My Rival My Lover (BoyxBoy)

By jwayland

204K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... More

Mr. Perfect
Pretend
Threaten
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
Rumor
My House
Finally
Secret
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Pagtakas
Can't Let Go
I'm Rich!
Graduation Day
A Decision To Make
After All

Paghihintay

3.5K 131 5
By jwayland

Magandang araw guys! Yay umabsent ako kaya nakakapag draft ng chapter .

Picture of Dexter Soriano on the right ========>>>>>>>

Song is Maghihintay Ako by Jona

===============================================================================

CHAPTER THIRTY

Chase's POV

I been awake for a couple of minutes already, pero nanatili lang akong nakapikit, pinag-aaralan ko kasi ang sitwasyon ko ngayon.

Natandaan ko ang nangyari sa akin kagabi, pupuntahan ko na sana si Dexter para makausap ito dahil hindi ako papayag na sa ganoon na lang matapos ang lahat sa amin, ngayon pa ba na mahal na mahal ko na siya.

I just got out from our home, when I saw I silhouette of a man, thinking it was Dexter kaya naman agad kong pinuntahan iyon, which is a very wrong move, agad na may panyong tumakip sa ilong ko at dahil sa kakaibang amoy ay tuluyan akong nawalan ng malay at ngayon nga ay nasa kung saan akong lugar.

Nang maramdaman kong nag-iisa na lang ako ay maingat kong binuksan ang mga mata ko at tumambad naman sa akin ang isang kuwarto na gawa sa kahoy, maliit lang ang naturang kuwarto at may isang papag lang na nasa loob.

Nang malaman kong ako lang mag-isa sa loob ay agad akong bumangon at dumiretso sa pinto na nasa kanang bahagi ng kuwarto, ngunit gaya ng inaasahan ay nakalock ang pinto, unfortunately walang bintana ang kuwartong iyon, kaya naman tanging ang pintuan lang na iyon ang paraan para makatakas ako.

Dali dali naman akong bumalik sa papag at nagpanggap na wala pa ding malay nang makarinig ako ng pag-uusap, at ilang sandali nga lang ay narinig ko ang pagbukas-pagsara ng pinto.

Nanatili akong nakapikit dahil nararamdaman kong hindi na ako nag-iisa sa kuwartong iyon, hanggang marinig kong nagsalita ang bagong pasok.

"Alam kong gising ka na Chase." mahinahon ang paraan ng pagkakasabi nito ng bagay na iyon, ngunit kahit ganoon ay hindi nawala ang takot sa dibdib ko lalo na't nakilala ko ang boses na iyon.

Agad naman akong nagmulat tutal naman buking ng gising ako at agad ko nga namulatan si Dino na nakatingin sa akin ng diretso.

"Ano pong ibig sabihin nito?" pinilit kong huwag ipakita ang takot na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Isang malalim na paghinga ang ginawa nito, at base sa expression ng mukha nito ay tila ba humihingi ito ng pang-unawa, ngunit anong pang-unawa ang hihingin nito gayong alam ko na ang totoo, pero minabuti kong itago ang bagay na iyon at hayaan itong magpatuloy.

"I'm really sorry kung nadamay ka sa gulong ito Chase, believe me kung may ibang paraan pa ay hinding hindi kita idadamay." paliwanag nito ngunit nagpatuloy ito nang wala itong marinig na kahit na ano sa akin.

"Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko sa anak naming iyon, maski ang Mama niya ay hindi na din kayang nakikitang nagkakaganoon si Dexter." hindi naman ako makapaniwala mga sinasabi nito, dahil mukhang hindi pa din nila alam na alam ko na ang katotohanan.

Sa totoo lang sobrang pagpipigil ang ginawa ko para ipamukha ko sa kanya na alam kong puro kasinungalingan na lang ang pinagsasabi nila, pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil alam kong magagamit ko ang bagay na iyon, kung paano ay hindi ko pa alam.

"I'm really sorry, that we drag you into this, but believe me, if there's only another way." kung hindi ko alam ang totoo ay baka maniwala pa din ako sa mga ito, sanay akong umarte pero iba din ang matandang ito.

"Liar!" gustong gusto ko nang sabihin, pero katulad kanina ay pinigilan ko na naman ang sarili.

"Gusto niyo bang kausapin ko si Dexter?" tanong ko dito, kita ko naman ang panandalian pagkislap ng mga mata nito sa tanong ko, base sa naging reaksyon nito ay mukhang naniwala ito na sincere ako sa sinabi ko.

"No need hijo, ang ipapakiusap ko lang ay ang manatili ka na muna panandalian sa lugar na ito." pakiusap nito.

"Pe..... pero paano na po ang pamilya ko? For sure nag-aalala na sila sa akin." tanong ko dito, sandali itong may dinukot sa bulsa nito at nang abutin nito iyon sa akin ay saka ko lang nalaman na cellphone pala iyon.

"Kung gusto mo tawagan mo muna ang Nanay mo." nakangiti naman nitong suhestiyon.

Buong akala ko ay iiwanan ako nitong mag-isa, ngunit nang hindi pa din ito lumabas matapos ang ilang segundo ay wala na akong nagawa kung hindi tawagan si Nanay na audience ko si Dino.

"Hello Nay, si Chase po ito." pinilit kong tatagan ang boses ko dahil ayokong maghinala si Dino.

Sunod sunod na tanong ang ginawa nito, nalaman kong dumating din pala si Dexter sa bahay at hinahanap ako, ngunit umalis din nang makatanggap ng tawag sa cellphone niya, at hindi ko kailangan mag-isip masyado kung sino ang nakausap nito.

"Ok lang po ako, errrr.... may pinuntahan lang po ako, at baka mawala lang ako ng ilang araw, pero huwag kayong mag-alala." sagot ko naman dito.

"Anong ok ka lang, gayong may nakausap ang kaibigan mo dito at base sa naging pag-uusap nila ay nasa panganib ka." sagot naman nito.

"Basta huwag po kayong mag-alala ok lang po ako, at babalik din ako kapag puwede na." pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag maghinala si Dino.

Madami pang sinabing kung anu-ano si Nanay ngunit matapos kong masigurado dito na ok lang ako ay pumayag na din ito.

Matapos ang halos sampung minutong pakikipag-usap kay Nanay ay natapos na din ang tawag  na iyon at agad ko namang binalik ang cellphone kay Dino.

"Anong plano niyo na po?" muli kong tanong dito matapos magpasalamat sa pagpapahiram nito ng cellphone sa akin.

"Hindi ko pa din alam, pero hanggang  nakikita ka ni Dexter ay malamang babalik ang obsession niya sa kapatid niya, kaya ipagpaumanhin mo pero mukhang kailangan mo munang manatili pa dito ng mga ilang araw." paliwanag naman nito.

Tanging tango lang ang naging sagot ko dito, nangangamba kasi ako na hindi ko maitago dito ang totoo, matapos nga noon ay agad na itong nagpaalam, nagpalipas muna ako marahil ng limang minuto bago nagtungo sa nakasaradong pinto ngunit gaya kanina ay nakalock uli iyon.

Para naman akong nanghihinang napadausdos sa nakasaradong pinto, kung may masamang mangyari kay Dexter dahil sa katangahan ko ay hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Hindi ito ang oras para panghinaan ka ng loob Chase." kastigo ko sa sarili at matapos ang isang malalim na paghinga ay mas tinatagan ko pa ang loob ko.

Alam kong dadating ang chance ko na makatakas at iyon mismo ang hihintayin kong mangyari.

Dexter's POV  

Agad akong nakabalik sa bahay, ayon kasi sa sinabi ni Dino ay hintayin ko ang tawag nito at naisipan kong sa bahay na dumiretso.

Kaharap ko ngayon ang mayordomo ko na si Justine at si Joel na siyang nagturo sa akin kung paano ang makipaglaban.

"Anong plano mo ngayon?" narinig kong tanong ni Joel sa akin, kita ko ang kalmadong expression sa mukha nito, na hindi naman kataka-taka lalo na sa mga pinagdaanan nito nang nasa marine pa ito.

"I don't know." pagtatapat ko dito, kapag kasi naiisip kong nasa panganib ngayon si Chase ay hindi nagpafucntion ang isip ko ng maayos.

"If you want, kaya ko pakilusin ang mga contacts ko." sagot naman nito, ngunit agad ko iyong pinigilan.

"Don't! Baka mas lalong mapahamak si Chase kapag nangyari iyon, alam ko ang gusto ni Dino at may naisip na ako." sagot naman dito, may bigla akong may naalala ng mga oras na iyon.

Ilang oras na ang nakakalipas simula nang mag-usap kami ni Dino ngunit wala pa din akong tawag na natatanggap mula dito, hanggang maggabi na ay hindi pa din ito tumatawag.

Mga bandang alas siyete ng gabi ng makatanggap ako ng tawag ngunit nang tignan ko ang pangalan na nakaregister sa phone ko ay nalaman kong si Bruce pala iyon.

"Hello Dexter, tumawag daw si Chase ayon sa Nanay niya." bungad agad sa akin ni Bruce, agad naman natuon ang atensyon ko sa sinabi nito.

"A... anong sinabi niya?" kinakabahan ko naman na tanong dito, tahimik naman ako habang kinukuwento nito sa akin ang naging pag-uusap ni Chase at nang Nanay nito.

"Sinabi ni Chase na ok lang siya, which is weird kung totoong nakidnap nga siya." naguguluhan naman na sinabi ni Bruce.

"I'm clueless as well, pero naniniwala akong may dahilan kung bakit sinabi iyon ni Chase, ang mahalaga ay alam natin na ligtas pa din si Chase ngayon, at huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para mailigtas ko ang kaibigan mo." sigurado kong sinabi dito, agad ko naman na tinapos ang pag-uusap naming iyon dahil baka tumatawag na si Dino.

Bandang alas nueve ng gabi ng makatanggap ako ng tawag kay Dino, at isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ko sagutin ang tawag nito.

"How's my loving son?" painsulto nitong tanong sa akin.

"Cut the crap Dino!" hindi ko mapigilang asik dito.

"Be careful Dexter hawak ko pa din ang alas." pagbabanta naman nito na ang tinutukoy ay si Chase.

"What do you want?" malamig kong tanong dito.

"You know what I want, gusto kong makuha ang lahat lahat." sagot naman nito, na sinundan pa ng nakakalokong tawa, mabuti na lang matibay ang cellphone na hawak ko kung hindi nabasag na iyon sa higpit ng pagkakahawak ko doon.

"Just tell me how you want me to transfer all my assets under your name." sagot ko naman dito.

Mukhang hindi inaasahan ni Dino ang sinabi ko kaya naman sandali itong natigilan sa kabilang linya.

"You really love him, don't you?" tanong naman nito.

Minabuti ko nang huwag sagutin ang bagay na iyon, at nang walang marinig itong kahit na anong sagot mula sa akin, ay binigay na nito ang mga detalye ng demands nito.

Gusto nitong mag-isa akong pumunta sa address na ibibigay nito, at doon mangyayari ang pagpirma ko sa mga dokumento na magpapatunay ng pagsasalin ko sa lahat ng ari-arian ko.

"I'll get back to you, once maayos na ang lahat." ang huling sinabi ni Dino matapos ang pag-uusap naming iyon.

"Are you sure about it? Pumapayag ka talagang pirmahan ang mga dokumentong iyon?" narinig kong tanong ni Joel sa akin, nang tumawag kasi si Dino ay kasama ko muli sa study room ang dalawa.

"Yes." siguradong sigurado kong sagot dito, papayag ako sa lahat ng gusto ni Dino para lang masigurado ko ang kaligtasan ni Chase.

Hindi na ito muling nagsalita at hinayaan na lang ako, mag-aalas dose nang makatanggap ako ng text mula kay Dino.

Ayon sa natanggap kong text, ay kailangan kong pumunta sa address na kasama sa text message na iyon nang saktong alas nueve nang umaga, sinabi din doon na kailangan ako lang mag-isa ang pupunta doon at mangyayari ang bagay na iyon tatlong araw mula ngayon.

Naisip ko naman na magreply sa text na iyon, mas gusto ko kasing kinabukasan na para mabawi ko na si Chase ngunit nagreply si Dino na iyon ang gusto nito, kaya naman wala akong nagawa kung hindi maghintay.

"Hintayin mo lang ako Chase." sa loob loob ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...
33.6K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
273K 11.1K 39
Laking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na...
548K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...