Chapter 19

95.8K 960 84
                                    

CHAPTER 19

SUPER GLUE

Nandito ako sa police station. Grabehan, first time 'to. Makukulong na ba ako? Si Jeff kasi nakikipag-usap pa dun sa mga pulis. Ako nakaupo lang dito. Yung katabi ko sa kanan, parang adik lang. Yung nasa kaliwa naman lasing kaya humihilik habang natutulog. Gusto ko na umuwi.

Paano ako napunta sa police station? Hay nako, nagsimula lahat 'to kay Eric eh.

Naalala ko nun.

Eric is kissing me.

Nakatayo lang ako dun. Hindi ako makagalaw. Nanlalaki ang mata. Totoo ba 'to?! Hinahalikan niya talaga ako? Pero bakit? Sa sobrang gulat, hindi ako agad nakakilos.

Naghihiyawan ang mga tao pero wala akong naririnig. Napatayo na pala lahat ng ka-opisina ni Jeff, hindi ko man lang napapansin.

Teka! Si Jeff! SI JEFF! Nakikita kami ni Jeff! Bigla akong natauhan, at tinulak si Eric palayo. Nakatingin lang siya sa'kin.

"Eric! Anong ginagawa mo? Bakit mo ako—"

Hala, nasa floor na si Eric. May sumuntok sa kanya. "JEFF?!"

Hinawakan niya sa kwelyo si Eric tapos sinuntok ulit.

"T-teka Jeff! Wait wag kayo mag-away." Ang awesome parang action movie lang. Pero magkakasakitan lang sila nito. "Hala Eric wag mo suntukin si Jeff!"

Gumaganti na kasi si Eric. Nagsuntukan pa rin sila. Yung mga tao naman naghihiyawan. Yung mga ka-opisina ni Jeff, inaawat na yung suntukan. Anong ginagawa ko? Wala lang, nasa gilid, nagchicheer. Joke. Syempre pinipigilan ko sila.

"Tama na yan! Please naman wag na kayo mag-away. Teka lang Jeff! Eric!"

Nagsusuntukan pa rin sila. Pati ang manager ng bar, sinisigawan na sila. Ayaw talaga magpaawat. Alam ko na!

KRING! KRING!

Nagsigawan ang mga tao tapos tumakbo palabas ng bar. Nagkakagulo na, kasi sabay-sabay lumabas. Nagpaawat na rin sina Jeff at Eric nang narinig nila ang tunog. Pinaghiwalay na sila nung mga natirang tao pero nagtitinginan pa rin sila ng masama.

Anong ginawa ko? Wala naman. Pinatunog ko lang yung fire alarm. Kaya nga ako nasa police station.

Si Jeff din nireklamo ng manager. Siya kasi ang naunang sumuntok. Tapos ako, nireklamo rin. Nawalan daw siya ng customers nang dahil sa'kin. Pero ginawa ko lang naman 'yun dahil gusto ko ng peace and order.

Si Eric? Ang weird, bigla na lang siyang nawala. Simula nung nagkagulo hindi na siya nakita tapos nung dumating ang mga pulis, wala na siya. Sa bagay, hindi naman siya nireklamo nung manager. Wala naman daw siyang kamalay-malay, basta bigla na lang sinuntok ni Jeff.

Naku naman, siguradong super super super galit na sa'kin si Jeff. Nakita niya pa talaga na hinahalikan ako ni Eric?Oh no, kailangan ko talaga mag-explain. Hindi ko naman ginusto 'yun .

"Limang minuto lang."

"Huh?"

Inabot sa'kin nung pulis yung telepono.

"Pwede kang tumawag ng abogado o kahit sino. Pero isang tawag lang pwede."

Naiirita niyang paliwanag sa'kin. Ang scary naman ni Mr. Police. "P-pwede po kayang dalawang tawag? Kailangan ko po kasing—"

Tinitingnan niya ako ng masama. Napalunok na lang ako. Sabi ko nga eh, isang tawag lang.

"Nagsisimula na ang oras mo." Sabi niya lang tapos umalis na. Game, game 5 minutes lang. Sino bang tatawagan ko? Si Mom or si Dad? Dapat kasi dalawang tawag pwede.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now