Chapter 30

83.8K 941 30
                                    

CHAPTER 30

HE CARES

Pagkagising ko. Nalungkot agad ako kasi walang Jeff sa tabi ko. Iniwan niya na ba ako at pumunta na kay Liz? Huwag naman.

I'm still hoping na pagbaba ko ay makikita ko siya.

Pagkababa ko tumungo akong kusina kasi may naamoy akong hindi maganda. Napanganga ako ng makita ang sexy back ni Jeff. Hindi ko na ininda ang pagkahilo ko basta nandyan lang si Jeff magaling na ako.

Lumapit ako sa kanya at yinakap siya sa likod. Parang nagulat siya sa ginawa ko. Tapos 'yung tenga ni Bubu namumula. Waaa! "Waaaaa. Jeff!! Akala ko umalis ka eh! Akala ko napanaginipan lang kita!" hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Totoong si Jeff to. Thank you Lord.

Kailangan kong mag-explain sa kanya. "Jeff sorry na. Wag ka na magalit sa'kin o. Please umuwi ka na lagi. Ang lungkot kasi pag wala ka dito." Sana okay na to. Sana dahil ditto lagi na siya rito sa bahay umuuwi.

Kinalas niya ang yakap niya sa akin. At humarap sa akin. "Hindi ako galit sa'yo. Dapat hindi ka muna bumangon" sabi niya. waaa! Nag-aalala sa akin si Jeff.

"Hindi Jeff okay lang ako. Dito na lang ako. Sasamahan kita." Nakatungo lang ako habang sinasabi ito.

"Umupo ka na lang muna dun para di ka mapagod. Ihahanda ko na yung pagkain." Utos niya.

Nagluto ng breakfast si Jeff para sa akin. Para sa akin hindi kay Liz. BLEH! "Talaga Jeff?!"para namang nagningning ang mata ko. "Nagluto ka ulit para sa akin?" Waaa. Nagluto hata si Jeff para sa akin.

Nag-iwas naman ng tingin si Jeff. Ang cute talaga ng Bubu ko. "Umupo ka na lang dun! Bilis na!"

"O-Okay." Galit ba ulit sa akin si Jeff? Huwag naman sana. Please gusto ko dito lang ang Bubu ko.

Maya maya lang may dalang kung ano si Jeff. Uhhm? Ano kayang niluto ni Bubu sa akin?

"Wow Jeff! Goto!" Tapos tumingin ako kay Jeff. "Uh, tama naman ako diba?" Nag-aalangan pa nga akong ngumiti baka kasi mali ang guess ko malay naman kasi nating goto to, baka kasi champorado pala o kay sopas diba? Iba pa naman magluto si Bubu ko.

Naramdaman kong umupo si Bubu sa tabi ko. Kailangan purihin ko ang luto ni Jeff. "Wow! Favorite ko ang goto eh!" simula ngayon favourite ko na talaga ang goto kapag si Jeff ang nagluto. Kakainin ko kahit anong luto niyang hindi ko madistinguish kung ano ba talaga iyon?

Kinuha ko na nag kutsara. Susubo na sana ako pero pinigilan ako ni Jeff. "Sandali nga." Napatingin naman ako kay Bubu. "Akin na yan. Ako muna." Waaa Kinuha ni Bubu ang kutsara ko.

Nakatitig lang ako habang tinitikman niya ang luto niya. Ang gwapo talaga ni Bubu at super cool.

Parang sumama ang mukha niya nung natikman ang luto niya. "Magpadeliver na lang tayo—"

"Wag na Jeff!" Kinuha ko yun kutsara. Yes! Indirect kiss. He-he. Nubanaman to? Ang tadhana takaga binibigyan ako ng chance sinubo ni Bubu yung kutsara sa bibig niya. it means parang nahalikan ko na siya kung gagamitin ko to. Waaaa! "Gusto ko kainin yung niluto mo." Sabi ko.

Pipigilan na sana ako ni Jeff "Wag na sabi—"

"Wow Jeff ang sarap! Favorite ko talaga 'to. Ang galing mo magluto!!" Sabi ko habang nakathumbs up. Wala ngang lasa. Pero promise ang sarap naman niya made of love naman siguro. He-he

"Haist. Akin na nga!" Inagaw ni Jeff yung pagkain. Waa. Masarap naman kahit hilaw siya kahit kulang sa timpla. Alam niyo ba kung bakit? Kailangan pa bang imemorize 'yan? Bisyo na to. Kasi made of love. Lahat ng luto ni Bubu masarap. Yum!

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now