Chapter 37

92.6K 1K 80
                                    

CHAPTER 37

JET LAG

Diba nasabi ko na dati na kapag masaya ka, ang bilis umandar ng oras. Pero kapag malungkot ka pala, ang bagal-bagal.

"Tin iha? Okay ka lang ba?" Naalis naman sa bintana ang tingin ko. At nabaling sa pamilya na nasa harap ko ngayon. "Ready na kami iha."

"Okay lang po ako tita. Sige po. Wag na lang po kayo masyado gumalaw." At sinimulan ko na sila ipinta. Huling weekend ko na 'to sa bahay nila Andrew. Matatapos ko na kasi ang family portrait nila. Yung iba pang mga detalye ay pwede ko na gawin sa bahay, kahit hindi ko na sila kaharap.

As usual, tuwing nagpipinta ako, nakakalimutan ko na naman ang lahat. Minsan nga gusto ko na lang tumalon sa mga paintings. Para ma-stuck ako sa isang moment na puro saya lang. Naks ang deep nun ah. Magiging proud sa'kin si Anj.

Di ko na namalayan ang oras at natapos na ako magpinta. Pero syempre pinagmeryenda muna ako nila tita. At ito rin si Andrew, kung saan-saan ako hinihila. Last time dinala niya ako sa music room nya. Ngayon naman andito kami sa... garden!

"Wow Andrew! Ang dami namang flowers sa garden nyo!" Ang ganda talaga! Ang laki pa! Yung tipong may fountain pa silang nalalaman? Gusto ko rin nito.

"I knew you'd like it. Nakakarelax kasi talaga dito. Here." Pumitas naman sya ng tulips tapos binigay sa'kin. Wow ang ganda naman!

"Salamat Andrew! Pero wait, okay lang bang pitasin? Baka magalit si tita."

"No worries. Kahit pitasin mo pa ang lahat ng flowers dito, nobody will get angry."

Yun naman pala eh! Kaya pinitas ko na ang lahat ng flowers. Joke lang! Nahiya naman ako kay Andrew. Naglakad-lakad kami at pumipitas lang ako ng mga gusto ko then pinagsasama-sama ko kaya mukha na syang bouquet. Naalala ko naman bigla si Jeff. Miss ko na ang flowers na binibigay nya sa'kin.

"Malungkot ka na naman."

"Huh?" Bigla naman syang may nilagay sa tenga ko. Ano 'to? Sunflower?

"There. Bagay sa'yo." Sabi nya habang nakangiti. Niloloko nya ba 'ko? "Hey wag mong tanggalin."

"Ayoko nyan. Makati sa tenga eh."

"Isuot mo lang sandali. I'll take a picture." Tapos nilabas nya ang phone nya at tinapat sa'kin yung camera.

"Ui Andrew! Bakit mo 'ko kinukunan—" Biglang may flash"Teka lang! Bawal yan—" Flash ulit. "Akin na nga yang phone mo! Ang daya mo ah." Flash ulit. Pinilit kong kuhanin sa kanya pero pinipicturan nya lang naman ako. Tawa pa sya ng tawa.

"Come on. Pose ka lang. Last na naman 'to."

"Ayoko nga! Ang daya mo talaga Andrew! Ibigay mo na yan!" Inaabot ko ang phone nya pero ang tangkad nya. Hindi nya ba talaga buburahin yung pics?

"Akin na lang 'to. Remembrance?"

"Ang dami naman nating pictures sa internet ah! Yun na lang." Todo explain nga ako kay Jeff tungkol sa internet pictures na yan. Nag-explain ako na hindi naman ako ang buntis kundi si Anj. Tahimik lang sya habang nagsasalita ako. Sabi nya hindi naman daw sya galit.

"But that's different. Sige na Tin, akin na lang 'to. Well, sandali. Dito ka lang. May kukunin lang ako."

"Huh? Teka Andrew!" Pero pumasok na sya ulit sa loob ng bahay nila. Ang weird naman nya. Naglibot-libot naman ako ulit dito sa garden nila. Ang ganda talaga. Pero sana kasama ko si Jeff. Sigurado mas masaya kung dalawa kaming naglalakad-lakad dito!

"Tin, come here." Lumingon naman ako para makitang naglalatag si Andrew ng kumot sa grass. Tapos umupo sya dun at binuksan ang isang basket. "Halika, upo ka dito."

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now