"Hindi sya maniniwala. Sayang lang effort nyo"
"wag ka ngang kontra dyan Bisente! Maniwala ka sakin effective toh Ash, ako pa? Lawrence papalpak?"
"palpak ka na nga kahapon!"
Hindi ko na nga alam gagawin ko, lalo pang gumulo sa mga kumag na ito!
Nasabi ko na kay Vince at sobrang natouch ako sa ginawa nya. After kong tumawag sakanya, hindi ko talaga expected na pupunta pa sya sa bahay kahit gabing-gabi na. Hindi ko naman sinabing pumunta sya, ang gusto ko lang yung malabas yung sama ng loob ko. Sobrang sakit na kasi! At mababaliw na yata ako kakaisip kung anong gagawin.
As expected, pinayuhan lang nya ko. Inamin naman nya na ayaw nya kong tulungan, kasi ayaw nyang maghiwalay kami ni Daniel. Ayaw nya kong masaktan. Pero ano dapat gawin ko? Sya na nga nagsabi na ganun talaga ugali nung father ni Daniel. Lahat kaya nyang pasunurin sa mga kamay nya.
"Pano kasi hindi mo sya kayang tiisin"
PSH. napairap ako. Paulit ulit? Eh di, ako na may kasalanan kung bakit palpak yung Plan A!
Plan A "Be Cold to him"
hindi pa natatapos yung araw, pinansin ko na sya at niyakap pa. Pano ko matitiis yung sweetness nya? Kahit pigilan ko yung ngiti ko, mahuhuli parin nya. Hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko sakanya.
"Plan B na tayo. This is called 'beki three partey"
Nagkamali nga yata ako na nagpaadvice ako kay Lawrence. Aish! Kung anu-ano naiisip. Kelangan ko daw magpanggap na may dinadate na iba. Kumuha pa sya ng 'Kasabwat'. Isang pogay! I did make sure na gay nga yun, duh! Hindi ako papayag kung tunay na lalaki.
"basta ako. Labas ako dyan"
"psh. Hindi ka friend. Ako talaga bestfriend mo Ash, tignan mo ako lang tumutulong sayo--aww!"
"fck you! Alam ko kasing palpak yang plano mo--sht! Aray! Bakit ba?"
binatukan nya si lawrence, hinampas ko naman sya. Napaka kasi! Kaya sila nag-aaway eh.
"friends!!!"
napalingon kami sakanya. Kung maka-kaway. PFFFT. nasa may coffee shop pa naman kami, lahat tuloy tumingin.
"Hindi sya maniniwala. Sayang lang effort nyo"
"wag ka ngang kontra dyan Bisente! Maniwala ka sakin effective toh Ash, ako pa? Lawrence papalpak?"
"palpak ka na nga kahapon!"
Hindi ko na nga alam gagawin ko, lalo pang gumulo sa mga kumag na ito!
Nasabi ko na kay Vince at sobrang natouch ako sa ginawa nya. After kong tumawag sakanya, hindi ko talaga expected na pupunta pa sya sa bahay kahit gabing-gabi na. Hindi ko naman sinabing pumunta sya, ang gusto ko lang yung malabas yung sama ng loob ko. Sobrang sakit na kasi! At mababaliw na yata ako kakaisip kung anong gagawin.
As expected, pinayuhan lang nya ko. Inamin naman nya na ayaw nya kong tulungan, kasi ayaw nyang maghiwalay kami ni Daniel. Ayaw nya kong masaktan. Pero ano dapat gawin ko? Sya na nga nagsabi na ganun talaga ugali nung father ni Daniel. Lahat kaya nyang pasunurin sa mga kamay nya.
"Pano kasi hindi mo sya kayang tiisin"
PSH. napairap ako. Paulit ulit? Eh di, ako na may kasalanan kung bakit palpak yung Plan A!
Plan A "Be Cold to him"
hindi pa natatapos yung araw, pinansin ko na sya at niyakap pa. Pano ko matitiis yung sweetness nya? Kahit pigilan ko yung ngiti ko, mahuhuli parin nya. Hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko sakanya.
"Plan B na tayo. This is called 'beki three partey"
Nagkamali nga yata ako na nagpaadvice ako kay Lawrence. Aish! Kung anu-ano naiisip. Kelangan ko daw magpanggap na may dinadate na iba. Kumuha pa sya ng 'Kasabwat'. Isang pogay! I did make sure na gay nga yun, duh! Hindi ako papayag kung tunay na lalaki.
"basta ako. Labas ako dyan"
"psh. Hindi ka friend. Ako talaga bestfriend mo Ash, tignan mo ako lang tumutulong sayo--aww!"
"fck you! Alam ko kasing palpak yang plano mo--sht! Aray! Bakit ba?"
binatukan nya si lawrence, hinampas ko naman sya. Napaka kasi! Kaya sila nag-aaway eh.
"friends!!!"
napalingon kami sakanya. Kung maka-kaway. PFFFT. nasa may coffee shop pa naman kami, lahat tuloy tumingin.
"Hi sis! Ang pogi mo ngayon! Crush na talaga kita!"
"eew! Kilabutan ka nga sis! Asan na ba si fafa mo? Hindi ko na keri tong outfit ko! Ghaad! I think I'm going to die! Nakakahiya na talaga!"
parang diring diri nga sya sa polo shirt nya. PFFT! Polo lang yan ah. Pero ang gwapo nya talaga! Hindi ko ineexpect na kaya nya parin palang magmukhang lalaki, walang ka make up make up yan ah. Taposyung redhair nya nakaayos din, walang headband. Unlike the first time I saw him, super girly ng dating.
"ang ingay nyong dalawa. Nakakahiya kayo"
"fafa Vince!!! I miss you! Don't you miss me?"
"subukan mong tumabi, sasapakin kita"
"I hate you! I know I don't look pretty today, but there's no reason for you not to love me. I'm still Abbie, your honey"
Abbie short for Alberto Ivan Espipano
MOAHAHAHA! natatawa ako sa kanila ni Vince. Kasi naman pinagtatabuyan ni Vince, eh ultimate admirer nga nya toh si Al-ber-to! PFFFT. ang laughtrip! Maghahanap na nga lang kasi si Lawrence, etong pinsan pa ni Bryan na crush na crush si Vince.
Hindi ko talaga alam yung about dyan. Nilihim talaga ni Vince sakin para hindi ko ibigay yung number nya. Daya! Well. Mabait ako sa mga baklush.
"psh! Aalis na kami ni Lawrence, bahala na kayo"
"Abbie, text mo na si Daniel. Alam mo na gagawin Ash ah?"
Ahhh! Ayoko na! Pwede bang wag ng ituloy? Kinakabahan ako. Hindi ko alam magiging reaction nya. Pano kung magalit sya ng husto? Kapag ganun pa naman, halos mahospital na yung nakakaaway nya. Baka hindi ko sya kayang pigilan this time.
"Kinakabahan ako sis! Pano kung type ko pala fafa mo, baka mabuking tayo!"
"Sis!!! Ayan na! Tumatawag na sya!"
tumatawag na sakin si Daniel. Hindi ko na alam gagawin ko. After namin sya itext kanina, gamit phone ni Abbie eto na! Tumatawag na nga sya. AAAAAHH! What I'm going to do?!
Reject! Reject!
Natataranta na kong tumawag kay Vince.
"B! Tumatawag na sya hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko na ituloy!"
[kumalma ka nga! Psh. Ikaw may gusto nyan. Tinext nya ko, sabi ko hindi ko alam. Ano ba tinext nyo?]
"sis! Makahablot ng phone?! Ano, snatcher?!"
"ssshh! Peram lang. B! Eto yung exact na tinext namin. Hi! Daniel Sanchez, right? I think, I saw your girlfriend with a guy here in coffee shop near in Shireo High. I don't think if this is her cousin or friend. Ayun lang B! Tapos ngayon lang sya tumawag"
1hour na yata kami naghihintay dito. Akala pa man din namin iisnobin lang nya yung text. Baka nagprapraktis pa sila kanina?
[baka pumunta na sya dyan. Tinext na ni lawrence. Sinabi nya na nandyan ka]
Ghaaaad! Lalo akong natense! Eto nga ba yung tama? Palinga-linga ako sa may bintana, baka andyan na nga sya.
[bahala ka na dyan. Ginusto mo yan. Bye! ]
kinakabahan na nga ako ayaw pa ko tulungan ni Vince! Kainis! Bababaan daw ako?
*beep*
[from: 'baby ko'
asan ka baby? Nakauwi ka na?]
"tulaley ka na! Ano sabi sis?"
nanginginig yung kamay ko. Hindi ako makapagtext. Hindi ko alam pano sasabihin ko "ako na nga magtetext! Bagal bagal. Pano ka magchicheat kung ganyan ka sis? Yes..baby.. I'm..home..na.. Smiley. Smiley. Send!"
binigkas pa nya word by word. Tense na tense talaga ako. Naguguluhan na ko sa dapat kong gawin ngayon. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
"sis! Drink ka muna water. Kinakabahan rin ako sayo. Hindi pa kayo break,ok? Wag excited! Save mo, luha mo later!"
aning talaga tong bading na ito. Imbis na maiyak ako, natatawa na ko.
*beep
[from: Lawrence
Kita na namin sya. Ready na kayo. GoodLuck :) ]
bottoms up ko na yung tubig then hinawakan ko na yung right hand ni alberto berting! Parang baligtad yata!
"gga! Mali! Ako best actress dapat dito, sundin mo lang gagawin ko. Wait, hindi pa ba haggard fes ko?"
"sis! Andyan na sya. Umayos ka na. Gwapo ka ngayon ok? Hindi maganda!"
lub.dub.lub.dub
Nakita ko na syang pumasok. Nakajersey pa sya, mukhang tumakas lang kay Coach dahil walang bitbit na bag. Hinahanap na nya ako. Lagot!
"look. Gwapo nung guy"
"yep! Pareho lang pala tayo ng tinitignan"
lumalaki na naman tenga ko. Ano ba yan?! Hanggang dito pa naman ba sya parin nakikita? Tignan mo nga pawis pawis na sya, pogi parin. Myghaaad!
"sis! Yung eyebrow mo, smile ka lang. Kinakabahan ako sayo, mawawala yung date namin ni fafa Vince kapag fail yung mission natin"
"eto na sis! Wag kang lilingon. Hawakan mo kamay ko. Feeling ko nakita na nya tayo"
lumapit ako at kunwari inayos ko yung buhok nya. Magkatapat lang kasi kami.
"ayan! Pwede na. Pogi ka na"
"talaga lang huh? Tagal na kong gwaaa-po"
parang masuka suka na sya sa word na gwapo sya. HAHAHA! Hindi ko tuloy mapigilang tumawa.
Pero napahinto rin ako nung biglang may humalik sa pisngi ko.
Lub.dub.lub.dub.
"Hi baby"
hindi ako makapagsalita. Walang halong acting na napanganga ako sakanya at hinatak ko yung kamay ko kay Abbie. Umupo sya sa tabi ko, super close na parang mauusog na ko sa may bintana.
"hindi mo ba ko papakilala sakanya?"
pareho yata kaming tulala ni Alberting! Caught on act! Hindi na yata kelangan umacting? Except Abbie na mukhang nagdudrools na. Akala ko ba best actress dapat sya, supportive lang ako? Eh anong ginagawa nyang pagtitig sa boyfriend ko.
"a-ahmm. Ivan si Daniel. D-Daniel si Ivan. . F-friend ko. Classmate ko sya nung grade school"
Hindi ko na binanggit kung boyfriend ko si Daniel. Nauutal ako. Parang sasabog na yung puso ko sa kaba nung nakipagshake hands sya. Bakit ganun? This is not what I expected! Ngumiti pa si Daniel at parang casual lang.
"nice meeting you. Ikaw boyfriend ni Ashley diba? Sayang pare. Naunahan mo ako"
pinipigilan ko yung ngiti ko. Kasi naman, lalaking lalaki yung boses.
"Baliw ka talaga Ivan! Uhmm. Bakit ka nga pala nandito? Tapos na practice nyo?"
"Break time. Gusto ko lang magkape ngayon. Painom nga baby."
kinuha na nya yung iced coffee kahit hindi pa ako pumapayag. Sumandal sya sa upuan, nakacrossed legs sya habang umiinom. Angas ah!
"Do you want me to buy you another one?"
"a-ahh. Hindi na. Thanks nalang--"
"no need pare. We always share drinks"
"ah. Ganun ba? Hindi ka na pala dating bata na maselan?"
"we're kissing, kaya ayos lang na inuman ko yung sakanya"
namula ako bigla. Bakit kelangan nyang sabihin yun? Nagkatinginan kami ni Abbie at mukhang nagseselos na nga yung katabi ko.
"uhmm. Water break lang yun diba? Ano pangginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na ni Coach"
"kakarating ko lang papaalisin mo na ako agad"
kinuha nya yung kamay ko. Ramdam ko yung higpit ng hawak nya.
"eh di wag!"
"pre, baka isipin mo inaagaw ko girlfriend mo. Ngayon lang kasi ulit kami nagkita. Pero hindi kita masisisi kung magselos ka, dahil crush na crush parin pala ako ni Ash"
"shut up! Ikaw nga tong may crush sakin hanggang ngayon. Move on Ivan!"
natatawa ako. Walang script ito ah. Mga kalokohan talaga ni berting! Pffft. Mamaya bigla syang suntukin ni Daniel.
"ayos lang. Ako naman mahal nya"
napatingin ako sakanya. Kalmado parin sya. Fighting spirit pre!
"hindi yan. Ngayon na nakita nya ko bukas lang break na kayo."
"I know"
lub.dub.lub.dub
Hindi ko maalis yung tingin ko sakanya. Eto naman gusto ko diba? Gusto kong saktan lang sarili ko. Pero bakit parang nagulat pa ko sa sagot nya?
"really? Then, pwede na pala kitang ligawan Ashley"
"Bakit?"
"Diba break na kayo bukas? So, free na ulit sya."
"oo, bukas nga. Kelan ba yung bukas? After ng bukas, may bukas ulit, kahit sa susunod na bukas may bukas pa."
Aish! Namimilosopo lang pala. Parang nakahinga ako ulit. WAAAAHH! Diba ako tong gustong makipagbreak sakanya? Mas lalo lang kaming mahihirapan kung daddy pa nya maghihiwalay samin. Ayokong dumating sa point na kelangan nyang mamili samin ng daddy nya. Kahit anong isagot nya, masasaktan ako.
"wag ka ng umasa pare. Baka mamatay ka na sa sobrang tanda kakahintay ng bukas na magbrebreak kami."
Inakbayan pa nya ko. Ngumiti nalang ako ng pilit sakanya.
Pano kung bukas wala na nga tayo Daniel?
Nagkakatinginan kami ni Abbie, walang kaalam-alam si Daniel sa plano namin. Hindi ko maisip kung pano sya kapag ginawa ko yun...kapag nakipaghiwalay na ko sakanya.
"Pano kung ayaw na nya sayo?"
napatingin sakin si Daniel. *gasp* wala kaming napag-usapan na may ganyang tanong! Inalis nya yung kamay nya sa balikat ko at muling hinawakan yung kamay ko.
"I'll make her fall in love with me again. Pero imposibleng mangyari yun. As long as I know na mahal nya parin ako kahit konti lang, I won't give up. I will fight for her."
parang sasabog na puso ko. Tama na please! Ayoko na! Itigil na natin yung kalokohan na ito!
"Then, start making her fall in love with you again from now on. Baka hindi mo mamalayan dumating na pala yung bukas, akin na pala sya"
"Ahahaha! Nagpapatawa ka ba? Hindi ikaw yung tipo ng lalaki na magugustuhan ni Ash. Hindi rin ikaw yung lalaking naiisip ko na makakalaban ko sakanya"
How did he knew? Hindi ko nga alam kung anong type ko sa mga guys. Pero hindi ko nga gusto si Alberto berting kahit ang pogi nya. Ewan ko kung dahil bading sya. Wait! Baka alam na ni Daniel? Pffft. Natatawa ako sa term na ginamit nya 'lalaki'.. Iiyak na nyan si Abbie.
"Let's see."
"ano ba kayo? Parang wala ako dito ah. Daniel, bumalik ka na nga sa school. Hintayin nalang kita dito after ng practice nyo"
"Tinatamad na ko. Papadala ko nalang dito kay Carlo gamit ko."
"wag mo muna syang paalisin Ash, magbaboxing pa kami sa labas"
seriously? Lalaki na ba sya ulit? Yung way ng titigan nila parang naghahamunan. Baka masira fes nya kay Daniel!
"that's waste of time. Wag kang ma-stress pare kung hindi mo sya makukuha sakin. Dadami wrinkles mo"
Nagsmirk pa sya kay Abbie then saglit na tumingin sakin. Namimilosopo parin ba sya? Parang namutla ako bigla. Wag mong sabihing alam nyang bading si Ivan at set up toh?!
"nakakalalaki ka na ah. Ano? Suntukan nalang?"
"Psh! Tama na nga yan!"
"bading yang boyfriend mo Ash. Excuse me, labas lang ako sandali. Baka hindi ko na mapigilan."
Totoo na ba yan o acting lang? Napikon na nga yata sya. Hinampas ko agad si Daniel pagkalabas ni Abbie.
"Bakit mo sya ginanun--"
What the hell?! hindi ko na tuloy yung sasabihin ko ng halikan nya ko. He kissed me in a public area? Nakauniform pa ko. Ano bang trip nya?!
"Problema mo?"
"I just want to kiss you. Ikaw anong problema mo?"
Aish! Pinipolosopo na naman nya ko. Bwisit!
"Bakit ka nagsinungaling? Hindi mo pa sinasagot tawag ko. Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong nasa coffee shop ka kasama ng friend mo."
Kasi nga gusto kong magalit ka. Kamuhian mo na ko. Ok lang na ako na tumanggap ng lahat ng consequence. I want you to forget me.
"wait lang. May tatapusin lang ako."
"ha? Uy! Saan ka pupunta?"
ngumiti lang sya sakin. Anong tatapusin nya? Si I-Ivan?
Tinawagan ko agad si Vince. Kelangan nilang pigilan si Daniel. Baka mabugbog si Abbie.
"B. Si Daniel sinundan yata si Abbie. May tatapusin daw sya, baka kung anong mangyari."
[sis! Hindi ko na kaya! Mahihimatay na ko sa fafa mo. Durog na durog na puso ko]
Napatingin ako sa phone ko. Tama naman dial ko, bakit pinuntahan nya sila Vince? Baka mabisto kami! Lagot na! Lagot na ko! Mahaba habang paliwanag!
[oy Ivan! Dun ka na. Ayan na si Daniel. Mamaya makita pa kami ni Vince.. Ayoko! Ayoko! Don't! Ugh! I'm going to die---]
naputol bigla yung tawag. Ano bang nangyari? Kinakabahan na ko.
Mga ilang minutes pa kong nakaupo. Nasobrahan na yata ako sa kape. AAAHHH! Hindi ko na yata kaya!
Nakita ko na sila. Nakaakbay pa si Daniel kay Abbie nung pumasok. Parang wala namang nangyari sa mukha ni sis.
"san kayo galing? Iniwan nyo ko dito."
"Tinapos ko lang kalokohan nyo,baby"
"Sis!"
as in nanlaki yung mata ko kay Abbie! Anong ginawa mo Berting?! Maiyak-iyak na syang umupo sa pwesto nya at hinawakan yung dalawang kamay ko. Parang nagmamakaawa na sya sakin.
"Sorry sis! Please forgive me! Ang sakit sakit na nung pagtawag nya sakin na lalaki! Parang dinudurog puso ko! Hindi ko na kaya! Pati wrinkles ko, Ohmyghaaad sis! I'm sorry"
Plan B.. Failed!
Napayuko ako at tinakpan ko yung mukha ko. Nahihiya ako. Hindi ako makatingin kay Daniel. Isang malaking epic yung nangyayari.
Naramdaman kong umupo na sya sa tabi ko kaya umusog ako. Kulang nalang lumabas na ko sa bintana sa sobrang usog ko.
"psh. Halika ka nga dito"
hinatak nya ko papalapit sakanya. Nakapaikot yung kamay nya sa bewang ko. SHZ! Pano ako mag-eexplain nito? Sasabihin ko bang nagpanggap kami para makipagbreak sya sakin? URGH! Bakit ba tiwala ako Lawrence na hindi papalpak yung plano?! Sana talaga naniwala na ko kay Vince!
"Trip mo talaga ako huh? Would you mind to explain everything to me?"
tinusok na nya tagiliran ko. Kikilitiin na naman nya ko kapag hindi ako nagpaliwanag.
"Fafa Daniel ako nalang mageexplain! Ako nalang yakapin mo,dali!"
ang baklush! Ilalaglag pa ko para sa lalaki. Akala ko ba super sis na kami?
Nakapout akong humarap sakanya.
"S-sorry. Tinitignan ko lang naman kung magseselos ka."
yun lang sinabi ko. Hindi ko sya matignan ng diretso kasi nagsisisinungaling ako.
Patingin-tingin lang ako sakanya hindi parin kasi sya kumikibo. Mukhang hindi satisfied sa sagot ko.
"baby ayun lang nga kasi yun..sorry na."
"well.." mabilis nyang hinalikan lips ko. Aba! Aba! Kanina pa sya! Andito pa man din si Abbie! "..forgiven. Samahan mo ko magpaliwanag kay coach bukas"
"aww. Honey, when will I have a boyfriend like you?"
parang nagdadaydream na si Abbie. Yung mga mata nya parang nagssparks! Pffft.
Medyo pinalayo ko na si Daniel, nakakailang na yung yakap nya. Mga damoves nya talaga.
"sis. Girl din ito, hindi kayo talo. Diba girl?"
"humanda ka sakin mamaya. Girl pala ha?"
WAAAAHH! Yung titig nya. Tickle fight! Talo na ko!
"eh pano mo nalamang gay si Abbie? Diba lukso ng dugo yun?"
"psh. Alam ko lang kasi yung way ng pagshakehands nya saka titig nya sakin kakaiba. At saka may lalaki bang magsusuot ng pink socks?"
napatingin ako sa ilalim ng table and that's it! Pink socks! Really sucks! Kaya naman pala chillax lang itong katabi ko.
Napakagat ako sa labi at tinignan ng masama si Alberto berting! Baklang ito! Kagigil. Akala ko naman lalaking lalaki na outfit nya.
"oww. Sorry sis! I forgot. Any way, ang swerte mo sis! Gaga ka kung ibrebreak mo sya!"
seryoso yung pagkakasabi nya. Totoo naman yun. Ang gaga ko lang talaga kung papakawalan ko pa sya. Pero engot na nga yata talaga ako. Hindi ko na alam kung ano bang tama sa mali. Hindi ko na alam kung yung puso o isip ko ba masusunod.
"alam ko."
I smiled at hinawakan ko yung kamay ni Daniel. Siguro nga dapat kong sulitin yung na araw na kasama ko pa sya. Baka isang araw,
wala na kong choice kundi i let go sya.
***
"Alam mong tropa ko kayong dalawa ni Vince at fan ako ng Vincely, pero hindi naman ibig sabihin nun ayoko na sa Danshly. Tinutulungan kita Ash kasi alam ko kung anong kayang gawin nung erpat nya. Diba pre nangyari naman rin sayo ito diba? Yung kay Jamielle diba? kung hindi lang magkaibigan mommy mo saka mommy ni Daniel, baka hindi ka na nakapag-aral dito."
Lugmok na lugmok na nga ko dito, may Danshly saka Vincely pangnalalaman si Lawrence. Aish! Nalilito na ko! Hindi ako makapagdecide! Natatakot ako. Professor yung daddy nya, maraming connections. Pano nga kung maging mahirap sakin yung pagpasok sa University na gusto ko? Magagawa nga nyang i-hold yung card ko para hindi ako makapagcollege dahil kilala nya mismo yung principal dito. Pwede nyang gawing miserable yung buhay ko malayo lang kay Daniel.
"naiintindihan ko rin naman si Vince kung bakit ayaw ka nyang tulungan. Pero hihintayin pa ba natin masaktan kayo ng husto? Mahihirapan lang kayo dahil bandang huli, erpat parin nya mananalo. Atleast maghiwalay man kayo ngayon, after 5 years mafulfill lang ni Daniel gusto ng daddy nya pwede ng maging kayo ulit"
"Hindi papayag si Daniel ng ganun lang. Ikaw ba kapag may mahal ka, i lelet go mo agad dahil sa gusto lang ng parents mo? Hindi mo ba ipaglalaban kahit na alam mong mahal ka nya?"
"Pre, ang problema kasi dito erpat nya. Wala silang laban kahit anong gawin nila."
"bakit? Tingin mo ba sumusuko ng ganun lang si Daniel? Kilala ko si Daniel, kapag mahal nya walang makakapigil sakanya. Parang basketball. Ngayong andyan na sakanya si Ash, hindi nya hahayaang mawala sakanya ng ganun lang."
Hindi ko na alam kung sino papakinggan ko sa kanilang dalawa. Pareho silang may point. Parang yung puso saka isip ko lang na nagtatalo.
Si Daniel parang yung daddy lang din nya. Hindi sya mapigilan basta gusto nya. Tulad ng championship game nila sa Japan, kahit malaki yung possibility na hindi na sya makapaglaro he take the risk.. Kahit pa ayaw ng daddy nya. Kahit ayoko pa.
"Kayang gawin ng erpat nya lahat mapaghiwalay lang sila."
"Kayang gawin ni Daniel lahat wag lang sila maghiwalay"
"Love is about sacrificing"
"Love is something worth fighting for"
"Aish! Alam nyo imbis na makatulong kayo, lalo nyo kong ginugulo."
parang nagdedebate lang sila. Hindi ko alam kung sino papakinggan ko. Titingin ako kay Lawrence tapos kay Vince, balik kay Lawrence. Nahihilo na ko sakanila!
"kung gusto mo talagang maghiwalay kayo, sabihin mo lang na mahal mo ko.. Tapos na kayo agad"
**to be continued :)
Vote.comment.follow. J
♥Dreamer