Chapter 42

66.7K 690 50
                                    

Chapter 42

OPERATION: SAVING BUBU

Bawang. Check.

Asin. Check.

Lubid. Check.

Walis tingting. Check

Palaspas. Check.

Tubig. Check.

Alcohol. Check.

Picture ni Bubu. Che—

"TIN!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"ERIC. WAAA!" Si Eric pala. Namiss ko rin tong kaibigan ko na to. Hindi na siya yung super sa black ang itim ng damit and pants niya. Hindi na rin siya nakamotor. Yiee! At ang gwapo na kasi nakangiti na siya.

Napayakap ako sa kanya. Namiss ko talaga. "Oops baka makita to ni Mr. Lee. Opss!" kumalas naman ng yakap si Eric sa akin.

Eh? Anong nangyari?

"Eric naman. Oo nga pala bakit ka nandito? Yiee namiss mo ko no'?" Siniko siko ko naman siya.

Ngumiti naman si Eric. "Uhmm. Oo namiss kita. Pero nandyan ba ang asawa mo?.." tanong ni Eric.

Wala. Wala si Jeff ililigtas ko pa lang.

"Uhmm wala ee." Sabi ko.

Gusto ko ako ang magligtas kay Jeff. Gusto ko si Super Tin ang magligtas. Hihi.

"Ahh..sige. Pakisabi na lang mag-ingat siya kasi gagantihan na siya.."

"nino?"

"Basta pakisabi na lang. Sige bye Tin." Waaa! Bigla namang umalis si Eric. Bakit ganun kinabahan naman ako?

Bahala na. Tinignan ko na lang ang mga gamit na inaayos ko kanina. Kailangan ko to sa pagligtas ko kay Jeff mamaya. Kailangan iligtas ko si Bubu kay tito Fernan pati na rin sa mga santoses. Hintayin nila ako, ako ang makakatapat nila.

Uhmm. Ano pa ba ang kulang? May bawang para pangontra, uhmm asin din, palaspas uhmm—

"Teeny Weeny. Ano na naman 'yan? Aber!" napatingin naman ako sa may pinto. May tumawag na lang sa akin.

"WAAAAA. ANJ.." Tumakbo agad ako kay Anj pero maingat lang kasi baka masaktan si Kev. Jr. naku po, ang laki laki na talaga ng tiyan ni Anj. "...Ang laki mo na."

"AKO? MALAKI. SO SINASABI MONG MATABA NA AKO. HA?" Bigla namang umusok si Anj, hindi naman slight lang syempre mataba na talaga siya kasi buntis siya. Ee? Ang sinasabi ko lang naman malaki ay ang tiyan niya.

"Chill lang babe." Nandito rin si Kev at inalalayan si Anj. Isang buwan na lang lalabas na si Kev. Jr. hihih. Excited na si ninang Tin.

"Hi Kev—Uhmm Anj yung tyan mo yung malaki hindi ikaw, promise yiee ang sexy mo kaya." Hinihimas ko naman ang tiyan ni Anj. Ang laki laki na talaga.

"Buti nagkakaintindihan tayo." Umirap naman tong si Anj. Hay! Naku ganito talaga hata kapag buntis. "...ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Anj.'

Waa. Hindi nila kailangan malaman na magiging superhero ako para kay Jeff. Dun kasi sa napapanood ko sa movies bawal ipagsabi sa ibang tao ang misyon nila at saka baka magalit ang mga kidnappers. Waa! Baka saktan nila ang Bubu ko. Hindi pwede yun.

"Uhmm wala collection ko lang. hehe" napakamot naman ako ng ulo. Yihihi. Humanda kayo mga kidnappers, nandito na si super Tin.

"COLLECTION. ANG WEIRD MO TALAGA TIN. NALOLOKA AKO SA'YO. Sana hindi magmana ang anak ko sa kaweirduhan mo." Umiiling iling pa tong si Anj.

"Babe naman anak natin. Hindi lang ikaw." Singit naman ni Kev. Okay eto na naman ang kasweetan ng dalawang ito.

"Hoy lalake, anak ko lang kasi ako ang nagdadala." Hinampas naman ni Anj si Kev. Diba? Ang sweet talaga ni Anj. Ang cute pa niya kasi namumula siya.

"Ikaw nagdala tayo gumawa." Ngumisi naman si Kev.

"Hoy tumahimik ka nga, baka iba isipin nung isa diyan. Manahimik ka Kevin." Namumula na ng todo si Anj. Hay! Ang sweet sweet talaga nila. Idol couple ko nga itong dalawang ito. Presidente hata ako ng fansclub nila.

"Yes. Boss."

Natawa na lang ako sa kanila. Sila na sweet.

Then nagkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano. Sabi ni Anj bakit daw may bawang ano naman daw gagawin ko dun. Tapos may picture pa ni Jeff, naisip tuloy ni Anj na kukulamin ko si Jeff. Waaa. Hindi naman pero kapag kailangan na gagawin ko na.

Mayamaya lang ay umuwi na sila. Kailangan ng magpahinga ni super buntis. Buti nga hindi nila natanong si Jeff sa akin. Baka kasi mabuko ako bilang superhero mamaya. Buti na lang talaga.

Maya maya lang din ay mag-aayos na ako at lalagay ko na lahat ng paraphernalia ko sa pagliligtas ko sa buhay ni Jeff.

Grabe nga yung kidnappers basta kasama rin hata si Tito Fernan sa kidnappers kasi kasama siya dun sa picture na kasama yung isang Santos kasi nilagay nila ang address nila dun sa likod ng picture ee. Bahala sila, matatagpuan ko sila.

Kaunting oras na lang tutungo na ako kung nasaan si Jeff. Kailangan maligtas ko ang Bubu. Kailangan hindi ako pangunahan ng takot kasi baka hindi ko maligtas si Jeff. Kailangan kong tapangan. Yung parang magiging goku ako. Hihiii.

Sa tingin ko naman okay na ang lahat. Wala na akong nakalimutan. Kailangan ko ng harapin ang mga kidnappers. Kailangan matikman nila ang kamao ko.

AJA!

Waaaa! Parang ayoko nang pumasok sa bodegang ito. Huhu. Bakit kasi ang dilim? BUBU!. Nasa labas palang ako natatakot na ako. Hindi na ako nagcostume kasi baka kasi mahalata nilang si Super Tin ako, kailangan Tin lang ang pakilala ko. Pero kasi....

WAAAAA! NATATAKOT NA AKO.

Naglakad lakad pa ako. Nung may narinig akong nag-uusap nagtago agad ako.

"May tao ba dyan?" tanong nung lalaki.

Nakita ba nila ako? Patay!.

"Walang tao..ahooo multooo meroonn ahooo." Sabi ko.

Narinig ko namang parang tumakbo yung tao at pumasok sa loob ng bodega. Galing ko talaga. Ganun lang pala ay matatakot sila. Paano pa kaya kung ilabas ko ang mga weapons ko noh? Wala na double kill. Triple kill na sila.

Galing talaga ni Super Tin.

Yikes!

Naglakad lakad lang ako. Parang ninja. Kapag may dadaan gumigilid ako. Kumuha pa nga ako ng damo pangtakip sa mukha ko. Tapos ilang sanga at kinabit sa katawan ko.

Tignan na lang natin kung makilala niyo ko.

ANO PAPALAGPA?

Naglakad ulit tapos hinanap ang entrance pero bago pa ako makapasok ay may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

WAAAAAA!

"Huwag kang maingay."

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now