TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS

By AiKUMAx

304K 10.6K 536

Panibagong kwento na naman ang haharapin ni Anica Celestine. Heto ang kwentong kung saan masaya na sana ang... More

⚠︎ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 ⚠︎
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter O3
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

4.6K 180 5
By AiKUMAx

TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 23 : First Day...Contest
______________________________

Seanica POV

Ngayong araw na ang simula ng pasok ko dito sa Magica Academia.

Nandito ako sa kwarto ko, nagbibihis. Bigla ko na namang naalala yung nangyari kahapon.

Lily Collins. That bitch! Bakit nandito sya?!

______________
Flashbacks...

"Lily Collins, the real bitch" nakangising sabi ko sa kanya.

Bigla siyang ngumiti saakin.

"Tingnan mo nga naman, nagkita ulit tayo Seanica HAHAHA!" nakangising sabi nya at lumapit saakin.

"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Bellear.

"Oh! Hi Bellear!" baling ni Lily sakanya.

Tiningnan ko lang si Bellear at tumango.

"How?" tanong nya pa.

"Ano..."

Bigla kaming napatingin kay Yeoneun

"Kasi Bellear, sa Athena Academy nag-aaral si Lily dati. Kaya magkakilala sila. Sa katunayan nga, magbest--"

"EX-bestfriend" pagpuputol sa kanya ni Lily

"Ah oo, mag Ex-bestfriend" pagtuloy ni Yeoneun.

Tumango lang bilang sagot si Bellear.

"What are you doing here?" malamig na tanong ko.

"Hindi ba obvious? Dito ako nag-aaral" sabi nya at ngumisi saakin.

Umupo sya sa isa pang single sofa.

"I'm surprised. Ka-dormmates kita. What a coincidence?" sabi nya at tumawa.

Tiningnan ko lang siya saka bumaling kay Yeoneun.

"You see, Seanica. Isa rin syang royalties tulad natin" paliwanag ni Yeoneun saakin.

"How? Dahil ba anak sya ng council ng Athena?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"I see" sabi ko nalang.

"See? Magkapantay na tayo, Seanica" sabi ni Lily at tumawa dahilan mapangisi ako.

"We're not. Isa akong prinsesa habang ikaw, isang anak lang ng council" sabi ko dahilan matigilan sya sa pagtawa at manlisik ang mata nya.

"You! Bitch!" sabi nya at tumayo.

Susugod sana sya saakin ng hindi sya makaalis sa pwesto nya. Napatingin naman sya sa paa nya dahilan mapangisi ako.

"Bellear!" galit na sabi nya kay Bellear.

"Sorry, pero hindi ko hahayang makalapit ka sa kanya o saamin" sabi nya.

Nakafroze kasi ang paa ni Lily kaya hindi nya ito maalis. Siguro sa galit, nakalimutan nyang fire ang mahika nya. Tsk, napailing nalang ako.

Hindi ko rin maiwasan mapangiti dahil nagawang i-froze ni Bellear ang paa ni Lily gamit ang mahika niyang tubig.

Tumayo na ako at umakyat sa kwarto. Bahala na sila doon.

End...
_____________


"Seanica!"

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Seanica! Tapos ka na ba? Bumaba ka na! Aalis na tayo!" rinig kong sigaw ni Mike.

Inayos ko ang sarili ko saka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko namang hinihintay nila ako.

"Let's go!" masayang wika nina Bellear at Yeoneun.

Sabay kaming lumabas ng dorm at naglakad patungong cafeteria. Nabalitaan naming may i-aannounce si HM kaya kakain nalang muna kami. Tutal may speaker doon.

"Seanica, bakit nga pala kayo naging mag-ex bestfriend ni Lily?" tanong ni Bellear habang naglalakad kami.

Tiningnan ko lang siya saka tumingin sa harap.

"Nag-away kami dahil gusto nyang sya lang ang bida sa Athena Academy. Gusto nyang sya ang mas mataas saakin pero dahil nga hindi nya ako kayang lamangan kaya ayun, umalis sya. Hindi ko alam na dito napala sya nag-aaral" sabi ko na ikinatango nila.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa cafeteria. Agad din kaming umorder ng pagkain saka kumain.

"Anong oras ba ang umpisa ng klase?" tanong ko habang kumakain.

Hindi ko kasi tiningnan ang sched.

"8 pa naman" sagot ni Yeoneun sa akin.

Napatingin ako sa relo ko. May 30 mins. pa kami.

"Attention, student!"

Napatingin ang lahat sa speaker bukod saamin ni Xeanel na kumakain lang.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na magkakaroon tayo ng pagligsahan.
Isang paligsahan na kung saan, maglalaban laban kayong mga estudyante. Hindi lahat ng estudyante ang maglalaban.
Ang mga gustong manguna sa Magica Academia ang tanging maglalaban. Kaya kung gusto nyong maging Leader sa paaralang ito o maging bahagi sa grupo kung saan, ang grupong ito ay mangunguna dito at laging ipapadala sa mission ay maaari niyong sabihin sa mga guro nyo. Sila na rin ang magsasabi ng mechanics ng magiging laban.
Good luck students! That's all. Thank you!"  rinig naming boses ni HM mula sa speaker at namatay na ito.

"Ano ba yan! Bakit kailangan pang maglaban?" nakabusangot na sabi ni Bellear.

"Malay mo, unti lang ang sasali. Saka sasali ka ba?" tanong ni Mike.

"Oo eh" sabi nya.

"Sa grupong iyon, ilang miyembro ang meron doon?" tanong ko.

"I think, lima. President, vice president, assistant, secretary, at p.o ang posisyon dito pero sa mission, captain, defensive, receiver, seer at healer" paliwanag ni Mike.

"Sali tayong lima? Sakto saatin! Ano? Game?!" excited na tanong ni Yeoneun.

"Basta ako, sasali ako. Okay na ako sa Assistant" sabi ni Bellear.

"Ako naman, okay na ako sa P.O" sabi ni Yeoneun.

"Secretary ka nalang Yeoneun, ako sa P.O" sabi ni Mike.

"Bakit?" takang taong ni Yeoneun

"Pangbabae kasi yung secretary kaya ikaw nalang" sabi ni Mike.

"Okay, sabi mo eh" sabi ni Yeoneun.

Biglang nabaling saamin ang tingin nang tatlo.

"Kayo?" tanong ni Bellear.

"Hindi ako sasali" sabi ko at tumayo.

Magsasalita pa sana sila ng tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase.

"Shit! Tara na! Dali!" biglang sigaw nilang tatlo at tumakbo. Pati yung mga estudyante dito ay nagsitakbuhan.

Nagkatinginan nalang kami ni Xeanel.

"Mga hindi nag-iisip" mahinang sabi niya na sinang-ayunan ko lang.

Sabay kaming nagteleport sa loob ng room namin.

Nang nasa loob na kami ng classroom, pumunta kami sa likod at doon umupo. Sabay kaming napatingin sa pintuan ng classroom nang makita naming nagsipasukan na ang mga estudyante, kasama na sila Bellear.

Nakita ko namang nagulat sila at lumapit saamin.

"Ang bilis nyo naman?!" gulat na tanong ni Yeoneun.

"Shit! Bakit pa ako sumabay sainyo?! Dapat pala nagteleport nalang ako!" inis na sabi ni Mike at umupo na. Ganun din ang dalawa.

Dahil sa sinabi ni Mike, nagbangayan silang tatlo.

Napaiwas nalang ako ng tingin at tumingin sa bintana.

Nakakahiya sila. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante dito.

"Aba! Wala naman kasing nagsabi sayo na sumabay ka samin!" inis na bulyaw din ni Bellear.

"Tama! Tama! Hindi namin kasalanan yun!" dagdag ni Yeoneun.

"Tsk. Basta, kasalanan nyo yun!" bulyaw naman ni Mike.

"Hindi nga!! Hindi namin kasalanan yun! Tanga ka kasi!" bulyaw naman sa kanya ni Bellear

Parang mga bata tsk.

Bubulyaw pa sana si Mike ng may pumasok sa loob at nagsalita.

"¿Qué pasa ahora?"

Napatingin ang lahat sa nagsalita. Siya na siguro guro namin.

"Nothing ma'am" sabi ng mga classmates namin.

Tiningnan ko yung tatlo ng umupo sila.

"Ano daw? Saka, ngayon lang ako nainform na pag-aralan yung spanish para maintindhan sila" sabi ni Bellear na ngayon nakaupo sa kanan ni Mike habang si Yeoneun naman ay na sa kanan ni Bellear.

Bale sya ang nasa aisle. Ako ay nakaupo sa dulo katabi ang bintana habang nasa kanang side ko naman si Xeanel na nakaupo at nasa kanan naman ni Xeanel nakaupo si Mike.

"What is happening now?  yan ang tanong ni ma'am" mayabang na sabi ni Mike.

"Wow! Marunong ka pala magspanish? Hindi ako nainform ah" sarcastic na sabi ni Bellear.

"Syempre! Pinag-aralan ko kaya yan kagabi" sabi nya.

"Todo bien, Buenos días" panimula ni ma'am.

(Ok, Good Morning)

"Buenos días, ma'am" bati rin namin

"Do we have a transferee?" tanong ni ma'am.

Tumayo ako dahilan mapatingin silang lahat saakin.

"¿Cómo te llamas?" tanong ni ma'am

(What's your name?)

"Seanica Celestine" sagot ko sa tanong nya.

"Introduce yourself, hija" sabi niya

Huminga ako ng malalim.

"Seanica Celestine, 10 years old. Princess of Athena Kingdom" pakilala ko.

"Pwede ka ng umupo"

Umupo naman ako gaya ng sabi niya. Napangisi na lamang ako ng mahagip ng mata ko siya.

Kaklase ko pala sya huh.

Lily Collins.

"Anyway, sino ang mga sasali sa paligsahan?" tanong ni ma'am habang hinahanda ang papel.

Nakita kong apat lang ang tumaas ng kamay.

Bellear, Yeoneun, Mike at si Bitch.

"Hindi ba talaga kayo sasali?" tanong saamin ni Yeoneun.

Nakita kong tumingin saakin si Xeanel bago tumaas ng kamay.

"Ikaw Seanica?" baling saakin ni Yeoneun.

Huminga ako ng malalim. May dahilan naman siguro ako para sumali noh?

Nagtaas ako ng kamay dahilan makita kong mapangisi si Lily.

"Anim lang? Wala na bang sasali?" tanong ni Ma'am ng makitang anim lang kaming nagtaas ng kamay.

"Wala ng hahabol? Ok. Anyway, tumayo kayong anim"

Gaya ng sabi niya, tumayo kami.

Natuon na saamin ang atensyon ng lahat. Tiningnan ko si Lily. Malamang tuwang tuwa na sya.

"Sige, anong position kayo? Mauna ka na, Ms. Collins" sabi ni ma'am.

Napatingin naman ang lahat kay Lily maliban sa akin.

"President po ma'am" rinig kong sagot nya. Panigurado nakangiti yan. A fake smile.

"Ok, Ms. Dela Fuente?" baling ni ma'am kay Yeoneun.

"Secretary po ma'am" masiglang sabi ni Yeoneun.

"Next, Ms. Grey?" baling naman ni ma'am kay Bellear.

"Assistant" nakangiting sabi nya

"Next, Mr. Lopez?" baling ni ma'am kay Mike.

"P.O po" sagot nya.

"Next, Mr. Forester?" baling ni ma'am kay Xeanel.

"Vice President" malamig na sabi nito.

"Last, Ms. Celestine?" baling ni ma'am saakin.

"President" maikling sabi ko dahilan makarinig ako ng 'ooh' sa audience namin.

Nakita ko namang napangiti si ma'am. 

Tiningnan ko si Lily na nanlilisik ang kanyang mga mata saakin pero agad din nya itong pinalitan ng ngisi.

"Interesting. Two candidates for president hah? Anyway, good luck"

Continue Reading

You'll Also Like

46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
9.8M 254K 66
The Doctor is out. He's hiding something
2M 71.1K 56
Ano ang gagawin mo kung humingi sa 'yo ng favor ang bestfriend mo na magpapanggap ka bilang Girlfriend ng Boyfriend niya? Papayag ka ba? Kilalanin na...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...