Ravage | SKYA book 2 [COMPLET...

By _Ve_Ran_

46.2K 1.7K 38

Everyone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts th... More

Welcome back! (MUST READ)
Prologue
1st: Party's Over
2nd: Unlabeled
3rd: Soda and Spaghetti
4th: Stain
5th: Meeting
7th: Dreamland
8th: Baby!
9th: Orange Hair
10th: Casteen
11th: Nothing Changed
12th: Carnival
13th: Drop Tower
14th: I am Your Ride
15th: Slap
16th: Volleyball
17th: Flyer
18th: Detention Room
19th: Indoor Tent
20th: Photo
21st: A Prima
22nd: Unexpected Fight
23rd: Ice Cream
24th: Too Drunk
25th: Not Yet
26th: Really Over
27th: First Victim
28th: Poisoned
29th: Fake Nurse
30th: Leaf
31st: Beware
32nd: Cupcakes and Cookies
33rd: My Fault
34th: Unwelcomed
35th: Rendezvous
36th: Gianielle's Party
37th: Guest's Room
38th: Wish
39th: Anonymous
40th: Tip
41st: Kyo
42nd: Airport
43rd: The Beast
44th: Three Month Rule
45th: Piece of Paper
46th: Acceptance
47th: Meeting the Anon
48th: White Lady
49th: Halloween Party
50th: Proof
51st: Questions
52nd: She's Alive
53rd: Off to Baler
54th: The Mendez's
55th: Better without me
56th: Glitter
57th: Pest
58th: Night life
59th: Night Swimming
60th: The Game
61st: November One
62nd: Old House
63rd: No One
64th: Key Bombs
65th: Ravaged
EPILOGUE
MUST READ
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Must read!
New

6th: Backstage Hall

642 27 0
By _Ve_Ran_


Nag patuloy ang pananghalian namin. Pero hindi na tulad ng kanina na masaya at maingay sa aming mesa. Ngayon, naging tahimik at seryoso ang nangyayaring pag uusap ng mga kaibigan ko sa paligid. Kita ang pagdadahan-dahan ng galaw at pati na rin sa mga sasabihin nila.

Nanatili akong tahimik habang kumakain. Pinapanuod ang dalawang nag susubuan ng pag kain sa harap ko.

Pilit na sinusubuan ni Melissa si Nathan na puro tanggi lang. Hindi rin nito ginagalaw ang pagkain sa harap niya.

Alam kong habang pinapanuod ko ang dalawa ay nasa akin naman ang tingin ng mga kasama ko. Pero hanggang matapos akong kumain ay nakaya ko namang pigilin ang pag lalabas ng mga tanong na kanina pa pilit kumakawala sa utak ko.

"Oh My G! I need to go na pala. I have something to do" maarte itong tumayo at nag ayos ng sarili.

Lahat kami ay nasakanya ang atensyon habang maarte itong inaayos ang kaniyang skirt at buhok.

"Sorry guys, kailangan na naming umalis ni Nathan KO" pansin ko ang sadya nitong pag diin sa huling salitang binanggit niya kasabay ang pasimple nitong pag sulyap sa akin.

"Let's go Nathan" Malaking ngiti nito kay Nathan na tanging pag tango lamang ang naisagot

Hindi ko nilubayan ng tingin ang dalawa habang nag lalakad sila palayo. Kaya naman kita ko ang pag lingon ni Nathan sa gawi ko pero mabilis pa iyon sa isang segundo.

Ano ba talagang meron? Anong nangyayari?

"A-ariia, are you ok?" Agad na pagtatanong ni Brynn sa akin nang mawala sa paningin namin ang dalawa.

Naramdaman ko ang pag hagod nito sa likuran ko kaya agad ko itong nilongon at pilit na nginitian.

"I-I'm fine, don't worry" pilit na ngiti ko sa kaniya.

Pero kahit na pilit ang pag ngiti ko ay hindi ko parin sila kayang bigyan ng masiglang ngiti.

"Anong nangyayari kay Nathan?" Tanong ni Saji kay Quen na napapailing lang rin.

"Kahapon pa iyon. Kaano ano niya ba iyon Ariia?" Tanong naman ni Zayd na ikinaiwas ko ng tingin.

Agad namang hinampas ni Kendric si Zayd dahil sa pag tatanong sa akin.

Ni hindi ko alam kung kaano-ano ako ni Nathan. Kaano-ano niya nga ba 'yon?

"I don't know" iling ko kasabay ng pagyuko ko.

Pilit kong pinapanatili ang kawalan ng ekspresyon sa mukha ko pero habang dumarami ang tanong nila ay lalo ring nadaragdagan ang tanong sa isip ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo.

"You sure you're okay?" Tanong naman ni Kendric na agad kong tinignan ang nginitian.

I am NOT!

"Yes" sagot ko sabay ng pagtayo ko.

" I need to go na pala, I have something to do" pilit kong ginaya ang maarteng pag galaw at pag sasalita ni Melissa na siyang ikinatawa namin.

"Very bad" tawa ng tawang sambit ni Aeco.

Pinilit ko nalang ring sabayan ang tawanan nila para maitago ang inis na nararamdaman ko.

Bakit naman ako maiinis diba? He's not mine, and he's just a guy!

"Mauna na ako. May gagawin pa kasi ako sa library eh, hindi ko alam kung bakit wala si Xeya ngayon" ngiwi ko sa mga kasama ko na napatango nalang.

Matapos akong mag paalam ay umalis na ako para pumunta kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Ang totoo ay wala naman talaga akong gagawin. Hindi naman talaga ako pupunta ng library. Hindi naman talaga ako kailangang sunduin ni Xeya kasi tapos na ang activity namin.

Sa ilang minutong paglalakad ay isang lugar ang agad na pumasok sa isip ko kaya naman mas binilisan ko na ang paglalakad papunta doon.

Tulad ng dati, tahimik at walang kung sino ang naririto sa backstage hall. Dito nalang ako. Tahimik at payapa.

Inilabas ko ang maliit na speaker sa bag ko at ang phone ko. Binalot ng malakas na musika ang kanina'y tahimik na hall.

Hindi ako nangangamba na baka may maistorbo ako sa lakas ng music ko dahil sound proof ang hall na ito at malayo ako sa kung saan nananatili ang mga estudyante. Sino ba namang may gustong tumambay sa creepy hall na 'to diba? Nagagamit lang ito kapag may malalaking okasyon ang Academy, at ngayon, hindi pa siya nagagamit ni isang beses.

Naglakad ako papunta sa gitna at nagpadala sa agos ng musika. Pero tila nanlalambot ang mga paa ko at nanghihina ang mga kamay ko. Wala akong nagawa nang bumagsak ang mga luha ko, kasabay ng pag bagsak ko sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko at itinago ang mukha ko.

Ang kaninang mga luhang pinipigil ko ay ngayon na bumuhos.

Hindi kami pero hindi ba pwedeng umiyak at masaktan ako dahil sa nagpakita siya ng motibo? Malinaw na malinaw sakin na hindi lang pagkakaibigan ang meron kami.

Why am I crying? Tsk. Ariia, hindi mo pa napapakinggan ang dahilan ni Nathan. Sigurado ay may maayos siyang dahilan.

"Here" naramdaman ko sa braso ko ang isang malambot na bagay.

"Angel, anong ginagawa mo rito?" Hawak nito ang isang panyong nakapatong sa braso ko.

"I'm here for my friend." She gave me a pale smile.

"You can talk to me if you want to. Hindi ako marunong mag bigay ng advice lalo sa mga bagay na iniiyakan mo ngayon, but I can listen." Tuloy nito.

Pilit akong ngumiti sakaniya at wala nang nagawa kundi ang mas umiyak pa lalo at yumakap sa kaniya.

**

Naging mas magaan ang pakiramdam ko nang masabi ko kay Angel ang nararamdaman ko. Mabuti nalang at nandyan siya para makinig at alam kong hindi niya ako huhusgahan sa pagiging madrama ko sa maliit lang namang bagay kung tutuusin. Kahit saglit lang ang naging pag uusap namin ay malaki ang naitulong nito.

Sa kalagitnaan ng discussion ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

Alam ko na kung kanino ito galing at ayoko na sanang ilabas pa ang cellphone ko para tignan kung sino ito pero parang may bumubulong sa akin na tignan ko.

From Nathan*

Can we talk?

Pagkabasa ko palang sa mensahe niya ay agad ko nang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba.

Hindi pa ako nakakapag type ng sagot ko ay nakarecieve ulit ako ng message mula sa kaniya.

Backstage hall, after class

Tanging nakasulat sa sunod niyang mensahe.

Tila naging mabilis ang oras kahit na hinintay ko lang ito. At kahit na kinakabahan ako ay dumiretso ako sa backstage hall pagkatapos na pagkatapos ng klase ko.

Pero mukhang maaga ata ako.

Pagkarating ko sa hall ay walang tao kaya umupo muna ako sa sulok tabi ng hagdan malapit sa entrance at doon nag hintay sa kaniya.

Matapos ang ilang minuto ay dumating rin ito. Diretso ang lakad niya tungo sa akin. Tuloy tuloy lang ito sa paglapit...

At agad akong hinila patayo para yakapin.

Hindi mahigpit o marahas ang pag yakap ni Nathan sa akin, pero hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga.

Saglit na tumagal ang yakap niya, nang humiwalay na ito tsaka ko lang nagawang umatras at tanggalin ang mga kamay niyang humawak sakin.

"A-ariia, " inabot muli nito ang mga kamay ko pero marahas kong iniwas ang kamay ko sa kaniya at nag patuloy lang sa pag atras.

"G-ganon nalang 'yon?" Kasabay ng tanong ko ay ang pag patak ng luha ko.

"Pagkatapos mong makipag landian sa ibang babae sa harap ko, bigla bigla kang mangyayakap? " patuloy ako sa pag atras.

"Let me explain-.."

"I waited for that explanation earlier, Nathan. Pero ni tumingin sa akin ay hindi mo ginawa. Ano? Nabawasan ba ang atake ng konsensiya sayo nang hindi mo ako tignan habang nakikipag subuan ka sa babaeng iyon?" Pilit nitong inaabot ang kamay ko habang sumusunod lang sa pag atras ko.

"A-.."

"Nathan? Are you here?" Sabay kaming napatingin sa malakas na bumukas na pintuan.

"Oh, you're here" tila si Nathan lamang ang nakikita niya. Hindi nito ako pinansin at diretso lang sa pag hila sa braso ni Nathan palayo sa akin.

"Melissa, nag uusap pa kami" hila ni Nathan pabalik ang braso niya.

"Huh? Nathan, let's go. Ano bang ginagawa mo sa maalikabok na lugar na to? Tara na" parang wala itong narinig at muling hinila si Nathan.

Hindi ko nagawang mag salita lalo na nang hindi na sinubok muli ni Nathan na bawiin ang sarili niyang kamay mula sa pagkakahila ng babaeng iyon.

What the hell just happen?

He left me, he left me for her. Iniwan niya ako sa isang sabi lang ng babaeng iyon. Just WOW!

Napailing nalang ako at sunod na ring lumabas ng hall. Mabilis ang lakad ko papuntang Inamorata building kahit na malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang ayaw paawat sa pag bagsak.

What's his problem? Bakit ang dali dali sa kaniyang iwan ako? Bakit ba siya sunod ng sunod sa mga sinasabi ng babaeng iyon? Last time, a-ako lang ang pinapakinggang niya. Last time, a-ako lang ang lagi niya pinipiling makasama...

H-hindi kaya...

"Hey! Watch out!" Sigaw ng isang lalaki sa akin ng makabangga ko siya.

"S-sorry." Nag angat ako ng tingin rito at pilit na inaninag ang mukha nito.

"I-ikaw na naman?" Mabilis kong pinunasan ang luhang akmang tutulo na muli.

"Gustong gusto mo talaga akong binabangga no?" And again I saw that signature smirk of his.

"Shut up. I don't have time to argue with you" muli ay pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko.

Nakaisang hakbang palang ako palayo sa kaniya ay naramdaman ko na ang kamay nitong pumatong sa balikat ko at dumiretso sa mag takip sa bibig ko sabay hila nito sa akin sa kabilang daan.

Mahigpit ang pagkakatakip nito sa bibig ko. Kahit na pilit ko itong tinatanggal ay hindi ko magawa.

What the hell?!

Nang makalayo ay binitawan niya rin naman ako. Dinala niya ako sa likod ng Fiery Rose building.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw ko rito nang bitawan niya ako at maitulak ko siya

Tanging ngisi niya lang ang ipinakita niya sa akin sabay iling.

"Kung pag titripan mo lang ako, pwede ba? Pwede ba wag ngayon?" Hindi ko na napigilan ang pag buhos muli ng luha ko.

Nag labas ito ng panyo at inalok sa akin. Hindi ko ito pinansin at tumingin lang ako sa kaniya.

Saglit kaming nagkatinginan nang siya na mismo ang gumalaw para punasan ang mga luhang walang tigil sa pag tulo.

Hinawakan nito ang batok ko at hinila ako palapi sa kaniya. Wala akong nagawa kundi ang yumuko ngunit hinawakan naman ako nito sa baba para iangat ang tingin ko sa kaniya.

Diretso ang tingin niya sa mga mata kong diretso ring nakatingin sa kaniya habang patuloy ang pag patak ng luha. Wala akong kung anong emosyong nilalabas sa mukha ko pero hindi ko kayang pigilan ang kusang pag tulo ng luha ko.

"I just helped you" Diretsong tingin nitong sabi sa akin dahilan ng pag ngisi ko at pag iwas ko ng tingin.

Wow, really? Thank you sa kaniya ha. Tss.

"Gusto mo bang makita ka nilang ganyan? Mahina?" Muli nitong sabi na agad nagpahinto sa akin at muling pag balik ko ng tingin sa kaniya.

Ngayon naman ay siya na ang nakangisi sa akin. Tila sinasabi ng mga mukha nito na may natamaan siyang kung ano sa akin na ikatitiklop ko.

Pero kahit na anong pilit kong itanggi ay tama siya sa sinabi niya. Ang ayoko sa lahat, nakikita ako ng iba na mahina.

And he just saw me...

"A-ayoko" mahinang sagot ko rito na lalong ikinalaki ng ngisi niya.

I can't let them see me as a weak cry baby. Hindi ako mahina at hindi sila ang magiging dahilan para magmukha akong mahina.

Agad akong lumayo sa kaniya at pinunasan ang pag tulo ng luha ko kasabay ng pag tingin ko sa kaniya ng seryoso.

Hinding hindi ako magpapakita ng kahinaan sakanila, lalong lalo na sa babaeng 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

150K 3.6K 46
Handa kana 'bang pumasok sa University na hindi nasasaklaw nang gobyerno? Na kahit pumatay ka legal? Ngunit hindi lang ito basta-basta patayan. Tuk...
2K 248 45
A reality turned into a fantasy among these 5 girls that happened during summer. They were friends in reality, and they have this strong bond with ea...
1.9M 51.8K 67
Highest Rank #1 in FanFiction (12-02-17) "I'm not anti-social, I'm just not user friendly." I'm Nerd and also a... Gangster Date started: July 2016 D...
155K 5.1K 32
"Maybe one day, I'll be what you need, but don't wait too long because maybe the day you want me is the day I've finally given up." This story is abo...