Chapter 45

112K 1.1K 70
                                    

CHAPTER 45

NA SAAN SI BUBU?

Papalapit na ako sa altar. Nakikita ko na nga si Jeff kasama ang minister. Napakagwapo sa suot niya. Nag-uumpisa na nga akong maglakad kasama sila mom and dad pero kapag tumingin ako magkabilang gilid ko ay wala na sila. Tinignan ko rin ang paligid. Wala ng tao. Ang mga flowers naging itim.

Dumilim ang paligid.

Tapos biglang kumulog. Napatakip naman ako sa tenga.

Tumingin ako sa harap ng altar. Nandun pa si Jeff pero hindi siya nakangiti. At para ring nagblurr si Jeff. Wait! Anong nangyayari?

Akala ko happy ending na?

Sino yung kasama ni Jeff? WAAA. Si Jim Santos? Hala. Jeff. Bakit ganito? Ano bang nangyayari?

Nararamdaman ko na rin ang ihip ng hangin. Natutumba na rin ang ilang bagay dito sa simbahan. Naiiyak na ako. Binilisan ko ang paglakad. Bakit ganito humahaba ang nilalakaran ko?

Pero si Jeff. Unti unting nawawala. "Bubu, eto na ko, sandali na lang" Binilisan ko ang paglakad. Pero bigla akong nadapa. Humaba rin ang nilalakaran ko. Halaaaa.

Tumingin ako ng diretso sa altar pero si Jeff kasama na ni Liz. Nakakapit pa si Liz sa braso ni Jeff. Hala Bubu madumi yan. Jeff.

Tumayo na ako at nag-umpisa ng tumakbo. Pero wala na, nagsisimula ng umalis si Jeff with Liz. Diba kasal namin to? Diba okay naman ang lahat? Pero ano tong nangyayari?

"JEFF!!"

"JEFF"

"BUBU"

"BUBU. JEFF!"

"BUBUUU!!!"

.

.

.

.

.

"Tin, gising Tin!"

Nagising ako sa isang pamilyar na boses. Si Jeff yun, di pa niya ako iniiwan. Panaginip lang lahat iyon. Sana hanggang panaginip na lang iyon ayokong mawala siya sa akin. Ayokong iwan na lang ako ni Jeff. Marami pa ako—kaming pangarap sa isa't isa. At alam ko namang hindi ako iiwan ni Bubu.

Agad kong niyakap si Jeff ng mahigpit. "Bubu, di mo naman di ba ako iiwan? Di ba? Di ba? Bubu." sabi ko kay Jeff habang nakayakap. I press my head onto his chest. Ang bango ni Jeff.

Niyakap din ako ni Jeff at sinabing " Oo naman Tin " Sabi niya at iniharap niya ako sa kanya at tinignan ang mga mata ko. "Paano ko naman iiwan ang isang tulad mo?" sabi ulit ni Jeff sabay ngiti.

Hanubanaman 'yen Bubu. Kiss kita diyan eh.

Agad naman nawala ang takot at lungkot ko sa sinabi ni Bubu. His words never failed to put smile on my face. It's always an assurance that he will always be here. Forever! At saka super sure naman akong sa akin lang si Bubu. Wala na kaya si Liz, tsinupi ko na. hehe. Joke.

"Madam, Ayan okay na po ang Wedding Dress, sukat na sukat" sabi nung designer. Malamang sukat sa akin, sinukatan niyo. Ang weird naman nito, anong sense kapag hindi nasukatan. Hehe. Ano ba 'to parang ang sungit ko hata.

Ngayon namin kukunin ang mga gown para sa kasal namin ni Jeff sa Sunday. Akalain mo yun kakasal ulit kami ni Jeff ko. Noong araw na sinabi niya iyong papakasalan niya ulit ako, napakasaya ko kasi pinatunayan ni Jeff na mahal na mahal niya ako.

"Look at you, You're beautiful" biglang pagsulpot ng designer. Hala, talaga?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at Wow, ang ganda nga. Tiyak ikikiss ako ni Bubu. Ang ganda ng gown, ang hirap ipaliwanag kung gaano ito kaganda kasabay pa ng ganda ko. Chos. Ang puti nito at simple lamang ang disenyo.

Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon