Salvador Brothers Presents: R...

Oleh HirayaDayana

342K 4.9K 110

Salvador Brothers Presensts: RAIN THE MIGHTY'S LOVE Matalino. Mayaman. Drop-dead gorgeous. Sikat sa business... Lebih Banyak

Salvador Brothers Presents: RAIN
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
ANNOUNCEMENT
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Yana's Note:
Special Chapter #1
Note

Kabanata 8

8.7K 148 3
Oleh HirayaDayana

"Naku, hija! Hindi mo naman kasi sinabing pupunta ka dito. Eh di sana nakapagpaluto ako ng fishball at kwek-kwek." Napailing nalang ako sa sinabi ni Mamang. "O eto pa. Kainin mo lahat yan ha?" Napamaang nalang ako nang iniabot nya sa akin ang plato na ilang minuto nya nang pinupuno ng pagkain. Nag-uumapaw na nga iyon sa dami ng nakalagay!

"Mamang! Hindi ko po kayang ubusin yan lahat!" Halos lumuwa ang mata ko nung inilapag nya sa harap ko yung plato dahil hindi ko inaabot. "Well, kailangan mo yang ubusin. Dapat magpataba ka! Look at you, para kang hindi kumakain!" Bulalas ni Mamang na noo'y umupo na sa tabi ko. Iginala ko ang paningin ko sa pamilya Salvador na kasalo ko sa hapag. Naiiling na lang din sila. Napatingin ako sa isa ko pang katabi na si Rain. Inginuso nya ang plato ko at nagtaas ng kilay. Napatingin ulit ako kay Mamang na masayang nakatingin sakin at tila inaabangan ang pagkain ko. Wala nalang din akong nagawa kundi gawin ang gusto nya, nagsimula na akong sumubo.

"Kumusta ka na, Harley? Matagal na din simula nung huli tayong nagkita." Napatigil sa gitna mg ere ang kutsarang hawak ko nang narinig ko ang tanong ni Tito Blue na syang bumasag sa katahimikang bumabalot samin. Napakurap ako at dahan-dahang ibinaba ang kutsarang hawak ko. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "I'm doing fine Tito Blue, thanks for asking. Uhm, how about you? I mean...all of you. It's been five years. I'm pretty sure madami nang nagbago sa family na ito."

Ibinaling ko ang tingin ko kay Tita Sunshine na nakangiti sa akin. "Wala namang masyadong nabago, hija. Except kay Thunder na happily engaged na." Napatingin ako kay Thunder at nakita syang nakangiti din. "Talaga? You're engaged? Kanino?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Nagtawanan naman sila dahil sa reaction ko. "Yes, I'm engaged. And you know her. Si Sophia Jimenez." Bakas sa mukha nya ang saya. Hindi ko tuloy napigilan ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. Nakakatuwa naman. Hindi ko akalaing mae-enggage si Thunder. Eh sa kanilang apat, akala ko sya ang hindi na magkaka-nobya dahil sa pagiging ilap nya sa mga babae. Napailing nalang ako. "Hindi ko inaasahan ang balitang yan, ah? Akala ko kasi talaga hindi ka na magkaka-girlfriend pa."

"Ano? Sa gwapo kong ito? At bakit naman mo naisip yan, ha?" Natatawang tanong nya sakin. "Sorry naman. Akala ko kasi talaga, bakla ka eh." Nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko kaya napahagalpak ako ng tawa. Maging silang mga kasalo ko sa mesa ay napatawa na din. "Baliw ka talaga kahit kelan." Sabi nya nalang at napatawa nalang din.

"Thank you, Ate Harley." Napatigil kami sa pagtawa nang nagsalita si Cloud. Nang nalingan ko sya ay nakita ko ang seryosong mukha nya habang nakatingin sakin. Nagsalubong ang kilay sa pagtataka. "Para saan?" Nagtatakang tanong ko. Napansin ko ang ngiting gumuhit sa mga labi nya. Tiningnan nya isa-isa ang mga taong nakapalibot sa mesa hanggang sa bumalik ang tingin nya sa akin. Ngumiti sya ng ubos-tamis. "Thank you for being here. For the first time in five years since you left, ngayon nalang ulit naging ganito kasaya ang pagkakaroon ng family lunch. And that's because of you. Because you're here. Kaya naman salamat. Thank you for coming back in our lives, Ate Harley."

Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi ni Cloud. Nang iniikot ko ang paningin ko ay nakita ko ang mga ngiting nakapaskil sa mukha ng mga taong naging ikalawang pamilya ko. Nanginig ang labi ko at himdi ko napigilan ang paglandas ng luha mula sa mga mata ko. Pero agad ko naman iyong pinunasan at pilit akong ngumiti. "Pang-FAMAS naman iyang speech mo, Cloud. No wonder nanalo ka ng Best Actor Award doon." Pagbibiro ko nalang. But yes, he really won the Best Actor Award in FAMAS for this year. Two years palang si Cloud sa showbiz industry pero hindi maipagkakaila kung gaano sya katanyag sa larangang pinasukan nya. He's just twenty-one pero malayo na ang narating nya. I couldn't help but be proud of him.

Napatawa nalang ulit kami at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay dumiretso kami sa garden upang makapagkwentuhan ng maayos. Nakakatuwa lang dahil kahit limang taon na ang nakakaraan ay hindi pa din sila nagbabago sakin.

"How about you Kuya Storm? Ano nang bago sayo?" Tanong ko sa panganay na kapatid ni Rain. He's five years older than me. Twenty-six na ako, so that makes him thirty-one. Napalingon sya sa akin. "What do you mean?" Maang na tanong nya. "I mean, may pinopormahan ka na ba? Or nagugustuhan, or kahit crush manlang?"

Napangiti sya sa tanong ko at saka marahang tumango. Nanlaki naman ang mga mata. "Talaga? Sino? Kelan pa? Paano mo nakilala?" Sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Inalog ko pa talaga ang braso nya. "Secret." Tanging sagot nya lang sakin. Napanguso naman ako. "Hmp. Daya! Sige, ganito nalang. Pinopormahan mo na ba, o balak mo palang?" Tanong ko nalang sa kanya. Napakamot sya sa ulo at namula. "Balak palang." Napahagalpak ako ng tawa. Ngumuso naman sya sakin. "Pft. Sorry. Pero, Kuya Storm...congrats!" Inilahad ko pa ang palad ko sa kanya. Nagtataka man ay inabot nya naman ang palad ko. "Para saan?"

Umiling ako at inalis ang kamay ko. "Malapit la na kasing grumaduate sa Torpe University eh!" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya at saka ako takbo palayo. Hinabol nya naman agad ako. Mabuti nalang at nakita ko agad si Rain at nagtago ako sa likod nya. Halos mamatay na ako sa katatawa nang tingnan ko ang itsura ni Kuya Storm. Sa sobrang pula ng mukha nya, sigurado akong kahot ang kamatis ay mamumutla at mahihiyang tumabi sa kanya!

Kundi pa ako hinila ni Rain palayo sa garden ay hindi pa ako matitigil sa katatawa. Hinigit nya ako papunta sa loob ng bahay. Napatigil nalang ako sa pagtawa nung na-realize kong nasa loob pala kami ng isa sa mga guest rooms nila. Nanlaki ang mga mata ko lalo na nung narinig ko ang pag-click ng seradura ng pinto. Itinaas ko ang paningin ko at nakita ang naniningkit na mga mata ni Rain Salvador.

"At sinong nagsabi sayong pwede kang makipagtawanan sa mga kapatid ko?" Galit na tanong nya sakin. Napamaang ako dahil sa sinabi nya. Naningkit din ang mga mata ko. "At sino ka din para pagbawalan ako? Huh? At tsaka, bakit ba? Are you jealous? Don't tell me, pati mga kapatid mo ay pinagseselosan mo?" Napatawa ako sa sarili kong tanong pero napawi din yun agad nang lumapit sya sakin. Kumalabog ang dibdib ko. Tinitigan nya ako diretso sa mga mata, at sa sobrang lalim ng pagtitig nya ay pakiramdam ko'y nalulunod ako. Napasinghap ako dahil naghuhurumintado na ang kalooban ko.

"Yes, Harley. I am jealous. I'm jealous with every single man you talk to. I'm fvckin' jealous of every single man you're with. Kahit sa mga kapatid ko ay hindi ko mapigilan ang hindi magselos. You know why?" Napaatras ako dahil pakiramdam ko'y nasu-suffocate na ako sa pagkakalapit naming dalawa. Umatras ulit ako pero napatigil ako nang naramdaman ko ang paanan ng kama na tumama sa binti ko. Napalingon ako at nakitang wala na akong aatrasan pa. "You wanna know why?" Napalingon ako sa kanya at napalunok nang humakbang sya palapit sa akin. Matiim nya akong tinitigan. "I..I don't..Uhm. Just...just leave it, Rain." I stuttered. Hindi ko na maintindihan pa ang sasabihin ko dahil nagkakagulo na ang buong sistema ko.

"Because. Harley. Because...because you can talk to them, laugh with them, joke around with them. Because you can do everything with them when you can't even spare me a glance, much more a smile. I'm jealous over my brothers because you looked so happy when you saw them. But you almost cursed that day we met again inside my office. Fvck, ang sakit e. Ang sakit lang, Harley." Napaawang ang bibig ko nang nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nya. Akala ko papahidin nya yun, pero hindi nya ginawa. Instead, nagpatuloy lang sya sa pagsasalita.

"Alam ko naman eh. Alam ko namang nasaktan kita. Big time. P-pero hindi ko naman sinasadya eh. Fvck, I didn't even know how it happened. Mahal kita, Harley. You should know na hindi ko kailanman gagawing saktan ka." Napailing ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko sya kayang makitang ganyan. For the first time, he let me break through his shell. For the first, nakita ko syang ganyang ka-vulnerable. And it pains me.

"H-Harley...sweetheart. P-please believe me. I love you so much. H-hindi ko ginustong hindi ka siputin noon..sorry. Hindi ko alam kung anong nangyari. When I woke up, it was the morning of June 20. A...a day after our supposed wedding. I didn't know..I swear to God, hindi ko alam kung anong nangyari...I'm so sorry..please believe me..Harley..Sorry, sorry...Did you know that I went after you? G-gusto kong magpaliwanag...p-pero hindi na kita naabutan..You l-left me already. Did you know j-just...just how b-broken I was after you left? I was a mess, Harley. Two years...I was a total wreck for two years...And it took me three more years para bumangon ulit..P-pero wala pa din. Sinubukan ko namang...magmahal ng iba e. B-believe me, I tried. Pero hindi ko kaya eh. K-kasi ikaw pa din. Ikaw lang. Every night...every night, isa lang ang dasal ko. To see you. And it took five long years bago iyon nadinig...But bullshit lang. Nagkita nga tayo ulit pero engaged ka na. Sa iba. Tangina. Ang sakit talaga." Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. It's been five years pero masakit pa din. Tiningnan ko sya at halos malagpag ang panga ko nung nakita ko syang nakaluhod sa harap ko. Nakatungo sya at nakakuyom ang mga palad nya. Pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko. Anumang pilit ang gawin ko. Gaano ko man kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maitatangging sya pa din ang laman ng puso ko. Natutunan kong mahalin si Leo pero kailanman ay walang makakapalit kay Rain sa puso ko. Sya pa din ang nagmamay-ari nito. But this is just all too late.

"You know why I left without even saying a word, Rain? Dahil nung araw na hindi mo ako sinipot sa altar, hinanap kita. And lucky me, I found you. Where? Sa condo mo. Nakahiga sa kama...kasama ang bestfriend ko. At pareho kayong walang saplot sa ilalim ng kumot." Nagtagis ang bagang ko dahil naalala ko na naman iyon. I've tried so hard to forget it for the past five years. Pero hindi ko pala kaya. Muling pumatak ang luha ko. Muli kong naramdaman ang sakit ng nakaraan. I balled my fists at tiningnan sya. Iniangat nya ang kanyang mukha at nakita ko kung gaano ka-miserable ang itsura nya. Parang pinupukpok ng martilyo ang dibdib ko. "I...I didn't know, Harley...I.." Itinaas ko ang kamay ko upang pigilan syang magsalita. Pinahid ko ang mga luha ko. "Hindi ko na kailangan pa ang paliwanag mo, Rain. Siguro nga ay hindi mo iyon sinasadya. Siguro nga ay wala kang alam sa nangyari. Maybe you were drugged, or something. But then, that's all in the past. And that's where it's all suppossed to be. Let's just leave it there."

"K-kung ganoon...pinapatawad mo na ba ako, Harley? Ngayon na malinaw na ang lahat, mapapatawad mo na ba ako?" Nagsusumamo ang tinig ni Rain habang hawak nya ang kamay ko. Ngunit agad ko iyong binawi at umiling. "Pero bakit? Tell me! Ano pa bang kailangan kong gawin para lang mapatawad mo ako? Para lang bumalik ka sa akin? Be-because I need you, Harley. I need you in my life. I am so fucked-up without you."

Napabuntong-hininga ako. Siguro nga panahon na para malaman nya ang totoo. I've been dreading this to happen, though I know it would. Pero karapatan din nyang malaman.

"I'm sorry, Rain. Pero kahit anong gawin mo ay hindi na ako babalik pa sayo. I told you, what we had was gone five years ago. Lung may maibibigay man ako sayo, iyon ay ang kapatawarang hinihingi mo. Pero hindi ko pa yun maiibigay sayo, dahil maski ako ay hindi ko pa din nagagawang patawarin ang sarili ko." Hindi na sya nakaimik. Tiningnan nya lang ako na para bang wala syang maintindihan sa sinasabi ko.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto at binuksan iyon. Nang kumawang iyon ay muli ko syang nilingon. "You see, that night, pagkatapos kong pumunta sa condo unit mo...pagkatapos kitang makitang nakahilata doon kasama ang bestfriend ko...I was hit by a car. At dahil doon...dahil doon ay nakunan ako.." Naramdaman kong tila nagkaroon ng bara a lalamunan ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Rain at nakita syang marahas na napalingon sa akin. Napaawang ang bibig mya at nanlaki ang mga mata sa rebelasyon ko.

Dagli akong tumalikod at mahigpit na hinawakan ang seradura ng pinto. "Yes, Rain. I was two weeks pregnant that time. It was supposed to be my wedding gift to you, you know? But..But because of what you did, I lost my angel. Kaya siguro naman ngayon, maiintindihan mo na. Na kahit ilang milyong beses kang mag-sorry, wala na iyong magagawa...dahil hindi maibabalik ng mga sorry mo ang buhay ng anak natin." Pagkatapos kong sabihin yun ay agad akong lumabas at isinara ang pinto. Hinanap ko ang comfort room at doon ko ibinuhos ang lahat ng luha na kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata ko.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

62.4K 332 5
Tres Malditas TRILOGY#1: Xylene Dmitri Weithermer
1.7M 15.6K 50
Ano nga ba ang puwedeng gawin makuha lamang ang pagmamahal ng isang taong matagal mo ng itinatangi? Ito ang problema ni Laine. Minahal na niya si Ge...
218K 3.8K 32
Angela montehano was truly, madly, deeply in love with Ivo Imperial. It was highschool romance. Eversince she knows how to love ay wala siyang ibang...
209K 6.5K 72
When Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take an...