TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS

By AiKUMAx

302K 10.6K 536

Panibagong kwento na naman ang haharapin ni Anica Celestine. Heto ang kwentong kung saan masaya na sana ang... More

⚠︎ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 ⚠︎
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter O3
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 24

4.8K 193 10
By AiKUMAx

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 24 : Seanica and Lily
______________________________

Seanica POV

"Magiging kalaban mo si Lily, Seanica" sabi sa akin ni Yeoneun.

"Alam nya yun gaga!" bulyaw sa kanya ni Bellear.

Nandito kami ngayon sa dorm, sa sala to be exact. Katatapos lang ng klase at wala namang masamang nagyare.

"Tsk, I'm not scared" sabi ko at hindi ko maiwasan mapangisi.

"Grabe! Nakakakilabot ka ngumisi insan!" sabi ni Mike na animo'y kinikilabutan.

Tsk. Napairap nalang ako sakanya.

Magsasalita pa sana si Bellear ng bumukas ang pinto dahilan mapatingin sila dun.

"Oh? May meeting ba kayong nagaganap? HAHAHA" rinig kong sabi ni Lily habang tumatawa. Tsk.

She's here. That bitch.

"Oh! You're here!" rinig kong sabi nya at narinig ko ang tunog ng mga paa nya. It's means naglalakad sya.

And I'm right.

Umupo sya sa harap ko dahilan magkatinginan ang tatlo samantalang kaming dalawa ni Xeanel ay wala lang.

"Anyway, hi Xeanel!" biglang naging malandi ang boses ni Lily ng tumingin sya kay Xeanel dahilan mapataas ako ng kilay.

Lumalandi na naman. Tsk.

Nakita kong hindi sya pinansin ni Xeanel. Poor bitch!

"Ay! Snob! Anyway, ganyan talaga ang tipo ko sa mga lalake HAHAHA" sabi nya at tumawa.

May sapak ata toh eh? Tsk.

"Be ready, Seanica" biglang seryoso nya dahilan mapataas ako ng kilay.

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng toh. Bipolar lang bitch.

"I'm always ready, bitch" malamig na sabi ko.

"Stop calling me bitch! You slut!" inis na sabi nya saakin.

"Whatever" mataray na sabi ko.

"Arg! Humanda ka talaga bitch! Hindi ako magpapatalo sayo bukas! Makikita mong lumakas ako. Hindi na ako si Lily na kilala mo dati. Sinisigurado kong ako ang mananalo bukas!" galit na sabi nya at padabog na pumasok sa kwarto nya.

"HAHHA! Grabe! Laughtrip yung mukha nya! Ang epic!" natatawang sabi ni Mike.

"Grabe! HAHA she's pathetic! Bagay lang sakanya yun, bitch HAHAHA" natutuwang sabi ni Bellear.

"Yeah! Grabe Seanica, napagalit mo sya! HAHAHA!" ngayong si Yeoneun naman ang nagbigay opinion.

Tiningnan ko lang sila na para mga baliw dahil sa mga iniasta nila ngayon.

"Anyway, be ready. Posibleng may makalaban kayong malalakas bukas like senicians and junicians" seryosong sabi ni Xeanel dahilan para mahinto sa pagtawa  ang tatlo.

"Hoy brad! Mga tulad nating taga elementary lang ang makakalaban natin. Ibahin mo ang mga junicians at senicians. May sarili rin silang president" sabi ni Mike.

"Tsk. I'm sorry, I forgot about that" sabi ni Xeanel.

Senicians? Junicians?

Oh I forgot, mga kicians lang kami

Yes, nahahati sa tatlo ang level ng mga white magicians dito sa Magica Academia.

Senicians - sila yung mga marami ng napagdaan, marami ng mission ang naranasan at sila yung mga professional na sa pagcontrol o malalakas ang mahika.

Junicians - sila yung mga may karanasan na sa mga mission at iba pa. Sila rin yung mga white magicians na napalakas ang mahika nila at malapit na maging professional.

and lastly...

Kicians - sila yung mga bago pa lang at dapat maraming malaman tungkol sa mahika. Sila yung mga white magicians na dapat turuan pa.

At kung saan, nabibilang kami.

Ang Magica Academia ay may tatlong building kung saan, sa bawat building ay nandoon ang mga Senicians, Junicians at Kicians.

Collegian Building - kung nasaan ang mga senicians.

Hician Building - kung nasaan ang mga junicians.

and lastly...

Elician Building - kung nasaan ang mga kicians na tulad namin.

Sabi ni mom, wala pang ganyan dati sa Magica Academia. Sadyang pagkatapos lang daw ng digmaan saka nagkaroon ng ganito dahil sa pagbabago ng Academia.

"Anyway, I need to sleep" sabi ko at tumayo na.

"Me too" sabi ni Bellear hanggang sa kaming lahat na.

Napailing nalang ako at pumunta na sa kwarto ko para matulog.

_________________
Kinabukasan...

"Attention Students!"

Nandito kami ngayon sa cafeteria. At usual, kumakain.

"All kicians, please go to the gym at 9:30!"

"I repeat. All kicians, please go to the gym at 9:30! That's all thank you! Enjoy your breakfast students!"

Napailing nalang ako.

Panigurado, para sa laban iyon kaya pinapapunta kaming lahat sa gym.

"Hayyss. Mamaya na! Nakakaexcite!" masayang wika ni Bellear.

"Yeah. Nakita ko sa bulletin board, yung mga sasali" sabi ni Yeoneun para mapatingin kami sa kanya.

"Ilan ang mga kasali?" tanong ni Mike

"Hmm. Sa P.O, bale apat lang kayo including you. Sa Secretary naman, apat din kami. Sa Assistant, hmm lima. Sa Vice President, tatlo kayo Xeanel. And lastly..." sabi ni Yeoneun habang tumitingin sa amin.

Nung saakin, napatingin saakin si Yeoneun dahilan mapatingin sila saakin.

"Yeah, I know. Kaming dalawa lang ni Lily ang sumali" sabi ko habang kumakain.

"Woah! kayong dalawa lang? Bakit? alam kong maraming gusto ng position na yun" takang tanong ni Mike.

"Ang sabi ng mga estudyante dito, malakas si Lily. Totally na lahat ng estudyante dito natatakot sa kanya. Pati na rin ang mga teachers and staffs kaya walang nagtangkang sumali lalo na't tatakbo si Lily bilang president" sabi ni Bellear.

"Dahil sa mission natin, hindi na natin tuloy alam ang mga nangyayari dito. Anyway, paano nila na sabi na malakas si Lily?" tanong ni Mike.

"Sa mga narinig ko, may nagtangkang lumaban kay Lily. Dahil nga bago sya dito, kaya naisipan ng mga estudyante na bigyan sya ng bad welcome kahit bawal yun dito kaya ang nangyari, nagkaroon ng laban. And guess what? nakapatay si Lily" sabi ni Yeoneun pero mahina lang ang boses nya nung na sa dulo na.

Nagulat naman kami.

"Kung ganun, diba dapat wala na sya dito? I mean, na sa ibang lugar na sya?" takang tanong ni Bellear.

"Dahil sa anak sya ng council kaya nalusutan at isa pa, nabuhay naman ulit yung napatay nya" sabi ni Yeoneun dahilan tumango kami.

"Paano?" takang tanong ni Bellear

"Dahil may gamot kaming ganyan sa Athena" sagot sakanya ni Mike.

"I see. Hindi nyo ba naisip na baka may mga masasamang nilalang na gusto buhayin ulit ang masamang nilalang?" sabi ni Bellear.

"Sa katunayan, nag-iisa nalang iyon" mahinang sabi ni Yeoneun.

That's right. Isa nalang ang gamot na iyon.

"Hindi ba dapat na sa nanay mo iyon, Seanica?" takang tanong ni Bellear.

"Yes. Yun ang pagkakaalam ko pero nawala daw ito yun ang sabi ni mom. Hindi ko alam na kinuha pala ito ng isa sa mga council" sabi ko at napakuyom.

Dapat kay dad iyon.

"Kailangan mapanagutan iyon" sabi ni Mike.

"Hindi na. Yun ang narinig ko kay mom. Hayaan nalang daw" sabi ko at napasandal sa upuan.

Nagkaroon naman ng katahimikan.

"All kicians! Please go to the gym now!"

Napatayo naman kami at pumunta na ng Gym. Nakita ko naman pati ang mga estudyante, nagsipuntahan na.

Mabilis ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa gym. Nakita namin marami naring estudyante ang nandito. Pumunta na kami sa mga kaklase namin at umupo kung saan nakaassign ang section namin. Nakita naman naming lumapit si Ma'am saamin.

"Kayo lima, doon nakayo sa baba. Doon uupo ang mga maglalaban. Nandun na rin si Ms. Collins. Good luck" sabi niya dahilan tumayo kami at magpasalamat.

Bumaba kami at umupo kung saan nakaassign ang mga tatakbuhin namin posisyon.

At kung minamalas ka nga naman, magkatabi kami ni Lily.

"Get ready, Seanica. I'll make sure that I will win this contest. So better to lose, Seanica" sabi nya saakin at ngumisi.

Tiningnan ko lang sya.

"Whatever" mahinang banggit ko.

Tsk. Hindi ko pa naman alam kung anong mechanics nito. Pasensya na, hindi ako nakinig kahapon.

"Hola kicians!!"

( Hello/Hi )

Napatingin kami sa entablado kung nasaan si HM ngayon

"This is the day where the contest will be start. I hope that this contest is the one of the most memorable to us and to make us entertain. Students! Lets begin the contest!!" masayang wika ni HM na naging dahilan para maghiyawan ang mga estudyante.

"Silent!" pagpapatahimik ni HM dahilan tumahimik ang lahat

"Candidates. Please introduce yourself to us before we start the contest" baling saamin ni HM dahilan mapatingin saamin ang lahat.

Gaya nga ng sabi ni HM. Nagpakilala kaming lahat. Matapos namin magpakilala, nagsimula na ang game.

***

"And now! For the President! We have two candidates, Lily Collins and Seanica Celestine" wika ni HM .

Naging tahimik naman ang lahat.

"This is it, Seanica!" nakangising wika ni Lily.

"Yeah, bitch. Oh! Crap that bitch! It's killer bitch. Good luck, Killer!" nakangising sabi ko dahilan matigilan siya.

"I heard that you are a killer?" malamig na sabi ko.

Nakita ko namang napakuyom sya ng kamay.

"Shut up!" galit na sabi nya at tumayo na.

Tumayo na rin ako at pumunta sa stage kung saan nandun si HM at si Lily.

"Sasabihin ko ulit ang mechanics, ok?" sabi ni HM dahilan tumango kami.

"Ok. Sa contest na ito, pwede mong gamitin ang mahika nyo pati na rin ang mga weapons nyo. May 30 mins. lang kayo para maglaban. Gawin nyo ang gusto nyong gawin pero sa larong ito, may isang babala na dapat itatak sa utak nyo. Wag pumatay. Laban lang pero walang patayan. Naiintindihan nyo?" sabi saamin ni HM.

Tumango kami. Tiningnan ko si Lily at nakita kong umiwas ng tingin.

'Remember bitch, don't kill' pagtetelepathy ko sa kanya.

Nakita kong nagulat sya pero tumingin sya saakin at tinaasan lang ako ng kilay. That bitch.

"Ok, students! The contest between them is now to start!" biglang sabi ni HM at nawala sa harapan namin.

Umatras ako ganun din si Lily.

______________________________

Third Person POV

Nagsimula na ang laban sa pagitan ng dalawa. Unang sumugod si Lily kay Seanica. Binato niya si Seanica ng maraming fire ball habang si Seanica naman, umiiwas.

28 mins...

Habang umiiwas-iwas si Seanica, gumawa siya ng fire spikes. Nagteleport sya sa likod ni Lily at mabilis na binato sakanya.

Mabilis na umiwas si Lily at mabilis nya rin sinunod ang inaapakan ni Seanica. Agad na napatalon si Seanica at gumawa ng barrier.

26 mins...

Napagulong nalang bigla si Seanica ng muntikan na syang matamaan sa phoenix ni Lily.

'She's good ah'

isip-isip ni Seanica.

'You bitch!'

galit na sabi ni Lily sa isip nya.

Tumayo si Seanica at sinummon ang sandata nya. Nilagyan nya ito ng apoy at mabilis na sumugod kay Lily.

Hindi pa sya nakakalapit kay Lily ng lusubin ulit sya ng phoenix nito kaya walang nagawa si Seanica kundi kalabanin ito.

Habang busy si Seanica sa phoenix, gumawa ng fire wall si Lily. Isang uri ng fire wall na kapag ibinato nya ito sa iyo ay siguradong masusunog ka, kahit isa kapang fire magic.

Mabilis na binato ni Lily kay Seanica ang fire wall at saktong napatay na ni Seanica ang phoenix ng makita nyang malapit na sa kanya ang fire wall

"HM, mukhang balak na naman po nyang pumatay" sabi ng isa sa mga guro ng Magica Academia kay HM.

"Don't worry. May tiwala ako kay Seanica"

Walang nagawa ang mga teacher kundi manood.

Nagulat sila sa ginawa ni Seanica.

Gumawa sya ng ipo-ipo na gawa sa apoy. Alam nyang kulang sya sa oras pero nagawa nya ito at sinalubong ang fire wall.

Nagkaroon ng pagsabog dahilan mapaubo ang lahat dahil sa makapal na usok.

20 mins...

Kahit na inuubo sila, nakarinig sila ng tunog ng sandatang naglalaban.

Malaki na ang sugat na naitamo ng dalawa dahil sa pagsabog pero hindi hadlang iyon para huminto sila.

Parehas silang nagpapalitan ng atake gamit ang mga sandata nilang may mahika.

"Hindi mo ako matatalo, Seanica!" galit na sabi ni Lily sa pagitan ng laban nila.

Hindi sumagot si Seanica bagkus nagbato sya ng fire ball kay Lily na hindi naman niya naiwasan.

Natumba si Lily dahil sa sakit na natamo nya. Huminto si Seanica para huminga saglit.

Nakita nyang nakayuko si Lily at nag-iba ang aura.

'This is bad'

isip-isip ni Seanica.

Nakita na ulit ng mga manonood ang laban dahil nawala na ang usok. Nagulat sila sa nasaksihan. Nakaupo si Lily habang si Seanica nakatayo.

Kinabahan ang lahat ng mapansin nilang nagbago ang atmosphere. Ito ang hudyat na lalabas na ang tunay na kapangyarihan ni Lily.

"This is bad"

bulong ni HM.

Gusto man nyang awatin pero naniniwala sya kay Seanica na makakaya nya ito. Ganun din ang apat na kadormmates ni Seanica.

Biglang tumayo si Lily dahilan mapaayos si Seanica.

Sa isang iglap, nakahiga na si Seanica habang nakaharang sa mukha nya ang dalawang braso nya. Nasusunog ang braso ni Seanica dahilan mapahiyaw sya sa sakit.

Lalong uminit at lumakas ang kapangyarihan ni Lily dahil sa galit kaya masusunog talaga ang balat mo kaya ganun ang nangyari kay Seanica.

Hindi pa nakontento si Lily at sumugod ulit sya pero nagulat ang lahat sa nasaksihan.
Hindi pa nakakalapit si Lily ng bigla syang tumalsik. Dahil sa pagkakatalsik nya, nauntog ang kanyang ulo dahilan maraming dugo ang lumabas doon at naging dahilan ito para manghina si Lily at mahilo.

Nagulat sya dahil nagawa syang mapatalsik ni Seanica sa ganung lakas na kapangyarihan.

Tiningnan nya si Seanica kahit blurred na ang mata nya ay nakita nya pa rin itong nakatayo, umaapoy ang katawan ni Seanica. Hindi kulay red ang apoy, kundi kahel. Kahit napakalayo nya kay Seanica, ramdam nya ang init nito.

Napakalakas.

yan lang ang maisasabi ni Lily kay Seanica.

Habang ang mga nanonood, gulat na gulat sila sa nakita. Hindi nila ramdaman ang init dahil may barrier na nakaharang kina Seanica. Hindi sila makapaniwala sa nakikita. Umaapoy sya nang sobrang lakas at sobrang liwanag ng kanyang mata. Nag-iba din ang anyo. Nakaarmor syang black na may halong red at dilaw at mararamdaman mo ang galit na nakapalibot sa kanya. Dahil sa galit, nagawa ni Seanica ipalabas ang tunay nyang kapangyarihan.

Sun

Yan ang nasa isip ng lahat. Sun ang mahika nya.

Mapanganib.

Continue Reading

You'll Also Like

307K 7.4K 49
Isang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang or...
239K 12.2K 54
Zombies eat brains, you are safe. -L.Y. Survivors VS Infected Highest rank #2 in Adventure Category.
937K 36.3K 54
Here is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? ...