Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.4K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 29

95.8K 1K 92
By frappiness

CHAPTER 29

NO OTHER WOMAN

Ilang araw nang hindi umuuwi si Jeff sa bahay. Hindi ko talaga siya maintindihan. Galit ba siya? Naiinis ba siya sa'kin? Sabi naman ni Anj, kaya daw hindi umuuwi dahil nahihiya raw 'yun sa'kin pagkatapos nung ginawa niya.

Huwag na siya mahiya! Basta umuwi na lang siya! Hindi naman ako galit. Siguro, nagulat. Pero hindi galit.

Kakagaling ko lang makausap ang isang kliente. Naglalakad na ako pabalik sa shop nang makita ko siya.

"Eric?" Nakasandal siya sa motor na black. Nakatingin sa'kin. Nung naglakad siya palapit, napansin ko na parang iba na siya.

Yung Eric kasi na kilala ko, laging mukhang mabait then nakangiti. Pero 'yung Eric sa harap ko ngayon, nakablack na parang anytime pwede makipag-away.

Ewan ko nga ba. Nung nakalapit siya, parang medyo napaatras ako. Ang scary niya.

"Naiintindihan ko kung natatakot ka sa'kin. Pagkatapos ng ginawa ko..." Sabi nya lang tapos nag-iwas ng tingin. Tahimik lang ako.

Hindi nga pala siya pinakulong ni Jeff. Marunong daw siyang tumanaw ng utang na loob. Ah basta, ewan ko sa mga lalake.

"Gusto ko lang magpaalam. Lalayo na ako, at baka huling beses mo na ako makita."

Napatingin naman ako sa kanya. "S-Saan ka pupunta?" Nagshrug lang sya.

"Bahala na. Hinahanap din ako ng mga Santos. Kailangan ko muna lumayo."

Hala. Aalis na siya? Ang lungkot naman. Kahit naman papaano tinuring kong kaibigan si Eric. Tsaka napatawad ko na naman sya. Hindi naman ako ever nagalit sa kanya.

"Magbati na kayo."

"Ehh?" Teka anong ibig niyang sabihin? Nakatingin siya sa'kin tapos nagbuntung-hininga.

"Mabuting tao siya. Alam kong aalagaan ka niya."

Si Jeff ba ang tinutukoy niya? Hala obvious ba masyado na nag-away kami? Pati siya alam niya .

"Eric—"

"Richard."

"Huh?"

"Richard ang pangalan ko." Sinuot niya ang mga kamay niya sa bulsa. "Hindi ako mahilig sa paintings, o sa pagluluto. Hindi ako chef. Nabubuhay ako sa pagkakarera o sa pagsunod ng mga inuutos ng iba. Masama akong tao."

Pagkasabi niya nun tumalikod na siya. Then nagstart na maglakad pabalik sa motor niya. Teka, yun na yun?

"Christine." Napatigil naman siya sa paglalakad nang magsalita ako.

"Christine ang pangalan ko. Pero Tin yung tawag nila sa'kin. Hindi ako mahilig sa mga motor, sa mga awayan, basta yung mga nakakapagod." Humarap naman siya sa'kin.

"Mahilig ako magpaint at magluto. Pero pinakafavorite kong gawin sa lahat ay ang landiin si Jeff." Ngumiti ako sa kanya then nilapitan ko siya.

"Pa'no yan. Masama din akong tao eh." Tapos tinaas ko ang right hand ko, para makashake hands siya. "Nice to meet you Richard! Friends?"

Tiningnan naman niya ang kamay ko. Akala ko nga hindi na niya ako kakamayan, pero buti na lang tinaas na rin niya ang kamay niya at nagshake hands kami.

Nginitian ko siya then wow, ngitnitian niya rin ako. Yung ngiti ni Eric na kilala ko. Mamimiss ko talaga siya!

After nun, umalis na sya tapos bumalik na ako sa shop. Nagpaint na lang ako ng nagpaint. Kamusta na kaya si Jeff? Namimiss ko na siya.

"Teeny Weeny hindi ka pa ba uuwi?" Nakita ko si Anj na nagsusuklay na.

Tumingin ako sa bintana. Gabi na pala, ang bilis ng oras. "Dito na lang siguro ako matutulog sa shop Anj. Wala naman akong kasama sa bahay."

Hindi na naman kasi uuwi 'yan si Jeff. Edi malulungkot lang ako. Nilapitan naman ako ni Anj. "Tin hindi pa ba kayo ayos? Mag-usap na kasi kayo para matapos na."

"Eh paano naman kami mag-uusap? Hindi naman siya umuuwi Anj eh."

"Akin na nga ang phone mo."

"Huh?"

"Nasan ba phone mo? Akin na, pahiram."

"Andun sa bag ko—" Kinuha naman ni Anj ang phone ko sa bag. "Teka Anj. Sinong tinatawagan mo?"

"Asawa mo. Sino pa ba?" Napatayo naman ako.

"Anj, wag na! Akin na yung phone ko."

"Oh shut up Teeny Weeny. Ayaw mo ba syang makausap? Ayaw mo bang magkabati kayo?"

"G-Gusto."

"Yun naman pala eh. O ito na, nagriring na. Ikaw na kumausap." Binigay naman nya sa'kin yung phone ko.

Tinawagan ni Anj si Jeff. "Pero teka Anj, anong sasabihin ko?"

"Duh. Malamang yung gusto mong sabihin. Ano bang gusto mong sabihin?"

Gusto kong sabihin? Ang dami . Gusto ko magsorry. Gusto kong sabihin na hindi ako galit. Gusto kong sabihin na miss ko na siya.

Sinagot na yung phone. Hay bahala na! "Uhm, hello Jeff—"

"Hello?"

Napatigil naman ako. Bakit.... bakit babae ang sumagot ng phone niya?

"Hellooooo?" Sabi pa ulit nung girl.

"Anong sabi? Magsalita ka." Bulong naman sa'kin ni Anj. Napalunok naman ako.

"S-Sino 'to? Asan si Jeff? Pwede ko ba syang makausap—"

"No, sorry. Busy sya eh. But you can leave your message to me. I'm Liz, his girlfriend."

Hindi na ako nakasagot. Napansin siguro ni Anj ang mukha ko kaya lumapit siya. "Huy. Anong nangyari? Anong sabi ni Jeff?" Buong niya sa'kin. Nakatulala lang ako habang hawak ko pa rin ang phone sa tenga.

"Akin na nga! Ako ang kakausap." Hinablot naman ni Anj ang phone sa'kin. "Hello Jeff! Ano ba namang ginagawa mo dito kay— Hello? Who are you?!"

Lumaki naman mga mata nito ni Anj. "Excuse me? I want to talk to Jeferson Lee. Ibigay mo nga sa kanya yung phone! Sino ka ba?!" Pagtataray ni Anj sa phone. Umupo na lang muna ako sa sofa.

"You liar, may asawa na si Jeff. Ibigay mo na nga lang yung phone sa kanya! .... What did you just call me?! .... Excuse me, sa ganda kong 'to?! Ikaw ang bitch 'no! .... I don't believe you. Ang mga pangit na kagaya mo, napakasinunggaling— Hello? HELLO?! How dare you! Binabaan mo 'ko ng phone?!!"

Nilapitan naman ako ni Anj. "Sino ba yun Tin?! Ang kapal ng mukha! Busy daw sila ni Jeff together?! Eww! Kapal nya!"

Hindi na lang ako sumagot. Niyakap ko na lang ang legs ko. "Sino ba siya sa akala nya?! Wala akong pakialam kung model siya at malaki ang boobs! Ang landi niya! Ito naman si Jeff bakit pinagamit sa babaeng yun ang phone nya?! Hay nakakainis sya nakakainis nakakainis!"

Tahimik pa rin ako. Magkasama ba sila ni Liz ngayon? Kaya ba hindi na siya umuuwi dahil magkasama sila lagi? Waaaaa ayoko na mag-isip!

"Tin! Ano ka ba? Uupo ka lang ba dito? Hindi mo ba susugurin yung babaeng yun?! Malandi sya, mang-aagaw, bitch—"

"Babe? Bakit ang init na naman ng ulo mo dyan?" Dumating na si Kev. Susunduin na niya si Anj.

"Hey gorgeous." Lumapit naman sya sa'kin. "O bakit parang emo ka?" Nginitian ko na lang si Kev.

"Hay nako babe. Nakuuuuu! Pigilan mo 'ko. Makakapatay ako ng tao eh. Nanggigigil na talaga ako!" nagwawala na kaunti si Anj.

"Bakit babe? Ano bang nangyari? Chill lang."

"Eh kasi naman! May babaeng echosera na—"

"Anj." Tumayo na ako. "Sige na umuwi na kayo ni Kev. Baka matrafiic pa kayo."

"Pero Tin! Dapat sugurin na natin ngayon yung babaeng yun—"

"I trust him. I trust Jeff." Nagtinginan naman silang dalawa. Kaya ngumiti na lang ako. "Sige na umalis na kayo. Okay lang naman ako eh."

Nilapitan naman ako ni Kev. "I don't know what's happening. Pero hindi ka namin pwede iwan dito. Ihahatid ka muna namin, okay?"

"Sige na Tin. Umuwi ka muna. Matulog ka na lang muna dun." suggest naman ni Anj.

Nag-nod na lang ako. Tapos ayun hinatid na muna nila ako sa bahay. Sabi pa nga ni Anj dito na lang siya matutulog. Para daw sleepover. Pero alam ko namang concerned lang yan sa'kin.

Nung pinauwi ko na sila, nagtry akong matulog. Pero paikot-ikot lang naman ako sa kama. Kahit ayoko na mag-isip. Kahit ayoko na isipin. Bakit kung anu-ano pa din ang pumapasok sa utak ko.

Siguro kasi, I'm hoping na maririnig ko pa din ang kotse ni Jeff. Yung footsteps niya. Gusto ko maniwala na uuwi siya. Pero kahit nung madaling araw na, hindi pa rin siya umuwi. Hanggang sa nakatulog na lang ako.

May tumawatawag sa akin kay nagising ako. "Hello?" Ugh, nasisilaw na ko sa araw. Umaga na siguro. Feeling ko kakatulog ko pa lang.

"Hello Tin? Tulog ka pa? Tanghali na ah." Si Kev pala ang tumawag.

Kinusot ko naman ang mata ko. Tapos naghikab. "Late na kasi ako nakatulog eh. Teka Kev, bakit ka nga pala napatawag? May problema ba?"

"Ewan ko nga ba. Hindi ko rin alam."

Umupo naman ako sa kama. Ang gulo naman nito ni Kev. "Si Anj. Bigla kasi siyang umalis. Ayaw magpasama. Sabi niya may susugurin lang daw siya."

"HUH?! Teka, saan siya pumunta?" Nagising naman ako bigla. Hindi kaya... hindi kaya...

"May address siyang hinahanap kanina pa. Pakiramdam ko dun siya pumunta. Teka nga Tin, may kaugnayan ba 'to dun sa kinuwento niya kagabi? Yung tungkol dun sa Liz?"

Tumayo naman ako bigla. Then hinatak ko agad ang towel ko. "Kev pwede mo ba akong sunduin? Maliligo lang ako. Kailangan natin sundan si Anj."

Naligo na ako ng mabilis tapos nagbihis. Hindi ako natatakot na baka may mangyari kay Anj. Mas natatakot ako sa pwede niyang magawa dun sa Liz. Hala naman, may pagka-war freak itong bestfriend ko.

At saka college pa lang kami, kaya walang nambubully sa'kin dahil inaaway niya lahat. Oh no baka may sabunutan na maganap!

Pagdating ni Kev umalis na kami agad. Waaaa Anj. Nakakaloka ka talaga. Bakit hindi mo ako sinama? Joke lang. Peace dapat.

Pagdating namin dun sa apartment nung Liz, bumaba kami agad. Hala naman! May mga taong nagkukumpulan. Tumakbo kami papalapit ni Kev pero malayo palang kami naririnig na namin sila.

"Malandi ka! Mang-aagaw! Kabit!" Sabi ni Anj habang sinasabutan yung si Liz. Hala nandun na sila sa floor, pagulong-gulong.

"Pakialamera! Walangya! BITCH!" Sabi naman nung si Liz habang sinasabunutan din si Anj. Pero sorry siya. Mas macho si Anj sa kanya kaya siya yung nasa ilalim habang si Anj ang nasa ibabaw.

"Babe tama na!" Lumapit naman sa kanila si Kev then hinawakan na si Anj.

"Bitawan mo 'ko babe! Kakalbuhin ko pa ang babaeng to!" Ayaw pa rin magpapigil ni Anj! Buti na lang malakas si Kev tapos nahila na niya palayo si Anj. Pero nagpupumiglas pa rin. "AAH! BABE BITAWAN MO' KO! BITAWAN MO 'KO!"

"Stop it Anj! Stop this!" pag-aawat ni Kev.

"You are nothing but a bitch, a slut, a whore!" Sabi naman ni Liz habang tumatayo sa floor.

"Ikaw ang whore dito! Dahil nilalandi mo ang may asawa na! Ang kapal ng mukha mo! Ugh!" Hindi pa rin nagpapa-awat si Anj balak pang kalbuhin talaga si Liz.

Nilapitan ko naman si Anj. Hala hala. Namumula na siya sa sobrang inis."Tama na Anj. Tama na. Wag ka na magalit." Sabi ko

"Tin ano ba! Wag ka nga masyado mabait! Mang-aagaw yang baabeng yan! Malandi!" Hinawakan ko na sa braso si Anj.

"Excuse me! Hindi ako mang-aagaw! Ako ang nauna! Kayo lang naman ang bitter dito kasi ang papangit nyo!" Susugod naman tong si Liz.

"Aba ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to!! Ikaw ang panget 'no!!! Ang fake ng boobs mo! RETOKADA!" Bakit ba ang lakas ni Anj? Nadadala ako, ako na nga nag-aawat.

"Hindi ako retokada!" Sumugod naman ulit yung si Liz kay Anj then sinabunutan ulit. Syempre si Anj sinabunutan din siya. Kami ni Kev todo pigil sa kanila.

"Tama na Anj, Liz." Since hinahawakan na ni Kev si Anj, ako naman ang pumipigil kay Liz. Hinihiwalay ko lang naman siya kay Anj, pero biglang natumba ko siya sa floor. Tiningnan niya tuloy ako ng masama.

"Did you just push me?" maarte niyang sabi habang nasa floor.

"H-Hindi ah. Hindi ko naman sinasadya—"

"Hindi mo sinasadya?! Tinulak mo ako sa floor, tapos sasabihin mo hindi mo sinasadya?!" umaarte na siya

Magsosorry na sana ako para hindi na lumaki 'to pero kasi bigla siyang dumating.

"Tin?" Nagkatinginan kami ni Jeff. Waaaaa. Ang tagal ko siyang hindi nakita! Pero bakit siya nandito? Pupuntahan niya ba ang apartment ni Liz?

"Jeff! My leg! My leg!" Napatingin naman kami bigla kay Liz. Nasa floor pa rin siya then hinahawakan niya ang binti niya. "I can't stand! My leg hurts so much!"

Nilapitan naman suya ni Jeff then lumuhod sa tabi nuya. "Tsk. Ano bang nangyari? Bakit masakit?"

"She pushed me!" Tinuro naman ako ni Liz. Napatingin tuloy sa'kin si Jeff. Nakatitig lang din ako sa kanya. "Honeybunch, wala naman akong ginagawang sa kanya pero bigla na lang nya akong tinulak—"

"Sinunggaling ka!" Sigaw naman ni Anj. "Hindi ka tinulak ni Tin 'no! Imbento ka, you whore!"

"Jeff o! Kanina pa ako nila ginaganyan. Wala naman akong ginagawa." Nagpfake cry naman tong si Liz

"Iiyak ka pa?! Ang fake mo ha! Ano ka, artista?! Feelingera!" Susugurin na sana ni Anj si Liz pero pinigilan siya ni Kev.

"Tin—" Tumingin sa akin si Jeff.

Tumalikod na ako tapos naglakad papalayo. Ayokong marinig, Jeff. Paano kung hindi niya rin ako pinapaniwalaan? Ayokong marinig. Ayoko.

"Tin sandali lang—"

"Ouch! Ouch! My leg Jeff! Ang sakit! Aray! Hindi ko sya magalaw." Narinig kong sabi nung Liz

Naglakad lang ako palayo. Ayoko na dun. "Sige kampihan mo pa sya Jeff! Magsama nga kayong dalawa dyan! UGH!" Narinig kong sigaw ni Anj.

"Babe tama na yan." Sabi ni Kev tapos parang sinundan na nila ako ni Anj.

Sa kotse ni Kev, tahimik lang ako. Pero si Anj hindi pa rin tumitigil sa panggigil niya. Salita pa rin siya ng salita ng pang-aapi dun kay Liz. Pati na si Jeff dinadamay. Pagtingin ko sa may bintana, madilim din yung mga ulap. Pati panahon malungkot din.

Sabi ni Anj sa bahay muna nila ako. Pero nagpumilit akong sa bahay na lang ako ibaba. Ayoko namang maka-abala sa kanya. Tinigil na ni Kev ang kotse.

"Tin sigurado ka ba? Sa bahay ka na lang kasi muna! Wala ka namang makakasama dito eh." Sabi ni Anj.

"Okay lang ako Anj. Sige na, umuwi na kayo." Ngumiti ako para mapalagay din siya.

"Hay! Kasalanan 'to ng bitch na yun eh! Dapat mas sinabunutan ko pa sya at minudmod ko yung mukha nya sa kalye para kahit kailan hindi na sya makapaglandi ng ibang lalake—"

"TAMA NA NGA YAN! TUMIGIL KA NA NGA!" Sigaw naman ni Kev tapos lumabas ng sasakyan. Nilakasan pa ang pagsara ng pinto.

"Anong problema nun?! Bakit galit yun?! Mainit din ulo ko ha, wag niya akong simulan."

Hinawakan ko naman ang buhok ni Anj. Tapos sinuklay-suklay gamit ang kamay ko. Ang gulo kasi since nakipagsabunutan siya.

"Nag-aalala lang naman sa'yo si Kev eh. Ikaw naman kasi, nakipag-away ka pa. Hindi mo naman kailangan gawin yun eh."

"Ano ka ba Tin! Kailangan ko gawin yun! Ikaw pa, kilala kita. Tatahimik ka lang naman kapag inaaway ka eh. Sino pa magtatanggol sa'yo? O tigilan mo'ko. Wag kang iiyak."

Niyakap ko naman siya. "Anj naman kasi eh. Wag ka na kasi makipag-away. Nasasaktan ka lang niyan eh."

"Ano ka ba Tin. Okay lang ako. Wag mo 'ko intindihin."

"Sorry Anj ha. Nang dahil sa'kin—"

"Teeny Weeny, isa pa. Isa pa talaga babatukan na kita." Niyakap-yakap ko muna siya. Then nagdramahan lang kami ng konti tapos nagthank you na ako. Bumaba na ako ng kotse tapos nakita ko si Kev nakatayo dun malapit sa gate ko.

"Kev sorry. Wag ka na magalit o." Humarap naman siya sa'kin.

"Tin hindi naman ako galit eh. Nag-aalala lang naman ako—"

"Kay Anj? Kasalanan ko naman 'yun eh. Sorry talaga. Napaaway pa siya dahil sa'kin." Hinawakan naman niya yung ulo ko.

"Hindi mo kasalanan Tin. At saka hindi lang naman ako kay Anj nag-aalala. Nag-aalala rin ako para sa'yo. Para na kitang kapatid, ano ba."

Napaiyak naman ako. "Kev. Thank you talaga. Parang kapatid ko na din kayo ni Anj eh."

"Kaya nga magkamukha tayo diba? Maganda ka, gwapo ako."

Nagngitian na lang kami tapos ginulo niya ang buhok ko. Tapos ayun, bumalik na siya ng kotse. Nagbati na rin siguro sila ni Anj then umalis na sila. Ako naman hindi muna pumasok ng bahay.

Naglakad-lakad muna ako. Nagisip-isip. Ayaw na ba ni Jeff sa'kin? Makikipagdivorce na ba siya? Hala divorce? Dapat annulment. Mas masaya ba siya kay Liz?

Ayoko. Ayoko siyang pakawalan. Pero paano kung ayaw na niya? Sino ba naman ako para pigilin siyang sumaya diba? Mahal ko siya. Syempre gusto ko masaya siya. Kahit hindi sa'kin, pero gusto ko masaya siya.

Napatingin ako sa langit. Umuulan na. Hala naman. Bakit parang naiiyak naman ako bigla?

Naglakad-lakad pa rin ako. Pero this time, tumutulo na ang mga luha ko. Okay din palang magdrama kapag masama ang panahon. Nadadala kasi ng ulan ang mga iyak ko.

I need to let him go. I need to let him go. Kahit masakit. Kahit pakiramdam ko hindi ko kaya. Dapat siyang maging masaya. Because I love him.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad. Ang lakas pa rin ng ulan. Napatigil na lang ako sa paglalakad nang biglang may nagpayong sa'kin.

"SAAN KA BA GALING?! BAKIT BASANG-BASA KA?! BAKIT KA BA KASI NAGPA-ULAN?! TSK!"

Napatingin naman ako sa kanya. "Jeff?"

"HAIST! NAMUMUTLA KA NA!" Bigla naman niya akong binalot nung coat nya. Tumingin ako sa paligid. Bumalik na pala ako ng bahay.

"Umuwi ka?"

"TSK! BAKIT KA KASI BIGLANG UMALIS KANINA?! BAKIT HINDI MO— TIN? TIN?! ANONG NANGYARI?!"

Anong nangyari? Hindi ko din alam. Bigla na lang ako nanghina. Para kasing ang lamig. Ang lamig lamig. Yan lang ang huli kong naramdaman, bago ako nawalan ng malay.

Parang may humahawak ng forehead ko.

"Tsk. Bakit ang taas pa rin ng lagnat mo?"

Parang boses yun ni Jeff. Narinig ko siyang tumayo then umalis. Binuksan ko ang mga mata ko. Kwarto ko 'to ah. Umuulan pa rin sa labas. Gabi pa rin.

Pero teka. Bakit umalis si Jeff? Saan syia pumunta? Iniwan na naman niya ba ako?

Bigla namang bumukas ulit ang pinto. "Alin ba dito? Tsk. Magkakamukha lang naman yung mga gamot." Sabi ni Jeff habang hinahalungkat yung medicine box namin. May kausap din sya sa phone nya. "Magkakamukha nga lang Bessie! Alin ba kasi dito— Tin?"

Binaba na niya ang phone and medicine box nung nakita niyang gising ako. Tapos lumapit siya sa'kin tapos umupo sa kama ko. "Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Nilalamig ka ba?" Hinawakan naman nya ulit yung forehead ko. "Haist, bakit mainit ka pa din? Sabi ni Bessie lagyan kita ng cold compress pero bakit hindi pa din bumababa ang lagnat mo—Tin! Bakit ka umiiyak?"

Obvious na obvious na natataranta si Jeff. Nag-aalala ba siya para sa'kin? Tumayo na siya. Kukunin sana niya ang phone niya, tatawag ulit siguro kay Bessie.

Pero pag talikod niya, hinawakan ko agad ang t-shirt niya. Napatigil tuloy siya tapos humarap ulit sa'kin.

"Jeff. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya. Sorry hindi ko kayang ibigay ka sa kanya. Sorry."

Umupo naman siya ulit dun sa kama.

"Tin ano bang sinasabi mo? Tatawagan ko lang si Bessie. Kailangan mong uminom ng gamot—"

"Please Jeff, wag mo akong iiwan. Wag mo akong iiwan." Hindi ko kayang wala siya. Hindi ko siyang pwede ibigay kay Liz.

"Sssshhh. Wag ka na umiyak." Pinunasan naman niya ang mga luha ko. Then humiga rin siya sa tabi ko.

Niyakap ya ako. "Hindi kita iiwan Tin. Mas hindi ko kaya pag wala ka." Tapos hinalikan niya ako sa noo. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

And then nakatulog na ako. Please please please Lord. Sana paggising ko, nandito pa rin siya. Sana hindi lang ito isang panaginip.

Please.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 183K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
2.9M 77K 83
You are that little accident that changed my whole life.
12.5M 153K 86
Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakaila...