Chapter 34

107K 1.1K 92
                                    

CHAPTER 34

ISANG MALANDING ARAW

Nagising akong nakayakap sa chest ni Jeff. Huh? Bakit nasa kwarto niya ako? Nakita ko naman na kumot lang ang nakabalot sa'kin. Waaaaaa. Oo nga pala. Ginawa na namin 'yun kagabi. Ay kaninang madaling araw lang pala. Feeling ko ibang tao na ako!

Sinilip ko naman ang mukha ni Jeff. Tulog pa rin siya. Pero parang nakangiti siya ng konti.Kung ganito naman ang araw-araw na bumubungad sa'kin, eh oks na oks ako dyan! Trinace ko ang mukha niya gamit ang daliri ko. Ipipinta ko 'to. Ipipinta ko talaga.

Naku sandali. Anong oras na ba? Nakasara kasi ang kurtina kaya hindi ko makita ang labas. Tumingin ako dun sa alarm clock sa bedside table ni Jeff. Ah, 11:50 na pala. TEKA. 11:50?! Tanghalian na! Kaya pala nagugutom na ako.

Kailangan ko na magluto. Para paggising ni Jeff, maglulunch kami together! Binalot ko sa'kin ang kumot then umupo na ako sa kama. Kaya lang napahiga ulit ako. Yung arm kasi ni Jeff niyakap ako ulit pababa.

"Wag ka muna umalis." Sabi niya habang kinikiss ang tenga ko. Naman eh

"Bubu? Gising ka na? Akala ko tulog ka pa kanina eh."

"Tsk. Hindi mo naman ako pinapatulog." Hala naman. Ito na naman si Jeff. Hindi na ako makakabangon nyan sige ka! Ay wait hindi pala pwede. Kailangan ko magluto. At pumunta pala sa shop! Lagot ako nito kay Anj.

"Bubu kailangan na natin bumangon. Ikaw, diba may pasok ka pa?" Hinahalikan naman niya kasi ngayon ang leeg ko. Wag kang ganyan Jeff! Hindi talaga tayo makakatayo dito sa ginagawa mo.

"Hindi ako papasok. Tsk. Dito na lang tayo buong araw."

"Hala bubu hindi pwede—" He's on top of me again. Then smack a kiss.

"Gusto mo ba talagang umalis?" Sabi niya habang nakangiti. Namaaaaan. Ang mean mo Jeff!

"Syempre hindi. Pero bubu kasi kailangan talaga diba—" Nagsmack siya ulit sa'kin.

"Wag ka na umalis."

"Pero bubu—" Hinalikan niya ako "Si Anj—" he kissed me again. "Yung shop—" Kissed again. "Magluluto pa—" Kissed again. "OKAY SIGE NA BUBU HINDI NA AKO AALIS." Mabilis naman talaga akong mapersuade!

"Pffft." Grabe natawa pa sya! Humiga na lang sya ulit sa tabi ko. Pero nakayakap pa rin sa'kin. "Niloloko lang kita. Tsk. Sige na, tumayo ka na."

"Eh paano ako tatayo? Ang higpit ng yakap mo."

Binitawan naman nya ako. "O ayan na. Sige na. Tsk." Tatayo na sana ako nang bigla na naman nya ako ulit pigilan.

"Bubu naman eh. Akala ko okay na—"

"Bakit mo dadalhin ang kumot ko?" Pinulupot ko nga pala kanina ang kumot sa katawan ko.

"Babalik pa kasi ako ng kwarto ko eh."

"So? Kumot mo ba yan? Bakit mo dadalhin sa kwarto mo? Tsk." Ito naman si Jeff! Hindi nya ba gets? Nakakahiya kaya!

"Ito naman. Pahiram lang bubu eh. Ibabalik ko din naman mamaya."

"Hindi pwede. Kumot ko yan. Bawal yan ilabas."

"Huh?" Nahiga na lang ako ulit. Nagpout. Ang damot naman nito ni Jeff. Kumot lang. Dalawa naman ang kumot dito. Nasa kanya yung isa, kaya pwede ko naman siguro hiramin 'tong isa. "Bubu sige na. Pahiramin mo na kasi ako. Hindi ako makakaalis nyan eh."

"Edi mabuti." Bulong nya pero narinig ko naman. Ehh? Tumingin ako sa kanya at nakita kong parang nagpipigil sya ng ngiti. Hinagisan ko naman sya ng unan.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now