Chapter 14

114K 1.2K 52
                                    

CHAPTER 14

MOOD SWINGS

Kanina ko pa inuuntog ang ulo ko dito sa table. "Hoy Teeny Weeny! Anong ginagawa mo? Napapraning ka na ba talaga?" Anj said while arranging the files in the table.

"Anj Ipapaputol ko na yung ulo ko. Ang sakit sakit eh." Kanina pa 'tong umaga. Simula ng pagkagising ko ang sakit na. Kakabalik lang namin galing Bora. Grabe buong oras na nasa airplane kami, natutulog lang ako. Di ko tuloy nakausap masyado si Jeff. Pagkarating namin, pumunta pa rin siya sa opisina kaya nagpahatid na lang din ako dito sa shop.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo. Akin na, ako na ang puputol ng ulo mo." Tumayo si Anj at naglakad patungo sa akin. Kinuha niya yung gunting. Seriously? Anj? Tumigil na ako sa pag-untog ng sarili ko pero hinawakan ko pa rin ang ulo ko.

"Anj naman eh!! Wag ka na magjoke dyan. Mas lalo lang sumasakit eh." Sabi ko at nagpout.

"Ah, ganun, ikaw pa galit. Sino ba kasing nagsabi sa'yo na magpakalasing ka sa Bora? Hala sige magdusa ka dyan." Kita mo nan gang masakit ulo ko tapos ganyan pa si Anj.

Napaiyak naman ako. "Sorry na Anj. DI ko naman sinasadya eh. Ang sakit lang talaga ng ulo ko. Tapos kagabi, hindi ko naman namalayan na nalasing na pala ako."

Alam ko nag truth or dare kami tapos lagi akong natuturo ng bote. Alam ko lang masaya, maingay, malamig. Tapos biglang nagising na lang ako sa kama sa hotel, habang si Jeff doon na naman natulog sa sofa. Siguro dinala na lang niya ako sa room pagkatapos ng laro? Hala bakit hindi ko maalala.

May nilapag na mug si Anj sa table ko. "O ito. Inumin mo. Ganyan talaga pag first time magka-hangover. Gustong ipapugot yung ulo."

Napa teary eye pa ako sa care ni Anj sa akin. "Salamat Anj." Tapos ininom ko na iyong binigay niya. EAng pait pala nito.

"Kaya sa susunod, wag ka na masyado uminom. Buti kasama mo si Jeff, kung hindi baka saan ka na napadpad." Tumango tango naman ako. Okay pala 'tong pinainom sa akin ni Anj. Mayamaya lang kasi, medyo nawawala na ang sakit ng ulo ko.

"Wow Anj! Ang galing mo talaga! Pero wala ka bang pampabalik ng memory dyan? Para kasing... may importanteng nangyari na nakalimutan ko."

"Hay naku Teeny Weeny. Normal lang talaga ang hindi naalala ang mga ginawa kapag nalasing."

"Pero, ang lakas talaga ng pakiramdam ko na may nangyari eh. Si Jeff.. para kasing si Jeff... uggghhh di ko talaga maalala." Ginulo gulo ko ang buhok ko.

Bigla namang tumili 'to si Anj. "Oh my gosh! Wag mong sabihing...when you were drunk... kayo ni Jeff... sa isang kwarto..."

Tumango tango ako. "Ano Anj? Ano sa tingin mong nangyari? Ano sa tingin mo yung nakalimutan ko?"

Tinayo naman niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Tapos nilapit niya ang mukha niya sa akin. Tiningnan ako ng sa mata ng maigi. "Umamin ka nga Tin. Nung nalasing ka ba... NIRAPE MO SI JEFF?!"

Napakurap ako at tila nawala ako sa ulirat noong sinabi ni Anj iyon. "EHHH?! NIRAPE KO SI JEFF?!" Ngayon lang nagsink-in sa akin 'yung sinabi ni Anj.

"So ginawa mo nga?! Isipin mong mabuti Tin. Nalasing ka. Tapos nasa isang kwarto lang kayo ni Jeff. Tapos sigurado, naka t-shirt lang yun. Hindi kaya nung nakita mo ang abs nya ay sinunggaban mo na lang sya at wala na syang nagawa?"

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga. Yung abs ni Jeff..."HALA ANJ! NARAPE KO NGA ATA SI JEFF! NARAPE KO SYA!"

Kaya siguro paggising ko, natulog siya ng malayo sa'kin. Tapos kanina pa sa airplane, parang naiilang siya at hindi makatingin sa akin. Ito siguro ang dapat na maalala ko pero nakalimutan ko lang kanina.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now