Nicholas's POV
"Anong gusto mong flavor?" Tanong nanaman sakin ni Kaceline. Pang ilang tanong na ba niya yan sakin? Kanina pa nga niya ako tinatanong ng kung ano-ano.
"Bahala ka." Sagot ko nalang sa kanya.
"Hayst!" Sabi niya at tumayo saka naglakad paalis. Agad ko naman siyang sinundan. Hindi siya pwedeng umuwi. Hindi pa sila tapos mag-ayos sa bahay nila.
"Hey, San ka pupunta?" Tanong ko ng mahabol ko siya.
"Sa bahay, san pa ba?!" Tsk. Beastmode na siya. Ano bang pwede kong gawin para maaliw siya? Para sa kanya naman 'to eh. Ah! Alam ko na kung saan ko siya dadalhin. Agad ko siyang hinila paalis dun.
"San tayo pupunta?" Tanong niya. Teka, may naisip ako. I can't wait to see her reaction haha.
"Sa motel." Simpleng sagot ko sa kanya.
"Dun lang---- What?! Sa motel?! Nahihibang ka na ba?! Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin eh!"
"Pfft."
"Ibaba mo na nga ako! Bilis!"
"Eh! Ayoko nga!"
"Ayaw mo ha." Sabi niya at bigla nalang akong sinabunutan. What the fvck!
"Hey stop! Baka maaksidente tayo!"
"No! Ihinto mo muna yung sasakyan!" I have no choice. Hininto ko yung sasakyan at hinarap siya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at hinila palapit sakin. Napatigil naman siya sa pagsabunot.
"Wag ka ngang makulit."
"Eh! Ayoko! Rerape-in mo ko eh!" What the heck! Hindi ako rapist. Kung gagalawin ko man siya, yun ay kung kasal na kami. I know it sounds corny but, I see her as my wife. I see her as the mother of my children, the one that I will love until I die.
"Listen, I'm just joking ok?" Mukhang paiyak na siya eh.
"Weeeehhhh." Ang kulit talaga neto.
"Oo nga."
"Sige nga, kung hindi, san mo ko dadalhin?"
"Sa sementeryo."
"Sinasabi ko na nga ba eh! Siguro dun mo ko ililibing noh? Ibaba mo na nga ako!"
"Tsk. May dadalawin lang tayo." Sagot ko tapos pinaandar na ulit yung sasakyan. Buti naman at tumahimik na siya.
Pagdating namin sa sementeryo, ay agad namin hinanap ang puntod ni Jen.
"Ahm, sino siya Nick? Anak mo?"
"No. She's my younger sister. Dianne Jennica."
"Dianne Jennica....... San ko nga ba yun nakita? Ah! Dun sa picture sa kwarto mo." Sabi ko na nga ba titignan niya yun eh.
"She died because of me. Hindi ko siya nabantayan ng maayos kaya siya namatay. Wala akong kwentang kapatid. Wala akong kwentang kuya. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan ni Kaceline. Ako ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente. Kung binantayan ko lang sana siya ng maayos edi sana buhay pa siya hanggang ngayon.
And to my surprise, Kaceline hug me.
"Don't blame yourself. It's not your fault. Everything happens for a reason." Sabi niya. Yeah. Everything happens for a reason.
--------------
Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan. Papunta na kami sa bahay nila. Nag-text kasi sakin ni Sean na tapos na daw sila mag-ayos.
"Uuwi na tayo? Ang aga pa ah?"
"Bakit? Gusto mo ba talagang pumunta tayo ng motel?"
"Err. Sabi ko nga uuwi na tayo." Pagkatapos nun, ay di na siya nagsasalita pa.
Louisse's POV
Nakakalungkot lang isipin na, hindi nagparamdam sakin sila Hannah. Siguro nga nakalimutan nila na birthday ko ngayon. Ni-text nga, di nila magawa para batiin ako. Siguro busy lang talaga sila. Baka bukas nalang nila ako babatiin.
"We're here." Rinig kong sabi ni Nick. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala kami.
"Thank you sa paghatid." Sabi ko saka ngumiti. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng pigilan niya ako.
"Wait." Sabi niya saka lumabas ng kotse. Nagulat ako ng pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad pa niya yung kamay niya sakin. Nakangiting tinanggap ko naman ito.
"Aba't kelan ka pa naging gentleman?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon lang to, kaya sulitin mo na."
"Edi wow. Teka, akala ko ba ihahatid mo lang ako, eh bakit ka pumapasok sa loob?" Hindi siya sumagot. Bagkus ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagpasok.
"Uy! San ka ba pupunta? Feel at ho----"
"Happy birthday." Nakangiting sabi niya. Ha? Anong sabi niya? Happy birthday? Pano niya nalaman birthday ko? Di ko naman sinabi sa kanya.
"Pano mo nalaman di ko naman sinabi sayo ah." And for the second time, he ignore me again. Dinala naman niya ako sa likod ng bahay namin.
"Anong ginagawa natin dito?"
"We're going to have a date." Nakangiting sabi nito. Aba't nakakailang ngiti na to ah. Bigla nalang bumukas ang mga ilaw. Oh my gosh! Ang ganda! May dinner table sa gitna at may pagkain din. Tapos may rose petals pa sa paligid.
Iginaya naman niya ako dun sa table at inalalayang umupo. Wala akong masabi. I'm speechless.
"Hindi mo ba nagustuhan?" Nick.
"Ano ka ba! Gustong-gusto ko nga eh."
"Good to know. Okay, let's eat." Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap! Sino kaya nagluto nito?
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may tumugtog. Tumayo naman si Nick at pumunta sakin.
"May I have this dance?" Tanong niya at inilahad ang kamay niya sakin. Tumayo na rin ako at nakangiting sumama sa kanya. Pumunta kami sa gitna at dun sumayaw.
I found a love for me~
Darling just dive right in~
And follow my lead~
Well I found a girl~
Beautiful and sweet~
I never knew you were~
The someone waiting for me~
Oh my gosh! Ang sweet nung kanta! Idagdag mo pa na nagsasayaw kami ngayon. Tapos nakatingin pa siya sakin. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko.
Cause we were just kids~
When we fell in love~
Not knowing what it was~
I will not give you up this time~
But darling just kiss me slow~
Your heart is all I own~
And in your eyes~
You're holding mine~
Ang gwapo niya. His beautiful eyes, his pointed nose, his kissable lips and his handsome face. Kapag ba kinikilig, naiihi ka? Ganun kasi yung nararamdaman ko eh. Nang ngumiti siya sakin parang naiihi ako na ewan.
Baby, I'm dancing in the dark~
With you between my arms~
Barefoot on the grass~
Listening to our favorite song~
When you said you looked a mess~
I whispered underneath my breath~
But you heard it~
Darling you look perfect tonight~
"You look beautiful-- no you look perfect." Nakangiting sabi niya sakin. Bigla naman akong namula sa sinabi niya kaya napayakap ako sa kanya para di niya makita yung mukha ko.
"Haha. Kinilig ka naman."
"Hindi ah! Malamig lang kaya napayakap ako."
"Haha. Totoo yung sinabi ko. You look perfect tonight." Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako pabalik. Bigla nalang huminto yung tugtog.
"SURPRISE!!"
--------------------------------------------------
[EDITED]
~ Ms. Sandoval