My Rival My Lover (BoyxBoy)

By jwayland

206K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... More

Mr. Perfect
Pretend
Threaten
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
Rumor
My House
Finally
Secret
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Paghihintay
Pagtakas
Can't Let Go
Graduation Day
A Decision To Make
After All

I'm Rich!

3.5K 146 20
By jwayland

Hi guys! Nagbago na sched ko at dahil diyan naging off ko ng Monday kaya ito nag dradraft for the final chapter or second chapter bago ang final chapter? We'll see hehehe. At dahil obsessed na obsessed pa din ako sa Something Like Summer kaya naman, here is the ost of that movie (TimBen for the win!)

Picture of Dexter Soriano on the right =======>>>>>

Song is Shadow by Grant Davis

===============================================================================

CHAPTER THIRTY THREE

Chase's POV

"Chase....." hindi ko maiwasang hindi mairita nang makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko, kasi naman sobrang payapa nang pakiramdam ko tapos may manggugulo sa akin.

"Leave me alone." hindi ko sigurado kung lumabas ba sa bibig ko ang mga salitang iyon, pero iyon mismo ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Pakiramdam ko ay isa akong dahon na nagpapadala sa daloy nang isang banayad na tubig, at sasabay lang ako kung saan ako dalhin ang agos ng tubig na iyon, ngunit patuloy pa din sa pagtawag ng pangalan ko ng kung sinumang istorbo na iyon.

Pero.... teka... parang pamilyar sa akin ang boses na iyon.

Pinilit kong pakinggan ang boses na iyon na pamilyar sa akin, hanggang madinig ko ang lahat ng sinasabi nito.

"Please Chase wake up, kayanin mo ito, you're not dead. Please I love you." something deep tugged inside me, ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa boses ng taong iyon, I tried to move pero parang wala akong nararamdaman sa katawan ko.

Nagpatuloy pa ang pagsasalita ng taong iyon, hanggang namalayan ko na lang may isang salitang lumabas sa bibig ko.

"Dexter." ang tanging salitang namutawi sa bibig ko, I tried to move without any success, I know I need to go back, back to the love of my life pero kahit anong gawin ko ay hindi pa din ako makagalaw na tila ba may mabigat na bagay ang nakadagan sa akin.

Hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng frustration dahil kahit anong gawin ko ay hindi pa din ako makagalaw, when another voice called my attention, it's not Dexter's which I'm quite sure about.

"Sino ka?" tanong ko dito, medyo malabo ang pigura na nasa harapan ko, kaya hindi ko masigurado kung sino itong nakatanghod sa akin, hindi din pamilyar sa akin ang boses nito.

"Hi Chase, hindi mo ba ako namumukhaan?" tanong nito, base sa boses nito ay masasabi kong nakangiti ito, for some reason wala akong nararamdamang takot habang kausap ko ang taong..... multo o kung ano man ito.

Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa nasa harap ko, hanggang unti-unting luminaw sa akin ang anyo ng nasa harap ko, and what I saw took my breath away, iyon ay kung buhay pa nga ba ako.

I saw myself standing in front of me. Pero habang mas lumilinaw sa akin ang anyo nito ay napansin ko ang ilang pagkakaiba sa aming dalawa.

"Daniel?" it's not a question, but more than a statement, standing in front of me is the spirit of Dexter's brother Daniel.

Tumango lang ito habang nakangiting nakatingin sa akin, nakita ko na ito sa picture pero iba pa din pala na makita mo ito nang harapan or while me lying down dahil hindi pa din ako makagalaw.

"What do you want?" tanong ko dito.

"I want you to make my brother happy." ang sagot naman nito, which frustrated me so much.

"Kung hindi mo napapansin, kanina pa ako hindi makagalaw." sarcastic ko namang sinabi dito na tinawanan lang nito.

"I know, kaya nga nandito ako." makahulugan naman nitong sinabi sa akin, I was expecting him to pull me up, ngunit hindi nito nagawa, naghintay pa ako ngunit hindi pa din ito kumikilos.

"Ang pagtulong ba na sinasabi mo ay ang titigan lang ako?" iritable kong tanong dito.

Muli lang itong ngumiti sa akin, at laking gulat ko nang mapansin kong unti-unti na itong lumalayo sa akin.

"Please love my brother." ang huling narinig ko mula dito, nang tumingin ako sa itaas ay saka ko lang napansin ang tila liwanag na nagmumula doon.

For some reason ay nagawa kong iangat ang mga kamay ko trying to reach that light, a warmed feeling enveloped my whole body nang sa wakas ay maabot ko na ang liwanag.

"Dexter?" halos pabulong kong tawag dito, nakayuko kasi ito sa akin habang paulit-ulit nitong sinasabi na mahal na mahal noya ako, and when I saw his handsome face covered with tears ay nakaramdaman ako ng sobrang sakit sa dibdib ko and at the same time, I felt something painful at my back.

Bigla naman nagliwanag ang mukha nito nang makitang nakadilat na ako, agad itong tumayo kahit na nga ba tutol ako, napansin ko na lang na may ibang tao ang lumapit sa akin, ngunit hindi ko na masyadong nasundan ang mga nangyari dahil muli ay tinalo na ako ng kadiliman.

The next time I woke up, I felt a burning sensation in my throat. "Tubig." ang unang salitang namutawi sa mga labi ko ng magising ako ng araw na iyon, hindi ko alam kung may nakarinig ba sa akin, dahil tuyong tuyo nang pakiramdam ng lalamunan ko.

Agad naman may lumapit sa akin na may hawak ng baso na may straw. I felt so thirsty kaya naman hindi ko mapigilan mairita nang sandali lang ako nitong hayaan makainom na para bang pinasabik lang ako nito.

"Sorry Chase, sabi ng doctor huwag ka munang painumin nang marami." narinig ko naman sagot nito na para bang nababasa nito ang iniisip ko, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit agad akong napatingin dito.

Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Dexter, he looked so tired, nangangalumata ito na tila ba ilang araw na itong hindi nakakapagtulog.

Namalayan ko na lang na umangat na pala ang kanang kamay ko patungo sa pisngi nito, sa ginawa ko ay tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa magkabila nitong mga mata.

"Bakit ka umiiyak?" kahit nahihirapan ay pinilit kong magsalita, ayokong makitang umiiyak nang ganito si Dexter, dahil mas lalo akong nasasaktan.

"I thought..... I really lost you." mas lalong lumakas ang daloy ng mga luha nito habang sinasabi ang bagay na iyon.

Kahit mahirap at pinigilan ako ni Dexter ay pinilit kong makabangon pinagdikit ko ang mga noon namin at tinitigan ito ng diretso sa mga mata.

"I will never leave you." pangako ko sa kanya and that put a smile on his face, pero dahil sa ginawa ko ay muli akong nahilo at nawalan ng malay.

Nagisnan ko naman sila Nanang at bunso kong kapatid na si Kenji na agad na tumabi sa akin, na kahit anong sita ni Nanang ay hindi nakinig.

"Hayaan niyo na po, kamusta na bunso?" masuyo kong ginulo ang buhok nito.

"Ang tagal mo namang matulog." pagmamaktol nito na tinawanan ko na lang.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Chase?" narinig kong tanong ni Nanang, hindi ko maiwasang hindi maguilty nang makita kong tila tumanda ng ilang tao ito.

"Ok naman na po ang pakiramdam ko, sorry po kung pinag-alala ko kayo." hingi ko nang paumanhin dito.

"Sinabi na sa akin ni Dexter ang lahat, ang mahalaga ay buhay at ligtas ka na." nakangiti naman nitong sagot sa akin.

Bigla naman akong napaisip sa sinabi nito, kung sinabi na ni Dexter ang lahat kay Nanang, ibig kayang sabihin alam na din nito ang tungkol sa amin?

As if right on cue ay pumasok naman si Dexter na may dala dalang prutas bulalak at balloons na may nakasulat na get well soon, agad naman itong tumakbo palapit sa kama kung saan ako nakahiga nang makita nitong gising na ako.

"Thank God, you're awake." ang salubong sa akin ni Dexter, hindi na ako nakahuma nang balewala nitong sakupin ang mga labi ko sa harap pa mismo ni Nanang.

Mabigat man sa loob ko ay tinulak ko si Dexter palayo sa akin, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi sabay tingin kung saan nakatayo si Nanang na agad din naman sinundan ni Dexter at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito na tila ba hindi nito napansin ang magulang at kapatid ko.

"So.....sorry po." nagkakandautal na paghingi nang paumanhin ni Dexter, pinigilan kong matawa dahil hindi ko akalain na ang tulad ni Dexter ay mauutal sa harap ni Nanag, who would have thought that the mighty Dexter Soriano will act sheepishly in front of my mother.

"I guess, alam niyo na din po ang tungkol sa amin ni Dexter?" tanong ko kay Nanang, ngunit nagulat na lang ako ng bigla itong umiling.

Agad naman lumipad ang tingin ko kay Dexter at kita ko ang guilt sa itsura nito, ang buong akala ko pa naman sinabi na nito kay Nanang ang totoo, this time ako naman ang biglang nakaramdam ng labis na pagkailang.

Sa totoo lang todo ang panalangin kong mawalan sana ako nang malay, pero mukhang busy ang nasa taas kaya nanatili akong gising hanggang tuluyan nang makalapit si Nanang.

"Hindi na kailangan sabihin sa kin ni Dexter ang tungkol sa inyo, sa mga kilos pa lang niya at pag-aalala ay ramdam na ramdam kong mahal na mahal ka niya." nakakaunawa nitong paliwanag.

"Hindi.... po... ba kayo galit?" nag-aalangan kong tanong dito.

"Bakit naman ako magagalit? Kailan pa maling magmahal?" tanong nito sa akin, mas lalo akong nahiya dahil naisipan kong hindi ako nito matatanggap.

"Ang mahalaga sa akin Chase ay ang kaligayahan mo, at kung kay Dexter kay sasaya, ay susuportahan kita." sinabi nito habang masuyong hinawi ang buhok na tumakip sa mukha ko.

Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng ilalim ng mga mata ko at kahit anong pigil ko ay hindi ko napigilan ang malayang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko.

"Salamat po, salamat po." ang paulit ulit kong sinabi kay Nanang. Matapos ang pag-uusap na iyon ay minabuti ni Nanang na bigyan kami ng privacy ni Dexter.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" masuyong tanong nito.

"Ayos naman ako, pero paano tayong........" naputol naman ang sasabihin ko nang maalala ko ang mga nangyari.

Naalala kong kinidpa ako ni Dino para mapasunod si Dexter, tapos nakatakas ako pero nahuli uli tapos may nakita akong butas sa ilalim ng papag kung saan ako dumaan, paalis na sana ako ng makita ko si Dexter, naalala ko dun na nakatakas kami ngunit nabaril ako sa likod.

"Sila Dino......" sasabihin ko sana ngunit tinapat naman ni Dexter ang hintuturo nito sa bibig ko kaya natahimik ako.

"Nakatakas sila." parang balewala lang dito kuing nakatakas man sila Dino at Greta.

"Pero paano ang mga dokumento na napirmahan mo?" nag-aalala kong tanong dito, hindi ko alam kung bakit parang kalmado pa din ito samantalang baka nagtagumpay na ang dalawa.

"Kahit naman pinirmahan ko iyon ay wala pa din mangyayari." makahulugan nitong sinabi sa akin na nagpakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihing wala pa ding mangyayari? Hindi talaga kita maintindihan." napabuga na lang ako ng hangin dahil sa sinabi  nito.

"Hindi ko na naman pag-aari ang lahat ng iyon." muli nitong paliwanag, na lalong nagpagulo sa akin.

"Paanong hindi mo pag-aari ang lahat ng iyon? Ano iyon pinamigay mo......" natigilan naman ako sa sasabihin ko sana nang may maisip akong bagay, hindi naman siguro, pero nang tignan ko ang mukha ni Dexter ay nakumpirma ko ang hinala ko.

"Please tell me hindi mo sinalin sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian mo?" mas kumpirmasyon iyon kaysa tanong.

"Nope, not all, but at least eighty percent of what I have is already under your name, kung magtagumpay may si Dino at Greta ay twenty percent lang ang mapupunta sa kanila." balewala nitong paliwanag na para bang nagpapaliwanag lang ito na ang langit ay azul.

"Are you freaking insane!" hindi pa din ako makapaniwala na magagawa nito ang bagay na iyon.

"No! But I'm freaking in love with you." bago pa man ako makapagsalita ay nasakop na nito ang bibig ko and this time kusa nang tumugon ang mga labi ko dito.

Bigla naman pumasok sa isip ko ang katotohanan. "I'm rich." pero balak kong ibalik ang lahat ng iyon kay Dexter dahil ang kailangan ko ay siya lang.


Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
357K 12.1K 44
Yakob Alcuzar was a mess and a bully but everything change when he meet Cloy Linel Martinez, a first year architecture student.
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
1.5M 68.6K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...