Chapter 32

106K 1K 69
                                    

CHAPTER 32

CHILDHOOD FRIEND

"Umalis ka na."

"Ayoko Jeff. Hindi ako aalis." Bakit ba ayaw niyang tumigil? Hindi nga kasi ako aalis. Dito lang ako.

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Matulog ka na." Binuksan niya ulit ang pinto. Pero syempre mas lalo akong pumasok sa loob. Hindi niya ako mapapalabas!!

"Hindi pa naman ako inaantok eh. Tsaka may gagawin pa tayo." Napansin ko na ang nakabukas na lang na ilaw sa kwarto niya ay ang dalawang lamps sa bedside. Kaya medyo madilim na. Sakto! Sinara naman niya ulit ang pinto.

"Tsk. Alam mo ba kung anong oras na? Ano pa bang gusto mong gawin?"

"Bubu. Alam kong gabi na. Pero halos buong araw na kung anu-ano pinagawa sa'yo ni mom. At alam kong pagod na pagod ka. So.... naisip ko lang na baka.... pwedeng...."

"Wag ka ngang umupo sa kama ko!"

"Bakit naman?" Ang sungit naman nito ni Jeff. Nakikiupo lang ee.

"Basta! Tsk. Tumayo ka dyan. Umalis ka na kasi."

"Ikaw bubu ha. Hindi mo naman kama 'to ah. Guest room namin 'to 'no! Kaya pwede ako umupo dito."

"Fine. Sige umupo ka dyan hanggang gusto mo. Sa sofa na lang ako matutulog." At umupo nga siya dun sa sofa sa loob ng kwarto. Ito naman si Jeff, ang init ng ulo. Nilapitan ko na lang siya.

"Ui bubu sorry na. O sige na hindi na ako uupo sa kama mo—"

"WAG KA NGANG UMUPO DITO! LUMAYO KA SA'KIN!"

"Sssshhhh. Bubu wag ka maingay. Baka magising sila." Hininaan naman niya ang boses niya.

"Tsk. Sino bang nagsabi sa'yo na pwede ka umupo dito? Wag ka dito." Tumayo na lang ako. Ano ba yan. Bawal ako sa kama, bawal din ako sa sofa. Saan na lang ako?

"Bakit ang sungit mo bubu? Super pagod ka ba?"

"Haist. Basta. Lumabas ka na lang kasi. Bukas na lang tayo mag-usap." Tapos kinuha niya ang briefcase niya at nilabas ang mga papeles. Hala magtatrabaho siya? Eh gabi na ah. Akala ko pa naman kanina matutulog na siya.

"Bubu bukas mo na asikasuhin yan. Pagod ka na eh."

"Tsk. Hindi pa ako pagod."

"Hindi daw. O sige na, aalis na ako agad pagkatapos ko gawin yung pinunta ko dito." Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatingin sa'kin.

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Kasi nga Jeff, alam kong pagod ka kaya...." Hinawakan ko naman ang kamay niya at hinigit siya patayo. "Halika bubu, dun tayo sa kama—"

"WHAT?" Hinablot niya bigla ang kamay niya mula sa hawak ko. "A-Ano bang iniisip mo? Tsk." Sabi nya pa na parang kinakabahan. Ano bang meron?

"Bubu ayaw mo ba talaga akong lumapit sa kama mo?"

"Ayoko!" Mabilis naman niyang sagot. Hay sige na nga. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko ang swivel chair. Nilapit ko naman kay Jeff ang upuan.

"Sige bubu. Wag na lang sa kama. Dito ka na lang umupo." Tinitigan nya naman ang upuan tapos tiningnan ako habang nakakunot ang kilay.

"Tsk. Fine. Ano ba kasing gusto mong gawin?" Sabi nya pero umupo pa din sya.

"Ay bubu, baliktad ka ng upo. Dun ka dapat nakaharap." Tiningnan nya naman ako ng parang nagtatanong pero nagbago pa rin sya ng pwesto kaya nakaharap na sya ngayon sa likod ng upuan. Sakto! Nakaharap na sa'kin ngayon ang kanyang sexy back. Hehe! Ayos!

Seducing My HusbandUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum