Louisse's POV
Nitong mga nagdaang araw ay napakasaya. Nagkaroon na ng bagong grupo. Kung dati, kaming apat lang nila Jhoanna, ngayon kasama na namin sila Nick. Lagi na kaming magkakasama. Lumaki na yung grupo namin.
About dun sa selos thingy, nakwento na sakin ni Nick ang lahat. Na palabas lang pala nila yun. Pinagselos lang pala nila ako. In fact, they are childhood bestfriends. Saka may boyfriend na pala si Sam.
Gosh! Kung alam ko lang, sana pala hindi na ako umiyak ng ganun. Nakakahiya! >.< Tapos nalaman ko rin na sinundan niya pala ako habang naglilibot ako sa resort. Kaya pala feeling ko may sumusunod sakin eh.
Ay! Muntik ko nang makalimutan, birthday ko pala ngayon hihihi. 17 na ako yehey! Isang taon nalang at magkaka-kotse na ako. Sabi kasi nila Mommy, kapag 18 na ako, saka lang ako magkakaroon.
Nandito nga pala ako ngayon sa rooftop. Maaga pa naman, kaya tumambay muna ako dito. Bakit ba kasi ang aga kong pumasok? Yan tuloy, mag-isa ako dito. Naalala ko nanaman yung nangyari dun sa resort.
Flashback
"Hey Kaceline, are you sure you're okay?" Tanong sakin ni Nick. Mukha ba akong ok?! Eh halos di na nga ako makahinga ng maayos dahil sa bilis ng tibok ng puso ko! Tapos tatanungin mo ako kung ok ako?! Gosh!
"Ha? O-oo naman." Sagot ko sa kanya. Uh! Ba't ba ako nauutal? Bigla nalang siyang huminto sa paglalakad. Nakapasan parin kasi ako sa kanya.
"Are you still mad at me?"
"Huh? Ba't naman ako magagalit sayo?"
"About Sam."
"Di ako galit. Naiinis lang ako."
"Ang sabihin mo, nagseselos ka lang."
"No! I'm not!"
"Tsk. Wala ka naman dapat ikainis kasi palabas lang yun." Huh? Palabas? Artista na pala siya ngayon.
"Huh? What do you mean?"
"It was just an act. Sinadya namin yun. Na pagselosin ka."
"But, why?"
"Kasi, nakwento ko sa kanya that I got jealous to Ian. So she planned that we're going to make you jealous too. Para malaman ko-- I mean namin if you like me too."
"So, ganun kayo ka-close?"
"Sa lahat ng sinabi ko, yan lang ang naintindihan mo?" Parang dismayadong sabi niya sakin.
"Pake mo ba?!"
"Tsk. Oh, ba't ka galit?"
"Mukha ba akong galit?! Ibaba mo na nga ako!" Sabi ko at nagpupumilit na bumaba. Buti naman at binaba niya ako. Nagsimula na akong maglakad.
"Hey, where are you going?"
"Sa resort, alangan naman na sa sementeryo. Duh!"
"Eh bakit ang taray mo?"
"Tsk! Bahala ka nga diyan!" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol naman niya ako at sumabay sakin.
"Kaya lang naman namin ginawa yun para malaman ko kung may gusto ka rin ba sakin." Rin?
"Rin? So ibig sabihin----"
"Huli kayo! Nandyan lang pala kayo ha!" Biglang sulpot ni Jhoanna sa tabi ko.
"Babe naman! Dapat di mo sila inistorbo! Kita mo naman na nagloloving-loving sila oh!" Rinig kong sabi ni Lucas sa likuran ko. Tumabi ito kay Jhoanna at inakbayan. Hmm..... I smell something fishy.
"Hay naku! Nandyan lang pala kayo." Biglang singit ni Sam. Nandiyan na pala silang lahat. Kung kanina, nabubwisit ako kay Sam, ngayon hindi na.
"Oh ano, ayos na ba kayong dalawa?" Tanong niya pa samin ni Nick.
"Yeah. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat."
"Well, good. Grabe! Nakakatakot ka pala magselos Louisse."
"Hindi sabi ako nagseselos!"
"Denial Queen." Sabi pa ni Amethyst.
"Oh siya, tama na yan. Bumalik na tayo sa resort. I-enjoy na natin ang nalalabing oras natin dito." Sabi ni Sean. Agad naman kaming bumalik sa resort.
End of Flashback
Pero ano kaya ang ibig sabihin nung 'rin' na yun? Ibig sabihin ba nun, may gusto siya sakin? Pero di ko talaga siya gets.
"Hello Louisse." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Lizelle pala.
"Hello din." tumabi siya sakin.
"So, masaya ba sa resort?" Resort? Dun ba sa resort nila Lucas.
"Pano mo nalaman na nagpunta ako dun?"
"Nagpunta rin kasi kami dun nila Mommy. I just accidentally saw you." Ahh. Kaya naman pala.
"Ahh oo. Ang saya nga dun eh. Pinaplano ko ngang bumalik dun sa bakasyon."
"Yeah. Muller's Resort is really beautiful." Sumang-ayon naman ako sa kanya.
"I know what happened between you and Nicholas." Ha? Pano niya nalaman? Don't tell me sinundan niya kami? Tumayo na siya at tumalikod sakin.
"I'm warning you Louisse. Layuan mo na siya hangga't maaga pa. Because it might put you in danger. Don't get me wrong ha, it's just a friendly advice. Ciao!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Anong ibig sabihin niya? Bakit ko naman lalayuan si Nick? Hindi naman siya mapanganib ah? Siguro nagjo-joke lang yun si Lizelle.
Umalis na ako dun at pumunta nalang sa room. Nakita ko naman na nag-uusap sila Jhoanna kasama sila Lucas ng masinsinan. Ano kaya pinag-uusapan nila? Alam ko na! Gugulatin ko nalang sila. Bwahahaha!
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila.
"Ay palaka!" Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko. Jusmiyo! Muntik na akong atakihin sa puso! Ano ba nakain ng lalaking 'to?
"Ba't ka ba nanggugulat? Ha? Nick?" Yup. Si Nick yung nanggulat sakin.
"Wala lang. Trip ko lang." Sagot niya. Hayst! Hindi ko tuloy natuloy yung plano ko tsk! Kinurot ko siya.
"Ouch! What was that for?"
"Wala lang. Trip ko lang." Ginaya ko pa yung tono ng pananalita niya kanina.
"Tsk! Gaya gaya!" Sabi niya sakin.
"Edi wow!" Sabi ko at binelatan siya.
"Ah, ganyanan pala ha." Sabi niya at lumapit sakin. Anong gagawin niya? Balak niya ba akong halikan? Nang makalapit siya sakin ay ngumisi siya. Bigla nalang niya akong kiniliti. Hala! Wag sa tagiliran! Weakness ko yan!
"Hahaha! Tama na! Haha!" Sabi ko pero tuloy parin siya sa kakakiliti sakin.
"Haha! Please! Hahaha! Tama na!" Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa.
"Tama na yang ligawan. Pumasok na kayo sa loob." Agad naman kaming napatigil sa ginagawa namin. Sabay kaming lumingon dun sa nagsalita. Si Joy pala, isa sa mga classmates ko. Agad naman akong namula. Kami nagliligawan?
Pumasok na ako sa loob at pinuntahan sila Hannah.
"Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanila. Bahagya naman silang nagulat. Bakit? Nakakatakot ba yung mukha ko?
"K-kanina ka pa diyan?" Tanong sakin ni Amethyst.
"Hindi. Kararating ko lang." Sagot ko. Nakita ko naman na para silang nabunutan ng tinik. Ano bang problema nila?
"Ano bang problema?"
"Ah. Wala wala. Nicholas!" Tawag ni Joaqin kay Nick. Agad naman siyang lumapit samin.
"What?" Nakita kong pinandilatan nila ng mata si Nick. Ano ba talagang nangyayari?
"Tsk. Let's go." Sabi niya saka ako hinila.
"San tayo pupunta?"
"Sa mall." Ano namang gagawin namin dun? Saka may klase pa kaya kami. Sayang, balak ko pa naman na dalhin sila sa mall mamayang uwian kasi birthday ko. Pero mukhang busy sila sa ibang bagay. And worst, baka nakalimutan nila yung birthday ko.
----------------------------------------------------------
[EDITED]
~ Ms. Sandoval