Fleeting Skies

aetheryl tarafından

15.2K 789 222

PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends... Daha Fazla

FLEETING SKIES
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
BOOK

Chapter 4

480 32 12
aetheryl tarafından

CHAPTER 4

I thought about a nice plan and decided to discuss it with Alyana. Tutal ay ang alam naman ng mga kaibigan ko ay 'border' ito, naisipan kong panindigan na lang namin ito.

"Sigurado ka bang gagana 'to?" aniya habang inaayos ang sarili.

I thought we'd put up a great show for my family, and we needed to be great actors to fulfill that.

"Basta, galingan mong um-acting." Napatingin ako sa balikat nito dahil nahuhulog yong manggas ng butas-butas na t-shirt na suot niya kaya bahagyang nakikita ang balat nito.

"Okay na 'to?"

"'Yong dito mo." Hinawakan ko ang balikat para ipakita sa kaniya. Agad naman itong tumingin sa balikat niya at hinila ang manga.

Nang maayos na ang lahat ay dahan-dahang pumuslit si Alyana mula sa bintana. Nahirapan pa akong alalayan ito dahil may kataasan ang second floor mula sa baba. Mabuti na lamang ay maingat ang bawat paghakbang nito.

Matapos kong isara ang bintana ay bumaba ako para samahan si mama at KL sa sala. As usual, nasa trabaho ang papa ko kaya kami lang ang natitira dito madalas.

I sat beside KL who was watching TV. My mom was organizing some papers when we heard a knock from the door a few seconds after.

It's showtime.

"Tao po? Tao po! Tulungan niyo ako!" Agad na napalingon ang mag-ina sa pinto kung saan nanggagaling ang boses ni Alyana. Pinigilan ko naman ang sarili ko matawa.

Patuloy pa ito sa pagtawag kaya naman tuluyang tinigil ni mama ang ginagawa. Sumunod naman kami ni KL na bahagya pa itong nagtatago sa likod ko.

Nang buksan ni mama ang pinto ay tumambad ang maruming itsura ni Alyana. Punit-punit ang damit nito, gulo-gulo ang buhok at may ilang grasa pa sa katawan. Syempre, galling ang mga 'yan sa garahe pati na rin sa damitan ko. Mabuti na lang may mga naitabi pa akong luma.

"Iha, anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni mama.

"Wala na po akong pamilya. Namatay na po ang mga magulang ko at ngayon, pinapaalis na kami ng mga pulis sa kalsada. Tulungan niyo po ako. Gutom na gutom na po ako dahil wala pa akong kinakain sa loob ng tatlong araw!" Nag-iwas ako ng tingin nang magsimula itong umiyak. Hindi dahil naiiyak ako, kundi pinipigilan ko ang sarili ko na matawa.

"Naku, iha. Pumasok ka muna sa loob. Halika, ipagluluto kita." Nag-aalalang tugon ni mama na 'di alintana ang itsura nito habang inaalalayan ito papasok. Nang madaanan ako nito ay pasimple niya akong kinindatan.

Gan'on nga ang ginawa ni mama matapos itong pagliguin at bigyan ng maayos na damit. I knew her too well to be this kind-hearted that's why I deviced this kind of plan. Medyo nakakakonsensya nga lang pero kaysa naman sabihin ko ang totoo.

Sinamahan naming si Alyana kumain sa kusina. Syempre, andoon din ako para naman supportive kunwari. Nakikinig lang si mama sa 'kwento' nito tungkol sa sinapit niya at si KL naman ay animong naaawa na rin dito.

She's so good at this.

"Ayon po ang nangyari. Kaya makikiusap po sana ako ay kung pwede, dumito muna ako habang naghahanap pa ako ng matitirhan ko? Promise, ako po ang gagawa ng lahat!" aniya.

"Oo naman, iha. Kaysa naman pakalat-kalat ka sa daan sa gabi. Delikado pa naman lalo't andaming mga lasing na nagkalat tuwing ganoong oras." Kunwari ay naiyak pa ito sa tuwa at labis na pinasalamatan ang mama ko.

Just like that, everything went easier for me.

Kinabukasan naman ay maaga akong ginising ni KL. Iniwanan raw ito ng pera para samahan naming si Alyana sa mall para bumili ng mga gamit nito.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tugon ko habang kinukusot ang mata.

"Oo nga, kuya. Tara na!" Excited itong lumabas ng kwarto ko matapos akong pilitin na gumising.

Samantalang kapag ako nanghihingi ng pera kay mama, kailangan ko pang lumuha ng dugo. Unfair.

Nang makapunta kami sa mall ay sobra ang tuwa nung dalawa. Imagine how Rapunzel from the movie behaved when she got out of the tower after years of being locked in. Gan'ong-gan'on si Alyana pagpasok namin. Everything she saw amazed her. Ultimong free taste, tuwang tuwa siya.

Bumili kami ng ilang mga damit nito, personal necessities pati na rin toiletries. Matapos naman ay dumaan kami ng salon upang makapagpagupit raw ito.

"Is this even necessary? I want to go home." reklamo ko kay KL. Sabay naman nila akong tinignan nang masama.

Sinalubong kami ng stylist at agad na pinupo si Alyana sa harap ng isang malaking salamin. Umupo naman si KL sa isang bakanteng upuan sa tabi nito upang manuod. Samantalang ako, pumwesto sa mga waiting chairs at nagbasa ng comics.

Mas mukha pa silang magkapatid, sa totoo lang.

I glanced at Alyana before the stylist began to do her magic. Her hair is long and rust-colored, matangos ang ilong nito na medyo maliit kaya bumagay sa mga katamtamang singkit ng mga mata niya. Mahahaba ang mga pilik-mata nitong nasa ilalim lamang ng makapal niyang kilay. Ang labi naman nito ay bagama't may kanipisan ay nangingibabaw ang kakaibang hugis nito tuwing ngumingiti siya. Parang korteng puso.

Mahigit isang oras at kalahati ang hinintay ko bago ako tinawag ni KL nang matapos. Ibinaba ko ang hawak na comic book at lumapit sa kanila. Inikot ng stylist 'yong kinauupuan ni Alyana sa direksyon ko dahilan para malantad ang bago niyang itsura.

Naging black ang dating kulay kalawang na buhok niya, lumebel na rin ito sa balikat niya kaya mas nadepina ang bawat piyesa ng mukha niya. Kung sa dati, she looked young and carefree, now she looked more mature and fit for her age. It's like looking at a completely different person.

"Ayos lang ba?" She asked, smiling.

"Pangit mo pa rin." I teased before leaving the salon. Tuwang-tuwa ako nang makita na nakasimangot na naman ito.

Matapos ang nakapapagod na paglilibot sa kung saan-saan, kumain kami sa Mcdo bago umuwi. Binilhan ko ng happy meal 'yong bata pati na rin 'yong isip-bata. Todo puri naman si KL sa bagong itsura ni Alyana habang kumakain kami.

"Ate Aly, wala ka bang mga sisters and brothers sa dati mong house?" Binaba nito ang kinakain mula sa kutsara at sandalling napaisip.

"Wala, eh." Wala siyang maalala...

"Pwede bang ako na lang? Please? Wala kasi akong big sister, eh!" Naglinawag ang mukha nito bago ngumiti.

"Oo naman!" Nag-apir-apir naman silang dalawa sa sobrang tuwa.

Kanina pa kasi sila nagkakasundo at pinagtutulungan ako kaya hindi na rin ako nagulat nag anito sila sa isa'to-sa. Besides, KL always wanted a sisterly figure since she says I don't really know what she likes and that I can never relate to her.

Sabi na nga ba, mas mukha pa silang magkapatid.

Mabilis na lumipas ang isang buwan at mabilis na nakapalagayan ng loob ni Alyana ang pamilya ko. Nagkakilala na rin sila ni papa na agad naming nagging kumportable sa isa't-isa. Like what she said, she tries her best to help around the house. Madalas silang magluto ni mama nang magkasama kaya naman close na close sila. KL found her playmate, too.

Nakapag-move out na rin siya sa kwarto ko dahil inayos namin 'yong isang kwarto na tinatambakan lang naming ng mga gamit para may matulugan siya. My room was again peaceful.

I didn't expect everything would escalate this way. A lot could really happen in a month.

Natanggap ko na rin ang mga pangyayari, pero hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap ko ng mga kasagutan kung paano.

"Tao po! Ellaine, mare?" Umalingawngaw ang isang impit na boses mula sa gate.

Nasa garden ako na nag-aalmusal habang nagdidilig si Alyana ng mga halaman. Bago pa nito mabitawan ang hawak na hose, dumalo na si mama sa gate upang salubungin kung sinumang naroon.

"Michy!" Sinilip ko ang bisita ni mama na kasabay na niyang maglakad papunta sa direksyon ko. "Kumusta ka na? May kailangan ka ba?"

"Mayroon syempre, kaya nga naparito 'di ba?" biro ng bakla.

Barangay Health Worker si kuya Mike at close sila ni mama dahil sa palagi silang nagkakasalubong sa palengke. Pinakilala muna nito ang mga kasama niya, isang babae at binatang lalaki na may suot na bonnet, bago sila naupo.

"So ito nga, settled na kasi lahat para sa sagala next week, eh. 'Yong flowers, arko, lahat! Kaso 'yong Reyna Elena nagka-bulutong kahapon kaya hindi na maka-attend sa mismong event. Tatlong linggo pa raw bago makalabas ng ospital. Nakakalerkey! Wala pa naman kaming makitang ipapalit." Mahabang paliwanag ni kuya Mike.

Nakikinig ako sa usapan nila pero ang mata ko, lumiliko sa kinaroroonan no'ng kasama nilang lalaki. Bukod sa gray nitong bonnet ay kapansin-pansin ang maya't mayang pagnanakaw nito ng tingin sa nagdidilig na si Alyana.

"So kailangan niyo ng proxy? Nasa probinsya kasi 'yong mga pamangkin kong babae, eh. Si KL naman, masiyado pang bata. May requirements ba?"

"Nako, wala naman! Basta maganda at madaling turua–ay! Diyos ko po!" Napatalon si kuya Mike nang aksidenteng maitutok ni Alyana ang hose sa gawi nila.

Gusto kong matawa dahil sa kapalpakan niya pero pinigilan ko dahil mukhang pumorma pa naman si kuya Mike para sa araw na ito.

"Pasensya na po!" Agad na lumapit si Alyana para daluhan ang nabasang bakla, pero imbes na magalit sa kaniya, para pa itong na-starstruck nang tignan ang mukha ni Alyana.

"Nahanap ko na siya!" Pinaikutan ni kuya Mike si Alyana na kasalukuyang natatarantang patayin ang hose. "Anong pangalan mo, iha?"

"Po? Alyana po." Nagkatinginan si kuya Mike at si mama bago tumango-tango na akala mo may non-verbal communication na nagaganap sa pagitan nila.

Wait, don't tell me they plan to...?

Pinaupo nila ito at pinaliwanag ni kuya Mike ang proseso ng sagala kasi mukhang naguguluhan si Alyana. Patango-tango lang ito, maya't-maya naman ay tumitingin sa'kin.

"So ano, payag ka na ba, iha?" Tinignan niya si mama na agad tumango. Nang tumingin naman siya sa'kin, sininghalan ko siya.

Ikaw bahala.

"Sige po." Tuwang tuwa si kuya Mike na napayakap pa kay Alyana.

"Ayon naman pala!" Nilingon ni kuya Mike ang binatang lalaki nan aka-bonnet. "Ayan ha, ang ganda ng ie-escort-an mo."

Escort? 'Yong may bonnet? Siya? Seryoso ba?

I feel offended all of the sudden.

"Buti na lang sumama ako ngayon." Ngiting-ngiting sabi niya habang hindi maalis ang titig kay Alyana.

Sinong nagtanong? Lol.

Sinimulan tuloy silang tuksuhin ng mga nakatatanda. Sinipa ko tuloy si Alyana mula sa ilalim ng lamesa dahil nakangiti lamang ito pero pinandilatan niya lang ako.

Sa sumunod na mga araw, sumalang na si Alyana sa dry run ng para sa sagala. Pinasama ako ni mama sa kaniya para may magbantay sa kaniya. Syempre hatid-sundo na rin.

Kinder, amp.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin Alyana, tatayo ka lang at hahawakan mo ang Sto. Nino. Pagkatapos no'n, wala na! Wala ka nang gagawin pang iba bukod doon, nakukuha mo ba?" sigaw ng instructor sa harap ng maraming tao.

Malilituhin siya sa steps kaya madalas siyang napagagalitan. Pinagmasdan ko kung paanong bagsak ang balikat niyang tumungo sa kinauupuan kong bleachers nang mag-break sila.

"Ang hirap naman." Mga isang metro ang layo namin sa isa't-isa. Nasa mas mababang step siya ng bleachers nakapwesto kaya naman nagdadalawang-isip ako kung tatapikin ko ba ang balikat niya.

I tried to reach for her, kaso nang makita ko mula sa malayo si bonnet master, iniwas ko ang kamay ko.

Tumakbo ito papalapit sa pwesto namin at tinakpan ang mga mata ni Alyana gamit ang kamay niya. Mukhang 'di niya ako napansin, o pinili niya lang talagang dedmahin ako.

"Hulaan mo kung sino 'to."

"Sych?" Tumawa ako nang malakas dahil ako ang binanggit ni Alyana kahit alam naman niyang nasa tabi niya lang ako halos.

Sych, 1 point.

"Si Hajie 'to." Tinignan ako nang masama ni bonnet bago tnanggal ang kamay sa pagkakatakip sa mata ni Alyana. Ngumiti ito ngunit halata sa mukha nito ang pagiging disappointed na siyang ikinatuwa ko.

"Ikaw pala! Kumusta?" Nilabas niya mula sa likod ang isang plastic na may lamang dalawang halo-halo na may ice-cream at ube pa sa ibabaw.

"Nagdala ako ng pagkain para sa'yo." Ngumiti siyang muli. "Halo-halo para sa babaeng gusto kong makasalo."

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang paghagalpak.

Okay, now I'm really offended. Sino bang pumili sa bonnet boy na 'to para mag-escort sa Reyna Elena? Ang baduy masiyado.

Tinanggap naman ito ni Alyana at manghang-mangha siya habang dinudurog ang ice gamit ang kutsara. Nakatitig naman si bonnet sa kaniya na parang mas mauuna pang matunaw si Alyana kaysa sa halo-halo.

Tinikman niya ito at syempre, bilang si Alyana nga ang pinapalamon dito, sarap na sarap naman siya.

"Wow. Ang sarap naman nito!" bulalas ni Alyana sabay baling sa'kin. "Sych, gusto mo?"

"Di ako kumakain niyan, eh." tanggi ko. Ngumisi si bonnet at biglang sumabat.

"Andiyan ka pala, pre? Hindi kita napansin, eh." aniya kahit obvious na obvious naman ang presenya ko dito.

"Ikaw nga, 'di pinapansin, eh." Nagkibit-balikat ako habang tinutukoy si Alyana na abalang-abala sa pagkain niya.

Mukhang na-offend na naman ito sa sinabi ko dahil sumama ang timpla ng mukha nito. Dapat lang.

Maya-maya, nagtawag na ulit 'yong baklang instructor para mag-resume na sila sa practice.

"Sych, una muna kami, ah." paalam ni Alyana saka siya nalalayan siya ni bonnet boy sa pagbaba. Tinignan niya muna ako bago akbayan si Alyana at ngumisi.

That's it. Kanina pa talaga ako sinusubukan ng ng lalaking 'to.

Nakapamulsa akong naglakad papalapit sa lata na nakakalat sa bleachers. Pasimple kong sinipat ang target saka ito sinipa. Tumama ito sa ulo ni bonnet boy kaya nawala agad 'yong ngiti niya at napabitaw sa pagkaka-akbay kay Alyana.

"Sino 'yon?" Luminga ito sa paligid.

Nagtama ang tingin namin pero hindi niya magawang lumapit dahil nakatingin si Alyana.

Ngumisi lamang ako.

Sych, 2 points.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.3K 99 28
JIRAANAN SERIES #3 Ethan's way to be cured is by playing video games, he is an aspiring gamer but for his parents, being a gamer is useless. He is re...
40.4K 989 42
FRIENDS SERIES #3 Skyler wants to be famous using her works. She has a plan to take masters abroad after she finished her college. She is very goal...
1.9K 354 45
Delancy Amanda Lopez has always been a good person. Lancy's a good daughter, a kind friend, and a responsible Nurse. Lancy has long been known for he...
394K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...