Marriane Kyla's POV
Ano kayang nangyari sa dalawang lovers na yun? Bakit hindi na nagpapansinan? Dati-rati naman, laging kinukulit ni KM si Kenneth. Eh ba't ngayon ang tahimik na ni KM? Baka LQ? Hayss.. Ewan ko sa kanila. Makapagaral na nga.
"Baby, ano kayang nangyari sa dalawang lovers na yun noh? Hindi nagpapansinan eh." Hayy. Ayan nanaman po yung makulit na lalaki. Kelan kaya 'to titigil? Ang kulit-kulit eh! >.<
"Aba malay ko ba. Bakit, ako ba sila? Tss!" Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa binabasang libro.
"Ang sungit naman ng baby ko." Sabi niya at mas lumapit pa sakin.
"Ano ba yan! Lumayo-layo ka nga sakin at baka mahawaan pa ako ng kalandian mo!" Sabi ko sa kanya.
"Ouch naman baby. Ang sakit mong magsalita." Naguilty naman ako bigla.
"Kasi naman eh! Ang kulit mo kasi. Kita mo namang nag-aaral yung tao eh." Bigla namang lumiwanag ang mukha niya.
"Aha! Meron akong alam na lugar kung saan tahimik at siguradong makakapag-aral ka." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano nanaman ba ang pinagsasabi ng lalaking to?
"At saan naman yan aber?" Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.
*DUG DUG DUG DUG*
Shems! Ano yun? Bakit biglang nag-react si heart? Ssshh! Tahimik ka lang diyan heart, kalma lang.
"Basta. Ano? Sama ka?" Nakangising sabi niya sakin. Wala sa sariling napatango ako sa kanya. Hinila na niya ako paalis sa school.
Dinala niya ako sa parang bundok na ewan. Hindi ko ma-explain pero grabe! Ang ganda ng view ! Nakaka-relax nga.
"Wow! Ang ganda! Pano mo nalaman tong lugar na to?" Tanong ko sa kanya.
"Secret! Walang clue!" Nakakalokong sabi niya sakin.
"Abno ka rin eh noh?" Jusko! Ang hirap kasama neto!
"Hindi naman. Slight lang."
-_____-
Onti nalang talaga masasapok ko na to eh. Pigilan niyo ko! Pigilan nyo ko!
"Tch! Oh siya, umalis ka na para makapag-aral ako ng maayos." Nagulat naman siya sa sinabi ko. Bakit? May nakakagulat ba sa sinabi ko?
"What?! Pagkatapos ng mga pinagsamahan natin, papaalisin mo nalang ako? Ganun ba ako kadaling bitawan para sayo? Baby naman! Wag mo na akong pahirapan pa. Please, pag-usapan natin to. Wag mo muna akong hiwalayan." WTF?!
"Anong hiwalayan ang pinagsasabi mo diyan? Kelan pa naging tayo?" Sira na talaga ang ulo ng isang 'to.
"Wala pang 'tayo'. Pero wag ka magalala in the future magiging tayo din." Sabi niya at kumindat pa.
Mark Luis's POV
"Jusko naman Mark! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo." Hahaha! Natatawa ako sa kanya. Grabe! Yung mukha niya ang epic ampupu!
"Bwahahahaha!" Hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Tsk. Nababaliw kananaman." - Marriane.
"Oo, nababaliw na nga yata ako. I'm crazy because of you baby." Banat ko sa kanya. Pero sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang na wala akong gusto kay Marriane. She's not even my type. Trip ko lang talaga siya.
"Baby your face! Hmp!" Sabi niya saka ako tinalikuran.
"Sungit naman this girl."
"Pake mo ba?!" Sigaw niya habang nakakunot ang noo.
"Alam mo sa kakaganyan mo, magkaka-wrinkles ka. Tignan mo, meron na." Biro ko sa kanya.
"Ha? Saan?" Sabi niya habang kinakapa-kapa yung mukha niya. At naniwalanaman! Hahaha!
"Naniwala ka naman?" Biglang nagbago ang itsura ng mukha niya. Kung kanina alalng-alala siya, ngayon mukha na siyang tigreng gustong kumain ng tao.
"Grrr! Ako nga'y layu-layuan mo! Namumuro ka na!" Nanggagalaiting sabi niya sakin habang hinahampas niya ako ng bag.
"Aww! Ouch! Tama na! Masakit!" Grabe! Ang lakas ng hampas niya sakin. Amazona pala tong babaeng to.
"Huh! Bahala ka nga diyan!" Sabi niya sabay walk out. Pero bago siya umalis, hinampas niya nanaman ako. Pero infairness, ang cute niyang maasar. Wahahaha!
Hmm. San kaya pupunta yun? Alam ba niya ang daan pauwi? Aha! Susundan ko nalang siya. ^___^
Ayun siya! Lakad lang siya ng lakad. San ba to pupunta? Maya-maya pa'y huminto na din siya. Napakamot siya sa ulo habang lilinga-linga sa paligid. Naghahanap ng daan para makaalis.
Hahahaha! Para siyang batang nawawala! Ang cute!
"San ba dito ang daan pauwi? Haist! Kasalanan to ng baklang damulag na yun eh!" What the! Baklang damulag?! Grabe naman siya! Sa gwapo kong to, bakla ako? Saka anong damulag?! Baby face kaya ako! >.<
Susugurin ko na sana siya kaso bigla kong naalala na di niya pala ako pwedeng makita. Tiis tiis muna.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Yung totoo, balak niya bang magalay-lakad?
"Excuse me Miss, alam mo ba ang daan palabas dito?" Sabi ng lalaking kakadating lang. Hindi naman agad nakasagot itong si Marriane. Natulala yata. Tch! Mas gwapop[a nga ako diyan eh. Anong nakakatulala sa tuko na yan?!
"H-ha? A-ano..... Nawawala rin kasi ako eh." Sabi ni Marriane tapos kumamot pa sa ulo niya. Aba't nagpacute pa talaga siya sa tuko na yan ha?! Hindi siya gwapo kaya dapat hindi ka nagpapacute diyan!
"Ganun ba? Gusto mo sabay nalang nating hanapin ang daan pauwi?" Hanapin mo mag-isa! Para sa kaalamn mo, may kasama siya. At ako yun! Ako yun!
"Sige ba." Masayang sabi niya dun sa tuko. Ang laki-laki pa ng ngiti niya, samantalang pag ako kausap niya lagi siyang nakasimangot.
"By the way, I'm Justine and you are?" Tss! Justine panget kamo!
"I'm Marriane." Nakangiting sabi niya kay tuko.
"Well nice to meet you Marriane." Tapos ay hinalikan niya ang kamay ni Marriane. Grrr! Bakit niya hinalikan ang kamay ni Marriane?! Sino ba siya sa inaakala niya ha?! At ako lang ang pwedeng tumawag ng Marriane sa kanya!
Nagtatawanan sila habang naglalakad. Tss! Sobrang saya naman yata niya kasama yang tuko na yan. Ang lawak ng ngiti eh.
"May I get your number?" Biglang tanong ni tuko.
"Sure." Wow ha! Binigay niya agad yung number niya sa tuko na yan samantalang nung ako ang nanghihingi ayaw niyang ibigay. Kelangan ko pang hingin kay Louisse.
I think I need to make a move now. Kaya nilapitan ko na sila.
"Baby! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko kay Marriane saka siya inakbayan. Inirapan niya lang naman ako.
"Marriane, who is he?" Tanong ni tuko. Sasagot na sana si Marriane pero inunahan ko na siya.
"I'm Mark, her boyfriend." Tsk! Ba't ba? Walang basagan ng trip! Hehehe.
"Oh, so you have a boyfriend?"
"Yes she have. Any problem with that?" Cool kong sabi kay tuko. Huh! Ano ka ngayon?
"Ah nothing. I just want to say goodbye. I think I need to go now. Bye!" Pagkatapos nun ay umalis na rin sa wakas si tuko.
"Let's go." Yaya ko kay Marriane na hanggang ngayon ay wala pa ring imik.
"Teka,ano yung pinagsasasabi mo kanina?" Di makapaniwalang sabi niya.
"Shut up." Malamig kong sabi. Ayoko kasing bmag-explainlalo na at di ko rin alam kung bakit ko yun ginawa.
--------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Waah! Guys! Sarreh po kung ngayon lang ako nakapag-update. Nabusy po kasi ako eh hehehe. Sarreh po talaga. hihihi. thank you po sa paghihintay ^____^
~Ms. Sandoval