My Rival My Lover (BoyxBoy)

Galing kay jwayland

204K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... Higit pa

Mr. Perfect
Pretend
Threaten
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
Rumor
My House
Finally
Secret
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Paghihintay
Pagtakas
Can't Let Go
I'm Rich!
A Decision To Make
After All

Graduation Day

3.7K 135 25
Galing kay jwayland

Good morning guys! Just finished reading Something Like Forever the final book of Jay Bell, at sa totoo lang I felt so emotional after reading it, part of me regretted reading it because of the epilogue and at the same time, it showed me a little bit of realization, the what after the happily ever after, what's next which is till death do us part and after that, but still Something Like Summer is for me the best na nabasa ko when it comes inflicting different emotions sa kanyang manbabasa, kaya basahin niyo siya please..... para may makausap ako doon hehehe.

Picture of Dexter Soriano on the right =======>>>>>

Song is Hanggang Kailan by Michelle Ramirez

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FOUR

Chase's POV

"Three months." hindi ko maiwasang hindi maisip, tatlong buwan na ang nakakalipas nang ipakidnap ako ni Dino para gamitin kay Dexter, a lot of things happened after that, I almost died because of a gunshot, at alam kong masyado kong napag-alala hindi lang si Dexter kung hindi pati ang pamilya ko, nalaman na din ni Nanang ang totoo sa amin ni Dexter at ok lang sa kanya na malaman na may relasyon kami ni Dexter, oh and I almost forgot naging yaman ko, sobrang yaman, pero sandali lang iyon dahil agad ko iyong binalik kay Dexter, after a month of hiding ay nahuli din ang mag-asawang Dino and Greta at naghihintay na lang sila sa hatol ng korte nalaman din kasi na sila ang naging dahilan ng pagkamatay hindi lang ng kapatid ni Dexter kung hindi pati na din ng mga magulang nito, aside from that ay naschedule na ang pagpapaopera ni Kenji sa sakit nito sa puso, naschedule itong lumipas sa US sa susunod na buwan sa tulong na din ni Dexter.

Tatlong buwan na ang nakakalipas at dapat maging masaya na ako, hindi ba? Pero hindi eh! Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala nang isang linggo na ang nakakalipas nang makalabas na ako sa ospital, gustuhin man ni Dexter na tumira ako sa isa sa mga bahay nito ay hindi ako pumayag at minabuti kong magpahinga na lang sa bahay.

I was resting nang sabihin sa akin ni Nanang na nasa labas daw si Dexter, awtomatiko naman gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang marinig iyon.

Kahit medyo kumikirot pa ang likod ko ay nagmamadali akong lumabas sa abot ng aking makakaya, at agad naman bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dexter, it took me all self control that I have not to run to him and hug him so tight, ilang araw pa lang ang nakakalipas pero sobrang namiss ko na ito.

"Hi." I felt like kicking myself dahil parang naging masyado ata akong demure specially now na alam na din naman ni Nanang ang totoo, I can already express myself freely.

"Kamusta ka na?" nakangiti ito pero parang may nararamdaman akong kakaiba dito na hindi ko maipaliwanag.

"Ok na naman, puwede na nga akong pumasok bukas." sagot ko naman dito, hindi ko magawang ilayo ang tingin ko sa guwapo nitong mukha.

Hindi ko alam pero wala ni isa sa amin ang muling nagsalita matapos non, nanatili lang kaming nakatayo habang magkaniig ang aming mga mata.

"Papasukin mo na muna ang bisita mo!" narinig kong sinabi ni Nanang na siyang napagpabalik sa akin sa wisyo.

"Pasok tayo." aya ko dito, and I was about to go back nang mapansin kong hindi pa din ito kumikilos and when I looked back I saw so much sadness in his eyes na nakaramdaman ako ng sakit sa aking dibdib.

"Dexter......" tawag ko dito, not too sure kung ano bang gusto kong sabihin dito, but I know I should something.

"I'm leaving." mahina lang ang pagkakasabi non pero ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa boses nito.

"Pe...pero kakarating mo lang...... hindi mo man....." ngunit tuluyan iyong naputol nang makita ko ang katotohanan sa mga mata nito.

"Hanggang kailan?" nahahapo kong tanong dito, kahit hindi ko tanungin ang ibig nitong sabihin ay ramdam ko ang totoo.

"Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko, ayusin ang mga bagay sa buhay ko." sagot naman nito.

"Pero..... hindi mo naman kailangan lumayo eh.... puwede mo naman sigurong ayusin iyon kahit na kasama ako." ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng ilalim ng aking mga mata, but I tried so hard to fight the tears that threatening to fall.

"I need to..... I need to fix myself, ayokong mangyari uli ang nagyari sayo." referring to me being kidnapped.

"Pero hindi mo kasalanan ang nangyari, don't blame yourself in something na hindi mo din naman ginusto." hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan ito, kinulong ko ang guwapo nitong mukha sa mga kamay ko, while looking straight to his eyes, tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko nang makita ko ang desisyon nito.

"Babalik ka naman di ba?" gustong gusto kong magmakaawa dito, pero alam kong hindi lang ako ang nahihirapan maski ito man, iyon na lang ang nasabi ko habang magkadikit ang aming mga noo.

Ngunit imbes na sumagot ay tinawid nito ang kaunting distansya nang mukha namin at sinakop ang mga labi ko, kung puwede lang sanang tumigil ang pag-inog ng mundo at manatili na lang kami sa ganoong posisyon ay nanaisin ko pa.

We kissed ignoring everyone, let them watch if they want dahil nararamdaman kong matatagalan pa bago ko muling mahalikan ang mga labi ng taong pinakamamahal ko.

Naramdaman ko ang pagtutol ng puso ko ng tapusin nito ang halik na iyon, ngunit minabuti kong hintayin na lang ang susunod nitong gagawin.

"Definitely." sagot naman nito, sandali akong natigilan sa sinabi nito, ilang segundo din siguro ang lumipas bago ko nagets ang sinabi nito which is ang sagot sa tanong ko kanina.

Hindi na din ito nagtagal at agad na ding umalis, kahit nakaalis na ito ay nanatili pa din ako sa kinatatayuan ko.

"Hihintayin kita." namalayan ko na lang na lumabas pala iyon sa mga labi ko ng hindi ko namamalayan.

"Chase tara na magsisimula na ang graduation." nagising na lang ako nang tawagin na ako ni Bruce dahil magsisimula na ang graduation namin, yes ngayong araw na ito ang graduation namin, matatapos na ang pag-aaral ko na kaytagal ko ding hinintay dahil gusto kong masuportahan ko ang pamilya ko, nasa labas pa din ako ng hotel kung saan gaganapin ang graduation namin, I don't know I'm just hoping na sana pumunta si Dexter para man lang masaksihan nito ang pagtatapos ko, ngunit twenty minutes na siguro akong naghihintay ngunit walang Dexter Soriano na nagpakita.

"Tara na." sinabi ko kay Bruce matapos magpalabas ng malalim na paghinga, banayad naman nitong piniga ang balikat ko na tila ba alam nito ang pinagdadaanan ko.

Nang makarating sa naturang venue ay agad na kaming pumuwesto sa kanya kanya naming mga upuan, kumaway pa ako kela Nanang na nasa dulo naman na bahagi ng venue, kasama ang iba pang kapamilya ng mga graduating, sandali kong nilibot ang mga mata ko for a particular person, ngunit bigo pa din ako, hindi ko tuloy mapigilan ang pagbangon ng inis sa dibdib ko.

Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na din ang programa, at matapos ang mga speeches ay nagsimula na ang pagbibigay ng mga diploma, bandang huli pa tatawagin ang pangalan ko dahil ako ang naging Summa Cum Laude sa batch naming iyon, na siyang pinaghirapan ko, masaya ako dahil nagbunga ang lahat ng paghihirap ko pero parang pakiramdam ko ay kulang ang tuwang nadadama ko at alam ko kung sino ang dahilan non.

"And please welcome your Summa Cum Laude. Chase Montevista." narinig kong pagpapakilala sa amin ng Dean namin.

Agad naman akong tumayo at dumiretso sa stage na nasa harapan namin, I was waiting for my Mom to stand up, ngunit nagtaka ako nang hindi man lang ito kumilos sa inuupuan nito habang katabi si Kenji, napansin ko na lang ang ginawa nitong pagturo sa kabilang side ng stage.

And what I saw took me off guard, he's still as handsome like he just walked out from a cover of a magazine, mukhang natuon naman ang atensyon ng mga tao dito at dinig ko ang naging pag-uusap nila.

"Hindi ba si Dexter yan, bakit siya ang magsasabit ng medal?" naguguluhang tanong ng mga kaklase namin which I completely ignored.

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko anumang oras dahil sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

He's wearing a simple white Lacoste polo shirt  na humakab sa mamuscle nitong dibdib, showing ripped biceps, na tinernuhan nito nang simpleng cream na pantalon at kulay blue na sneakers.

"Hi." ang bungad nito sa akin nang tuluyan na itong nakalapit sa akin, doon ko lang namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

Agad naman inabot dito ang medalya ko at ilang mga certificate na nagpapatunay na nakuha ko ang pinakamataas na karangalan para sa course namin, sandali akong yumuko para tanggapin ang medalya ko, ngunit hindi ko inasahan ang sunod na ginawa ni Dexter.

I can hear the gasped coming from the audience because of what Dexter did, maski ako man ay nagulat sa ginawa nito.

"I told you Chase is gay." narinig ko pang sinabi ni Anthony na kahit sa huling pagkakataon ay gusto pa din akong sirain.

"Oh just shut up!" narinig ko naman na sagot ni Bruce na labis kong pinagpapasalamat.

Sandali lang ang halik na iyon, pero parang biglang nawala ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko sa tatlong buwan na hindi ito nagpakita or tumawag man sa akin, ni kasi text hindi man lang nito nagawa.

"I'm so proud of you." sinabi nito sa akin, habang ginagaya ako nito patungo sa mismong harapan kung saan ako mag speech.

Para akong biglang nablangko nang mga oras na iyon, ang speech na kinabisado ko ay tila nawala na parang bula, at sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang pinagsasabi ko at kung paano natapos ang speech ko, nagising lang ako nang mapansin ko ang pag-alis ni Dexter, dali dali akong bumaba ng stage at wala na akong pakialam kung ano ang mga susunod pa, ang tanging nasa isip ko ay ang habulin si Dexter at huwag na itong pakawalan.

"Dexter!" hinihingal ko pang tawag dito, akma itong sasakay sa naghihintay na elevator, I was afraid na tutuloy ito, ngunit mabuti na lang at muli ako nitong hinarap.

"Please don't go." pagsusumamo ko dito, kita ko naman ang pag-aalangan sa mukha nito kaya agad akong lumapit dito at ako na mismo ang humalik sa mga labi nito, wala na akong pakialam sa mga tao sa hotel na iyon, ang mahalaga lang ay hindi na muling umalis si Dexter sa piling ko.

"But I need......" ang sinabi nito, ngunit hindi ko hayaan na matapos nito ang sasabihin nito at muli kong hinalikan ang mga labi nito, kung ang patuloy kong paghalik ang makakapigil dito ay gagawin ko iyon, kesehodang pareho kaming mawalan ng paghinga.

"Wait.... you don't understand...." pilit ko naman hinahabol ang mga labi nito dahil umiwas na ito, tinago ko naman ang sakit sa ginawa nito, naiintindihan ko kung bakit gusto pa din nitong lumayo sa akin.

"I understand Dexter, alam kong natatakot ka pa din na mangyari sa akin ang nangyari noon, natatakot ka na hindi ka pa handa.... pero...." ngunit nagulat na lang ako nang bigla na lang itong tumawa, hindi ko naman mapigilan na hindi masaktan at mainsulto sa ginawa nito, here I am pouring out my feelings for him pero tatawanan lang pala ako nito.

Napalitan naman ng inis ang nararamdaman ko, kaya naman agad akong tumalikod ngunit bago pa man ako makapaglakad ay agad na akong hinawakan ni Dexter sa kamay ko at kinulong ako nito sa mga braso nito, which I admit is pretty nice pero hindi inis pa din ako dito.

"Where do you think you're going?" narinig kong sinabi nito, at dinig ko pa din ang tila pagtawa nito kaya kahit masarap sa pakiramdam na makulong sa mga braso nito ay pinilit kong kumawala dito na hindi ko napagtagumpayan.

"Bitawan mo na ako at papasok na ako sa loob, kung gusto mong umalis bahala ka sa buhay mo, at mas maganda ay huwag ka nang bumalik." pinilit kong pairalin ang inis ko dito kahit na nga ba parang mababaliw ako sa bango ng taong ito.

"You're really funny, don't you know that." minabuti ko na lang hindi na umimik at hayaan itong magpatuloy, na siya namang ginawa niya.

"Kailangan ko lang umalis para siguraduhing maayos ang pinareserve ko, I told you babalikan kita and this time, hinding hindi na ako mawawala sayo." this time ay naging seryoso na siya kaya naman mas bumilis ata ang tibok ng puso ko.

Inakay naman ako nito patungo sa naghihintay na elevator.

"You made quite a scene there." naisip kong sabihin dito para basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I don't care at wala naman silang magagawa kahit na against sila sa ginawa ko." balewala nitong sagot.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ko naman na tanong dito.

"Well I owned the school." he answered nonchalant, no wonder madali lang ditong nakapasok sa school namin.

Muli ay hindi na naman ako makahinga nang bumungad sa amin ang penthouse, nadedekorasyunan kasi ang buong kuwartong iyon nang iba't ibang klase nang bulaklak na ang iba ay hindi ko alam ang pangalan, sa gitna naman noon ay isang mesa kung saan nakahanda ang mga gagamitin namin.

"Surprise." nakangiti nitong sinabi sa akin, hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin nang ilang sandali lang ay muling dumating ang elevator at bumungad naman sa amin ang pamilya ko, kasama nila si Bruce at ang Mommy nito.

Nagulat na lang ako nang binalik ko ang tingin ko kay Dexter na nakaluhod na sa isang tuhod nito.

"A.... anong ibig sabihin nito?" gumagaralgal na tanong ko dito, ayokong mag jump into conclusion pero base sa puwesto nito ay........

"I know, masyado pang maaga, hindi pa tayo masyadong magkakilala at kailan lang naging tayo, pero alam ko sa sarili ko na, ikaw Chase ang gusto kong makasama and I'm wondering kung maari mong paligayahin ang tulad ko bilang aking asawa." kita ko ang pag-aalangan nito, para naman nalulon ko ang dila ko habang nakatingin sa guwapo nitong mukha.

"I know baka hindi ka pa handa at baka madami ka pang gustong gawin lalo na't bata pa tayo......" nainis na ako sa sobrang daming sinasabi nito, kaya naman pinutol ko na iyon sa paraang alam kong makakapagpatahimik dito.

"Yes, I will marry you Dexter Soriano." bukal sa didbib ko ang sinabi ko dahil alam ko sa sarili kong handa na akong makasama ito habang buhay at naniniwala ako na wala sa tagal ng relasyon ang pagdedesisyon kung magpapakasal ba ang dalawang taong nagmamahalan.

"Baka naman nabibigla ka lang, naiintindihan ko naman kung nagdadalawang isip ka pa." hindi ko alam kung maiinis ba ako dito o matatawa na lang, kasi naman propose propose ito pero ayaw naman maniwala sa sinabi ko.

"No! Sigurado na ako, akin ka na habang buhay Dexter Soriano at mahal na mahal kita." titig na titig ako sa mga mata nito habang sinasabi ang bagay na iyon at umaasa akong makikita nito sa mga mata ko ang katotohanan sa nararamdaman ko, na mukhang siyang nangyari.

"I love you too Chase, you just don't know how hard it is for me to leave you, but I promise you, I'll never leave you again." pangako nito.

And we sealed our promises with another kiss, a kiss that will be the start of our lives together.









Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

30.6K 1.4K 26
Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers. Being a responsible child and a loving b...
98.1K 4.5K 26
Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing ganap kang tao. Kinakailangan mong mata...
324K 8.6K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
548K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...