TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 30 : He's Back
_____________________________
Seanica POV
"Mukhang may mga malalakas din palang tulad namin"
Napatingin din kami sa mga kasamahan ni Violet.
"Akalain mo nga naman, dito natin makikita yung mga tulad natin HAHAHA!" natatawang sabi ni Green.
Napakunot noo ako dahil dun. Magsasalita pa sana sila ate Rain nang biglang dumating si HM.
"What happened?"
Napatingin kaming lahat sa kanya at ganun nalang ang gulat namin ng makitang ang gulo ng ayos ni HM.
Talagang busy nga sya. Ayos palang nya, ebidensya na.
"HM!" gulat na sambit nila ate Rain.
Tumingin ako kila Violet at napaseryoso ako ng makitang wala na sila.
Tsk.
Bumaling nalang ulit ako kay HM.
"What?!"
Napaiwas nalang ako nang sumigaw si HM sa gulat.
Mukhang alam na nya.
"Kung ganun, kailangan natin tong pang-usapan. Sumama ka saakin, Rain. Kayo..."
Napatingin ako kay HM nang bumaling sya saamin.
"Kayo muna ang bahala dito. Mag-uusap lang kami ng ate Rain nyo" sabi ni HM at naglaho na, ganun din si ate Rain.
Nagkatinginan kami at walang nagawa kundi sumunod sa utos ni HM
***
Nandito kami ngayon sa loob ng dorm, nakaupo sa sofa.
"Ano kaya yung pag-uusapan nila HM?" tanong ni Yeoneun.
"Hindi natin alam. Basta ang dapat nating malaman kung anong klaseng creatures iyon" sabi ni Mike.
Tumango kami bilang sang-ayon.
"Simula nung nasa mission tayo, marami na tayong nasasalamuhang mga creatures. Nung una, mga wolfpire. Yun daw ang tawag sa creatures na nakalaban natin sa mission sabi ni Mom. Pangalawa, yung kanina" sabi ni Bellear habang napapailing.
Napa-isip ako.
Tama. Hindi kaya, may ibig sabihin ang mga ito?
"Yeah. Kailangan nating alamin kung anong creatures iyon" sabi ni Xeanel.
Napasandal ako sa sofang kinauupuan ko.
"Attentions! To all students! Please, prepare your things now. You can go home for a while. There's a reason of that and that reasons, we're going to fix it. So... students, pack your things now! Please be save! Thank you!"
Nagkatinginan kami ng marinig namin ang boses ni ate Rain.
"Dahil ba to kanina?" tanong ni Yeoneun.
"I think so" sabi ni Bellear.
Tumayo nalang kami at nagsimulang mag-impake.
Bakit kaya? Wala namang susugod ulit ah? Basta lakasan lang nila ang barrier ng Academia.
Ok na rin siguro. Baka mayroong natrauma dahil dun.
Mabilis ko lang natapos ang pag-iimpake ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita kong kakalabas lang din nila.
"Tara na" aya ni Mike
Tumango kami at lumabas na ng dorm. Habang naglalakad kami, nakikita rin namin ang mga estudyanteng palabas din ng campus.
Nang tuluyan na kaming makalabas nang building, lalong dumami ang mga estudyante.
Dahil nakakasabay na namin ang mga white at dark senicians, junicians at kicians, siksikan kaming naglalakad pero nagawa pa rin naming maglakad ng maayos.
Nang malapit na kami sa gate, nakita namin si HM. Katabi ang portal.
"Estudiantil! Make a line!" sigaw ni HM.
(Students)
Dahil sa sigaw ni HM, nagsipila naman kami bawat level dahilan magkaroon ng anim na linya.
"πορταλ"
Tiningnan lang namin ang ginagawa ni HM. Nagcast sya dahilan makagawa ng portal. Total of six portals.
"Mag-ingat kayo students" sabi ni HM at naglaho.
Nagsimula na kaming pumasok sa portal.
***
Nandito ako ngayon sa harapan ng palasyo namin.
Ay mali, tatlo pala kami dito.
"Waah! Nakakamiss dito!" masayang wika ni Yeoneun
"Kaya nga! Namimiss ko na sina mom at dad" nakangiting wika ni Mike.
"Sige, Seanica. Mauna na kami" paalam ni Yeoneun ganun din si Mike.
Tumango lang ako sakanila. Tumalikod na sila at sumakay sa kabayo.
Uuwi na kasi sila sa bahay nila.
Nagsimula na rin akong maglakad papasok sa palasyo.
Namiss ko tong palace.
Lalo na sina auntie at mom.
Mabilis akong naglakad at dumeretso sa kwarto ni mom. Dali-dali ko itong binuksan at nakita ko si mom na nakatayo at malawak na nakangiti habang nakabukas ang mga bisig nya na parang inaaya akong yakapin.
"Mom!"
Agad akong lumapit sakanya at yumakap dahilan mabitawan ko ang gamit ko.
"Seanica"
Humiwalay ako kay mom at nakangiting tumingin sa kanya.
"Kamusta ka na anak?" tanong ni mom.
"Ok lang po mom" sagot ko sa tanong nya at umupo kami sa kama nya.
"Balita ko nilusob kayo?"
Tumango ako.
"Opo, mom. Hindi ko nga po alam kung anong klaseng creatures iyon. Pero okay na rin po yun dahil napatay po namin sila" mahabang kwento ko.
"I'm so proud of you anak!" nakangiting sabi ni mom.
Lalo akong napangiti dahil dun.
"Oh sya, pumasok ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka muna"
Tumango ako at tumayo kami. Maglalakad na sana kami palabas nang biglang may liwanag na tumambad saamin dahilan mapatakip kami ng mata.
"Ano pong nangyayari mom?" tanong ko kay mom
"Hindi ko alam anak" sagot niya.
Lalo kaming napatakip nang mas lumakas ang liwanag.
"Anica"
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o hindi pero naramdaman kong napahinto si mom nang marinig ang boses na iyon. Saka, ka boses nya yung lalakeng na sa panaginip ko.
"Seanica"
Napababa ako ng kamay ganun din si mom nang unti-unting nawawala ang liwanag dahilan para makita namin sya.
"Sean"
_____________________________
Someone POV / Sean POV
Nandito ako ngayon sa bahay ko. Kumakain. Nagutom kasi ako.
Nang matapos akong kumain, naisipan kong lumabas muna at pumunta sa Magica Academia.
Nakakalungkot dahil nandito pa rin ako sa Magical World kahit matagal na akong patay.
Pero masaya rin ako dahil malaya kong nakikita si Anica at ang anak ko.
Nung una, nagtataka ako kung bakit nandito pa rin ako pero nalaman ko lang nung kinausap ako ni God Hallus. Ang God of Elements. Kumbaga, asawa nya si Goddess Tallia.
______________
Flashbacks...
"Sean"
"Yes, God Hallus?" tanong ko
"Hindi mo pa oras dito"
Nagtaka ako sa sinabi nya.
"Ano ho ang ibig nyong sabihin?"
"May pangitain kaming nakita. May isang batang babae ang magiging dahilan nang pagbalik mo kaya hindi ka makapasok sa lugar namin"
Kahit hindi nya deretsohin, alam ko na ang ibig nyang sabihin
"Ibig nyo ho bang sabihin ay mananatili muna ako sa lupa at hintayin ang pagbalik ko?"
Ngumiti lang sya saakin at naglaho na.
End...
________
Kahit bastos yung ginawa nya, naintindihan ko ang ipinahiwatig nya.
Huminto na ako nang nandito na ako sa Magica Academia. Kahit may barrier, malaya akong nakapasok.
Dumeretso ako sa gym dahil nabalitaan kong may laban ngayon ang anak ko kaya naisipan kong manood. Habang nanononood ako sa laban nang anak ko, napansin kong may nagbago kay Seanica.
Lumabas na ang tunay nyang mahika. Napatayo ako dahil parang wala sa sarili ang anak ko.
Gusto ko man syang pigilan pero hindi ko sya magagawang tulungan dahil para lamang akong kaluluwa.
Lumipas ang ilang oras nang dumating si Anica.
Mahal.
Dumeretso sya sa stage at may inutos kay HM. Lumapit sya sa anak namin at may ginawa sya.
Nang makarating sila sa taas, nanlaki ang mata ko nang mas lalong lumakas ang liwanag at ganun din ang pagkagulat ko nang umiilaw ang katawan ko.
Anong nangyayari?
Hindi ko na nakita sina Anica at Seanica nang balutan ako nang liwanag at dalhin sa kung saang lugar.
Napatayo ako nang makita kong nasa gubat ako.
Anong klaseng gubat ito?
Sa tingin ko, napakalayo ko sa Magical World.
Mukhang na sa ibang dimension ako dahil na rin sa kakaiba ang lugar na ito.
Pinagpagan ko ang suot ko at nagsimulang maglakad.
Lumipas ang ilang araw bago ako makarating sa Magical World.
Kakatapak ko lang sa Magical World nang makarinig ako nang mga pagsabog. Kahit napakalayo ko, rinig kong galing ito sa Magica Academia.
Napatakbo ako nang di-oras hanggang sa makarating na ako sa Academia.
Tiningnan ko ang Academia.
Magica Dark Academia?
Mukhang na gawa na nila ang plano nila.
Papasok na sana ako nang makita kong maraming estudyante sa campus. Simula nang makarating ako dito, wala nang pagsabog ang narinig ko kaya mukhang natalo na nila ito.
Hindi nalang ako pumasok at pinanood lang ang mga estudyanteng pumapasok sa portal.
"Sean"
Napahawak ako sa ulo ko nang magsalita si God Hallus sa isip ko.
"Heto na"
Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin nang biglang lumiwanag ang katawan ko at dalhin ako nito sa harapan nang dalawang taong mahal ko.