Justice Served

By XtremeWriter

46.8K 1.7K 525

Highest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't i... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 - Matt's Endorsement
Chapter 2 - Furious Mareuz
Chapter 3 - Slowly But Surely
Chapter 4 - Deepest Heartache
Chapter 5 - Matt's Good News
Chapter 6 - Two Million
Chapter 7 - First Task
Chapter 8 - That Girl
Chapter 9 - New CEO
Chapter 10 - Police Report
Chapter 11 - Mareuz' Journal
Chapter 12 - CEO's Office
Chapter 13 - He Got A Plan
Chapter 14 - Investigation At Night
Chapter 15 - Possible Evidence
Chapter 16 - EA And The Coffee
Chapter 17 - Secretary's Profile
Chapter 18 - Jill's Issue
Chapter 19 - Rescue
Chapter 20 - Abbie's Statement
Chapter 21 - Medical Record
Chapter 22 - Vial
Chapter 23 - Drunk Alli
Chapter 24 - Sorry And Thank You
Chapter 25 - The Guess
Chapter 26 - Second Opinion
Chapter 27 - Opinion
Chapter 28 - Mareuz and Jill
Chapter 29 - Good Time
Chapter 31 - Hint
Chapter 32 - Mareuz's Anger
Chapter 33 - The Letter
Chapter 34 - Partners
Chapter 35 - First Encounter
Chapter 36 - Investigator-On-Case
Chapter 37 - Rope
Chapter 38 - Officially Partners
Chapter 39 - Confession
Chapter 40 - Bothered
Chapter 41 - Text Message
Chapter 42 - Syringe
Chapter 43 - Fallen
Chapter 44 - Tease and Comfort
Chapter 45 - Unmasked
Chapter 46 - Arrest
Chapter 47 - At the Jail
Chapter 48 - Decision
Chapter 49 - On the way
Chapter 50 - Open
Chapter 51 - New Plan
Chapter 52 - Revealed
Chapter 53 - Details
Chapter 54 - Allison's Side
Chapter 55 - New Beginning
Bonus Part

Chapter 30 - Mareuz's Decision

616 26 2
By XtremeWriter

Habang nakatingin ako sa kaniya at iniisip mabuti kung saan ko siya nakita, bigla siyang napalingon sa 'kin at nahuli niya akong nakatingin.

He gave me a friendly smile like I was a long lost friend.

Tumayo siya at lumapit sa 'kin.

"Andito ka rin pala!" sambit niya saka siya napa-tingin kay Jill.

Doon nagsink-in sa 'kin kung sino siya. Siya pala 'yung driver ng stepfather ni Allison na si Mr. Ismael Gabriel.

"Ah o-oo! Napadaan lang!" Sagot ko.

Tumango-tango siya sa'king tinuran.

"So you're interested of magic shows?" Tanong ko sa kaniya.

"O-oo! Mula pa no'ng bata ako, mahilig na talaga ako sa magic," pagmamalaki niya.

"No doubt you're here!" I answered.

Ngumiti lang siya.

"Oh siya nga pala, she's Jill. She's my friend," I introduced.

"Your secretary. Nakikita ko na siya dati sa kompanya niyo nung hinahatid ko pa  si Ma'am Alli," sambit niya.

Hindi ako agad naka-sagot. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano sa sinabi niya but I erased the thought. This is overthinking and it's not good.

"By the way Jill, he's..." and then I realised, I myself do not know his name.

"A-ako nga pala si Waldez," pagsalo niya.

"Hello!" bati ni Jill saka sila nagkamayan.

"Driver siya ng Daddy ni Allison."

Tumango-tango lang si Jill habang nakikinig.

"Nice meeting you!" maayos niyang sambit kay Waldez.

May mga ilan pa kaming napag-usapan. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kaniyang dating inupuan dahil magsisimula na ang show at dumarami na rin ang tao.

Ilang minuto pa'y mayro'n nang nagsalita at bumukas  ang kurtina.

Very clichè ang mga shows nila. As usual in a magic show, mayroong nag-fire dance, nag-exhibition, at nagpa-bilib ng magic cards.

But I can say, their performance is not that bad lalo't hindi naman ganoon ka-mahal ang bayad.

Pero ang pinaka-kinabahan kami was the part of a little girl hanging on a curtain. I think she's 8 years old. Etong kurtinang ito'y gawa sa pinagdugtong-dugtong na malalaking panyo na iba-iba ang kulay. Mayroong green, red, blue, yellow -- the typical colors magicians use. She hang herself there at nag-exhibition siya do'n. At first, it seems boring hanggang sa pina-kaba niya kami dahil habang siya ay naka-tiwarik, biglang naputol ang kurtina.

The people starts to shout to express their fear and worry. Halos mapatayo ako sa kaba at gulat.

Even Jill, halos mapa-takip siya ng mata.

Now, we watch her fall closer to the floor. Hanggang sa 12 inches na lang bago siya tuluyang mahulog. And I'm now anticipating her to hit the floor.

But that's not what happened. I realised that was the trick. 'Yung mga sumisigaw sa kaba, ngayon naghiyawan sa bilib.

"Akala ko mahuhulog talaga!" sambit ni Jill.

In fairness that was unpredictable! 'Yan na lamang ang nasabi ko sa isip ko.

They all gave an applause.

Because she really deserves it, pumalakpak na rin ako.

What happened was this...

No'ng 12 inches na lang ang distansya niya sa floor at babagsak na dapat siya nang tuluyan, bigla siyang tumigil. The way we see it, parang tumigil ang oras para mapigilan ang pagbagsak niya.

Then I realised, hindi pala talaga na-putol ang kurtina. Siguro merong manipis at matibay na tali na nagdudugtong sa kaniya at sa kurtina sa taas. Hindi lang namin napansin earlier. That was the trick!

"Ang galing!" bilib na bilib at paulit-ulit na sambit ni Jill nang maka-labas kami sa tent.

"Thanks to me at inaya kita do'n. Kung hindi na-miss mo sana ang show!" Biro ko.

"Eh di..." pinagmasdan niya ako.

"...kain na tayo!" Saka niya ako nilampasan.

Akala ko magpapasalamat.

Gaya ng sinabi niya, kakain kamim Kumain kami ng isaw. It's been a long time since I last ate this. Nakaka-miss!

"Hindi pa rin talaga nagbabago..." sambit ko pagka-subo ko sa isaw.

"Ang alin?" pagtataka niya.

"Itong isaw, ang sarap pa rin," takam na takam kong sambit.

"Para kang bata!" biro niya sabay sawsaw niya sa hawak niyang isaw.

Siguro nga para akong bata ngayon na naka-kain ng paborito niyang pagkain. Na-miss ko 'to. Buti na lang sumama ako kay Jill.

After namin kumain, we decided to go home because it's already late.

Kaso hindi ko napigilan ang sarili ko. Habang naglalakad kami pauwi, may nadaanan kaming stall ng shooting.

Tutal, sinimulan na rin namin ang pagiging bata, susulitin ko na. Matagal na rin akong hindi naka-hawak ng baril-barilan.

"Jill, may 20 pesos ka ba diyan?"

"Meron naman yata..bakit?"

"Wala kasi akong barya. Gusto kong subukan 'yun!" sabay turo ko do'n.

"Try mo!"

Naglakad siya patungo roon.

Pagdating namin do'n, agad kong inabot ang 20 na bigay ni Jill.

Nakita kong may mga stuff toys do'n na premyo. May bears na iba-iba ang size. Pero ang pinaka-malupet ay 'yong stuff toy na halos kasing laki ng 3 year old na bata. Bukod sa mga bear, meron din silang mga naka-box na chocolate chips, candies at chichiria.

"Oh Jill, pili ka na kung alin sa mga pinaka-malaking stuff toys ang gusto mo!"

Napataas siya ng kilay. Halatang hindi siya naniniwala.

"Grabe 'yung self-confidence. Ni hindi mo pa nga alam kung tatamaan mo lahat 'yan!" Biro niya.

"Seryoso kaya ako," depensa ko.

"Ayokong umasa," biro niya.

Wala talaga siyang bilib sa 'kin! Sige I'll show her.

"Mas masakit ang magsisi sa huli!" sagot ko at sinimulan ko ang pagtira sa mga target.

Pinili ko 'yung pinaka-mahirap tirahin.

Sunod-sunod kong tinamaan ang mga ito.

After 10 shots...

"Ano? Naniniwala ka na?" turan ko kay Jill.

"M-malay ko ba na asintado ka!"

"So alin diyan ang gusto mo?"

" 'Yung pinaka-malaki do'n na mint green ang kulay."

Pinagmasdan ko ang kaniyang tinutukoy. It looks nice!

Sasabihin ko na dapat sa nando'n 'yung napili ni Jill kaso paglingon ko, inabutan ako ng isang naka-plastic na chocolate chips at tatlong lollipop.

"W-what's this?" pagtataka ko.

"Premyo niyo po?"

Napakunot-noo ako sa narinig ko.

"Premyo? Bakit 'yan? Na-tira ko naman lahat ah! Wala naman akong paltos."

"Kaya nga po eto po 'yung prize niyo," sagot nung payat na lalaking nagbabantay doon.

"Eh 'yung mga stuff toys diyan? Ano 'yan display lang?"

" 'Yang mga stuff toys po, dapat limang set po na walang palya para mapanalunan niyo po 'yang mga 'yan."

Hindi ako naka-imik. Napa-sulyap ako kay Jill. Naka-pili na siya ng stuff toy na gusto niya. Alangan namang i-disappoint ko siya. Hindi ko gawain ang nagpapa-asa sa kahit sinuman. Isa pa malaki ang naitulong niya para kahit papaano, bumuti ang pakiramdam ko.

Kinuha ko ang aking wallet at dumukot ng 100 pesos

"Okay! Give me that five sets," I decided sabay abot sa bayad.

"Mareuz, seryoso ka ba diyan?"

Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Mint green stuff toy, right?" paglilinaw ko habang naka-ngiti.

Tumango lang siya though I can sense na hangga't maaari, ayaw niya sanang gawin ko 'to.

Ikinasa ko ang baril at nagsimulang tumira.

The first set of shooting turned out to be fine. Lahat natumba.

Now, it's time for the second set. Ikinasa ko ang baril at ipinagpatuloy ang aking pagtira.

So far, so good!

Na-tira ko ulit lahat.

The third set was also fine. Na-tira ko ulit lahat.

Two more sets and the mint green stuff toy is ours.

Samantala, napa-check ako sa aking relo. It's getting late kaya binilisan ko ang pagtira.

Back on America during my training there, we were taught how to shoot the target properly.

Kaya sa totoo lang, this thing I'm doing right now is really easy lalo't napaka-lapit lang ng target.

I hit all the target in the fourth set.

I decided not to put a thrill this time. Binilisan ko ang pagtira for the last set and yes, I hit it all!

Agad kong sinabi sa nagbabantay 'yung bear na gusto ni Jill. Halos hindi mag-sink in sa kaniya how I managed to hit all the targets. Nakikita ko ang takot sa kaniya habang nakatingin sa 'kin.

"Andiyan ka pa ba?" tanong ko sa kaniya.

Sa sinabi kong 'yun tila bumalik ang kaniyang diwa.

Inabot niya 'yung bear. Inilahad ko ang aking palad para i-direct si Jill na pwede na niya itong kunin.

"I told you, iuuwi mo 'yang bear na gusto mo," I said pagka-abot niya.

Nilingon niya ako habang tuwang-tuwa. Para siyang bata ngayon na binigyan ng cotton candy.

"Ang galing mo!" sambit niya pero mas focus siya sa bear. Parang sa bear niya tuloy 'yun sinasabi.

Nagsimula na kaming maglakad paalis. Doon ko lang napagtanto ang mga taong nakatingin sa 'kin na hindi rin makapaniwala sa'kin.

"Andami mong fans," bulong ni Jill.

Nag-smirk lang ako sa sinabi niya.

Nag-insist akong ihatid siya pauwi. While on our way, hindi niya naiwasang itanong kung paanong sobrang galing ko sa pagbaril. Sa tingin daw niy, isa talaga akong pulis.

Hindi ako umamin. Not, until Dad's case is solved. Sinabi ko na lang na hilig ko talaga ang paglalaro ng baril-barilan nu'ng bata ako.

Alam kong hindi pa rin siya naniniwala pero buti na lang bago pa siya muling mag-tanong, nakarating na kami sa tinitirhan niya.

Nagpasalamat ako sa kaniya sincerely.

"Wala 'yun! Ingat ka pauwi!" sambit niya at pumasok siya sa loob bitbit 'yong bear.

---------------
Napatingin ako sa'king relo habang papasok ng aming bahay.

10:30 na!

Nadatnan ko si Matt sa sala na agad napa-tayo nang makita ako.

"Ginabi ka bro!" He said plainly.

He's not worried that's why he's asking.  I'm sure may iba siyang pakay. What he's saying is just an intro.

"Hinintay mo ako?"

He looked down at napahinga ng malalim.

"Gusto kitang makausap!"

Pinagmasdan ko siya.

"Sure!" Sabay tango ko.

Sabay kaming na-upo at magkaharap kami ngayon. Napansin ko ang laptop at cellphone na naka-patong sa mesa.

"Mareuz, this concerns the case of Dad," pagsisimula niya.

"I don't know what's on your mind right now. Hindi kita mapipilit sa desisyon mo whether you want to resume our initial plan or not anymore," sambit niya.

Kinuha niya ang laptop at phone na napansin ko sa mesa.

"In case gusto mong ipagpatuloy..." Inabot niya ang mga ito.

" ...take this!"

"Para sa'n 'to?"

"Kay Dad 'yan. Naisip kong baka makatulong sa paghahanap mo ng clue."

Naka-tingin lang ako sa ina-abot niya

"Sana ma-kumbinsi ka nito to at least give it another try," dagdag pa niya.


Kinuha ko ang laptop!

I cleared my throat.

"Bro," sabay hawak ko sa balikat niya.

"I can't promise anything pero titignan ko kung may clue dito," sambit ko at sa tingin ko kahit papaano'y gumaan ang kaniyang pakiramdam.

Ngumiti siya ng bahagya.

"I believe in you."

Continue Reading

You'll Also Like

19.3K 715 32
Napagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito to...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...
778K 20.7K 62
LISTEN... Do you wanna know a big secret? Do you promise not to tell? Let's see... Discover the secrets and lies, And uncover the hidden t...
2.1K 402 55
Ang buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglan...