Chapter 21

112K 1K 158
                                    

CHAPTER 21

CONFESSION

Ang sakit na ng mukha ko kakangiti anong magagawa ko, di ko mapigilan.

Kahit nga may scary note na naman sa table pagdating ko dito sa shop, hindi pa rin natatanggal ang ngiti ko. Akala ko nga tumigil na silang magpadala sa'kin ng notes. Bakit kaya ngayon biglang meron na naman ulit? PERO WALA NA AKONG PAKIALAM. Ang ganda ganda kaya ng araw, ng mga halaman, ng pader, ng mga langgam, ng mga—

"Naks. Ang laki ng ngiti natin ngayon ah."

"KEV!" Napahawak ako sa chest ko. "Grabe, nagulat naman ako sa'yo." Naka-upo na kasi siya dun sa sofa. Hindi ko naman siya narinig pumasok.

"Kumatok ako kanina pero nakatulala ka lang at nakangiti." Hinagisan niya ako ng apple. Kinagat naman niya ang isa pa niyang dala. "Ano bang nangyari? Bakit nakangiti ang isang dyosa?" Kumindat pa siya.

"Hay nako Kev." Hinaplos-haplos ko ang apple na binigay niya. "Wala naman masyadong nangyari."

Natawa naman siya. "Alam mo Tin ang weird mo ngayong araw."

Bigla namang dumating si Anj. Tapos na hata niya asikasuhin 'yung isang customer. "Ngayong araw lang? Hay nako babe. Araw-araw nababaliw yan si Tin."

May nilagay na stuff si Anj sa table niya. Tapos umupo siya sa sofa katabi ni Kev. Inakbayan naman siya ni Kev tapos mabilis na hinalikan sa buhok.

Hindi ko naman mapigilan na mas lalong ngumiti. Magiging ganyan na rin kami ni Jeff. Tumatawa na ako sa naiisip ko.

"Alam mo babe sa tingin ko tama ka. Nababaliw na nga sya." Bulong naman ni Kev kay Anj.

"Hoy grabe narinig ko yun ah! Hindi kaya ako nababaliw." Sabi ko habang nakangiti pa rin. Ang saya talaga!

"Nagkakaganyan yan kasi napanaginipan nyang hinalikan sya ni Jeff. Alam mo naman yan si Tin, may pagka-imaginative." Bulong naman ni Anj. Aba, hindi ba nila ako napapansin? Sila lang ang nag-uusap? At saka anong sabi ni Anj?!

"Ui Anj ah! Hindi ko kaya yun napanaginipan! Hindi ko din yun inimagine! Nangyari talaga!!"

"Mukhang napanaginipan nya nga lang." Bulong naman nito ulit ni Kev.

"Pati ba naman ikaw Kev?! Hindi ka naniniwala? Ikaw na super gwapo, macho at hot kong kaibigan na si Kevin, hindi ako papaniwalaan?" Nagpacute eyes pa ako.

Ngumiti naman siya ng malaki sa'kin. Bingo. "Ikaw pa Tin! Hindi ko papaniwalaan? Kapag mga mukhang dyosa na kagaya mo ang nagsasabi, papaniwalaan ko talaga agad. Kaya pala napansin ko na medyo blooming ka today at parang—Aray babe. Nambabatok ka na naman?" sabi ni Kevin.

"Sige lang. Pagkaisahan nyo na naman ako. Batukan ko kayong dalawa dyan eh."Si Anj naman.

Kiniliti naman siya ni Kev sa tagiliran.

"Wag mo nga akong hawakan!" Umiwas pa tong si Anj. Minsan naiisip ko pakipot din tong si Anj.

Kiniliti pa rin siya. "Ano ba! Sinabing ng wag—"Napatawa na si Anj sa kiliti ni Kev. Natawa rin ako nung tumawa si Anj. Pakipot pa kasi. Natawa rin si Kev hanggang lahat kami tumatawa na parang baliw. Ang cute talaga nilang dalawa.

"So Tin. Kung totoo ngang hinalikan ka ni Jeff—" Hindi pa rin makapaniwala si Anj na hinalikan ako ni Jeff.

"Totoo nga!" depensa ko.

"At kung hindi mo lang talaga yun napanaginipan—" Bakit ba ayaw niyang maniwala? Kiniss naman talaga ako ni Jeff. Si Anj naman.

"Nangyari talaga!" Naks tin. Todo explain? Nangyari naman kasi talaga.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now