My Rival My Lover (BoyxBoy)

By jwayland

204K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... More

Mr. Perfect
Pretend
Threaten
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
Rumor
My House
Finally
Secret
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Paghihintay
Pagtakas
Can't Let Go
I'm Rich!
Graduation Day
After All

A Decision To Make

3.6K 124 7
By jwayland

Good aftie guys! Still here in the office, here is the final chapter of My Rival My Lover and I know sobrang tagal ng tinakbo ng story na ito, hindi na kasi ako tulad dati na mabilis makaisip ng isusulat kaya pagpasensyahan niyo na po, pero thank you sa patuloy na sumusuporta ng mga gawa ko.

Picture of Chase Montevista on the right =====>>>>>>

Song is Too Less Lonely People by KZ Tandingan

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FIVE

Chase's POV

"Ok ka lang ba?" narinig kong tanong sa akin ni Bruce, mukhang kanina pa nito napansin na kanina pa din ako hindi mapakali.

"Oo naman!" hindi ko mapigilan mapalakas ang boses ko, pilit ko kasing nilalabanan ang kabang nararamdaman ko.

Maski naman sino makakaramdam nang kaba kung kasal na nila di ba?

Alam ko naman na sumang-ayon ako na magpakasal dito pero ang hindi ko inaasahan ay ang petsa nang kasal namin, biruin mo naman kasi isang linggo pa lang ang nakakalipas nang ayain ako nitong magpakasal tapos bukas ay kasal na namin, sino ba naman ang hindi mabibigla.

Hindi naman sa ayokong makasal dito, nabigla lang talaga ako.

"Ah ganoon ba, oh sige magpahinga ka na muna." narinig ko namang sinabi nito, hindi na din ito nagtagal at agad nang umalis sa kuwarto ko.

We decided to get married I mean Dexter decided to get married in New Zealand kung saan legal ang same sex marriage. He already arranged everything, mula sa simbahan kung saan kami ikakasal, pati na din sa venue ng reception, at maski sa mga accommodation ng mga bisita namin ay ito na din ang nag-asikaso, ang gusto lang nito sa akin ay ihanda ko ang sarili ko, na siyang nahihirapan akong gawin.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang makarinig ako ng sunod sunod na  katok, ilang sandali nga lang ay nakita ko na ang humahangos na kapatid kong si Kenji habang nakasunod naman si Nanang dito.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko sila, agad nawala ang agam agam sa dibdib ko dahil sa kasal namin ni Dexter.

"Kuya!" tumatawang tawag sa akin ni Kenji na agad tumabi sa akin sa kama, agad naman pumulupot ang braso ko sa maliit nitong katawan, next month ay operasyon na nito, excited akong maoperahan ito at gumaling, noon balak ko pa lang na makapag tapos ng pag-aaral at nang makahanap ako ng magandang trabaho para sana makapag-ipon nang pagpapaopera nito, pero nang dahil kay Dexter ay agad naisakatuparan ang bagay na iyon, at labis akong nagpapasalamat doon.

Madaming bagay ang nabago sa buhay ko mula nang dumating sa buhay ko si Dexter, he showed me what true love is, that it doesn't matter kung babae o lalaki ang mamahalin mo basta mararamdaman mo na lang iyon, at napakasuwerte ko dahil minahal ako nang isang Dexter Soriano, pero bakit ganoon, bakit nag-aalangan pa din ako kahit na nga ba pumayag akong magpakasal dito.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" narinig kong tanong ni Nanang sa akin, nakatulog na sa tabi ko Kenji at banayad kong hinahagod ang malambot nitong buhok.

"Anong ibig ninyong sabihin?" nakakunot noong tanong ko dito.

Huminga muna ito nang malalim bago muling magsalita. "Anak kita, alam ko kung may gumugulo sa iyo." sagot naman nito na hindi ko pa din maintindihan kaya naman nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Nagdadalawang isip ka ba sa pagpapakasal mo kay Dexter?" finally ay tanong nito sa akin.

Hindi naman ako agad nakasagot sa tanong nito, dahil maski ako ay hindi ko alam kung paano sasagutin ang bagay na iyon.

I love Dexter, there's no doubt about that, handa akong makasama ito habang buhay, pero pilit ko mang ipagwalang bahala ay meron parte ng isip ko ang tumututol sa hindi ko malamang kadahilanan, might just be nerves or something else.

"Kung hindi ka pa handa ay sabihin mo kay Dexter anak, alam kong maiintindihan ka niya." muli itong nagsalita, matapos halikan kami ni Kenji sa pisngi ay naisipan na nitong iwan kaming magkapatid.

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit nakatingin pa din ako sa nakasaradong pinto, mas lalo akong naguguluhan sa mga tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog, nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pangingiliti ni Kenji sa tagiliran ko.

"Good morning." nakangiting bati ko dito nang bumungad sa akin ang inosente nitong mukha.

"Good morning kuya, kain na tayo." aya nito sa akin habang pilit akong hinahatak para tumayo.

Nagpatianod naman ako dito, agad ko naman napansin ang mga pagkain na nakalagay sa isang push cart, may bacon, egg,  sausage, croissant, french toast at kung ano ano pa sa gitna non ay isang tangkay nang oras ang nakita ko na may nakakabit na isang puting papel.

Agad kong kinuha iyon at bago ko buksan ang naturang sulat ay sandali ko munang sinamyo ang amoy ng rosas na iyon, napangiti naman ako nang maamoy ko ang pabangong madalas gamitin ni Dexter.

"To the person that made me live again, I can't wait to have you in my life forever."

Napangiti naman ako sa nakasulat doon, hindi tuloy maiwasang hindi ito mamiss kahit na nga ba mahigit isang araw pa lang ang nakakalipas nang huli ko itong makita, nagdecide kasi itong huwag kaming magkita habang hindi pa kasal, katulad nang paniniwala nang mga nakakatanda.

Masaya ko nang sinaluhan ang kapatid ko sa almusal, ilang sandali lang ay dumating naman si Nanang at sabay sabay namin pinagsaluhan ang almusal na pinadala ni Dexter.

I treasured this moment specially now that I'm getting married and again that nagging feeling that I can't really understand.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang palapit ng palapit ang oras nang kasal namin ni Dexter, pero ganoon siguro talaga mas bumibilis ang takbo ng oras kapag kinakabahan ka.

Kasama ko ang best friend ko na si Bruce at ang pamilya ko sa kuwartong iyon.

"Ang guwapo mo tol." narinig kong biro ni Bruce sa akin, nasa harap kasi ako nang salamin at tinitignan ang imahe ko doon.

I'm wearing a silver suit na inorder pa ni Dexter sa ibang bansa, simple lang ang kasuotan na iyon pero mahahalata mong hindi basta basta ang presyo niyon.

I tried to check if there's something different about me, pero kahit anong tingin ko ay wala akong nakitang pagkakaiba sa nakikita ko sa salamin.

"Nang......." natigilan ako nang makita ko sa reflection nang salamin ang lungkot na nakaguhit sa mukha ni Nanang.

"Huwag mo kong intindihin." agad naman nitong sinabi nang makitang haharap ako dito. "Masaya lang ako dahil nakita mo ang taong magmamahal at mangangalaga sayo, kung makita ka nang Tatang mo ngayon sigurong magiging proud din siya sayo." sa narinig ay naramdaman ko ang pag-iinit ng ilalim ng mga mata ko.

"Thank you, dahil kahit nawala si Tatang ay pinaramdam niyo pa din sa amin ni Kenji ang pagmamahal ng dalawang magulang." hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang humulagpos ang emosyon na pilit kong nilalabanan, agad akong yumakap dito, sobrang higpit, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakat sa bengang ko at kahit hindi ko tignan ay alam kong si Kenji iyon.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan kami nanatili sa ganoong posisyon, narinig ko na lang ang marahang pag-ubo ni Bruce, hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya dahil sa emosyon na nasaksihan nito.

"Uhmmm sorry, but I think we really need to go." paliwanag nito, sandali kong inayos ang sarili ko at nang masiguradong ok na ako, ay sumunod na ako sa mga ito, naghihintay sa akin ang isang puting limousine, sa kabilang sasakyan naman sumakay ang pamilya ko.

"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ni Bruce, kasama ko ito sa sasakyan bilang best man ko, para palakasin ang loob.

Who would have thought na matapos nang lahat nangyayari ay bigla akong kinakabahan ng ganito, I mean come on ako kaya si Chase Montevista!

"Not really?" pag-amin ko dito, at kita ko naman ang pang-unawa sa mukha nito.

"You know it's not too late for you to choose me, and then we can elope." balewala nitong sinabi sa akin, hindi ko naman napigilan ang sarili kong hindi matawa na sinabayan naman din nito, alam ko naman na hindi ito seryoso sa sinabi nito lalo na't alam kong meron na din itong dinedate, kung sino man iyon ay wala akong ideya dahil ayaw pa din nitong sabihin sa akin ang bagay na iyon.

Bahagyang nawala ang takot ko, salamat sa biro ni Bruce, ngunit muli iyong bumalik nang nasa harap na kami ng simbahan.

"Breathe in breathe out." ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na iyon, bakit pakiramdam ko sobrang init, pakiramdam ko ay nasusuffocate ako kahit na nga ba wala pa ako sa loob.

Ngunit mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tuluyan nang bumukas ang pinto ng simbahan, bumungad sa akin ang mga taong excited na nakatingin sa akin, pakiramdam ko biglaang nagblangko ang paningin ko, hanggang makita ko si Dexter na guwapong guwapo sa suot nitong black suit, kita ko ang malapad na ngiti sa mga labi nitong habang nakatingin sa akin, I can see so much love in his face while looking at me.

I love him so much, that I can't bear to live without him, but why does my tears started to fall from my eyes.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang mamalayan ko na lang na hawak na pala ni Dexter ang kamay ko, at kita ko ang pagkawala nang ngiti sa mga labi nito nang matitigan ako ng maigi, ngunit imbes na magsalita ay minabuti na lang na tumahimik ito.

"We are gathered here today to witness the union of two people......." tanging iyon lang ang narinig ko dahil muli ay nablangko na naman ako, marahil ok na ito kaysa makaramdam ako nang pagsisisi, hindi ko alam pero iyon ang tanging naisip kong dahilan kung bakit ako nakakaramdam nang ganito.

Nagising lang ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig kong ilang ulit na palang tinatawag nang pari ang atensyon ko.

"Sorry." hingi ko naman nang paumanhin dito, at nang tignan ko ang itsura ni Dexter ay wala akong nabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Ngumiti naman ang naturang pari na tila ba nauunawaan nito ang kung anumang nararamdaman ko.

"Would you take this man to be your lawfully husband?" muli nitong tanong sa akin, akma akong akong sasagot ngunit tila may nakabikig sa lalamunan ko stopping me from uttering any word.

Narinig ko ang pagbubulungan nang mga bisita dahil sa hindi ko pagsagot, ilang segundo din siguro ang nakalipas nang muling magtanong ang naturang pari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makapagsalita.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Dexter na humawak sa palapulsuhan ko, at dinala ako nito sa gilid kung saan walang nakakarinig sa amin, sa ginawa ni Dexter ay mas lalong lumakas ang naging usap-usapan sa paligid.

"I'm sorry." ang tanging nasabi ko bago tuluyan humulagpos ang lahat nang takot sa dibdib ko.

Oo mahal na mahal ko si Dexter ngunit natatakot ako na baka hindi ko na makilala ang sarili ko, natatakot akong hindi ko na magawa ang mga bagay na pinagplanuhan ko bago ko pa man makilala si Dexter.

I planned to finish college na siyang nagawa, plano ko din maghanap ng trabaho para matulungan ko ang pamilya ko, I want to be independent, gusto kong ibigay sa pamilya ko ang marangyang pamilya gamit ng kakayahan ko, pero sa nangyayari alam kong hindi ko na magagawa ang bagay na iyon nang dahil kay Dexter, anything I want kaya nitong ibigay kahit gaano pa iyon kamahal, pero alam kong kapag tinanggap ko ang lahat nang iyon ay tuluyan nang mawawala ang tunay kong pagkatao, many people would want to trade places with me, sino nga ba naman tatanggi nang isang maaliwalas na buhay, iyong tipong wala ka nang iintindihin kung hindi paano maging masaya at kung paano mo uubusin ang perang kayang ibigay nang kapartner mo.

Pinilit kong ipaliwanag kay Dexter ang lahat ng takot at pangambang nasa dibdib ko, ni hindi ko nga siguro kung nagagawa ko iyon ng tama sa taas nang emosyon na nararamdaman ko nang mga oras na iyon, tahimik lang ito habang patuloy ako sa pagsasalita.

Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong halikan sa mga labi and that stopped me from talking nonstop.

Imbes na galit ang makita ko sa mga mata nito ay pang-unawa ang nababasa ko sa likod ng magaganda nitong mga mata.

"I know you're scared, but I'm not here to change you, I'm here to support you sa lahat ng desisyon mo sa buhay, I want to be always there kapag kailangan mo nang masasandalan, kapag napapagod ka at kailangan mo nang magkakalinga sayo, gusto kong nandoon ako lagi, I will not tell you what you need to do dahil alam kong alam mo ang tama sa hindi, I'll always be here each time that you need someone to talk to. I love you just the way you are Chase Montevista and I don't tend to change any single thing about you. I love you." punong puno nang pagmamahal nitong sinabi sa akin, and with that ay tuluyan nang nawala ang agam agam ko, he's my partner, at bilang partner ay may say ito sa mga desisyon ko, kahit na nga ba nasa akin pa din ang huling desisyon pero kasama ito sa lahat ng bagay, I was about to speak nang muli itong magsalita.

"Kung ayaw mong ituloy ang kasal ay maiintindihan ko." alam kong nahihirapan ito habang sinasabi ang bagay na iyon, pero tuluyan akong nabuhayaan nang loob sa sinabi nito, he's offering my a way out.






Continue Reading

You'll Also Like

120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...
307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO
175K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
548K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...