Chapter 10

129K 1.3K 94
                                    

CHAPTER 10

MEET MY FRIENDS

Nandito ako sa shop ngayon at nababagabag ako. Ilang weeks na rin kasi akong nakakatanggap ng mga scary notes. Akala ko dati mga childish pranks lang pero ngayon kasi medyo dumadami na sila. Wala akong pinagsasabihan kasi ayoko namang mag-alala ang sino man. What if totoo nga ang hinala ko, prank lang ito tapos maiistorbo ko pa sila. Especially si Jeff. Ayokong mag-alala siya.

"Pagod na pagod na ako." Bakit naman mapapagod to? Nasa shop lang naman siya tapos panay tingin kay Anj.

"Kev?" bigla kong tinuon ang atensyon ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at nagsalita. "Kanina pa kasi ako tumatakbo sa isip mo eh." At kumindat pa siya sa akin. Natawa naman ako doon. Ang funny talaga nito ni Kevin. Nandito na naman siya sa shop. Hindi na naman sila mapaghiwalay ni Anj. Ang cute talaga nilang dalawa!

"Ano bang meron? Mukhang problemado ka dyan ah." Nagtatakang tanong ni Kev.

"Hindi wala lang Kev. Ok lang ako."umiiling iling pa ako noong sinabi ko iyon.

Ngumiti naman si Kev. Alam ko na to magbibiro na naman to. "Ano ba talagang iniisip mo? Iniisip mo ba kung bakit masyado kang maganda?"

Madugtungan ang sinabi niya. "Actually, iniisip ko kung bakit masyado kang gwapo."

"Yun yun eh." Natatawang sabi ni Kevin at tinuturo turo pa ako. Nag-apir kami, super friends talaga kami ni Kev.

"Hay nako Tin. Wag mo masyado pinapalaki ang ego ng lalakeng 'to. Masyado nang mayabang eh." Dumating na si Anj. Siguro nakaalis na ang isang customer na inaasikaso niya kanina.

"Ikaw naman babe. Nagsasabi lang naman ng katotohanan si Tin. Gwapo naman kasi talaga ako eh." Lumapit naman si Kevin kay Anj at saka inakbayan niya iyon.

"Mr. Kapal. Lumayas layas ka na nga dito. Diba may pasok ka pa?" Tinulak tulak pa ni Anj si Kevin. Ang sweet talaga nila.

"Ano ka ba, basta gwapo, pwede ma-late." Nilapit naman ni Kevin ang mukha niya kay Anj.

Lumayo naman ang mukha ni Anj at medyo namumula na rin ito "Sige lang, magpa-late ka lang. Kapag tinanggal ka sa trabaho, bahala ka."

"Sige na nga. Aalis na. Sa bagay, napapagod na kasi akong umupo dito. Pwede bang tayo na lang?" Hala! Humahabol pa tong si Kevin.

"Ewww! Gasgas na 'yang pick-up line mo! Umalis ka na nga!" Tinaboy ulit ni Anj si Kev. Sila na sweet.

Kunwari pa 'to si Anj ang laki naman ng ngiti. "Kinikilig ka noh? Sige na alis na ako. Bye Babe." Kiniss niya si Anj then tumingin siya sa akin. "Sige Tin, una na ako!"

Humarap ako sa kanya at nagwave. "Bye Kev! Ingat!" nakangiti kong sabi.

Lumabas na si Kev sa shop. Nilapitan ko naman si Anj at tinusok tusok. "Yieeee Anj. Ang sweet nyo talaga forever. Kaya Master ang tawag ko sa'yo eh. Idol ko kasi kayo ni Kev"

"Psh. Sinong sweet? Siguro nauntog talaga ako kaya I'm dating that guy." Anj said and rolled her eyes.

"Wooh kunwari pa 'to. Kinikilig ka lang eh." Tinutusok tusok ko pa ang tagiliran niya. Bakit kasi nakakakilig sila?

Lumayo naman si Anj sa akin. "Tigilan mo nga ako Tin. Hindi ako kinikilig noh." As if on cue, bigla namang pumasok ulit si Kevin. Nagulat naman kami ni Anj.

"Oh Kev. Bakit bumalik ka?" sabi ko.

"Nakalimutan ko kasi yung puso ko." Lumapit naman siya ulit kay Anj at kiniss niya ulit sa lips tabos sabi niya kay Anj, "Ingatan mo muna ha. Babalikan ko mamaya." Kumindat pa itong si Kev.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now