Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.3K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 38

102K 1.1K 87
By frappiness

CHAPTER 38

ARAW

Nandito na ako sa airport ngayon. GAAHH. Dadating na si Bubu! Naiihi ako!

"Tin? Okay ka lang?"

"O-Okay lang ako Lucy. Salamat." Nandito na rin kasi ang girlfriend ni Paul. Pati na rin yung iba pang mga pamilya at asawa ng mga officemates ni Jeff. Pero ako pa rin ang pinakaunang dumating sa airport! Two hours before the flight pa ako nandito. Baka kasi maaga silang dumating diba. Just in case!

"Pwede ko namang ireserve yung seat mo eh. Punta ka muna ng restroom." Ano ba yan, halata ba talagang naiihi ako?

"Hindi Lucy, okay lang talaga ako." Medyo nakahawak na kasi ako sa tyan ko. NAIIHI NA KASI TALAGA AKO. Seryosong naiihi. Pero kasiiii, baka mamaya dumating na si Jeff tapos hindi ko sya masalubong.

Medyo naghintay pa kami dun hanggang sa inannounce na dumating na daw ang eroplano galing London. WAAAAAHHH. Mas lalo akong naiihi! Pero syempre pinigilam ko pa rin! Hindi ako magpapatalo sa ihi na ito!

Bakit ang tagal naman nila lumabas? AAAGGGHHH. Hindi ko na kaya!

"Sige na Tin, magCR ka muna habang wala pa sila." Ang galing naman ni Lucy. Mindreader ba sya?

"Sige Lucy. Bibilisan ko lang. Sandali lang ha." Gusto ko sanang tumakbo papuntang CR kaya lang mas nakakaihi pala pag ganun. Kaya naglakad na lang ako ng namimilipit ang tyan. Huhu dapat kasi kanina pa ako pumunta.

Ay palaka. Saan nga ba ang comfort room dito? Nagtanong ako kay kuya guard at tinuro nya pa ako sa kabilang dulo ng building. Ang layo naman. Pero syempre binilisan ko maglakad. Ayoko ngang dumating si Jeff na walang sasalubong sa kanya!

Kaya lang bakit ganun. Pagdating ko pa sa CR, super haba ng pila! Lord. Mabait naman po ako eh. Bakit nyo pinaparusahan ang pantog ko? Pero syempre pumila pa rin ako. Naiihi na kasi talaga ako. Napakabagal pa umusad ng pila.

May plano na nga akong pumunta sa Men's CR at bahala na si batman, pero buti naman at nakapasok na ako sa cubicle dito! Whew! Grabeee. Ang sarap ng feeling nang nakaihi. Naghugas na ako ng kamay tapos tumakbo na ako pabalik dun sa pwesto ko. Unahan ng upuan sa waiting area yung upuan ko.

Sana nandun pa yung upuan ko at nireserve ako ni Lucy! At pagdating ko nga, nandun pa rin yung upuan ko. Kaya lang para saan pa? Eh nakatayo na lahat ng tao at kausap na ang mga hinihintay nila. NAMAAAAAAN! Dumating na sila?! Bakit pa kasi ako umihi?

Asan si Jeff? Asan si Jeff? Nakisingit ako sa mga nagyayakapang pamilya. Ano ba yan. Mas maaga pa ako dumating sa kanila pero bakit ako yung late na sasalubong? Nakita kong magkasama na si Lucy at Paul. Mas maaga rin ako kay Lucy dumating ah! Ang unfair!!!

Naghanap-hanap pa ako ulit sa paligid. Asan ba si Jeff? Hindi kaya naiwan sya ng eroplano sa London? O nahulog sya ng eroplano while on the way? HINDI PWEDE!! HINDI AKO PAPAYAG—

Hanggang sa nakita ko na sya.

Nakatayo lang sya dun sa may walang masyadong tao. Hawak ang maleta nya habang nililibot yung paningin sa paligid. Tapos titingin dun sa cellphone nya. Tapos titingin ulit sa paligid. WAAAAAH. Nandito na ang Jeff ko!

At parang sa sine lang, nagslow motion ang lahat nang mapatingin sya sa'kin. Tumigil na sya sa paghahanap sa paligid, na para bang ako lang naman talaga ang hinahanap nya kanina pa. Kinagat ko ang dila ko. Wag kang iiyak Tin! Diba nga hindi ka iiyak!

Pero kasi naman si Jeff! Ngumiti sya bigla sa'kin! Eh minsan na nga lang yan ngumiti tapos hindi ko pa sya nakita nang matagal! Pinilit kong ngumiti rin sa kanya tapos nagsimula na ako maglakad papalapit. Hakbang nung una pero tumakbo na ako.

Nung malapit na ako sa kanya, tumalon ako para yakapin sya. Ewan ko ba, malakas kasi ang tiwala ko na sasaluhin naman nya ako. At tama naman talaga ang hinala ko. Niyakap nya rin ako.

"WAAAAH! Andito ka na Bubu! Andito ka na!"

"Tsk. Hindi ka dapat tumatalon. Pa'no kung di kita nasalo?"

"Eh alam ko namang sasaluhin mo ako eh! Tsaka miss na miss na miss na miss na kitaaaa." Ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya na hindi galing sa skype! Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit na mahigpit.

"Tsk. Dapat kasi nag-iingat." Sabi nya lang pero niyakap nya rin ako ng mahigpit. Hehe. Namiss ko si Jeff! Kaya lang bigla kong naalala.

"Bubu sorry nga pala ha. Kanina pa naman talaga ako nandito eh. Ang aga-aga ko nga. Pero kasi naiihi ako kaya ayun nagCR muna ako. Pinigilan ko naman talaga eh, kaya lang hindi ko na talaga kaya."

"Mmm. Alam ko namang kahit anong mangyari, pupunta ka pa rin."

"Pupunta talaga ako Bubu! Nandun pa nga ako kanina sa unahan eh!" Ang daya talaga. Dapat ako ang unang sasalubong sa kanya. Hmph.

"Tsk. Bakit parang ang gaan mo." Nakayakap pa rin kasi ako sa kanya at buhat nya pa rin ako. Mayamaya binaba naman nya ako at tiningnan sa mukha. Tapos hinawakan ang mga pisngi ko. Akala ko naman kung anong gagawin nya pero pinisil at hinigit nya lang kasi.

"Ouch bubu. Yung pisngi ko." Bakit nya ba hinihigit-higit?

"Pumayat ka. Tsk."

"Hindi naman eh." Mabuti naman at tinigilan na nya ang pagpisil sa cheeks ko. Medyo masakit din kasi . "Ikaw nga dyan bubu, mukha kang pagod." Para kasing wala pa syang tulog.

"Ayos lang ako." Ayos lang daw eh obvious naman na pagod.

"Ah, alam ko na! Bibigyan na lang kita ng energizer Bubu."

"Tsk. Anong energizer—" Hinawakan ko sya sa mga balikat at tumingkayad ako. Tapos pinaulanan ko ng kisses ang kanang pisngi nya. Namula na naman ang tenga. Sigurado nahihiya na naman sya pero hindi naman nya ako pinipigilan. Hihi ang cute ni Bubu!

"Nakuw! Kaya naman pala gustung-gusto umuwi ni Boss e!" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Rey na nakangisi. Katabi nya rin si Bessie na nakangiti.

"Tin!" Niyakap naman ako ni Bessie kaya niyakap ko rin sya. "Parang pumayat ka!"

"Ha? Hindi naman ah. Ikaw nga Bessie parang gumanda ka." Para kasing blooming sya ngayon.

"Talaga? Salamat Tin! Kaya tayo nagkakasundo eh!"

"Bulag ka na Tin. Paano naging maganda yan eh ang taba-taba." Pang-aasar naman nito ni Rey.

"Excuse me ha! Sexy kaya ako!"

"Oo nga. Sexy naman talaga si Bessie eh." Singit ko naman. Nginitian ako ng malaki ni Bessie pero si Rey naman pabiro akong tinignan ng masama. Tapos tumawa kami. Ang cute nilang dalawa!

"Kamusta Tin, ako gumwapo rin ba?"

"Oo naman Rey! Hiyang ka talaga sa London ah." Yayakapin ko sana sya pero kamay lang nya yung binigay sa'kin.

"Shake hands na lang. Katakot si Boss eh." Kinamayan ko naman sya habang nakatingin sya kay Jeff. Haha ang funny talaga ni Rey.

"Nakwento nyo na ba nung nagwala si Boss dahil nakipagpicnic sa Tin?" Bigla namang dumating si Paul na nakangiti habang nakaakbay kay Lucy. Nginitian ko naman silang dalawa. Nakakamiss naman!

"Ay oo nga Tin! Akala nga namin kung ano na nangyari sa'yo. Nakipagpicnic ka lang pala eh." Nakangiting sabi ni Bessie

"Langya naman kasi 'to si Boss! Ang OA! Akala naman namin kung ano na— O chill lang Boss! Ikaw naman hindi mabiro." Umiwas naman si Rey sa maleta ni Bubu.

Napatingin naman ako kay Jeff. Nagwala ba sya nung nalaman nyang nakipagpicninc ako kay Andrew? Eh hindi ko naman sinasadya yun. At saka hindi naman picnic yun! Kumain lang ako ng sandwich.

"Pati nung nagwala si Boss dahil nakatulog ka Tin, at hindi ka nya tuloy nakausap sa Skype." Sabi ni Paul

"Hulk-mode nga si Boss buong araw nun eh!" Umiiling na sabi ni Bessie

"Di lang yan! Ayaw pa kumain at nakasimangot lang buong araw—" nakangisi naman si Rey.

"TSK. Hindi ba kayo titigil?" Nagtawanan naman sila. Ako naman nagtataka.

Nakatulog kasi ako isang beses kaya hindi kami nakapag-usap ni Jeff sa Skype. Nagsorry naman ako pero sabi nya okay lang naman daw. Normal lang naman sya, at hindi naman mukhang hulk-mode nung nakausap ko. Pero bakit sabi nila Paul...

"Umuwi na tayo." Sabi naman sa'kin ni Jeff kaya tumango na lang ako.

"Oi Boss sama kami! Dun na kami maghapunan sa inyo. Miss na namin luto ni Tin eh!"sabi ni Rey

"Tsk. Hindi pwede."

"Minsan lang naman Boss!" Lumapit si Bessie kay Jeff.

"Tsk. Dalawang buwan na tayo magkakasama. Hindi pwede."

"Okay lang naman Tin diba? Sa inyo na lang kami kakain?"lumapit naman si Paul sa akin.

"Huh? Oo naman Paul."

"TSK." Tiningnan naman ako ng masama ni Jeff. Hala. Okay lang naman sa'kin talaga. Pwede naman ako magluto para sa madami.

"Pa'no ba yan Boss, pwede raw. Edi sama na kami nyan." Tumawa naman si Lucy sa sinabi ni Paul. Ano namang nakakatawa dun?

"Pwede ba akong sumama Tin?"

"Syempre naman Lucy." Mabait naman sya.

"HAIST!" Tapos naglakad na si Jeff. Hala galit ba sya? Sumunod na lang kami sa kanya habang kinukulit ako nila Bessie at Rey. Hmm, parang may something sa dalawang 'to. Maitanong nga kay Anj.

Parang galit nga hata si Jeff. Kahit sa kotse hindi ako masyado kinakausap. Siguro kasi kinakausap ako ng todo nila Paul. Kaya syempre, hindi na sya makasingit para kausapin ako. Pagdating sa bahay, umakyat agad sya sa kwarto nya. Ako naman nagluto na. Gabi na rin kasi.

Tinulungan ako ni Bessie at Lucy. Sina Rey at Paul naman binuksan yung TV at nanood hata ng basketball. Nung nakapaghain na kami, tinawag ko na si Jeff para bumaba. Hmm, parang hindi nya pa rin ako pinapansin. Kahit ang ingay sa table tahimik lang sya. Kaya syempre dapat bumawi ako.

"Ito Bubu, kumain ka nito ng madami ah. Rich in vitamins ang mga gulay." Nilagyan ko sya ng madaming chopsuey sa plate nya.

"Tsk. Hindi ko mauubos yan."

"Kaya mo yan Bubu. Dapat madami kang kainin kasi lagi ka nang pagod sa trabaho eh."

"Ikaw ang dapat kumain. Ang payat mo." Tapos nilagay nya sa plate ko ang ibang nilagay ko sa plate nya. Actually parang ang dami nga ng nilagay nya.

"Eh bubu, baka ako naman yung hindi makaubos nyan."

"Tsk. Ubusin mo yan. Hindi ka dapat magkasakit."

"Pero hindi naman ako magkakasakit eh."

"Hindi talaga. Hindi ko hahayaan."

Silence. Natouch kasi ako sa sinabi ni Jeff. Ang sweet nya! Kaya lang bakit napatahimik din ang lahat? Tiningnan ko ang mga tao sa lamesa at lahat sila nag-iwas ng tingin sa'kin. Pero lahat din sila nakangiti.

"Gumaganun na ngayon si boy pick-up!" Hinampas naman ni Bessie ang braso ni Rey.

"Wag ka nga maingay. Panira ka ng moment."

"O ito Lucypie, kain ka ng madami ha. Ayoko magkasakit ka." Sabi naman ni Paul habang nilalagyan din ng chopsuey yung plato ni Lucy. Tawa lang naman ng tawa si Lucy.

"TSK. UMALIS NA NGA KAYO!" Hala si Jeff! Todo namumula ang tenga.

"Di pa nga kami tapos kumain Boss!" sabi ni Bessie

"Masyado kasing hayok si boy pick-up na masolo si Neneng B!"Tumatawa naman tong si Rey ng wagas.

Wagas din tumawa si Paul. "Benta yun pare!" Nag-apir pa sila ni Paul.

"BILISAN NYO NA NGA KUMAIN! TAPOS UMALIS NA KAYO! HAIST!" Hala si Jeff. Naninigaw na. Pero hindi pa rin maawat ang pagtatawanan ng madlang people.

Nung medyo tapos na kami kumain, bigla ko naman naalala na nagbake nga pala ako ng cake kaninang umaga. Alam ko kasing dadating na si Jeff kaya nagprepare talaga ako!

"Gusto nyo ba ng cake? Meron akong ginawa dyan."

"Yun o! Ayos yan Tin! Gustung-gusto ko yan!" Sabi naman ni Rey. Tapos nag-agree din yung iba.

"Ah okay. Sige wait lang, kunin ko sa ref—" Tatayo na sana ako pero hinigit ni Jeff yung arm ko kaya napaupo na lang ulit ako.

"Tsk. Uuwi na sila."

"Kakain pa kami ng cake, boss. Diba Tin?" Sabi ni Paul habang nakangiti.

"Huh? Ah oo naman. Kukunin ko na nga sana sa ref eh." Sabi ko habang nakatingin kay Jeff. Pwedeng pakitanggal yung hawak nya sa'kin? Kukunin ko yung cake. Ayaw nya pa rin kasi ako paalisin.

"Bibilhan ko na lang kayo ng cake bukas. Tsk. Lumayas na kayo."

"Gusto namin kumain na ngayon ng cake, boss." Nakangisi pa si Rey.

"TSK. Hindi nga pwede. Aalis na kayo."

"Hmm. Dito na lang kaya ako matulog. Parang ang porma kasi ng bahay mo boss. Okay lang naman Tin diba?" nakangisi naman tong si Paul

"Huh? S-Sige. Okay lang naman." May extra room naman kami dyan. Kaya lang si Jeff. Parang nagiging hulk na talaga! Ang sama na ng tingin kay Paul.

"Ui tama na nga yan! Wag nyo na asarin si Boss." Sabi ni Bessie tapos tumayo na. "Halika Tin, tulungan na kita magligpit. Tapos alis na kami pagkatapos."

"Alis na agad? Dito muna tayo!" sabi ni Rey

"Ayoko nga. Lumalabas na pangil ni boss o. Baka mangagat na yan mamaya."

Tinulungan din kami ni Lucy sa pagliligpit. Yung mga lalake naman naiwan sa sala. Para ngang may naririnig akong ingay sa living room, pero sabi nila Bessie wag ko na lang daw pansinin. Hindi naman siguro sila magkakasakitan diba?

Nang matapos, hinatid na namin sila sa pinto. Ayaw pa nga rin umuwi nina Rey at Paul.

"Dito na lang din kaya ako matulog. Ayos lang naman Tin diba?"

"Okay lang din naman Rey. Tabi na lang kayo ni Paul sa kwarto."

"Yun naman pala eh! Tara Rey pare, dito muna tayo—"

"TSK. UMALIS NA KAYO! ALIS!" Tinulak-tulak sila ni Jeff palabas ng pinto. Sina Bessie kasi kanina pa nasa labas. Nagbabye ako sa kanila then at last, napalabas din sila ni Jeff. Narinig ko pa nga silang nagtawanan. Nagbuntung-hininga naman si Jeff nung nakalabas na sila.

"Jeff? Okay ka lang?" Tumingin naman sya sa'kin nang parang naiinis.

"Tsk. Bakit ba ganyan ka?"

"Huh?"

"Haist!" Sabi nya lang tapos tumalikod na at umupo dun sa sofa. Binuksan nya ang TV at naglipat-lipat ng channel. Sinundan ko naman sya at umupo sa tabi nya. Bakit ba sya naiinis?

"Uy bubu. Sorry na. Wag ka na magalit." Hmm. Bakit ba sya nagagalit?

"Tsk." Naglipat-lipat lang sya ng channel. Hindi ako pinapansin.

"Sorry na o. Wag ka na mainis." Pero ano ba kasing ginawa ko? Kinukulit ko sya pero hindi naman nya ako kinakausap. Hala naman si Jeff. Kakauwi pa lang nya, magkaaway na agad kami? Inagaw ko ang remote at pinatay ko yung TV. Bakit kasi mas gusto nya pang tingnan yung TV?

"Tsk! Bakit mo pinatay?" Ayan! Nakatingin na sya sa'kin! Yes!

"Eh bakit hindi mo kasi ako kinakausap?"

"Akin na nga yang remote!"

"Ayoko nga. Sabihin mo muna kung bakit ka galit."

"HINDI AKO GALIT! TSK!"

"Eh bakit ka nakasigaw kung hindi ka galit?"

"HINDI AKO NAKASIGAW! HAIST!"

"Hindi daw."

"WAG MO NA NGA AKO KAUSAPIN! AYAW MO NAMAN AKONG MAKASAMA DIBA?! TSK!" Tapos nag-iwas sya ng tingin at nagcross arms. Tampururot!

"Sino ba kasing nagsabi na ayaw kitang makasama?"

"TSK!" Hindi pa rin sya nakatingin sa'kin. Hmm. Kahit anong isip ko, wala naman akong sinabi na hindi ko sya gusto makasama diba? Ito talaga si Jeff. Pinoke ko naman sya sa arm.

"Sorry na Bubu. Wag ka na magtampo." Sinundot sundot ko lang siya.

"Wag ka nga magulo!"

"Sorry na kasi. Wag ka na magalit. Gusto naman talaga kita makasama eh." Poke lang ako ng poke..

"Tsk. Wag mo nga ako tusukin."

"O sige hindi na. Basta wag ka na din magalit. Ha? Ha? Bubu, wag ka na magtampoooo." Kinulit-kulit ko pa sya at parang mukhang hindi na sya masyadong naiinis. Tumitingin na rin sya sa'kin. "Hindi ka na galit diba? Diba bubu? Diba?"

"Pag-iisipan ko muna."

"Wag mo na pag-isipan Bubu! Bati na tayo. Bati na tayo, okay? Yieee. Ngingiti na yan. Ngingiti na."

"Tumigil ka nga." Pero parang pangiti na sya o!

"Ang gwapo talaga ng bubu ko! Lalo na pag nakangiti. Dali, smile na! Yieee, smile na! Ngingiti na yan! Yun o! Ngumiti na! Yieee."

"Tsk. Hindi ako ngumiti."

"Woooh. Hindi raw. Nakita ko yung ngipin mo eh! Ibig sabihin nagsmile ka."

"Hindi nga!" Ito talaga si jeff. Masyado defensive.

"O sige na, hindi na po. Pero bati na tayo diba?"

"Hindi rin."

"Hala! Ngumiti ka na naman Bubu eh. Ibig sabihin hindi ka na galit. Tsaka nagsorry na naman ako diba?"

"Kulang pa."

"Kulang pa yung sorry ko?" Ilan ba gusto nya?

"Energizer. Kulang pa ng energizer."

"Ehh?" Energizer? Tumingin naman sya sa'kin. Tapos nag-iwas ng tingin.

"TSK! Wag na nga!"

"Huh? Teka bakit ano ba yun bubu— Ah! Energizer! Gusto mo ng energizer??" Nako. Energizer lang pala eh! Kaya pala namumula ang tenga. Pabor yan sa'kin! Madami akong baon na halik dito!

"Wag na. Ayoko na pala."

"Ah, okay." Pabago-bago naman sya ng isip. Tiningnan naman nya 'ko ng masama.

"Tsk. Naniwala ka agad na ayoko nga?!"

"Ummm, bakit gusto mo ba?" Sabi nya ayaw nya pero gusto nya naman pala. Ano ba yan ang gulo.

"WAG NA NGA! HAIST—" Kiniss ko sya sa cheek. Patayo na sya kasi kanina sa upuan. Pero ngayon mukhang wala naman syang balak tumayo.

"Ayaw mo ba talaga bubu?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Ang cute kasi nya. Namumula yung tenga. "Pa'no ba yan, silence means yes eh. Kaya bibigyan na lang kita ng madaming-madaming energizer!"

Naglean ako sa kanya dahil hahalikan ko na sya sa cheek. Pero ang bilis ng mga pangyayari. Bigla naman kasi syang humarap sa'kin kaya sa lips ko sya nahalikan. Pero biglang nag-iwas naman sya agad ng tingin.

"Sinasadya mo ba yun?"

Hala! "Ui bubu hindi ko sinasadya yun ah! Ikaw kasi bigla kang lumingon eh." Sa lips ko tuloy sya nahalikan. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero kasi baka isipin nya na taking advantage ako! Pero sabagay, taking advantage talaga ako.

"Fine. Ulitin mo na lang." Hahalikan ko na sana sya ulit sa pisngi, pero bigla ulit syang lumingon. Nagtama na naman tuloy ang mga labi namin.

"Tsk. Sinasadya mo talaga."

"Ikaw naman yung lumilingon Bubu eh! Hindi ko yun kasalanan!"

"Hindi ako lumilingon." Hindi raw! Kiniss ko ulit sya pisngi pero tingnan nyo! Lumingon sya ulit! Kaya nahalikan ko ulit sya lips nya. Hindi ko naman talaga yun sinasadya!

"O tingnan mo Bubu! Ikaw talaga yung nananadya...." Hay nako. Kung ganito lang din naman ang gusto nyang mangyari, edi sana kanina pa nya sinabi. Namiss ko ang kiss ng Bubu ko! Napapikit naman ako sa ginawa nya. Hinahalikan na kasi nya ako sa mga labi.

Kaya lang grabe. Nagsisimula pa lang kami, hindi na ako agad makahinga. Kung makahalik naman kasi si Jeff parang wala ng bukas! Hindi naman sa nagrereklamo ako ulit ha. Pero pwedeng time first lang? Hindi kasi ako makahinga.

"Jeff sandal " Dahan-dahan ko naman syang tinulak ng konti kaya napatigil sya. Tumingin naman sya sa mga mata ko.

"Bakit?"

"Umm... kasi... ano eh..." Paano ko naman sasabihin na hindi ako makahinga sa halik nya kaya dapat dahan-dahan lang? Eh ang lapit pa nga ng mukha nya sa'kin. Paano ko na lang yun sasabihin?? Kumunot naman yung mga kilay nya.

"Ayaw mo bang halikan kita?"

"Huh? Hindi ah! Gustung gusto ko nga eh— wahh!" Bigla naman akong hiniga ni Jeff dun sa sofa. Ito na naman po ang puso ko, todo tibok na naman. Ang lapit naman kasi ni Jeff.

"Tsk. Kung ganun, halikan mo na lang din ako." Ilalapit na naman sana nya sa'kin ang mga labi nya pero pinigilan ko ulit s'ya.

"Uhm, ano kasi Jeff eh. Wait lang."

"Bakit na naman ba? Tsk." Naku naman. Naiinis na ba sya.

"Kasi bubu... ano kasi eh." Ano ba yan. Nahihiya naman ako sa kanya. Nakatingin lang kasi sya sa'kin eh. Paano ko ba 'to sasabihin?

"Ano nga?!" Patay. Naiinis na nga. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Kasi Jeff, pwedeng dahan-dahan lang? Nauubusan kasi ako ng hininga eh." Nakapikit pa rin ako. Nahihiya kasi ako sa kanya. Ano ba yan.

"Pfft." Teka nga. Pinagtatawanan ba nya ako? Minulat ko naman ang mga mata ko. Nagpipigil nga sya ng ngiti. Hmmpphhh. Ang hirap kaya sabihin nun!

"Ikaw Bubu ha! Bakit ka tumatawa?" Mukha namang pinipigilan nya ang sarili nyang ngumiti.

"Hindi ako tumatawa."

"Anong hindi. Pinagtatawanan mo ata ako eh!" Ito talaga si Jeff! Eh hindi naman talaga ako makahinga kanina!

"Sorry. Namiss kasi kita." Hinalikan naman nya ako sa noo. Sa ilong. At nang sa mga labi na, hindi ko na sya pinigilan. Misan lang magsorry si Jeff! Minsan lang din magbitiw ng mga matatamis na salita. Makakatanggi pa ako nyan?

Pero infairness naman, dahan-dahan na ang paghalik nya sa'kin ngayon. Kaya mas feel na feel ko naman. Pinikit ko na ang mga mata ko and I started responding to his kisses. Miss na miss ko talaga si Jeff. Please please please. Wag na syang umalis ever. Hindi ko kaya na wala sya—

Bigla namang tumunog ang door bell.

Ehh? Napabukas naman ang mga mata ko. Gabi na ah. Sino pa kaya ang dadalaw sa amin?

Grabe naman ang pagdodoorbell! Pero si Jeff parang wala pa ring naririnig. Hinahalikan pa rin nya kasi ako. Pero patuloy pa rin yung pagtunog ng doorbell. Mayamaya pa, hinahalikan na nya ako sa leeg. Hala naman! Pero kasi may bisita kami eh!

"Bubu..."

"Hmm?" Patuloy pa rin sya sa paghalik sa leeg ako. Naman.

"Uhm, w-wala ka bang naririnig?" Todo doorbell na kasi yung tao sa labas.

"Wag mo na yun pansinin." Tapos hinalikan nya ako ulit sa mga labi. Wag kang ganyan Jeff! Hindi ko na talaga yan papansinin pag nagkataon! Napapikit na ulit ang mga mata ko kaya lang biglang tumunog ang phone.

"Jeff sandali lang."

"Tsk. Ano na naman?"

"Y-Yung phone kasi eh. T-Tapos may nagdodoorbell pa. Baka importante." Please Jeff. Wag mo na ako halikan ulit. Makakalimutan ko na naman ang mga kailangang gawin. Buti na lang tumayo na sya at nagpunas ng mukha. Umupo naman ako ulit sa sofa.

"Haist! Bakit ba ang daming asungot?!" Pero pumunta pa rin sya dun sa telepono at sinagot nya. Medyo lumulutang pa rin ako kaya inayos-ayos ko muna ang buhok ko habang naglalakad papunta sa pinto. Panigurado namumula pa rin ako nito eh!

"Hay. Ang tagal Teeny Weeny ha." Pansinin yong tyan ni Anj please

"Anj? Kev? Bakit andito kayo?"

"Manininggil." Sabi ni Kev sa phone nya tapos binaba nya ito at kinindatan ako.

"Sakto talaga tayo babe ng dating. Namumula pa si tin o."

"Pasensya ka na Tin. Hindi naman talaga kami sa'yo gumaganti." Kumindat pa siya.

"Huh?" Ano bang sinasabi ng dalawang 'to?

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba." Nasa likod ko na pala si Jeff. Pinapasok na namin sila at pinakain ko sila nung cake ko. Si Jeff mukhang badtrip pa rin. Sorry bubu! Mayamaya, hinila naman ako sa kusina ni Anj at naiwan naman sina Jeff at Kev. Sabi kasi ni Anj, iwan daw muna sila.

"Psst Teeny Weeny. Anong kalandian ang ginagawa nyo kanina ni jeff? Ikeee!"

"Ui Anj! Wala kaming ginagawa ah! Ikaw kung anu-ano iniisip mo."

"Ahsus! Humahaba na ilong mo o!"

Hinawakan ko naman bigla ang ilong ko. "Hindi naman humahaba ah— Aray!" Ano ba yan si Anj, nambabatok na naman!

"Hay nako Tin! Ang gulo mo talaga kausap!"

"Hindi naman. Ui ano Anj, kamusta na si Kevin Jr? Lumalaki na yung tyan mo!!!" Hinawak-hawakan ko naman yung tyan nya. May umbok na!!!!

"Hoy ah! Hindi Kevin Jr pangalan nyan. Over my sexy body."

"Naks! Ikaw na Anj ang sexy. Ikaw na talaga!"

Mayamaya, lumabas na rin kami dun sa dalawang lalake. Si Jeff badtrip pa rin yung itsura. Si Kev naman nakangisi. Ang saya masyado ah.

"Bakit ang laki ng ngiti mo Kev?"

"Syempre! Nakasingil na 'ko eh. Ang hirap din bantayan ng mga dyosa." Kumindat pa siya.

"Tsk."

"Oi yung akin? Asan na?" Huh? Pati si Anj din? May nilabas naman na malaking paper bag si Jeff. Tapos binigay kay Anj. "Ayan. Magkakasundo tayo pag ganyan ka lagi Jeff." At ang saya nila ulit dalawa ni Kev. Ano bang meron?

Ayun, kwento-kwentuhan. Tapos umalis na rin silang dalawa mayamaya. Pero nag-iisip pa rin kasi ako. Bakit si Anj at Kev may pasalubong galing kay Jeff? Eh ako wala. Ang daya naman!

"Bakit ang tahimik mo?"

"Huh? Hindi wala naman bubu." Pumunta sya sa ref para kumuha ng tubig. Ako naman umupo sa dining room. HMMM. Hindi kaya nakalimutan nya lang ako bigyan ng pasalubong? Baka may binili naman talaga sya, pero nakalimutan nya lang ibigay!

"Pagod ka na? Gusto mo na magpahinga?" Tanong nya sa'kin habang umiinom ng tubig.

"Huh? Okay lang ako Jeff." Ano, itatanong ko na ba? Goraaaa. "Uhm, bubu? Meron ka bang nakalimutan?"

"Hmm?"

"Alam mo na. Since nagpunta ka sa London. Wala ka bang nakalimutan?"

Nakakunot naman ang noo nya habang nakatingin sa'kin. Halaaaaa! Wala ba talaga syang pasalubong para sa'kin? Eh bakit sina Kev at Anj meron. Tapos ako wala. Ganyan ka Jeff! Tumayo ako at magdadrama na lang sa kwarto. Ang unfair, bakit wala akong pasalubong.

Binaba naman nya ang baso nya tapos hinawakan ako sa arm para pigilan ako umalis. "May nagawa ba ako?" Hindi nya ba talaga alam? Nagpout ako.

"Ganyan ka Jeff. Ang unfair mo talaga!"

"Tsk. Bakit ba? Anong ginawa ko?"

"Hindi mo talaga alam? Nakakainis ka naman bubu eh!" Tinanggal ko ang kamay nya sa arm ko. Pero hinawakan nya ulit.

"Bakit ka ba galit?"

"Wala kasi akong pasalubong eh! Wala ka man lang binili para sa'kin. Tapos sina Anj at Kev, meron. Ang daya mo naman Bubu!" Nagpout ako ulit. Naman eh!

"Sino bang nagsabi na wala akong pasalubong sa'yo?!"

Nanlaki naman yung mga mata ko. Tapos ngumiti ng napakalaki! "Talaga? Ibig sabihin may pasalubong ka din sa'kin Bubu?? WAAAHHHH. Akin na, akin na!"

"Tsk. Mamaya na lang."

"Ngayon na lang!! Yung kina Anj nga binigay muna eh."

"Bag at sapatos lang naman kasi ang pinabili ni Anj."

"Eh yung kay Kev?"

"Ginto."

"Huh? Binigyan mo sya ng ginto??" Ang yaman naman ni Jeff.

"Tsk. Ninakaw daw kasi ng holdaper."

"Ehh?"

"Wala. Tsk. Basta mamaya ko na lang ibibigay yung sa'yo."

"Ano ba yan, pabitin ka naman bubu eh! Ayaw mo ba talaga ibigay ngayon?" Pinikit-pikit ko naman ang mga mata ko. Ayan Jeff ha, nagpapacute na ako. Pleaseeee.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan."

"Pleaseeeeeee." Nagpout pa ako.

"Tsk. Hindi ako naapektuhan." Hindi raw. Eh bakit namumula yung tenga nya? Lumapit naman ako sa kanya at pinatong ko ang mga kamay ko sa dibdib nya. Nakita kong ginawa 'to ni Anj dati kay Kev. Effective kaya? Parang hindi na kasi sya humihinga.

"Ibigay mo na Jeff. Sige na naman o." Sabi ko sa malambing na boses. Pinulupot ko rin yung mga kamay ko sa leeg nya. Iniwas naman nya ang ulo nya sa'kin. Hindi ba talaga effective?

"Lumayo ka nga." Ayoko nga. At saka hindi naman nya ako nilalayo sa kanya.

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya. Tapos bumulong. "Sige na bubu. Ibigay mo na sa'kin yung pasalubong ko. Please?"

"TSK! Gumagaling ka na."

"Huh?" Anong gumagaling? Sa pagapacute ba? Gumagaling na ba ako sa pagpapacute? Mukhang oo. Hinawakan nya rin kasi ako sa bewang tapos nilapit sa kanya ng sobrang lapit.

"Ikaw nagsimula nito. Kaya wag mong sasabihing dahan-dahan lang."

"Ehh? Ano bang—" Hinalikan na naman nya ako. Ano ba yaaaaan. Everytime ginagawa nya yan, lumalambot ang mga tuhod ko at nawawala sa wisyo. Hindi pwede. Kailangan ko pa makuha ang pasalubong ko! Nilayo ko naman ang ulo ko.

"Ops bubu!"

"Tsk. Ano na naman?!" Galit agad?

"Ibigay mo kasi muna sa'kin yung pasalubong ko. Sige na, sige na." Excited na talaga kasi ako eh! Ano kayang ibibigay nya sa'kin? Bag? Damit? Chocolate? Waaa. Kahit nga keychain lang yan, excited pa rin ako! Galing kay Jeff eh.

"Haist! Alam mo bang kailangan ng mga lalake ng tyempo?! Tsk. Halika na nga! Kukunin ko!" At hinigit naman nya ako paakyat. Wow! Ibibigay na nga nya! Pinapasok naman muna nya ako sa kwarto ko, kasi kukunin lang daw nya sa mga gamit nya yung pasalubong ko. Waaa. Ako na ang excited!

Habang hinihintay ko sya, nagshower muna ako at nag-ayos ng sarili. Alam nyo naman! Panigurado dapat i-kiss ko yun kapag binigay nya na sa'kin yung pasalubong ko. Yehey! Binilisan ko lang naman magshower tapos nagpalit ng pantulog. Nagtoothbrush na rin.

Paglabas ko nga lang ng CR, nakita kong nakaupo na si Jeff sa kama ko. Kaya lang mukhang nakasimangot sya habang nakatulala. Hala may nangyari ba sa pasalubong ko? Hindi naman nya naiwan diba? Hindi pwede.

Lumapit naman ako sa kanya. "Bubu? Nasa'yo pa rin naman yung pasalubong ko diba? Hindi mo naman nawala diba?" Pero bakit kasi wala syang hawak na paper bag? Nawala nga hata nya.

"Hindi ko nawala." Salamat naman! Kaya lang bakit parang malungkot pa rin sya? Tapos nakatulala pa rin. Tiningnan ko naman kung saan sya nakatitig and BOOM! IT BECAME KOKO CRUNCH! Joke lang! pero seryoso nagpanic ako.

Kasi naman eh. Nakatingin sya dun sa vase sa bedside table ko. Eh nakalagay dun sa vase ang flowers na pinadala sa'kin ni Andrew mula sa garden nila. Hala naman! Bakit ba hindi ko yan tinanggal bago dumating si Jeff! Nakita pa tuloy nya!

"Uhm, Jeff. Hindi ko naman dapat ilalagay sa vase yan eh. Pero kasi diba, wala namang kasalanan yung flowers. Naawa naman ako sa kanila. Hindi ko naman sila gusto kunin, pero kasi ayoko namang iwan sila sa tapat lang ng pinto—"

"Yung phone mo."

"Ehh?" Tumingin naman sya sa'kin.

"Tumutunog yung phone mo."Ay oo nga. Tumutunog nga. Todo explain kasi ako.

"S-Sige wait lang." Kinuha ko naman ang phone ko sa bag.

Calling: Tita Mariel.

Bakit naman ako tinatawagan ng mommy ni Andrew? Tumingin muna ako kay Jeff na nakatitig pa din dun sa vase. Dapat magsorry ako sa kanya mamaya. Sinagot ko muna ang cellphone ko.

"Hello po tita?"

"Tin iha. How are you? Namimiss ka na namin dito sa bahay."

"Ah, salamat po tita. Okay naman po ako." Pumunta muna ako dun sa may bintana at dumungaw palabas. Tahimik na ang street namin. Panigurado natutulog na ang mga kapitbahay. "Bakit nga po pala kaya napatawag?"

"Nothing much iha. I just want to ask about the painting? Natapos mo na ba?"

"Ah, opo tapos na po. Ipapadala ko na lang po sa inyo."

"Okay Tin. Ipadala mo na lang dito. Ah wait, Andrew will pick it up na lang daw. Pupuntahan ka na lang daw nya tomorrow?"

"Eh?" Bakit naman kukunin pa nya? Pwede ko namang ipadala na lang.

"Hello Tin?"

"Andrew?" Hala. Bakit binigay ni tita Mariel yung phone sa kanya?

"I'll pick the painting na lang from your shop tomorrow. Okay lang ba?"

Actually ayoko. Baka kasi magalit pa si Jeff. "Pwede ko namang ipadala na lang Andrew eh. Hindi mo na kailangan kunin pa ng personal."

"No, it's okay. Gusto ko rin sana sa'yo ibigay yung flowers eh. Ang dami na kasi ulit flowers na tumubo dito sa garden."

Ayoko rin nung mga flowers nya. Magagalit din si Jeff. "Wag na Andrew, okay lang naman eh."

"Sige na. I insist. I will treat you for lunch if pumayag ka. Pwede kong kunin yung painting tapos maglunch muna tayo bago ako umalis. What do you think? .... Tin? Hello? .... Nandyan ka pa?"

Nandito pa ako. Pero hindi nga lang makapagsalita. Kasi naman. May kinabit na necklace sa akin si Jeff. Tapos niyakap nya pa ako mula sa likod at pinatong ang baba nya sa balikat ko. Binaba ko na lang tuloy ang phone. Sorry Andrew. Hinawakan ko naman ang kwintas ko. May pendant syang hugis araw.

"Nagustuhan mo ba?" Nagustuhan? Nagustuhan?! Eh hindi na nga ako makapagsalita dito dahil sa sobrang touched eh. Ang sweet talaga ni Jeff. Ang ganda ng pasalubong nya sa'kin.

"Syempre naman. Ang ganda." Hinahawakan ko pa rin yung pendant. Ito ang unang regalo sa'kin ni Jeff. Napakaprecious nito para sa'kin. Naramdaman ko namang humigpit ang yakap nya.

"Alam mo ba kung bakit araw?"

"Hmm?" Yung pendant ba? Oo nga 'no, bakit nga ba may pendant na hugis araw yung binigay nya sa'kin. Siguro kasi amoy araw ako? Hindi naman siguro! Mabango naman ako ah.

"Nung nasa London ako, naalala ko ulit kung paano ako namuhay nung hindi ka pa dumadating. Naalala ko ulit kung gaano kalungkot, kung gaano kadilim ang buhay ko. Buti na lang dumating ka. Para kang araw na nagbigay ng liwanag sa akin."

AWWWW. Yun ang pinakasweet na sinabi sa akin ni Jeff sa tanang buhay ko!. Ang sweet nya naman! Alam kong mahirap sabihin para sa kanya yun. Yan pa, eh nahihirapan yan lagi sabihin kung anong nararamdaman nya. Magsorry nga lang nahihiya na yan.

Pero hindi ako makapaniwala. Yung taong dati pinapangarap ko lang. Yung taong dati tinitingnan ko lang sa malayo. Pero ngayon, sinasabi sa'kin na masaya sya at dumating ako sa buhay nya? Hinawakan ko rin ang arms nyang nakapulupot sa bewang ko.

"Thank you bubu. Basta kung ako ang araw, ikaw naman ang...." Hmm, ano nga ba?

"Ang ano?"

"Umm, ikaw pa din si Jeff." Yung masungit, seloso, pero napakasweet kong si Bubu. Dapat hindi sya magbago.

"Tsk. Bakit naman?"

"Dapat ikaw pa rin si Jeff. Para may dahilan sumikat ang araw everyday. Kasi kung wala ka, edi magiging matamlay yung araw."

Naramdaman kong parang ngumiti sya. Tapos humigpit pa lalo yung yakap nya sa'kin. Grabe. Pakiramdam ko, kahit ano pang mangyari sa amin in the future, hinding-hindi ko makakalimutan ang sandaling ito. Kung pwede patigilin ang oras, dito ko ititigil. At kung makakaimbento naman ng time machine in the future, sa sandaling ito gusto ko bumalik.

Nagyakapan lang kami habang nakatingin sa bintana. Pero mayamaya, naramdaman kong hinahalikan na ni Jeff yung balikat ko. Yung leeg ko. Hanggang sa hinarap na nya ako sa kanya para halikan sa mga labi. Feel na feel kong namiss nya talaga ako. At sana, maramdaman din nya sa mga halik ko na miss na miss na miss ko rin sya.

Binuhat na nya pala ako at hinalikan sa kama. At nangyari ang pag-iisa namin ni Jeff. Masaya ako dahil siya pa rin ang bubu ko. Masaya ako dahil nandyan siya. Masayang masaya ako at kuntento na ako kung anong meron ako—kami.

Kinabukasan, nagising pa ako ng nakangiti. Pinakauna ko kasing nakita ang vase sa bedside table ko. Pero ngayon, hindi na mga flowers galing kay Andrew yung nakalagay, kundi mga pulang rosas na.

Ang saya dahil dito alam kong magiging maayos kami kahit anong pagsubok ang dumating sa amin. Alam kong kakayanin naming tong dalawa ni Jeff.


Continue Reading

You'll Also Like

570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
3.4K 113 44
JSeries #2 : Once Upon a Time Lahat ng kwento nagsisimula sa 'Once Upon a Time' ngunit hindi lahat nagtatapos sa matamis na 'Happily ever after'. Bak...
881K 26.6K 51
(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...