Chapter 29

95.7K 1K 92
                                    

CHAPTER 29

NO OTHER WOMAN

Ilang araw nang hindi umuuwi si Jeff sa bahay. Hindi ko talaga siya maintindihan. Galit ba siya? Naiinis ba siya sa'kin? Sabi naman ni Anj, kaya daw hindi umuuwi dahil nahihiya raw 'yun sa'kin pagkatapos nung ginawa niya.

Huwag na siya mahiya! Basta umuwi na lang siya! Hindi naman ako galit. Siguro, nagulat. Pero hindi galit.

Kakagaling ko lang makausap ang isang kliente. Naglalakad na ako pabalik sa shop nang makita ko siya.

"Eric?" Nakasandal siya sa motor na black. Nakatingin sa'kin. Nung naglakad siya palapit, napansin ko na parang iba na siya.

Yung Eric kasi na kilala ko, laging mukhang mabait then nakangiti. Pero 'yung Eric sa harap ko ngayon, nakablack na parang anytime pwede makipag-away.

Ewan ko nga ba. Nung nakalapit siya, parang medyo napaatras ako. Ang scary niya.

"Naiintindihan ko kung natatakot ka sa'kin. Pagkatapos ng ginawa ko..." Sabi nya lang tapos nag-iwas ng tingin. Tahimik lang ako.

Hindi nga pala siya pinakulong ni Jeff. Marunong daw siyang tumanaw ng utang na loob. Ah basta, ewan ko sa mga lalake.

"Gusto ko lang magpaalam. Lalayo na ako, at baka huling beses mo na ako makita."

Napatingin naman ako sa kanya. "S-Saan ka pupunta?" Nagshrug lang sya.

"Bahala na. Hinahanap din ako ng mga Santos. Kailangan ko muna lumayo."

Hala. Aalis na siya? Ang lungkot naman. Kahit naman papaano tinuring kong kaibigan si Eric. Tsaka napatawad ko na naman sya. Hindi naman ako ever nagalit sa kanya.

"Magbati na kayo."

"Ehh?" Teka anong ibig niyang sabihin? Nakatingin siya sa'kin tapos nagbuntung-hininga.

"Mabuting tao siya. Alam kong aalagaan ka niya."

Si Jeff ba ang tinutukoy niya? Hala obvious ba masyado na nag-away kami? Pati siya alam niya .

"Eric—"

"Richard."

"Huh?"

"Richard ang pangalan ko." Sinuot niya ang mga kamay niya sa bulsa. "Hindi ako mahilig sa paintings, o sa pagluluto. Hindi ako chef. Nabubuhay ako sa pagkakarera o sa pagsunod ng mga inuutos ng iba. Masama akong tao."

Pagkasabi niya nun tumalikod na siya. Then nagstart na maglakad pabalik sa motor niya. Teka, yun na yun?

"Christine." Napatigil naman siya sa paglalakad nang magsalita ako.

"Christine ang pangalan ko. Pero Tin yung tawag nila sa'kin. Hindi ako mahilig sa mga motor, sa mga awayan, basta yung mga nakakapagod." Humarap naman siya sa'kin.

"Mahilig ako magpaint at magluto. Pero pinakafavorite kong gawin sa lahat ay ang landiin si Jeff." Ngumiti ako sa kanya then nilapitan ko siya.

"Pa'no yan. Masama din akong tao eh." Tapos tinaas ko ang right hand ko, para makashake hands siya. "Nice to meet you Richard! Friends?"

Tiningnan naman niya ang kamay ko. Akala ko nga hindi na niya ako kakamayan, pero buti na lang tinaas na rin niya ang kamay niya at nagshake hands kami.

Nginitian ko siya then wow, ngitnitian niya rin ako. Yung ngiti ni Eric na kilala ko. Mamimiss ko talaga siya!

After nun, umalis na sya tapos bumalik na ako sa shop. Nagpaint na lang ako ng nagpaint. Kamusta na kaya si Jeff? Namimiss ko na siya.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now