Louisse's POV
I'm back. See you soon pandak. :)
Kanina ko pa tinitignan tong text na to. Kanina paggising ko, may nagtext sakin. Unknown number. Yun yung nakalagay. I wonder kung sino yung nagtext niyan. Dalawa lang naman yung tumatawag sakin ng pandak eh.
Una, si Francis. Kaya lang imposible eh. Ano yun, may cellphone sa langit? Kung si Jake naman, pwede pero hindi eh. May number niya kasi ako, so hindi siya yung nagtext.
"Mhine, cr lang ako ha?" Paalam ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may tumutulo sa ano ko eh. Baka magkakaroon na ako. >.<
"Sige, samahan na kita." Sabi niya saka tumayo. Holo! Sasamahan niya ako sa loob ng cr?!
"Bawal ka kaya sa loob ng cr." Natawa naman siya.
"Haha. Baliw, hihintayin lang kita sa labas." Umalis na kami at nagpuntang cr. Gaya ng sabi niya, hihintayin niya nga ako sa labas. Pumasok na ako saloob ng cubicle at tinignan ang dapat tignan.
O______O
Oh my gosh!
Nicholas's POV
"Babe? Ikaw nga babe!" Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Aubrey. ano nanaman bang problema ng babaeng to?
"Hinihintay mo ba ako babe? Awww. How sweet." Tsaka siya parang lintang kumapit sakin. Tinignan ko siya ng masama.
"Don't you dare touch me." Saka marahas kong tinanggal ang pagkakakapit niya sa akin. Dumistansiya ako sa kanya. Mahirap na, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
"Babe! Wag mo nga akong talikuiran!" Lumapit nanaman siya sakin at iniharap ako sa kanya.
"Alam ko naman kung ano ang gusto mo eh." Nakangisi niyang sabi sakin. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Kaya tinulak ko siya ng malakas bago pa niya ako mahalikan.
"Please Aubrey, stop pestering me. Don't you get it? Ayaw ko na sayo. hindi na kita mahal. So please, get out of my life." Nakakapikon na kasi. Halos araw-araw nalang siyang ganyan. Onti nalang talaga, mapapatulan ko na yan eh.
Magsasalita pa sana siya kaso nag-ring yung phone ko. Si mhine tumatawag. Agad ko itong sinagot.
"Hello mhine?"
(Ahm. Mhine, pwede favor?) Hmm ang cute talaga ng boses ng mhine ko.
"Ok. What is it?"
(Pwede bilhan mo ako ng....... ng n-napkin? N-nagkaroon kasi ako eh.) Natawa naman ako sa sinabi niya. Napkin lang pala eh, walang problema. Lahat kaya kong gawin para sa kanya.
"Sure mhine. i'll hung up na okay? Just wait me there."
(Ok. Thanks mhine. I love you.) Aww. How sweet of her.
"I love you too." Tapos binaba ko na yung tawag. Napansin ko namang nanmdito pa rin si Aubrey. Yung itsura niya, parang iiyak na. Tss serves her right. I smrked at her then leave.
Louisse's POV
What the fudge! Ang daming napkin naman ang binili ni mhine! Yung totoo lahat yata ng napkin sa tindahan binili na niya eh.
"Mhine, are you done?" Rinig kong sabi ni mhine. Nandito siya ngayon sa loob ng cr. Ayaw paawat eh. Saka wala na rin namang papasok sa cr kasi start na rin naman ng mga klase. Late na nga kami eh.
"Wait lang, malapit na." Sagot ko. Ginawa ko na ang dapat kong gawin.
Paglabas ko, naabutan ko siyang nakasandal sa pader at hinihintay akong lumabas.
"Ok ka na?" Tumango ako.
"Thanks nga pala sa pagbili ng mga to." Tukoy ko dun sa mga napkin na binili niya. Nag-smile siya sakin saka hinawakan ang kamay ko.
"Anything for my princess." Kyaah! Kinilig naman ang lola niyo! Hahaha!
"Let's go." Sabi niya saka ako hinatak paalis ng cr.
----------------------
Akala ko pa naman sa room kami didiretso, yun pala hindi! Nakapag-cutting tuloy ako ng wala sa oras.
Tapos sa sementeryo pa ako dinala.
"Teka mhine, anong ginagawa natin dito?"
"May bibisitahin lang." Bumili rin kasi siya ng bulaklak.
"Ha? Sino? Si Dianne?"
"Nope. Si Francis." Sabi niya at huminto nga siya sa isang lapida. Oo nga! Si Francis nga yung bibisitahin namin.
"Nag-promise ako sayo, remember? At kapag nmag-promise ako, tinutupad ko." Ngumiti ako sa kanya saka tinitigan ang puntod ni Francis. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito eh. Umupo ako, ganun din ang ginawa ni mhine.
"Hello Francis! Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabisita sayo ha? Medyo busy rin kasi ako ngayon. Oo nga pala Francis, meet mhine my boyfriend. Mhine, meet Francis." Pagpapakilala ko sa kanya.
"Hi dude. Sayang di tayo nagkita pero base sa mga kwento sakin ni mhine, mukhang mabait ka naman. don't worry, di ko pababayaan tong si mhine. At pinapangako kong di ko siya sasaktan." Napangiti ako sa sinabi ni mhine. Ang sweet!
Kinausap pa namin si Francis. Hanggang sa nagpaalam sakin si mhine na bibili lang daw siya ng pagkain. Nang makaalis na siya ay kinausap ko si Francis.
"Francis, alam mo bang ang swerte ko kay mhine? Ang sweet niya tapos maalaga pa. Kaya nga happy ako na siya yung first bf ko eh." Pagkatapos ko yung sabihin ay di na ako nagsalita pa.
Maya-maya ay biglang may nagtakip ng mga mata ko. Nako, si mhine talga.
"Mhine, tigilan mo na yan. Kumain nalang tayo." Sabi ko sa kanya. Tinanggal naman niya yung kamay niya.
"Grabe ka pandak, di mo na ako naaalala? Saka sinong mhine yan?" That voice. I know that voice. This can't be. Liningon ko siya.
O_______O
"Jake?!"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update... Nagkaproblema lang kasi. Anyways, ito na siya! Thanks and enjoy! :)
~ Ms. Sandoval