dyaryo pa ritong nakatago, Hindi naman ako gaanong nahirapan basahin ito sapagkat mababasa mo pa rin naman ito, Ang mga iba nga lang ay hindi kasi nga matagal-tagal na rin ito.

Agad kong napansin na may nakalagay ditong litrato ng bahay na ito, 'Yung pinakafront talaga.

BIG BLACK HOUSE AT SAN JOSE

         Ang malaki at itim na bahay na ito ay maaaring makita mo sa San Jose. Kung pupunta ka rito'y hindi mo agad ito makikita sapagkat maraming bahay dito at maluwag sa lugar  na ito.

        Halos ang ibang tao ay nais pasukin ang malaking bahay na ito sapagkat gusto nilang tuklasin ang misteryong naganap rito.

       Kung ang ibang tao ay nais dito pumasok at alamin kung ano ang nangyari, Ang iba naman ay tila natatakot sapagkat may nagsabi dito na delikado ang bahay na ito.

        Ang iba ay patuloy pa rin sa pagtuklas kung ano ba talaga ang mayro'n dito, Dahil sa lahat ng bahay sa lugar na ito, Ito lamang ang kaisa-isang malaki at itim kaya tila ito'y agaw-pansin sa mga tao.

        May nagsabing may nakatira raw dito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may masamang nangyari rito ng ilang araw lamang ang lumipas.

        Napag-alamang ang pangalan ng nakatira dito ay Anna Faye Wallace kasama ang kasintahan niyang si Allen Samseon.

       Kalilipat lamang ng magkasintahang Anna at Allen ngunit lumipas lamang ang ilaw araw ay nabalitaan na lang na patay na si Anna. Lahat ay nagulat sa balitang kumalat kaya'y kumalat na naman ang lugar na ito lalo na ang bahay na ito.

       'Wala ng pag-asang mabuhay ang babae kung kaya't 'wala na ito. Sa nangyari ay tila hindi alam ng kasintahan niya ang gagawin.

        At sa ilang araw na lumipas nabalitaan na lang ng nakararami na nagpakamatay raw ang kasintahan ni Anna na si Allen sa mismong bahay na ito.

       Sa nangyaring iyon, 'Wala ng balita pa'ng narinig mula sa bahay na iyon sapagkat ang mga tao na malapit roon ay napag-desisyunan na tumahimik na lamang at huwag ng pakiialaman pa ang nangyari doon.

       Hindi na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari, Hindi rin alam ng nakararami kung nalibing ba si Allen o hindi.

      Hanggang sa lumipas ang panahon at 'wala na talagang balita pa si Bahay na iyon, Ngunit ito'y mukhang maayos pa naman kung ito'y titignan.

      'Walang nakakaalam kung ano na ang nangyari pa doon, Basta't ang huling balita lamang doon ay may nag-aalaga dito na isang lalaki at hindi na piniling magsalita pa.

Napailing na lang ako sa aking nabasa about dito sa bahay, Agad kong inilapag ang dyaryo at tinignan sila Zayn at Marlo na tila abalang-abala pa rin ngayon sa pagbabasa ng pinili nilang dyaryo.

Napataas kilay na lamang ako sa nabasa ko habang nalilito pa rin.

Napapikit muna ako ng sandali upang makapag-isip ng maayos at para hindi malito.

Wait lang.... Ibig sabihin dito dati nakatira si Anna?!

Tsaka.... tsaka kasama niya ang kasintahan niya na nangangalang Allen?!

Tapos namatay na lamang si Anna makalipas ang ilang araw na paglipat nila rito?!

Tapos makalipas naman ang ilang araw na pagkamatay ni Anna ay nagpakamatay si Allen?! Dito mismo?! Dito mismo sa bahay na ito?! Waaait! W–what the fuck!

"Shit!" Isang boses ang narinig ko kaya agad akong napadilat at napahilamos sa mukha.

Napatingin na lang ako sa gilid ko at nakitang si Zayn ang nagsalita, Nakababa na ang hawak niyang dyaryo habang hinihingal dahilan upang mapataas kilay ako.

Napatingin naman ako kay Marlo habang dahan-dahang binaba ang dyaryong hawak niya at pansin na napabuntong hininga muna ito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi naman! Tanginaa! Hindi ko ito kinayaaaa!" Ani Zayn kaya napatingin na lang ako dito ng masama.

Hinampas ko siya sabay sigaw, "Ang OA mo! Ano ba ang mayro'n ha?!"

"Aray! Ito kasing nabasa ko e!" Aniya habang hinihimas-himas ang kaniyang balikat kung saan ko nahampas.

"Eh ano ba kasing nabas—" Hindi ko na natuloy ang nais kong sabihin sapagkat agad na nagsalita si Marlo.

"Guys! Grabe na ito! Naknang pating 'di ko kinaya, promise!" Aniya.

"Ano ba kasing nangyari?!" Naaasar kong tanong.

"Iyong nabasa ko kasi e." Ani Zayn kaya napatingin na lang ako sa kaniya ng diretso.

"Okay! So ganito! Isa-isa nating sasabihin ang nabasa natin para magkaintindihan, Ano? Okay ba 'yun?" Ani ko kaya napatanong na lang sila.

"Since parang hindi kayo makaimik ngayon, Magbo-boluntaryo na lang ako na maunang magsabi ng nabasa ko." Pagsisimula ko.

Napabuntong hininga muna ako bago i-kwento ang nabasa ko.

"Okay, So ang nabasa ko ay syempre about this freaking house, Ang nabasa ko lang is may nanirahan dito dati na magkasintahan na nangangalang Anna Faye Wallace at Allen Samseon. Hindi ko alam kung ang killer ba na si Anna ito or iba, Pero sa nabasa kong ito, Lumipat raw sila dito upang manirahan, Pero sa kasamaang palad ay ilang araw lamang ng paglipat nila rito ay agad na namatay si Anna ng hindi ko alam ang dahilan sapagkat 'walang nakalagay sa dyaryong nabasa ko, Tapos after mamatay ni Anna sinundan naman ito ni Allen, Ngunit si Allen ay nagpakamatay at ito ang sanhin ng kaniyang pagkawala." Paliwanag ko habang seryoso lang silang nakatingin at nakikinig sa akin.

"Oh shit!" Narinig kong tugon ni Zayn.

"At ngayong nasabi ko na ang nabasa ko, Sino naman ang susunod?" Tanong ko.

"U–uhmm..... Ako." Ani Zayn kaya napatango na lang ako.

"E–ehem... Ah–eh ano kasi.... A–ang nabasa ko dito is.... A–..... Tungkol sa pag-rape sa isang babae... At pagkamatay ng isang lalaki.." Nauutal-utal niyang sambit.

"Ituloy mo, relax lang." Ani ko sabay tapik sa kaniyang balikat at napalunok na lang ito.

"Nakalagay dito na, Na-raped ang isang babae at pinatay na nagngangalang....
A–anna.. May tatlo raw na lalaki ang nagmamasid-masid dito magmula no'ng lumipat dito sila Anna, Lagi raw silang nagpapa-pansin kay Anna habang ito ay nagdidilig or lumalabas ngunit hindi na lamang sila pinapansin ni Anna kaya nainis sila dito. At sa hindi inaasahang pangyayari ay na-raped nila si Anna at pinatay, Nagkataon kasing 'wala dito ang kasintahan niyang si Allen... Kung kaya't madaling nakapasok ang tatlong lalaki sa bahay nila.. At doon na ginawa ang krimen." Seryosong tugon ni Zayn habang ako ay nakanganga lang na nakatingin sa kaniya ng diretso.

"E–eh doon sa pagkamatay ng lalaki?" Tanong ni Marlo habang nakatingin lang kay Zayn.

"A–ah... Ang lalaking iyon naman ay... Nangangalang Allen. N–nasabi na rin ni Ade ang nangyari... Nagpakamatay siya ng ilang araw lang na lumipas sa pagkamatay ni Anna, Hindi niya ata kinaya ng 'wala ang mahal niya kaya napagdesisyunan niya na tapusin na ang kaniyang buhay." Sambit ni Zayn.

"Shit! Shit! Shit! Sobrang... Sobrang sakit ng pinagdaanan nila.." Ani ko.

"Iyong sa'yo naman, Marlo?" Ani Zayn.

Inayos niya muna ang damit niya at humingang malalim bago magsalita.

"A–ang sa akin naman ay tungkol sa... Sa isang matanda na nag-alaga ng bahay na ito. Siya ay nagngangalang Feliciano Caloy Jr. Nakalagay dito na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa bahay na ito ay 'wala ng balita pa muli ditong narinig, Ang huling balita lamang ay mag nag-ayos at nag-alaga ng bahay na ito, Siya lamang ang kaisa-isang nag-alaga dito kung kaya't pinabayaan na lang siya dahil 'wala na rin namang pumiling tumira dito at pumasok kundi siya lamang." Ani Marlo.

"Shit! Si Anna kaya na Killer ang na-raped at pinatay na nakalagay sa dyaryo?" Ani ko.

"We are not sure about it, I think alamin muna natin kasi parang feeling ko... Parang feeling ko siya e.." Ani Zayn.

"Ugh! Ilagay nalang muna natin itong dyaryong nabasa natin sa gilid at alamin ang nakalagay diyan sa kahon na nakita mo, Ade." Suhestiyon ni Marlo kaya dali-dali ko munang itinabi ang dyaryo na hawak ko at agad na inilagay sa gitna naming tatlo ang kahon na aking nakita sa Basement.

Napapikit at napahingang malalim muna ako bago ito buksan.

"Bago natin tignan ang mga litrato dito, May nakita akong litratong nandito." Ani ko sabay labas ng nakita kong litrato kung saan ay magkasama si Mang Feliciano at Dave pati na rin ang Brain's Family.

"Ayan pa lamang ang nakikita ko, pero it was so fucking creepy." Ani ko habang silang dalawa ay tinitignan pa ang litrato.

"Infairness ha ang cute dito ni Dave, I fucking missed him na tuloy shit!" Sambit ni Zayn.

"Wait, is this Dave's family?" Tanong ni Marlo sabay turo sa isang litrato na inilabas ko at tumango na lang ako.

"Who the fuck is this shit?!" Ani Zayn sabay turo sa babaeng nagtatago sa likod ni Mang Feliciano.

"Kahit ako ay hindi siya kilala. Pero ang isang babae na nakahawak sa braso ni Mang Feliciano ay isa pa niyang anak, Kasi 'diba no'ng lumabas kami ni Dave no'n upang kausapin sana si Mang Feli kaso ng lang hindi namin siya nakausap sapagkat ayan ang sumalubong sa amin, Sinabi niya na anak siya ni Mang Feli kung kaya't namu-mukhaan ko siya." Pagpapaliwanag ko.

"Ah gano'n ba? Eh itong nasa likuran? Sino kaya ito?" Tanong naman ni Marlo pero hindi ko na ito nagawang sagutin sapagkat hindi ko rin kilala ang babaeng iyon, Hindi rin nama pamilyar ang mukha niya kasi hindi ko makita.

* * *

Nandito pa rin kaming tatlo sa silid habang hinahalungkat ang mga litrato na nandito sa kahon na nakita ko.

Nanlaki ang mata ko ng may nakitang litrato na may dalawang lalaking nakatingin sa isang babae na umiiyak.

Pansin na sila ay nakasuot ng itim, Balot rin ang mukha nila kung kaya't hindi ko makita ang itsura nila, Pero halatang sila'y tumatawa habang nakatingin sa isang babae.

"G–guys..." Ani ko sabay lagpat ng litrato na aking nakita kaya agad naman itong tinignan nila Marlo at Zayn.

"W–what the fuck?!" Ani Zayn.

"Creepy." Tugon ni Marlo.

"M–mas creepy ito, tangina." Suhestiyon ni Zayn sabay lapag ng isang larawn na may litrato ng isang babaeng nakangiti, sobrang ganda niya kung titignan mo, Pero 'gaya ng sabi ko, Luma na ito kaya lahat ng litratong makikita mo ay black and white.

"Ang ganda niya... Sino 'yan?" Narinig kong tanong ni Marlo.

Oo nga, Ang ganda-ganda niya. Parang tila perfect siya kung titignan mo, Sino nga kaya ito?!

Naramdaman kong napalunok si Zayn at dahan-dahang binaliktad ang litrato dahilang upang makita namin ang nakasulat sa likod nito.

Anna Faye Wallace
1986

Agad akong napalunok at nanlaki ang mata ko ng makita kung ano'ng nakasulat sa likod nito.

Parang tila pamilyar ang pangalan ng babae...

S–sandali! H–hindi kaya't siya... Siya si 'yung Killer na si.. A–anna?!?!?! Oh shit! Jesus Christ!

Napatulala lang ako sa nakasulat at tila hindi makapaniwala sa nakita ko ngayon.

"E–eh ito..." Ani Marlo sabay lapag ng isa pang litrato na may lalaki namang nakangiti rin at tila 'walang problema dahil halatang sobrang saya nito.

Kitang-kita na maitsura rin ang lalaking ito, Pero sino naman kaya ito?!

Kahit na nanginginig ang kamay ko ay dali-dali kong binaliktad ang litrato at agad na napaatras ng mabasa kung ano ang nakasulat dito.

Allen Samseon
1986

"Oh shit! Shit! Shit!" Narinig ko'ng sunod-sunod na mura ni Zayn dahil sa nakita namin ngayon.

Napahilamos ako sa mukha ko na tila hindi makapaniwala sa mga nakita at natuklasan namin ngayon.

"Jesus Christ.." Mahinang tugon ni Marlo.

"Tangina ano ba ito?! Bakit ganito?!" Sigaw ko habang nanginginig na dahil sa kabang nararamdaman ngayon.

Napakagat ako sa labi ko ng baliktarin muli ni Zayn ang larawan at ngayon ay kita mo muli ang mukha ng dalawang magkasintahan, Agad ni Zayn na ipinagtabi ang litrato kaya napatingin lang ako dito.

"Creepy as fucking fuck." Ani Marlo.

Ngayon ay nakatingin lang ako ng diretso sa dalawang magkadikit na larawan habang sa kaliwa ay may litrato ng isang magandang babae na nakangiti.

Sa kanan naman ay may isang litrato ng isang maitsurang lalaki habang nakangiti rin.

Hindi ko kayang tingnan ang litrato kasi feeling ko parang nakatingin sila sa'yo habang nakangiti kaya inalis ko ang tingin ko sa litrato.

"S–sila kaya ang magkasintahan?!" Tanong ni Marlo.

"They are probably Anna and Allen." Tugon ko.

"Ang ganda at ang g'wapo, Tangina eh bagay na bagay talaga silang dalawa, Pero grabe ang nangyari sa kanila dito." Malungkot  na tugon ni Zayn.

"Oo nga, Shit! Sayang." Ani Marlo.

Kumuha muli ako ng litrato sa loob ng kahon, Nagulat ako ng may nakita na naman akong litrato ng dalawang lalaki habang may babaeng nasa harapan nila.

Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang babae.... Siya si... Si Anna.

"Guys! Ito na naman oh! Tangina!" Ani ko sabay lapag muli ng isa pang litrato sa tabi ng isa pang litrato na kapares nito.

"What the fuck!" Ani Zayn.

Agad na binaliktad ni Marlo at dalawang litrato na kung saan ay may litrato ng dalawang lalaki.

Nagulat na lang ako ng 'walang nakasulat dito. Hindi sulat ang mayro'n dito... kundi..

Kundi dugo na pa-ekis ang nakalagay kaya mas lalo akong nalito. Parehas na litrato ang may dugong pa-ekis sa likod nito.

Agad naman ni Zayn kinuha ang kahon at ibinuhos lahat ng nasa loob nito kaya agad na nagsilabasan ang mga litrato na nandito, Hindi na ako nakasalita pa dahil nahulog na lahat.

Tinignan namin ang lahat ng litrato, Kinuha ko ang isang litrato na may nakalagay sa likod na.

Anna and Allen
1984

Agad kong tinignan kung ano ang nasa litrato, Ngunit pagkakita ko ay isa lamang itong larawan nila Anna at Allen na magkayakap at nakangiting nakaharap sa camera.

Napalunok ako sabay lapag nito sa taas ng litrato nila kanina na solo.

"Ito naman ay picture nila together." Ani ko kaya agad naman na tinignan ito ng dalawa.

"Sobrang ganda talaga ni Anna, Sino ba naman ang hindi mabinighani sa kagandahan niya." Tugon ni Marlo.

"Sayang na sayang sila." Malungkot naman. na sabi ni Zayn.

"P–pero tignan niyo ito.." Sabi ni Marlo kaya nawala ang tingin ko sa litrato ng magkasintahang Anna at Allen.

Agad akong kinabahan ng makita ang litrato na puro nakaitim na lalaki.

"Dalawa ang nasa picture, Ang nabasa ko sa dyaryo kanina ay tatlo ang lalaking pumasok sa bahay nila Anna at Allen, Kaya siguro ang isa ay taga-kuha ng picture kaya ngayon ay dalawa ang ang nandiyan." Suhestiyon ni Zayn.

Binaliktad ni Marlo at mga litrato at mas lalo akong kinilabutan ng puro pa rin ito dugo na puro pa-ekis ang nakalagay.

"B–bakit puro ganiyan?!" Ani ko habang malapit ng umiyak dahil sa takot na nararamdaman ngayon.

"H–hindi ko alam.." Ani Marlo.

"Shit! Nakakatakot naman ang mga 'to tangina bakit ba ganito?!" Asar na sambit ni Zayn.

Habang nakatingin ako sa mga pa-ekis na nakalagay may nakita akong isang litrato na nasa gilid at 'walang nakalagay na kahit ano sa likod.

Dahan-dahan ko itong kinuha at biglang akong nanginig at napahawak sa bibig ng makita ko ang nakalagay dito.

Isang lalaki na nagpakamatay.

Ayun ang nasa larawan nito kaya agad akong napasigaw at aksidenteng nabato ang litrato sa gitna kaya agad naman itong nakita ng dalawa.

"What the fuckk!! Fuck!! Fuckk!! A–ayaw ko na gago!! Ayaw ko naaa!! Bullshitt!!" Sunod-sunod kong mura dahil hindi ko talaga kinaya ang nakita ko kaya nagsimula na akong umiyak.

"Wait! The fuck! Relaxx!!" Sigaw ni Zayn at agad na tumabi sa akin sabay himas sa likod ko upang kumalma ako.

"No.... no! no!!! I–is that fucking A–allen?!" Sigaw rin ni Marlo na tila hindi makapaniwala sa nakitang litrato ngayon na nasa harap namin.

"Tangina itigil na natin 'to! Gago i want to go fucking home!" Sigaw ko.

Ang creepy ng mga natuklasan namin, sobra. Kaya parang feeling ko hindi ko na halos kayanin ito.

A/N: And that's it! Minsan iniisip ko kung bakit ako nagsusulat nito sa gabi? huhuhu pati ako natatakot e. jk! pero nakakatakot talaga 'no baa!

Okay so it's not yet finish kasi may tatlo pang chapteerrs! So stay tuned po!

P.S: Masaya ang mangyayari starting Chapter 99 BWAHAHAHA! *evil laugh*

So ayun lang! Thank you pooo! mwah!



Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 446 34
Grade 10-Unity, ang seksyon na mahirap i-describe. Minsang nag-aaway, nagpaplastikan o 'di kaya'y nagbabayanihan. Ano nga kaya ang mas mananaig kapag...
6K 1.1K 34
[Completed] Fifteen students who others envy got trapped and forced to play a game manipulated by a mysterious person whom they didn't know is among...
748K 23.7K 60
Her name was Fiera Kim Cress. Inilipat siya ng kanyang ama sa Mystinious Academy dahil sa kadahilanan na hindi niya kayang kontrolin ang kanyang kapa...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)