Chapter 17

104K 1.1K 65
                                    

CHAPTER 17

COME AND GET ME

Hindi pa rin niya sinasagot. Kanina pa ako tawag ng tawag. Isa pa ulit.

"T-teka Anj! Bakit mo kinuha yung phone ko? Tinatawagan ko pa si Jeff eh!"

"Stop this Teeny Weeny. Kanina mo pa sya tinatawagan."

Pinilit ko namang agawin ulit sa kanya ang phone ko. "Anj akin na please. Tatlong araw na niya akong hindi kinakausap. Super aga niya umaalis tapos super gabi na din umuuwi. Di ko tuloy sya naabutan! Kaya sa phone na lang ako magsosorry. Kaya ibigay mo na please? Akin na, akin na."

Hindi pa din niya binibigay. Todo agaw naman ako.

"What's this Tin?! 247 CALLS?! 247 times mo na syang tinatawagan?! Hello! Talagang hindi nya sasagutin 'no!"

"Sasagutin din nya yan kapag dinamihan ko pa. Go na Anj, akin na."

"Bakit ka ba kasi nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali ah!"

"Anj kasalanan ko naman talaga eh. Kaya please ibigay mo na?"

"Look, alam mo style yan ng mga lalake eh. Yung kapag nag-away kayo, ipaparamdam niya sa'yo na ikaw yung may kasalanan! Kahit, kahit... wala ka naman talagang ginagawang masama!! Kainis!!"

Napatigil naman ako sa pag-agaw ng phone ko. "Wow Anj, may pinaghuhugutan ba 'yan?" Todo explain kasi siya. Umupo naman siya sa couch at nag cross arms.

"Mga lalakeng yan! Bahala sila kung ayaw nila tayong kausapin! Manigas sila, hindi tayo magsosorry!"

Umupo naman ako sa tabi niya. "Huy Anj. Nag-away ba kayo ni Kev?"

"KEV? KEV? Sino ba sya?! Paano kami mag-aaway kung hindi ko naman sya kilala! Hindi talaga!!" Naku, nag-away nga.

"Anj. Tawagan mo na lang kasi. Magsorry ka na lang. Para magkabati na kayo."

"BAKIT BA AKO ANG MAGSOSORRY? Kasalanan naman nya eh! Tapos ngayon, sya pa yung may ganang hindi ako tawagan?? Pwes, hindi ko rin sya papansinin!"

"Pero Anj, importante pa ba kung sino ang may kasalanan? Ikaw na lang kasi ang mauna magsorry para—"

Humarap naman siya bigla sa'kin. "Tin, sa isang relationship, hindi pwedeng ikaw lang lagi ang nagbibigay. Hindi pwedeng ikaw lagi yung mauunang magsorry. Masasanay si Jeff nyan!"

"Huh? Hindi naman ako—"

"Hay. Hulaan ko Teeny Weeny. Kapag nagalit si Jeff, kahit di mo naman alam kung bakit, ikaw agad yung unang lalapit sa kanya at magsosorry."

"Uy hindi naman 'no! Hindi kaya ako nakakalapit sa kanya! Minsan, hanggang pinto lang ako ng kwarto ni Jeff tapos minsan— OUCH!" Ito na naman si Anj. Nambabatok na naman.

"Makinig ka sa'kin Tin. Kung gusto mong magkabati kayo ni Jeff, kailangan mong gamiting ang CGM technique."

"CGM? Ano 'yun?"

"Come and Get Me technique! Madali lang 'to pero baka mahirapan ka."

"Mahirapan? Hindi ah! Kayang-kaya ko yan! Ano bang gagawin Anj?"

"Right. Kung gusto mong kausapin ka niya ulit, itigil mo yung pagtawag sa kanya ng 247 times! Wag ka na rin sorry ng sorry kapag wala kang kasalanan at higit sa lahat! Wag mo din syang pansinin kung hindi ka nya pinapansin! KUHA MO?"

"Hala naman Anj effective ba talaga 'yan?! Kapag hindi ko siya kinausap edi kahit kailan hindi na din nya ako kakausapin. Kapag hindi ko sya pinansin, edi hindi na rin niya ako papansinin forever!"

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now