Ethan’s POV
Fuck! Bakit kasi hindi tumitingin sa dinada—
Pagangat ko ng ulo…
Damn it!
“Ethan” sabi niya. Gulat na gulat siya.
Anong sasabihin ko? Aalis na ba ako? Shit. Ang awkward nito. Knowing na may pamilya na siya.
Lalakad na sana ako palayo pero nagsalita siya bigla.
“Wait” bulong niya at hinawakan ako sa braso. Oh, I missed her touch.
“Why? ” yun na lang ang nasabi ko.
“We need to talk. No. I mean. May gusto akong sabihin. Please. Ethan. Just. Listen. ”
“Do you want to go somewhere private? ” Alok ko. At tumango siya. Damn it, Ethan. May pamilya na siya! Bakit gusto mo pa rin siyang makasama?
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant at pumwesto sa may table sa dulo.
“Ethan… I- ” umpisa niya pero hindi niya tinuloy. Biglang may tumulong luha sa mga mata niya.
“Krysh, please. Don’t cry. Alam mo namang hindi ko kayang nakikita kang umiiyak. Please. ” sabi ko. Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
“I still love you. It’s always been you.” sabi niya at umiyak pa lalo.
What?!
“I. Should. Have. Never. Left. You.” Sabi niya in between sobs.
“Krysh--” pero pinutol niya ako.
“Dapat ipinaglaban ko ang pagmamahalan natin. Dapat hindi kita sinukuan. Natakot lang ako na ipagtulakan mo ako palayo. ” why would I do that? Hinding hindi kita ipagtutulakan palayo.
“I’m so sorry, Ethan. I’m really, really, sorry. Alam kong hindi mo na ako mapapatawad sa ginawa ko. At sinubukan kong tanggapin na wala ka na talaga sa akin. Pero hindi ko kaya. Hinahanap hanap parin kita. Pagkatapos ng paguusap na to, hindi ako umaasang babalikan mo pa ako. Gusto ko lang mailabas ang nararamdaman ko. Matagal ko ng pinagiisipan ang mga sasabihin ko sayo pero ngayong kausap na kita, nakalimutan ko na lahat. ” Hinawakan niya ang kamay ko. I’m so confused. Bakit niya sinasabi to?
“Sana mapatawad mo ako. Malaman ko lang na pinapatawad mo na ako, hinding hindi na kita guguluhin pa. Kakalimutan na talaga kita. Ethan, please forgive me.”
“ But I just want you to know that I love you so much. Kahit gaano ko pa pangarapin na maibabalik natin yung dati—shit. Ang pathetic ko na. ”
“Just… Just…”
“Krysh. What are you talking about? ” tanong ko. May pamilya siya! At ayokong maging third party. It’s not my cup of tea!
“Okay. Erase. Forget everything I said. Magpapakatotoo na ako. ” sabi niya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.
“Ethan. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sayo. Hindi na dapat kita sinaktan. Kasi niloko ko lang ang sarili ko. Mahal na mahal pa rin kita at hindi nagbago yun. At hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na magkakabalikan tayo. Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko, Ethan. Please, tayo nalang ulit. Meron na bang iba? Magpapaka-pathetic na ako, wala na akong pakialam. Pero please… ako nalang ulit. Please. Please. ” sabi niya at lumuha siya lalo.
Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. Tumingin siya sa akin.
“This is wrong, Krysh. ” sabi ko. Gusto ko ng tumayo at umalis. Pero sinabi niya na gusto niyang magkabalikan kami.
Pero ayokong manira ng pamilya. Hindi ko hahayaang maghiwalay sila ng asawa niya. Paano ang anak nila?
"I know, Ethan. Okay lang na number two ako. Basta kasama pa rin kita. Please, Ethan. I need you. Mahal na mahal kita. ” Number two? Siya? Wala akong ibang babaeng minahal kundi ikaw, Krysh. Nagiisa ka lang.
“Hindi ka number two, Krysh. It’s the other way around. At ayokong manira ng pamilya. This is just… so…”
“ Wrong. ” sabi ko at tumayo. Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.
“What are you talking about?” confused niyang tanong.
“Krysh… I’m not blind. May pamilya ka na. At ayokong makasira ng isang pamilya. Nakita ko ang anak mo. Maliit pa siya para mawalan ng ama. At hindi yon kaya ng kunsyensiya ko. ” kumunot ang noo niya at tumigil siya sa pagiiyak.
“Ako? May asawa’t anak? At saan mo naman nakuha yan? ” now she’s denying her family?
“Sa foodcourt kanina. She called you mommy and you called her baby. Sinabi mo pa na hahanapin niyo ang daddy niya. ” sabi ko ng malungkot na tono pero pagtingin ko kay Krysh, medyo ngumiti siya. What?! She thinks this is funny?
“You mean, Kristen? ” sabi niya ulit.
“I don’t know her name pero siguro iisa lang tayo ng iniisip na bata. ” sabi ko naman
“You think I have a family? You think I’m… married?! ” tanong niya at nanlaki ang mata niya.
“Sa nakita ko? No doubt. So… pretty much, yes. I think so. ” sabi ko at pumikit ng bahagya.
“Oh my God, Ethan! I’m not married! At bakit ko sasabihin na mahal parin kita kung may asawa at anak na ako? Hindi ako ang tipo ng babae na nangangaliwa! ” I can see the hurt in her eyes.
“I’m sorry.” Shit. Shit. I screwed up again.
“No. Hindi tayo nagkakaintindihan. I’m not married, Ethan. I don’t have a child. Kristen is Kuya Kevin’s daughter. And I’m her godmother. Nasanay siya na tawagin akong mommy. ”
Pagtingin ko sa kamay niya, may singsing siyang suot. Bigla nanaman ulit akong natakot.
“And the ring? ” sabi ko sabay tingin ulit sa kamay niya.
“Oh, Ethan. ” sabi niya at ngumiti ulit.
“This is my college ring. Binili ko ito sa sarili ko year after nating grumaduate. ” At ngumiti ulit siya. Oh, thank God.
Damn it! She’s not married! She’s not married! I’m so fucking happy. Gusto kong bilhin lahat ng laman ng mall na to sa sobrang saya. But that would be really, really, crazy. Niyakap ko siya ng mahigpit. At hinalikan ang ibabaw ng ulo niya. I can’t believe it!
Bigla siyang humiwalay ng yakap.
“Pinapatawad mo na ba ako? ” sabi niya at nalungkot ulit.
“Nope. ” sabi ko. Napaatras siya ng bahagya. Pero hinawakan ko siya.
“Hindi kita pinapatawad dahil wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Krysh, mahal na mahal pa rin kita. Hindi nagbago yun. I hated you for leaving me pero hindi ako sumuko. Binigyan kita ng panahon. Para makapagisip. Krysh, hindi mo alam ang naramdaman ko nung iniwan mo ulit ako. Namatay ako ng libo-libong beses. Diba sinabi ko naman sayo, hindi ako mabubuhay ng wala ka. You’re my lifeline, Krysh. ” niyakap ulit ako ni Krysh.
“I can’t believe this is happening. Please tell me I’m not dreaming. Na totoo ito. Na bumalik ka na sa akin. Oh my God, Ethan. Matagal ko na tong pinangarap. Ang makita at makasama ka ulit. Araw araw, Ethan. Palagi kong pinagdadasal na sana, maayos natin ito. Oh, thank God, thank God. ” sabi ni Krysh.
“Tama si Chris. Hinding hindi matatapos ang pagmamahalan natin. ” sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
" Hinding hindi, Ethan. Hinding, hindi. ” sabi naman ni Krysh.
Tinignan ko siya sa mga mata niya. Umiiyak siya. Nakita ko doon ang saya, lungkot at iba’t ibang emosyon. Ayoko ng pakawalan ulit ang babaeng ito. Siya lang ang babae na gusto kong makasama habang buhay.
Lumuhod ako sa harapan niya.
“Krysh… kung ano man ang nangyari sa ating nakaraan, gawin nalang natin iyong inspirasyon para lalong tumibay ang pagmamahalang ito. Dahil ako, hinding hindi ako titigil na mahalin ka. Itigil na natin ang laro na to ha? Wala ng lokohan at gantihan. Magpakatotoo na tayo. Totohanin na natin ito. Kasi ako, totoo ang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita kaya please… ”
“Spend the rest of your life with me.” Sabi ko at hinalikan ang kamay niya.
“Yes, Ethan. I will. I will. I will! Oh my gosh. I love you. ” sabi niya at hinatak ako patayo.
“I love you too. ” sagot ko.
I kissed her hungrily. Oh, I’ve missed these lips.
Nauna na akong putulin ang kiss namin. Confused na tinignan ulit ako ni Krysh.
“I forgot. Wala pala akong dalang singsing. Pwede bang to follow nalang? ” sabi ko at nag-grin. Natawa siya.
“Uh-uh. 4 years na akong engaged sayo. Hindi mo alam kasi naaksidente ka noon. Pero nung nasa ospital ako, nagpatali na ako sayo. Kinausap kita na pakakasalan kita kapag nagising ka na. Natakot lang ako kaya ako lumayo. Pero naayos na natin ang lahat. Ethan, ikaw lang din ang taong gusto kong makasama habang buhay. ” sabi niya at hinawakan ang kwintas niya.
Nakatago ang pendant nun kaya hindi ko makita. Nang ilabas niya na, andun yung singsing na binigay ko sa kanya 4 years ago. Hindi ako nananaginip! Siya nga yung narinig ko nung nasa ospital ako!
Inalis niya yung clasp ng kwintas at binigay sa akin yung singsing. Lumuhod ako para isuot sa kanya iyon.
“Kryshll Xyz Ruiz, will you marry me? ”
“How many times do I have to tell you that… Yes, Ethan. I’ll marry you. ” tanong niya sa akin at nag-grin ako.
“Say it again. ”
“Ethan Duane Torralba… Yes, I’ll marry you. I’ll marry you. I’ll marry you. I’ll spend the rest of my life with you. Happy now? ”
“Ecstatic.” Pagkasabi ko noon ay sinuot ko na sa kanya ang singsing.
Tumayo ako para halikan ulit siya.
I’m the luckiest man on earth.