Ravage | SKYA book 2 [COMPLET...

By _Ve_Ran_

46.2K 1.7K 38

Everyone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts th... More

Welcome back! (MUST READ)
Prologue
1st: Party's Over
2nd: Unlabeled
3rd: Soda and Spaghetti
4th: Stain
5th: Meeting
6th: Backstage Hall
7th: Dreamland
8th: Baby!
9th: Orange Hair
10th: Casteen
11th: Nothing Changed
13th: Drop Tower
14th: I am Your Ride
15th: Slap
16th: Volleyball
17th: Flyer
18th: Detention Room
19th: Indoor Tent
20th: Photo
21st: A Prima
22nd: Unexpected Fight
23rd: Ice Cream
24th: Too Drunk
25th: Not Yet
26th: Really Over
27th: First Victim
28th: Poisoned
29th: Fake Nurse
30th: Leaf
31st: Beware
32nd: Cupcakes and Cookies
33rd: My Fault
34th: Unwelcomed
35th: Rendezvous
36th: Gianielle's Party
37th: Guest's Room
38th: Wish
39th: Anonymous
40th: Tip
41st: Kyo
42nd: Airport
43rd: The Beast
44th: Three Month Rule
45th: Piece of Paper
46th: Acceptance
47th: Meeting the Anon
48th: White Lady
49th: Halloween Party
50th: Proof
51st: Questions
52nd: She's Alive
53rd: Off to Baler
54th: The Mendez's
55th: Better without me
56th: Glitter
57th: Pest
58th: Night life
59th: Night Swimming
60th: The Game
61st: November One
62nd: Old House
63rd: No One
64th: Key Bombs
65th: Ravaged
EPILOGUE
MUST READ
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Must read!
New

12th: Carnival

611 27 0
By _Ve_Ran_


Argh! Ang hapdi ng mata ko!

Kinusot ko ang mga mata ko para mabawasan ang pagkahapdi nito nang magising ako mula sa malalim kong pagkakatulog. Dahil sa sobrang pag iyak ay inantok nalang ako bigla kanina at hindi ko na inabala pa ang sarili kong maglakad pabalik ng Inamorata building at natulog nalang dito.

Muli kong naalala ang mga nangyari kanina.

He left. It's over. Even if nothing started yet, it's over.

Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak ulit. Gusto kong sumigaw, gusto kong manakit, gustong ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko. Pero hindi ko na kaya. Hindi na kaya pa ng mata ko. Hindi na kaya ng katawang lupa ko. Pagod na pagod na ako.

Napagpasyahan ko na tumayo na at umalis na sa lugar na ito dahil mas nalulungkot lang ako sa sobrang tahimik ng paligid. Lalo ko lang nararamdaman kung gaano ako ka-nag-iisa.

Ang lugar na masaya noon pero nababalot na ng malungkot na alaala ngayon. Lugar na nagpapasaya sakin noon, sasaktan nalang ako ngayon.

Pinihit ko ang door knob ngunit hindi ito nag bubukas. I again tried to open it but it didn't open. Napipihit ko ang door knob pero hindi ko ito kayang itulak. Tila may kung anong mabigat na bagay ang nakaharang sa labas.

Damn you door! Open up!

Sinipa sipa ko ito pero kahit na ano pang gawin kong pagbubukas rito ay hindi ko ito mabuksan. Kahit itulak o hilain ko ito ay walang nangyayari.

Now I'm locked, tsk.

Sinubukan kong sumilip sa bintanang lampas sa akin. Tumalon ako ng ilang ulit para makita kung ano ang meron sa labas.

Bakit ba kasi ang taas ng bintana rito? Hindi ko tuloy makita ng maayos kung anong nasa labas.

Hindi ako tumigil sa pag talon hanggang unti unti kong napagtanto na ang nakikita ko ay mga estudyanteng nag kalat na sa field.

Inilabas ko ang cell phone ko para tignan ang oras dito at muntikan ko pang mabitawan ito dahil sa gulat ko sa oras na bumungad sa akin.

It's already 4:28?! Ang tagal ko naman atang nanatili rito? Halos buong araw pala ay nakatulog ako.

Muli akong umupo at itinuon lang ang atensyon ko sa cell phone ko. Mag titipa na sana ako ng mensahe kay Kierra na tulungan akong makalabas rito pero sakto naman ang pagkarecieve ko ng message na wala na akong load.

Okay. That's the worst timing! Argh! Isang message lang ang kailangan kong isend! Damn it! Pano ako makakalabas rito?!

Tumayo ako at muling sumubok buksan ang pinto, pero parang pinagod ko lang ang sarili ko. Para akong tumutulak ng pader.

Sa huli ay naupo lang ako at tinitigan ang pintong iyon. Ilang minuto na rin akong nakaupo lang rito. Pakiramdam ko ay lumalamig na, medyo dumidilim na rin.

Damn! Ayokong hindi makalabas dito ngayon! I'm f*ck*ng hungry and tired. I wanted to lay on my bed!

Dahil ayaw kong matulog dito ay muli akong lumapit sa pinto at pinagsisipa ito.

Damn! Why not open now door?!

"Heeellllp! May tao ba dyan?! Tulooong! " I shouted as if it was the last.

Pero kahit na gaanong kalakas na sigaw pa ang gawin ko ay walang sumasagot o tumutulong sa akin.

Wala na sigurong tao ngayon sa gym, it's nearly 5 at nilalamon na rin ng dilim ang hall dahil wala na ang sinag ng araw na nag sisilibing ilaw rito.

Damn it! Ano bang kamalasan ang meron ako?!

"Palabasin niyo 'ko ritoooooo!" I shouted in anger.

Sa sobrang inis sa pintong ito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak. Bawat pag sipa, hampas, at pag katok ko sa pinto, kasabay nito ang pag hulog ng luha ko.

Damn! I don't wanna be locked here until tomorrow morning!

Umupo ako sa tabi ng pinto at wala nang nagawa kundi ang itago ang mukha ko sa braso kong nakapatong sa aking tuhod. Madilim na at hirap na akong maaninag ang paligid ko.

Five minutes? 10 minutes? 30 minutes? I don't know. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo lang rito at walang magawa kundi ang umiyak.

Alone in the dark in the place where I got dumped and left by the person I wanted the most. Can this get any worst? Ugh!

Hinahanap na siguro ako ng mga kaibigan ko. Sana lang ay may isa sa kanila na makaisip na andito ako.

Sa gitna ng aking pag hikbi ay nakarinig ako ng kung ano sa pinto kaya naman agad akong tumayo at kumatok katok rito.

"May tao ba dyan? Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko kahit pa hirap na ako sa paghinga dahil sa sobrang pag-iyak.

Inaasahang may tao sa labas ng pintong ito. Pero nawala ang tunog mula sa labas. Siguro ay nag iilusyon lang ako.

Ugh! I think I need to sleep here. Why?!

Muli akong umupo at umiyak. I think I'm hearing sounds coming from the outside again, but I ignored it. I'm sleepy, at ayokong pagurin ang sarili ko sa pintuang iyan.

Pero mukhang mali ako...

Papikit na ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto at humampas ito sa pader sa sobrang lakas ng pag bukas rito.

Agad akong napatayo at pinunasan ang luhang hindi parin tumitigil sa pag patak.

"Ariia, " tawag niya sa pangalan ko.

He came...

Hindi ako sumagot rito at agad na lumapit sa kaniya.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong isubsob ang mukha ko sa dibdib siya at umiyak nang umiyak habang hinahaplos niya ang likod ko at inaalalayan ako sa pagtayo

"Shhhh. Enough, I'm here. " sambit nito kasabay ang pag yakap niya sa akin ng mahigpit.

Sa higpit ng yakap niya ay nararamdaman ko ang sarili kong panginginig at mas nanghihina ako. Kung hindi lang siya nakayakap ay malamang nakasalampak na ako sa sahig ngayon.

I didn't expect for this to happen.

We argued, I told him things that surely hurt him, but he's here.

"Th-thank you, Criexxen..." I cried on his chest as he hug me

**

"Sigurado ka bang hindi ka pupunta dito sa amin ni Casteen?" Tanong ni Mama na kausap ko sa telepono.

Gustong gusto kong umuwi at makipagbonding sa inyo ngayong weekend Ma. Pero hindi mo ako pwedeng makita nang ganto. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sayo pag nagkataon at ayokong sirain ang magandang weekend niyo ni Casteen.

"Hindi na muna siguro Mama. I need to finish projects, and school works. Babawi ako next time. Promise." Napahinga nalang ako ng malalim matapos akong mag sinungaling rito.

"Ok, then I'll go ahead. Bye. Finish those stuffs as soon as possible, gusto ka nang makasama ng kapatid mo" she said as we bid our goodbyes

I've never been busy when it comes to Mama, of course Casteen is now here, I will never choose anything before them, I mean, I'm not actually busy. I'm Somehow busy, pero hindi naman talaga kawalan ng oras ang rason kung bakit hindi ako lalabas ngayon ng Akademyang ito.

How can I even go out with these pair of eyes I have right now? Namamaga ang mga ito dahil sa kaiiyak. Pakiramdam ko nga ay nakapikit na ako eh.

Nakahiga ako sa couch habang nanunuod ng movie. Samantalang ang apat ay umuwi, at dadaan rin sa mall para bumili ng stocks namin for this week.

Alam na ng apat ang nangyari. I told them everything. And I said I'm fine. I wish I am.

Wala na akong balak dagdagan pa ang pagiging maga ng mata ko. Ayoko munang isipin ang mga bagay tulad non.

I'm tired crying. I missed laughing already. Tsk.

I decided to go out the building. Siguro kahit hanggang dyan lang sa tapat nitong Inamorata building. Marami namang puno roon na pwede kong pwestohan.

Hindi tulad ng weekdays na maingay ang paligid kahit sa hall o sa mismong tapat ng building. Wala gaanong estudyante dahil malamang ay ineenjoy ang labas ng gubat na ito ngayong weekend.

Umupo ako sa ilalim ng isang puno para sumilong. Kahit na tirik na tirik ang araw ay hindi ko gaanong nararamdaman ang init dahil na rin sa medyo malakas na ihip ng hangin.

"Hindi ka ba uuwi?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang isang tao mula sa likod ng puno ang nag salita.

Hindi ko ito nilingon. Sa tingin ko ay nakaupo rin siya sa kabilang banda ng puno.

"Nope." I answered plainly.

Siya kaya? Hindi ba siya uuwi? Question popped in my head but I decided to remain silent.

It's nice hearing a voice after hours of crying.

Tahimik kaming dalawa, hindi ko man siya nakikita ay sigurado akong naroon parin siya kung saan siya nakapuwesto bago pa man ako dumating.

"A-are you... Okay now?" Another question from behind.

"I don't know" mahinang sagot ko.

Sa ilang oras ay ngayon lang ulit ako hindi nagsinungaling. Tulad ng pag iyak ay nakakapagod ring mag panggap na okay lang ako kahit na ang totoo ay gusto ko paring umiyak.

"I wanted to be okay" muli kong pagsasalita kasabay ng pag pigil ko sa luhang namumuo sa ibabang bahagi ng mga mata ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makarinig muli ako ng katahimikan ngunit hindi ko ito naituloy nang maramdaman ko ang isang palad na humila sa akin patayo.

Napaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa ginawa nito. Gusto kong mag salita dahil sa ginawa niya pero walang kung anong salita ang lumabas mula sa akin.

"There's no way to be okay if you'll let yourself get bored all day. " I heard him chuckled... or smirked.

As much as I hate him being cocky, he have a point and I can't go against him with what he said.

Tuloy tuloy ito sa paglalakad samantalang ako naman ay nahihirapang sumabay sa mabilis nitong hakbang dahil kinakailangan kong itago ang mga mata kong namamaga mula sa mga estudyanteng nakakasalubong namin.

Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero nang mag angat ako ng tingin ay kita ko na sa harap ang malaking gate.

Hinila niya ako papunta sa pansamantalang parking area ng Academy at mabilis na pinasakay sa sasakyan niya.

Wala akong nagawa nang isara niya ang pinto at agad na dumiretso sa driver's seat at mabilis nitong pinatakbo palabas ng akademya ang kaniyang sasakyan.

What the hell is he doing again?

"S-saan ba tayo pupunta?" Lingon ko rito.

Tanging pag ngiti lang ang naging sagot nito sa akin. That's strange.

Hindi ko magawang mainis sa kaniya ngayon kahit pa bigla bigla nalang niya akong hinihila, dinadala kung saan at sinasagot lang ng ngiti niya. Pero kasabay ng hindi ko pagkainis sa kaniya ay hindi ko rin magawang matuwa.

Nanatili lang ang blangko kong expresyon habang nasa byahe kami. Ilang minuto na rin ako sa pag tingin sa mga building na nadaraanan namin, medyo nararamdaman ko na ang pag kalam ng sikmura ko dahil na rin sa hindi pa ako kumakain simula kagabi.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Hindi ko na pinigilan ang sarili ko sa pag tatanong muli na sinabayan naman ng tyan ko sa pag tunog.

Ugh! It's embarrassing, but I don't care. I'm hungry!

"Hahahaha. Ano? Gutom ka na? Pano ba naman, hindi ka kumakain. Tsk tsk. " iling iling nito.

Napairap at ngisi nalang ako sa pag iling niya sa akin.

Nakakapagbasa na ba siya ng nasa isip ng tao ngayon? At mamamatay na ako sa gutom, tapos tatawa tawa lang siya? Ibang klase rin talaga 'tong lalaking to.

"You didn't answer my question" muli ay umirap ako na ikinatawa niya lang ng mahina.

"Can't you see? We're here. " kasabay ng pagkasabi niya niyan ay ang pag tigil ng sasakyan.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya nang lingunin niya ako habang nakangisi ng malaki.

Tumingin ako sa labas at muling napaawang ang bibig ko nang makita ko ang paligid.

Tsaka ko lang narinig ang iba't ibang ingay mula sa labas ng sasakyan at tsaka ko lang napansin kung gaano karaming tao ang nasa paligid.

"Carnival?" Anong ginagawa namin dito? Bakit dito niya ako dinala?

"Yeah, " he genuinely smiled as he unlocked his seat belt

"let's go!" Bumaba ito at mabilis na umikot para pag buksan ako ng pinto.

Is he being serious right now?

Nanatili ang tingin ko sa mga taong dumadaan sa tapat namin. Hindi ko pinapansin ang pag bukas nito sa pinto at ang pag hihintay nito sa akin sa pag baba.

"Ano? Tara na. " pag aaya nito.

Umiling lang ako rito bilang sagot.

He can't be serious with this.

"Why?" Tanong nito.

Binuksan pa nito lalo ang pinto ng sasakyan para makalapit siya sa akin.

"I'm wearing... " I shrugged as I scanned my self.

Medyo nahiya naman ako nang pasadahan niya rin ako ng tingin na pataas pababa.

Bigla akong naconcious kaya agad kong tinakpan ang katawan ko at na agad niya namang ikinatawa.

"Hindi kita minamanyak. And so?" He laughed at me

Ugh. Hindi niya ako maiintindihan.

"Anong so? You want me to roam around wearing these? " turo ko sa manipis na pajama at makapal na loose jacket.

I'm even wearing my fluffy slippers, these should stay inside the room only.

"You have a point. " paniningkit ng mata nito nang muli niya akong pasadahan ng tingin.

"Stop looking at me like that!" muli kong pagtatakip sa sarili ko na tinawanan niya lang ulit.

Such a perv!

"There's nothing to see." He smirked and chuckled while still looking at my body

Agad ko itong tinignan ng masama na lalo niya lang ikinasaya.

"Wait for me" Mabilis nitong sambit kasabay ng sara nito ng pinto at nag lakad paalis.

"Wai..." Hindi na ako nakapagsalita dahil nag tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad.

Anong there's nothing to see ka jan?! Bw*s*t! Nothing huge, but there's still something here! Duh! At saan ba siya pupunta?

Tahimik akong naghintay sa loob ng sasakyan niya at pinanuod lang ang mga nangyayari sa labas. Ferris wheel na patuloy lang sa pag ikot ng hindi gaano mabilis, tower na unti unting umaangat kung saan nakaupo ang mga tao, roller coaster kung saan nanggagaling ang pinakamalalaks na sigaw, at mga tao na dumadaan sa paligid ng sasakyan. Masayang naglalakad kasama ang mga taong mahal nila.

People just having their normal weekend. This is so normal, yet so happy.

Sa sobrang daming pang aliw na nakikita ko sa labas ay hindi ko parin maiwasang hindi mag tanong habang naghihintay ako kay Criexxen.

Why is he so gentle? Why is he so kind? Why does he treat me like this? Anong meron? Anong kailangan niya? Is he really concern?

Argh! Damn it Ariia! He's the only person who is here for you. Stop being so mean.

Even if I don't know why, thank you Criexxen, for being here.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 1.1K 11
OR DUOLOGY BOOK 1 After living inside the school building all their lives without having the chance to see the outside world, the 4th year students n...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
59.4K 1.2K 63
GANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na...
32.4K 1.1K 58
Meet Jellal... Gwapo, mayaman, at habulin ng mga babae. However, he's an anti-social person kaya iilan lang ang mga kaibigan nya. He's the serious ty...