Adelaide's Point of View
Oops. It's Adelaide's POV again :D
* * *
Sinubukan na namin ang lahat para ma-crack 'yung code sa naka-sulat na numbers doon sa papel pero 'wala talaga.
Hindi kami naka-buo ng any words na sakaling maka-katulong sa amin dito, Kaya doon namin na-realize na mali 'yung way ng pag-crack namin ng code.
Syempre medyo malungkot ang naramdaman namin kasi umaasa kami na maka-crack namin tapos hindi pala hays.
Eh hindi nga namin mabasa ng maayos 'yung nabuong code na sinulat ni Marlo, So it means mali 'yun.
Akala ko kasi Periodic Table of Elements 'yung makaka-crack doon pero hindi pala.
Ngayon naka-upo pa rin kaming lahat dito sa sofa habang iniisip kung ano'ng way ang p'wede naming gamitin sa pagde-decipher.
"Sorry guys, 'wala talaga akong alam sa mga gan'yan kaya tutulong na lang ako kapag magtatanong kayo." Ani James.
"Ako rin, Sorry bobo here." Sambit ni Zayn.
"Apir bro!" Ani James sabay tawa sila ni Zayn.
Wow ha, Proud pa.
"Ako rin e, Hindi ko rin naman gaanong alam kung ano ang iba pang ways ng pagde-decipher ng code, Sorry rin shunga lang po." Suhestiyon ni Vane.
"Hindi porket 'di niyo na alam ang isang bagay bobo, tanga or shunga na kayo. Parang mga baliw naman 'to! Lahat tayo may utak 'no!" Poker-face na sabi ni Marlo.
"Well said, Marls. Totoo naman kasi talaga 'yung sinabi ni Marlo 'no! Ang oa ha! Kahit papa'no naman may utak kayo e mga baliw talaga 'tong mga 'to." Ani ko.
"May utak nga hindi naman gumagana." Patawang sambit ni James.
"May utak nga nakaka-lawang na naman." Isa ring pagbi-biro ni Zayn tapos sabay na naman silang tumawa witch matching apir pa, Wow ha? Proud na proud talaga! Galing naman ng talent pang-PGT ang peg.
#GoldenBuzzerNaYan
#JamesXZayn
#ProudPa
"Nakakatuwa?" Pagtataray ni Vane.
"Kaya nga, Nakakatuwa ba mga bro ha?" Tanong rin ni Marlo na seryoso.
"Ah–eh..... Sorry naman." Pag-uumanhin nilang dalawa.
Natahimik na lang muna kaming lahat para makapag-isip pa ng ibang way para ma-decipher ang code na ito.
"Uhmm... guys..." Sambit ni Zayn.
"Ano?"
"May naisip kasi ako..."
"Wow bro! Meron ka pala no'n?! Di ako na-inform ha!" Ani James sabay tawa tapos parang mga shunga kasi nagka-mayan pa.
Ugh! Ayan na naman 'yung abnormacolosis nila! Lumalabas na naman 'yung bad spirit sa katawan nila.
"Ano naman 'yun, Zayn?" Tanong ni Marlo.
"Since 'wala naman na si Lei at Kelly.."
"Ano ba 'yun? Pabitin pa kasi e, Hindi na lang diretsuhin!" Asar kong sambit.
"Wow, Ade ha? Hiyang-hiya naman ako sa'yo! Kapag nga may mga plano tayo hindi mo rin dine-deretso agad sus."
"ANO BA KASI 'YUNG SASABIHIN MO?!" Seryoso kong sambit.
"Ah–eh ano... Ililipat 'yung higaan ko sa silid nila Marlo at James doon ako sa gitna, Kasya naman kami e, Tapos ikaw doon sa silid kung nasaan si Vane tabi na lang kayo, Tapos 'yung kama mo Ade doon lang, Aayusin natin 'yung silid natin tatanggalin 'yung mga 'walang kwentang bagay para lumuwag tapos may lamesa naman d'yan e tapos kuha tayo ng isang upuan sa kusina para maging office, Doon na lang 'yung meeting place natin!" Paliwanag niya.
"Wow! Ganda ng naisip mo bro ha! Akala ko naman kung kinakalawang na talaga!" Tugon ni James.
"Good Idea..." Suhestiyon ni Marlo.
"Hmm.... Agree naman ako parang maganda nga 'yan." Ani Vane.
Napansin ko na lang na lahat sila naka-tingin sa akin ngayon ng diretso kaya agad akong natauhan, Ugh! Ako na lang ata 'yung hindi pa nakaka-sagot sa naisip ni Zayn eh alam naman nila na strikto ako kaya gusto ata marinig ang opinion ko.
Ayaw ko naman na maging malungkot si Zayn kasi parang proud na proud siya kanina i-kwento 'yung naisip niya witch matching ngiti na tila mapupunit na ang mukha.
"Hmmm.... Okay.. Pero ikaw ang mag-ayos niyan ikaw naka-isip e." Ani ko sabay tingin ng diretso kay Zayn.
"Yess!! Whooo!! Nakumbinsi ko rin siyaaa! Yes namaaaan!" Sigaw ni Zayn sabay sayaw na parang shunga sa harao namin.
"Loooll! Tara na bro! Umpisahan na natin 'yung plano mong 'walang k'wenta."
"Kapag ito nag-work ngina ka who you kayong lahat!" Proud niya pang sambit.
"Tara na kaya bro? Simulan na kasi natin dami pang dada e!"
"Ano guys? Sorry sa abala ah, Aayusin na lang muna namin ni James 'yung plano kong maganda na tiyak na magugustuhan niyong lahat." Aniya sabay papogi pa. Ew.
"Sige lang, Bro! Basta sure kang magugustuhan namin 'yan ah? Kapag hindi nako." Ani Marlo sabay tawa.
"Sige guys bye! Got to goo!" Sigaw ni Zayn at agad namang sumunod si James kaya umakyat na silang dalawa para daw sa planong naisip ni Zayn na hindi ko alam kung maganda ba ang kakalabasan.
Napa-buntong hininga na lang ako at tinignan muli ang papel na may numerong nakalagay na hawak-hawak ko pa rin ngayon.
"Sayang 'no? Hindi natin nalaman 'yung code." Nanginginayang sa sabi ni Vanessa.
"Minsan talaga kailangang paghirapan ang isang bagay kung nais mo talagang malaman or abutin." Suhestiyon ni Marlo.
"May pinagdadaanan ka? Kung meron 'wag kang humugot ng humugot, Marls." Ani ko.
"Lels! 'wala naman, Ade. Hindi naman ata 'yun hugot? Ewan ko basta sinasabi ko lang talaga ang mga salitang totoo naman kaya 'wag naman kayo masyadong oa nagpapaka-totoo lang naman ako 'no!"
"Ugh! Hayaan niyo na, Baka sakaling mamaya or bukas malaman na natin 'yan." Ani Vane.
"Bakit mamaya pa or bukas? Sana ngayon na lang kaso nga lang mali naman 'yung nagawa nating word kasi 'wala namang nabuong salita na sakaling makaka-tulong sa atin." Sambit ko.
"Napansin niyo ba guys? Parang sunod-sunod na talaga 'yung nangyayari tsaka parang sadya na ewan... Kasi no'ng una si James ang nakakita ng susi tapos ngayon 'yang papel naman." Paliwanag ni Vanessa.
"Oo nga e, Tsaka infairness.... si James lagi ang nakakakita." Ani Marlo.
"Wait, speaking of..... Susi? Nasaan na pala 'yung susi?" Dagdag ni Marlo.
"Here." Ani ko sabay turo sa lamesa.
"Ang dami namang clues na binigay sa atin, Pero onti pa lang 'yung nabubuo natin sa lahat ng 'yun." Ani Vanessa.
"Hmmm..... Oo nga e, You know what guys, Ang dami ng clues na binigay sa atin pero hindi natin malaman kung ano kaya siguro sadyang nagpapakita na 'yung mga bagay na makabibigay sa atin ng clue. Siguro sa ngayon kailangan na lang natin na alamin kung ano itong nakasulat na numbers, Pati na rin ang susing ito kung saan ba talaga 'to nararapat." Suhestiyon ko.
"How if malaman natin itong nakasulat dito? Then how if.... Malaman na rin natin kung saan nararapat itong susing ito?" Tanong ni Marlo.
"Edi maganda, Baka nga maging okay na e at baka makalabas na rin tayo dito? I don't know pero i feel na importante ang mga ito." Ani Vane.
"How if iisang clue lang ba itong nakasulat dito na numbers pati 'yung susi? Hmmm... Ugh! Masyado lang ata akong maraming iniisip ngayon pero guys. Let's just continue cracking this code." Ani ko sabay hingang malalim.
"It's okay. 'Yung unang try natin is mali, So it means sa way mga pagka-crack ng code 'yung Periodic Table of Elements is mali, so ekiss mali na 'yun." Ani Marlo.
"Ano pa ba kasi 'yung ibang way? Nakalimutan ko na talaga e! Mas okay sana 'yung dots kasi kabisadong-kabisado ko talaga 'yun. The hell pinapa-hirapan pa talaga tayo ng mga clue na 'to kahit na marami na tayong nakuha." Sambit ko.
A/N: Guys! Bukas nalang po HAHAHA! sorry hindi siya mahaba yiii~
Bukas po mahaba na pramis may kailangan lang talaga akong gawin ngayon, Pinilit ko lang 'tong tapusin ng isang oras pero hindi sapat, Thank you sa pag-uunawa. Mwah!