Oh Sehun's Child

By dyonn1e

701K 23.1K 7.2K

Oh Sehun has two secrets: one was he had never been single in his entire idol career as opposed to what the w... More

prelude
intro
01
02.
03.
feel d' fury
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
shameful promotion
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

04.

30.1K 882 469
By dyonn1e

(sawit - tawag sa mga taong may lisp)

  
  

four.

  
  

"Eh kung binibilisan mo po Kris hyung yung pagdrive? Late na po kasi ako eh." Sarkastikong sambit ni Sett na nasa likod ng driver's seat. Si Kris hyung kasi yung nagdadrive at itong si Sett, kanina pa iniistorbo si Kris hyung sa pagdadrive.

  
"Eh kung 'wag kang atat, Sett?" Sagot ni Kris hyung kay Sett. Napa-iling na lang ako. Medyo may magka-ugali din kasi si Kris hyung at Sett eh. Parehas silang like a boss. At parehas din daw silang superman sa previous life nila!

  
"Sorry na, Maknae." Paumanhin ni Suho hyung. Alam kong nagso-sorry siya kasi pinayagan niya yung gusto ni Sett kahit na labag sa loob naming dose. este, hindi naman labag sa loob. Masakit pa kasi. Ang sakit alalahanin nung mga panahon na sobrang sikat pa kami. Kahit naman na hindi sabihin sa akin nila hyung, alam kong nalulungkot sila. Minahal namin yung career namin eh. Minahal namin yung fandom. Tapos bigla na lang kaming nawala.

  
Umakto ako na galit at nakatingin lang sa bintana ng van. Siksikan kami ngayon sa van ni Kris hyung. "Ewan ko sa'yo hyung, galit ako sa'yo." Sagot ko. Kahit hindi naman talaga ako galit. Masarap kasi pagtrip-an si Suho hyung. Sarap uto-in.

  
"Ano ba yan, Sehunie!" Sabi niya. Siguro kinakabahan na 'to si hyung kasi baka akala niya galit talaga ako. Hayaan mo siya. Uto uto eh.

   
"Alam niyo, para kayong mag-on dyan tapos LQ kayo! Naks! Sehun x Suho!" Pang-aasar ni Tao sa amin. Tignan mo 'to. Alam naman niya kung gaano kasaklap ang ma-terno sa kapwa lalaki tapos ang lakas pang mang-asar. Eh kung asarin ko kaya 'to ng TaoRis? Tamo, hahagulgol 'yan.

   
Sinamaan ko siya ng tingin tsaka sinabing, "Tumigil ka, Bading!"

  
"Hindi ako bading, sawit!"

   
Sawit. Hindi naman na halata na sawit ako eh. Medyo okay na kami ng 'S'. Problema niya?! "Gwapo naman."

  
Sasagot pa sana si Tao kaso tinakpan na ni Sett yung bibig niya. Oh ano ka ngayon?

   
"Dad, hyung, ano ba? Ingay ingay eh. Kaya tayo tina-traffic." Naiinis na sabi niya.

   
At kelan pa naging dahilan ng traffic ang pagbabangayan? Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba, ayos 'tong anak mo ah? Nang mapansin ni Sett na nakatingin lang ako sa kanya ay ngumiti siya.

   
"Hyung, si Dad oh." Bulong ni Sett kay Minseok hyung habang nakangiti pa rin sa akin. Alam niya siguro na mali yung ginawa niya. Tumawa si hyung ng mahina tsaka inayos yung buhok ni Sett.

  
"Andito na!!!" Hiyaw ni Kris hyung. Isa isa na kaming lumabas at nahuli ako. Syempre, gwapo kasi. Ganun talaga.

   
Maglalakad na kami papasok nang biglang sumigaw si Jongdae hyung. "Wait!!"

   
Nilagay ni Sett yung dalawang kamay niya sa bewang niya. "Hyung naman. Late na po ako. Hindi po pwede ang salitang 'Wait' sa mga poging late!" Reklamo niya.

   
Isipin mong sinasabi niya 'yan habang naka-pamewang at kada magdidikit yung mga labi niya, nagye-yehet face siya.

   
Natawa na lang ako ng mahina. Ang cute kasi ng anak ko manang-mana sa tatay.

   
Ginaya siya ni Jongdae hyung. "Sandali. Kakausapin lang ng gwapo ang mga pangit, okay?" O ano na namang ibig sabihin nitong gurang na 'to?

  
Napa-nganga si Sett, "Gwapo ako! Bakit hindi po ako ang kausapin mo?!"

  
"Pogi ka lang, gwapo ako." Pinat ni hyung yung ulo ni Sett bago niya ulit buksan yung van at may kinuha doon. Nang nakita na ata niya yung hinahanap niya ay humarap na siya sa amin at pinakita niya ang hawak hawak niyang paperbag at naglabas ng isang maskara.

  
"O ano'ng gagawin namin dyan sa maskara?" Tanong ni Lay hyung. Hyung, baka kakainin natin.

  
Sinuot ni Jongdae hyung yung maskara niya habang nagsasalita, "Syempre hindi ko hahayaan na makita ng iba ang kagwapuhan ko. Baka may makakilala sa akin bilang main vocal ng. . ."

   
Hindi na natuloy ni hyung yung sasabihin niya dahil pinutol iyon ni Chanyeol hyung. Marahas pero pabiro na kinuha niya sa kamay ni Jongdae hyung yung paperbag. Kumuha siya ng isang maskara at binalik kay hyung yung paperbag.

   
"Ako rin, kailangan ko rin itago yung nakaka-inlove na mukha ko." Seryosong pahayag ni Chanyeol hyung.

   
Agad namang nagsisunuran yung iba tapos nagbigay din ng comment. Syempre maliban kay Kyungsoo hyung at Minseok hyung. Tahimik sila, 'di ba? Pahumble pa.

   
Naisip ko na rin na kumuha ng maskara. Mahirap na din naman talaga kasi. Nakuha ko yung punto ni hyung. Paano na lang kapag may naka-kilala sa amin? Alam kong ilang beses na kaming naka-lusot at sinabi naming look-a-like lang kami ng Exo pero sa tingin ko hindi gagana yung palusot na yun lalo pa at magkaka-sama kami.

  
Tsaka ano. . . Bawal mabahiran ng dumi ang gwapo kong mukha.

  
Halos lahat kami may hawak hawak na maskara. si Kris hyung na lang ang wala. Hindi kasi siya lumapit. Binato sa kanya ni Jongdae hyung yung paperbag na yung maskara na lang ni Kris hyung yung nasa loob. "Sa'yo na yan, hyung. Last touch!" Masiglang sabi ni Jongdae hyung.

   
Nasalo naman ng maayos ni Kris hyung yung paperbag. Pero tinitigan niya lang 'to. Tapos tinignan niya kami at seryoso siyang nagsalita. "Ano ba kayo? Kung gwapo kayo, dapat nirarampa niyo ang mukha niyo. Gayahin niyo 'ko. Hindi ako magma-maskara dahil gwapo ak--"

    
Pinutol na ni Suho hyung yung sinasabi ni Kris hyung dahil halata naman na hindi na naman nagets ni Kris hyung yung ibig naming sabihin. Kahit kelan talaga, oh.

   
"Suot mo na 'yan!" Saway ni Suho hyung. Aba ang lakas ng loob nito ni hyung sawayin si Kris eh manliliit lang naman siya.

   
"Ni hindi niyo pa nga sinusuot yung inyo tapos ipapa-suot mo na sa'kin?!" sagot ni Kris hyung.

   
Nagtalo pa sila ng nagtalo. Maniwala ka man sa hindi, napunta yung pagtatalo nila sa height difference nila. Naputol nga lang dahil nakita namin na nag-walk out si Sett.

   
"Sige magkalimutan na tayo hyungs!" Rinig naming sigaw ni Sett. Natawa at napa-iling na lang kami. Ang drama. Palibhasa kasi naii-spoil ng Grupo. Sinundan na namin si Sett at nang maabutan ko siya ay binuhat ko na lang siya.

   
"Agawin mo yung linya ni Tao sa umpisa." Pagsulsol ko kay Sett. Lumapad naman yung ngiti niya bigla. Basta talaga pagdating sa pambubwisit kay Tao, gustong gusto niya eh.

  
"Yung ano, dad. . . Yung 'Yo, okay'?" Tanong niya at tumango ako. Nagtawanan kami at nag-high five. Narinig ko pang sumigaw si Baekhyun hyung.

   
"Oh ano'ng meron, ano'ng meron dyan?" Tanong ni Baekhyun hyung. Sumigaw naman pabalik si Sett habang tumatawa. "Wala po hyung, sabi lang ni dad rectangle daw po yung bibig mo pag tumatawa!!"

  
Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako kay Sett. Sumigaw ako, "Hoy wala akong sinabing ganyan!" Pabirong tumingin siya sa likod namin kung nasaan sila hyung. Nag-make face siya at sinabing, "Hindi hyung! Sinabi talaga ni dad yun, maniwala ka sa pogi!" sabi niya. Pabiro at mahinang tinulak ko na lang yung mukha niya gamit yung palad ko.

   
Baliktarin ba naman ako? Parang dati lang ako lang yung gumagawa nyan ah. Tsk tsk.

  
-------------------------

  
Nang maka-pasok na kami sa loob ng classroom ni Sett, syempre hindi pa namin suot yung masks. Magmumukha kaming grupo ng Jabawokeez no. Naka-shades lang yung iba. Tas ako naka-beannie. (Pogi naman ako kaya syempre bagay sa akin). Basta kanya kanyang diskarte na lang 'yan sa pag-disguise. Kahit naman hindi na kami sikat, naging sikat pa rin naman kami.

   
"Sett?" nilingon namin yung tumawag sa anak ko at nakita namin ang isang babae na naka-uniform. Mukha siyang teacher dito.

   
Kumaway si Sett sa kanya, "Hi teacher Key!" ah, teacher nga. Ang nice ni Sett ah? O baka nice lang 'tong anak mo sa mga babae?

  
"Hello, Sett. Dinala mo ba 'yung family mo?" tanong ni Teacher Key. Mukha siyang mabait at mukhang magaan yung loob sa kanya ni Sett. Maganda si Teacher Key. Ang bata niya tignan at mukhang makinis ang balat niya. Oh? Wag kang magseselos ha? Inoobserbahan ko lang yung teacher ni Sett. Baka kasi crush niya kaya mabait. Kaso baka hindi rin. Mahal ka nyan ni Sett eh. Asawa ka nga daw niya. Kapal ng mukha.

  
"Opo, dinala ko po sila. Pero mamaya ko na po ipapakita sa inyo!" Maka-sabi naman 'tong anak mo ng 'dinala' akala mo binitbit lang kami papunta rito eh. Medyo malayo si Sett sa amin kaya hindi malalaman na kami yung tinutukoy ni Sett.

   
Teka? Eh bakit ba kasi kami nagtatago? Panigurado naman na wala nang nakaka-kilala sa amin ngayon. Lalo pa na masyado nang maraming bagong sikat. Imposible na. . .maalala pa nila ang Exo.

  
Marahan na tinapik ni teacher Key yug pisngi ni Sett, "Ganun ba? Sige, see you later! Pumunta ka na sa classroom ha?" sabi niya. Ganyan ba talaga ang mga teacher? Mahinahon? Eh bakit yung mga teacher ko dati palagi akong sinisigawan?

   
"Yes, teacher." Sagot ni Sett bago pa umalis yung teacher niya. Isa isa naman kaming lumapit sa kanya. Pabirong binatukan naman ni Tao hyung si Sett. "Aba si Maknae may chix!" sabi nito.

  
Binatukan ko rin siya. Tarantado eh. Kung anu-anong pinasasabi kay Sett eh ang baya bata pa. "Mga nalalaman mo, isarili mo na lang! Wag mong idamay anak ko!" Sabi ko.

   
"Wala naman akong sinabing masama!!" hiyaw ni Tao. Nag-make face na lang ako at nag-make face na rin siya.

  
Siguro kung nandito ka, paniguradong aasarin mo kaming dalawa. Sasabihin mo na naman na 'TaoHun feels'. Mandiri ka naman, Nite. Hindi ako pumapatol sa palaging puyat.

   
Pinalo naman ako sa pwet ni Sett. Itong batang 'to, ang hilig hilig na paluin yung pwet ko. "Tama na away. Tara na po, nags-start na daw!" Pag-awat niya. Siraulo 'to ah. Kung maka-saway sa akin akala mo siya yung tatay.

   
Tumawa si Lay hyung, "Wala namang sinabi na ganun eh. Kala mo 'di namin naririnig ha."

   
Tinitigan ni Sett si Lay hyung ng matagal tapos bigla bigla na lang siyang bumungisngis at hinila yung kamay ko papunta sa classroom niya. Tanda na tama nga yung sinabi ni hyung at napahiya siya. Ganyan yan si Sett pag napapahiya.Bubungisngis yan o kaya sasaktan ako.

   
------------------------

  
Halos lahat nagti-tinginan sa amin. Hindi naman siguro nila kami namumukhaan diba? Tsaka karamihan sa mga magulang na nandito, mga may edad na eh. Hindi naman siguro nila talaga kami nakikilala. Siguro kaya lang nagti-tinginan lahat dahil sa ang dami namin. Puro lalaki at puro bata.

   
Kumpul-kumpulan kaming dose sa dulo ng classroom. Iilan lang din yung naka-upo sa upuan. 'Yung iba sa lapag at kami nila Kyungsoo hyung at Luhan hyung naka-tayo.

  
May lumapit kay Sett na batang lalaki na kasing-edad niya.

  
"Sett!" Tawag sa kanya nung bata pero ang tugon lang ni Sett ay, "Hn?" Naka-taas pa yung isang kilay ar naka-yehet face pa. Ano ba 'tong anak ko?

  
"Lahat 'yan daddy mo?!" tanong nung bata kay Sett. Natawa naman kami nila hyung. Taas noo naman na sumagot si Sett, "Hindi. Hyung ko sila. Isa lang daddy ko 'no! Tingin mo sa'kin?!"

  
"Hyung?" nagtataka na tanong nung bata.

  
"Hyung! Kuya sa tagalog, hyung sa korean!" Sagot ni Sett. Siraulo din naman kasi 'tong anak mo eh. Hindi naman kasi koreano yung kausap, hyung pa rin yung tawag sa amin. Nasanay na yung loko eh.

  
"Ah. . ." Tumatango-tango na sabi ng kaklase niya. Isa-isa niya kaming nginitian at sinabing, "Hello po! Ako po si Macro. Classmate po ni Sett. Sino po yung daddy niya?" Tanong ni Macro. Naka-ngiti lang kami sa kanya. Medyo madaldal 'to si Macro ah. . .

  
"Ayun yung daddy ko oh! Hindi pa ba halata? Siya yung pinaka-pogi. Tara na, Macro!" pahayag ni Sett. Pilosopo 'to, haha. Nginitian ko si Macro nang tinuro ako ni Sett. Yan gusto ko kay Sett eh. Pinapahalagahan niya yung rule #1 namin. Tamo, pinuri pa 'ko. Habang hinihila naman siya ng anak ko paalis ay bigla niya ulit kaming tinanong.

  
"Sino po sa inyo yung Mommy niya?!" malakas na tanong niya. Na-pako ako sa kinatatayuan ko. Sa buong taon na pinalaki ko si Sett. . . Ngayon lang ako nakatanggap ng ganyang tanong. Yung tatanungin ako kung sino yung nanay ni Sett. At ang mas nakakatawa pa, sa bata pa nanggaling.

  
Kaso teka bakit parang mali yung pagkaka-tanong niya.

  
"Aba siraulo yun ah. . ." Rinig kong bulong ni Kris hyung. Napa-sapo na lang ako sa mukha ko. Pagkamalan ba naman na isa kila hyung ang nabuntis ko?! Utang na loob naman. . .

  
Nakita kong pasimpleng binatukan siya ni Sett.

"Okay na sana. Ang cute ni Macro kaso panigurado ako na naman yung napagkamalan na babae dito oh." Biglang sabi ni Luhan hyung na naging dahilan para humagulgol ako ng tawa.

  
Nagsi-tawanan rin yung iba. Aware kasi kaming lahat na palaging ina-akala na babae si Luhan hyung. Kahit nga sa mga fan fictions na nabasa namin, palaging kasama sa description sa kanya na mukha siyang babae. May 'manly issue' na nga 'yan. Hahaha.

  
Nagtatawanan na kaming dose hanggang sa nagsalita si Minseok hyung, "Ano ka ba, Luhan? Hindi mo ba narinig yung sinabi nung bata? Lahat tayo napag-kamalan na babae."

  
Biglang sumeryoso yung mga mukha nila pero ako halos mamatay na kakatawa. Tinatakpan ko na nga yung bibig ko at naluluha na ako. Ang sakit na ng panga ko tapos binatukan pa ako ni Kyungsoo hyung.

  
"Umayos ka. Pasalamat ka, ikaw yung tatay kasi kung hindi mapagka-kamalan ka ring babae, tanga." Sabi ni Kyungsoo hyung. Itong si hyung kahit kelan hindi nagsawang manakit eh. Tapos simula pa nang nalaman niya 'yung iba't ibang klase ng mura dito, mas lalo siyang naging hard. Aba matinde.

   
Tumango-tango na lang ako habang nakatakip pa rin yung bibig ko ng kamay ko.

   
"Dad! Dad! Hyungs!"

   
Nilingon namin si Sett at napatigil rin ako sa pagtawa. Tumatakbo si Sett palapit. Nang makarating siya ay agad namang pinunasan ni Suho hyung si Sett ng pawis.

  
"Oh?" tanong ko.

  
"Ano daw po gagawin natin sabi nung nasa sound system?" tanong niya pabalik. Sinagot siya ni Kai. "Diba nga growl?"

  
Nakangiti si Sett habang kinakamot yung ulo niya, "Ay oo nga po 'no." Aniya tsaka bumungisngis. Ulyanin na anak mo, uy.

   
"Eh ano bang gusto mo? Alam ba nila yung korean version nun? O gusto mo yung english?" tanong ni Chanyeol hyung kay Sett.

  
Oo, may english version yung growl. Hindi kami yung gumawa eh. Fan lang. Silv3rt3ar ata yung codename. Ang galing nga ng pagkaka-translate niya dun eh. Nasa tono pa rin at andun pa rin yung message ng kanta. Hindi lang rin yung growl ang kanta na tinranslate niya. Pati yung iba na nasa album namin noon. Sa totoo nga lang, nang napakinggan namin yang English version ng growl, ni-record namin 'yan. Este, kinanta namin. Hindi acoustic. Kundi gamit yung piece ng growl mismo. Pero matagal na 'yun at hindi nailabas dahil masyadong busy kaming lahat at hindi na rin naayos yung kanta.

  
Akala ng iba, hindi namin alam. Akala ng mga fans wala kaming alam sa mga kanta na ginagawa nila para sa'min. Akala nila hindi kami nagbabasa ng mga feedbacks nila sa amin sa internet. Pero nakikita namin halos lahat. Natutuwa kami pero yung iba kasi... nakaka-disappoint. Pero kahit ganun naman... natutuwa pa rin kami dahil apektado sila sa amin. Na sinusuportahan pa rin nila kami. Hindi naman namin sila kayang sisihin eh.... Ang pogi kasi ng maknae.

  
Matagal na naka-titig si Sett kay Chanyeol hyung habang naka-straight face. Siguradong kung ikaw 'yung tinititigan ni Sett ng gan'to, mai-intimidate ka. Ganyan kasi 'yang anak mo pag nagiisip. Oo na, sorry. Ang weird niya 'no? Hindi naman ako ganyan eh. Wag mo 'kong sisisihin ha? Hays.

  n
"Hoy, maknae! Yung anak mo naman kung maka-titig!" bulyaw ni Chanyeol hyung. Natawa na lang ako at hindi pinansin si hyung. Hindi pa sila nasanay.

Tapos sa gitna ng pagka-tulala ni Sett bigla siyang umiling, "'Yoko! Gusto ko yung original, hyung! Korean version na lang po!"

  
Nag-thumbs up si hyung, "Good, good. Sige na, sabihin mo na."

  
Agad naman na sumunod si Sett at pumunta sa sound system.

  
Minsan ang sarap utusan ni Sett kapag ganyan mood niya eh. Masunurin kasi. Hindi tamad. Katulad natin. Hah.

  
Matagal na nawala dito sa'min si Sett pero sinusundan ko naman siya ng tingin. Kay Sett lang naman palagi yung mata ko. Hindi naman nawawala.

  
Ilang oras na rin yung nakalipas simula nun nakarating kami dito. Kanina pa nagsimula yung program at ang daming palaro na sinalihan ni Sett. Ang hyper nga niya. Ang ingay pa. Napapansin ko kapag lumalakas yung boses niya, lumalabas yung lisp niya eh. Nako, akala ko pa naman matagal nang nawala yung lisp na 'yan.

  
Sila Baekhyun, Chanyeol, Chen, at Suho hyung nakikisali rin sa mga palaro. Mga isip bata eh. Syempre, ako rin. Ako tatay eh. Hindi ako pwedeng mawala. Nakakapagod nga, kanina pa kami sali ng sali ni Sett sa mga games. Walang awat anak mo eh.

  
Natapos rin yung palaro at magpe-perform na yung mga parents kasama yung mga anak nila. Ang daming sumayaw, kumanta, nag-acting! Nang kami na yung susunod, si Sett muna yung naglakad papunta sa harap. Nag-aegyo pa siya sa harap ng lahat. Lahat naman napa-aww sa kanya. Sobrang cute ba talaga ng anak ko? Ganda kasi ng lahi eh.

  
"Sasayaw po kami ng family ko at 'yung sasayawin po namin ay baka hindi niyo po alam dahil korean song po ito at hindi na daw po sikat yung grupong kumanta nito." Panimula ni Sett tsaka siya nag-bow.

   
Wow. Tagus-tagusan naman sa puso yung sinabi ni Sett. Pero 'di bale na. Totoo naman.

  
Sinenyasan kami ni Sett na pumunta na sa harap. Isa isa nang nilagay nila hyung 'yung mga maskara nila. Pero ako. . ? Iniwan ko 'yung maskara ko sa pwesto namin. Para malaman na ako yung tatay.

  
"Dad, 'yung maska. . .ra mo," ginulo ko 'yung buhok ni Sett at nginitian ko na lang siya. Mas astig 'to. Kaming mag-ama lang 'yung walang maskara. Kami lang ang pogi. Hah!

  
Sabay-sabay kaming nag-bow. Tapos nagsimula na yung growl. At kagaya nang napag-usapan, inagaw nga ni Sett 'yung intro ni Tao. Siraulo, akala ko hindi niya gagawin. Galing galing.

  
Habang nagsasayaw kami, naka-ngiti lang ako. Tapos madalas akong napapa-tingin kay Sett. Ang angas kasi sumayaw ng anak mo. Kabisado niya yung steps. Alam kong natutuwa din sila hyung. Pati nga yung ibang parents at teachers naka-ngiting nanonood sa kanya eh. Inagaw niya halos lahat ng part ni Tao at Kai! Haha.

  
Okay na sana. Ang sarap sa pakiramdam na pagtapos ng ilang taon na pananahimik namin, nai-sayaw ulit namin 'to. Kasama pa yung anak ko. Ang nostalgic ng feeling. Nakaka-miss pero nakaka-enjoy. Okay na sana yung nagsasayaw na lang kami habang inaalala yung growl era kaso lumakas yung tibok nang dibdib ko sa narinig ko.

  
Dumating na sa part na sasabihin ko yung 'E-X-O'. Luminya ako sa likod ni Sett dahil sabay naming gagawin 'yon. Kaso bago namin sabihin yun may narinig ako.

  
"Anong grupo yung kumanta nito? 'Di ba sa kpop 'yan?"

  
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Oo nga. Inaasahan ko na'ng may magsasabi ng gan'yan pero iba pa rin pala kapag narinig mo na talaga. Huminga ako ng malalim at sabay naming binigkas ni Sett ang grupo namin.

  
"E...X...O..."

Continue Reading

You'll Also Like

94.9K 4.4K 68
Darlentina AU. :)
176K 3.8K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
179K 12.1K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
296K 2.1K 22
Ako si Paolo, 29 years old may asawa at isang anak. 3 years na kaming kasal ng aking asawa. I work as a programmer sa isang IT Company sa may Mandalu...