Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 80: Task

1.5K 29 6
By kevayDREAMER

 

"yes, who's this?"

"I'm Daniel's father. Are you with him?"



GHAAAD! Kinabahan talaga ako habang kausap yung daddy ni Daniel. Actually, first time nya ko kausapin. Kapag nasa bahay kasi ako nila Daniel, hindi kumikibo daddy nya at madalas nasa Judgement room lang ng bahay. (Judgement room tawag ni Daniel kasi kapag pinapatawag sya dun laging syang nililitis sa kasanalanan nya. PFFFT. pasaway kasi. ) Any way, parang office room lang yun. Hindi ka makakapasok without valid reasons.


And I think, nahatulan na naman sya ng grounded.


Napaka-pasaway kasi! Hindi pala sya pinayagan magovernight pero ginawa parin nya. Natatakot daw syang makutusan ko, pinahamak pa ko. PSH! Alibi! He is negligence for lying! I proclaim! He is guilty!.. Hmm. Ganito rin kaya sinasabi ng daddy nya? Aish! Ano ba tong iniisip ko.


Bakit pa kasi nya ginagawa yun? Maiintindihan naman namin kung hindi talaga sya pinayagan. Ayan tuloy, bahay-school-bahay lang sya. Buti nga binawi na yung HATOL na No Gadgets. PFFFT! MOAHAHAHA! Hatol talaga yung term.


"Are you thinking of me?"

napatingin ako sakanya. Yung mukha nya parang seryosong seryoso talaga sa tanong nya. Hay naku! Feeler!


After ng class, imbis na umuwi sa bahay andito ako kila Daniel, nagchechess. Kulit kasi! Ayaw talaga magpatalo, kesho hindi na daw ako naawa grounded sya, mamimiss daw nya ko dahil matagal daw yung 15hrs. PSH! Ano gusto nya iglue ko na sarili ko sakanya? Dami pa nyang sinabing reasons, gusto lang pala makasama pa ko.


Actually, ayoko sanang pumunta dito. Iniisip ko kasi yung sinabi sakin ng daddy nya. After ng tawag nya nung nakila Khate kami, tumawag ulit sya pagdating ko sa bahay. Its really confusing na hanggang ngayon wala parin akong idea.


"kaharap lang kita? Masyado ka naman yatang assuming dun girl. Hindi ba pwedeng nag-iisip ako ng ititira ko?"


"oh eto na nga. Checkmate! Iisip pa, ako nalang isipin mo"

whatthe! 5moves palang checkmate na?!!

"ayoko na nga! Daya mo! Ayaw mo magpatalo, alam mo namang hindi ako magaling dyan"

"ok lang yan. Magpapatalo ako next time. Dapat pala may consequence yung matatalo."

yabang! Gumaling lang talaga ako dyan, parusa sya sakin!

Umupo na ko sa may sofa at hinayaan syang magligpit nung chess. Iniisip ko talaga kung pano ko sasabihin yung napagusapan namin ng father nya sa phone. Hayst! Nakakatakot talaga daddy nya, siguro kung ako student nun nagdrop na ko sakanya.


"Kanina ko pa napapansin na parang may iniisip ka. May problema ba?"

tumabi sya sakin at hinawakan yung kamay ko. Halata ba yung pagkaabsentminded ko? Hindi ko kasi talaga maiwasan, kaya nga gusto ko narin sanang umuwi.


"wala naman. Ang tahimik ng bahay nyo. Hindi ka ba naiinip?"

"sanay na. Kaya nga late ako lagi umuuwi, wala namang magawa dito" napatango tango ako. Pano ko  nga ba toh sasabihin sakanya?
"mas gusto ko nga sa bahay nyo. Happy family kayo lagi."

paano, pasimuno pa parents ko sa kalokohan. Daming alam.. Jusko! Isama mo pa si kuya Jake. PSH. Pero tama nga sya, ewan ko ba bakit ganito sakanila. Hindi kaya sila nasasakal? Yung mommy nya, si Tita Ellaine, mabait naman parang kaugali rin nila Daniel pero kapag andyan na si Tito, parang hindi na sila nagsasalita..even Jamielle. Ganun ba kastrict father nya?


"masaya rin naman dito sainyo kaso nga lang pag-dumating na daddy mo...I..I mean kasi nakakatakot talaga daddy mo pero ang pasaway mo parin"

Hindi  ko na ini-specific na sobrang KJ at talo pa yung Principal sa pagkasungit! Syempre baka maoffend sya, father parin nya yun.


"Sungit ba? Minsan nga talaga sinasadya ko yun para mapansin nya ko. Puro nalang work, sa office sa school, pati dito sa bahay work parin."

"Bakit hindi mo nalang iaccept yung scholarship? In that way, magiging proud sya sayo"

 

binitawan nya yung kamay ko at tumingin ng masama sakin. I know, pinag-usapan na namin toh pero ito na yung way nya para maging proud sakanya yung daddy nya. At saka sya na nga nagsabing mahirap kunin yung attention nun, bakit hindi pa nya i-grab?


"Eto na naman ba tayo?"

Oo, eto na naman po kami. Naiinis na naman sya sakin kapag binabanggit yun. Ang laking sayang kasi!


Napasandal ako sa balikat nya. Iniisip ko lang naman yung mas nakakabuti sakanya.


"Kasi girl, sayang yung opportunities. Kung ako nga meron nyan, hindi na ko magdadalawang isip pa. Bakit hindi mo nalang tanggapin?"

"Kasi nga dito ako masaya. Nagagawa ko yung ganito, saka eto pa" inakbayan nya ko at saka pinisil ilong ko. Aish! Seryoso nga ko ngayon!

"Magagawa mo parin naman yan! Bakit hindi mo man lang kasi itry muna kahit 1yr lang? Para sa future mo rin naman yan, or satin. Atleast, masasabi kong NBA player boyfriend ko. At saka para maging meaningful narin yung 'I miss you, baby' mo"

Ginaya ko pa talaga yung way ng pagsasabi nya ng I miss you. PFFFT. Kada kita namin meron syang I miss you, namiss kita chuchu! Eh araw araw na nga yata kaming nagkikita. Miss parin nya ko?


"Iba na kasi yun baby, masyadong malayo. Pano kung mambabae ako dun? Syempre, star player lapitin, walang sisigaw dun ng 'Baby I love you!' para alam nilang taken na ko"

Locheeeee! Kinurot ko sya sa tagiliran nya, napapakagat tuloy sya sa lip nya. wala syang magawa, super close kami, nakaakbay pa kasi. AAAAHH! Nakakainis! Ipaalala daw ba yung nakakahiyang pagsigaw ko sa game nila? AISH!


"gaya-gaya! Eh di, mambabae ka! Yun lang pala pinoproblema mo. Ok lang yun para hindi mo rin ako masyadong mamimiss. Pero siguraduhin mo lang na kaya mo ah?"

"psh. Hindi ko alam kung malaki ba tiwala mo sakin o malaki tiwala mong hindi ko kayang gawin yun?"

MOAHAHAHA! Makasimangot. As if naman kasi kaya nyang mambabae, gulpihin ko sya sa States!

"both!. Ganito na lang, break na muna tayo para wala tayong commitment, then pagbalik mo dito kapag single tayo pareho, tayo na ulit"

"Iniinis mo ba talaga ako Ashley Shaine?"


yung tono ng boses nya WAAAAHH! Tulad narin sya ni Tito, magkasalubong kilay tapos naniningkit na yung mga mata.


Yinakap ko sya ng mahigpit. Wala na kong pake kung makita man kami nung mga kasambahay nila. Tinatago ko yung mukha ko sa chest nya. Hindi ko talaga sya kayang tignan pagganyan. Naiiyak ako! Ayoko! Ayoko! Hindi ko sya kayang i let go!



"alam mo namang mahal kita diba? Hindi ko naman din gusto na magkalayo tayo pero kung yun yung dapat, wala tayong magagawa. Gusto ko maabot mo yung dreams mo, dream ng daddy mo sayo. Gusto ko maging masaya ka. Basketball is your life, and this is the biggest dream you could ever have"

at ayokong maging hadlang dun.. Baka sisihin ko lang yung sarili ko kapag hindi nya tinanggap.


Ramdam ko yung paghinga nya ng malalim. Nagpapakalma siguro sya para mawala yung inis sakin. I swear, hindi ko talaga sya titigilan hanggat hindi sya nakakapagdecide.


"Bakit ba hindi mo maintindihan na masaya nga ko dito? Ayoko dun. Mas gusto kong nakakasama ka"

"ita-try mo lang naman. Wala  namang magbabago satin. Promise! I-accept mo lang yan, hindi na kita kukulitin. Lahat ng gusto mo gagawin ko, hindi kita susungitan, magiging sweet na ko sayo, hindi kita aawayin, ikaw nalang yung boss satin."

"Hindi mo kelangan gawin yun. Wag mo na nga kong pilitin Ashley. Mas priority kita kesa sa basketball. Gusto ko lang yung kasama ka, yung ganito" niyakap nya ko at hinahaplos yung buhok ko. Pakiramdam ko nga inaamoy pa nya or hinahalikan or whatever yung buhok ko. "I want to be with you. Baka kapag tumagal ako dun, mamatay na ko sa pagkamiss sayo"


"Pero hindi ka makakapagEngineering.."

"Pano mo nalaman yan? Si daddy ba nagsabi sayo?"

patay. Daldal talaga Ashley.

"tumingin ka nga sakin Ashley! May sinabi ba sya sayo?"


lagot na. Humilay sya ng yakap sakin at pilit na inangat yung mukha ko. Napapikit na lang tuloy ako. Sasabihin ko ba?


"S-si... Jamielle. Wag mo na syang pagalitan or sabihin sakanya na alam mo na, huh? Magagalit ako sayo kapag ginawa mo yun. Girl ah? Promise mo? I love you! Mwaah! Mwaah!"

kiniss ko sya sa lips para hindi sya umangal. Actually, tama sya. daddynga nya talaga yung nagsabi hindi si Jamielle. Aish! Nandamay pa ko ng iba.


"Ok ok. Daldal talaga nun. Tss. Magkasundo talaga kayo, nilalaglag pa ko. Pahiga nga ako baby"

at dinamay pa ko? Kelangan sa lap ko talaga? Ayan na nga yung sofa oh. Hayst!

"Pero anong reason ng daddy mo? Diba ayaw nya yung pagbabasketball mo pero ngayon pinupush nyang kunin yung scholarship"

eto talaga yung naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan yung daddy nya. Hindi mo malaman yung gusto.

Napansin ko yung pagngiti nya. Ngumiti nga sya pero halata namang pilit. 

"Sabi ng lolo ko, kung magbabasketball ka siguraduhin mong sa States ka maglalaro. Kung mag-kakaCollege ka, siguraduhin mong pangLAW yung course mo."

"bakit ganun?"

"malay ko. Basta gusto nyang ipagmalaki kami kay Lolo saka sa mga kapatid nya."

"Pero bakit?"

"Kasi feeling ni lolo, blacksheep sya sa family nila. Captain din sya ng basketball team tulad ko, at ayaw ni lolo ng ganun lang. Gusto nya mas mataas. Ayaw nyang maging Professor si daddy, gusto nya attorney. Para kay lolo hindi ka pwedeng ipagmalaki kapag ganun ka lang, dapat mas mataas lagi sa pangarap mo"

pero Engineering Course gusto nya. Hindi pa ba sapat yun? Law course lang ba pwedeng ipagmalaki?! Ano ba yun! 10times yata yung sungit ng lolo nya, sa daddy nya.


"Hindi ba unfair yun? At saka bakit ikaw? Daddy mo nga hindi nagawa tapos ipipilit sayo?"

"unang apo, may expectation, parang ganun. Kasi sa family nila daddy laging may pataasan, akala mo may competition. Kaya mas gusto ko sa side ni mommy. Hindi mo kelangan maging achiever, basta kung ano ka lang. Diba ganun pagpamilya?"

Napatango ako. Hindi ko alam na ganito pala sakanila. Parang kapag nasa school sya, lagi syang masaya, easy going. Hindi ko ineexpect na may kelangan syang ireach na expectations sa family nya. Bakit ganun? Samin din naman may nagfifeeling nagmamataas sa kamag-anak, pero kahit ganun hindi kami pinipilit nila Mhie. Kung anong gusto namin susuportahan nila. Ganun naman dapat diba?


Ngayon naiintindihan ko sya kung bakit madalas pasaway sya, kung bakit ayaw nyang tanggapin yung scholarship. Nasasakal narin siguro sya, napapagod din syang sundin yung bagay na hindi nya gusto. But how could I deal with it? Kelangan nya ko pero ako yung magiging hadlang sa family nya. Baka madamay ako sakanila.


"Pero tingin ko, hindi naman na ganun si lolo. Si daddy lang yung mataas yung pride. Hanggang ngayon hindi parin sya bumibisita kay lolo, iniisip parin nya na kelangan nyang maprove na ok yung pagpapalaki samin, that he could be the best father"

"sumasakit ulo ko. Ang daming point ng daddy mo. Hindi ka ba nagsasawa?"

"bakit ba kasi natin pinag-uusapan ito?" napabangon sya bigla. Bakit nga ba? Scholarship diba? Ah,Basta! Naguguluhan na ko. Parang part pa ng History yun na inaapply parin nila ngayon. Jusko!

"I don't know Girl. You have a confusing family"

"Baby.. Parang kanina ko pa napapansin na girl yung tawag mo sakin ah" sinundot nya ko sa tagiliran, dahilan para makiliti ako. NO WAY! Nasa sulok ako ng sofa, pano ako makakalayo?!


"w-wag! Wag! Joke lang yun baby! Uuwi na ko. Tabi nga!"

"joke lang? Trip mo na naman ako, huh?"

Shz! Nakaharang na yung kamay nya. Corner na nya ko. Urgh! Hindi nya ko masisisi kung natutuwa ako na maging bading sya. PFFFT. Kanina nga lang ginawa nya kaya nga napapayag ako na pumunta dito. Ang kyut kyut lang ni Daniel, hinihinaan lang nya yung boses nya at sobrang pula ng mukha nya talaga kanina.


"Bakit ba ayaw mo ng girl? Gusto mo sis? Joke lang! HAHAHAHA! Stop!!"

nanghihina na ko sa pagkiliti nya. Ghaaad! My weakness! Naiiyak na ko kakatawa.


"Ano? gusto mo pa?"

"Hindi na! Promise! Baby ayoko na nga! Uuwi na ko!"

AISH! Wala talaga akong laban sakanya pagganito. Huminto na sya at umayos ng upo sa tabi ko.

"Ayoko pangumuwi ka."

"Baka gabihin ako, hindi mo naman ako mahahatid diba?"

napapout ako. Paawa effect pero alam ko namang hindi pwede. Ayoko lang maabutan ako ng daddy nya, hindi ko alam sasabihin ko.


Napalayo ako nung bigla syang ngumuso. Trip nito?


"kiss"

"naughty! Sa cheeks lang, girl--I mean, baby pala."

napasimangot sya. Hindi ko alam kung dahil sa natawag ko na naman syang girl o dahil sa cheeks lang?



"damot."
psh. Sabi na nga ba! aarte pa buti nga pinayagan ko. Hinalikan nya ko sa pisngi then he smiled.  "I love you! Text mo ko kapag nakauwi ka na"


"yes, boss!"

"by the way, wag mo ng babanggitin yung sa scholarship. I'm serious. Don't ever mention it again. Malalagot ka talaga sakin."

Hinawakan nya yung kamay ko and he come even closer. Naninikip yung dibdib ko sa titig nya. Parang nagmamakaawa na sya sakin na wag ko na syang pilitin. Alam ko gusto nya rin yun at nahihirapan lang sya magdecide. Pero anong gagawin ko? Ayokong mas masaktan pa sya kung hindi nya tatanggapin.


Napasandal sya ng ulo sa may balikat ko nung hindi ako sumagot. Ano ba dapat gawin ko? Hindi pwedeng sumang-ayon ako.


"wag mo na kong pahirapan please.. Gusto ko magstay dito, kasama ka"

 

"Para namang mamatay ka na. Alis nga! Segwey mo. Ayaw mo lang ako umalis"

Tumayo na ko. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya and kissed his lips. Hindi ko na alam kung susundin ko ba sya o yung daddy nya?


***

Paglabas ko ng gate nila, sakto pa talagang dumating Daddy nya. Ang swerte ko naman talaga uh! Huminto pa yung kotse sa tapat ko and I saw him glared at me. Napayuko nalang ako. Hindi ko kayang gawin agad agad yung pinagagawa nya.


Papunta na ko sa bus station nung maalala ko na naiwan ko pala phone ko kila Daniel. Aish! Kinuha nga pala nya kanina, inedit edit pa yung name nya sa contacts ko. Kaartehan talaga nung lalaking yun. Pati wallpaper ko pinalitan din. Feeling cellphone nya. PSH.


Bumalik nalang ako tutal hindi pa ko nakakalayo. Hindi ko na nakita si Daniel, sabi kausap daw Daddy nya. Kinuha ko lang yung phone ko sa may table, paalis na sana ako nung matigilan ako sa narinig ko.


"That's final! You're going to study abroad. Whether you want to take that shitty scholarship or not!"


"You don't have to do this! I have my own life Dad! I have my own decision!"

napatingin ako sa taas at nakita kong nagpupumilit pumasok si Daniel sa room ng daddy nya. Mukhang pinalabas sya ni Tito.

Lub.dub.lub.dub


Nanginginig ako. Hindi ko alam kung pano ako kikilos sa kinatatayuan ko.


"I know what's the best for you! Don't act like a stupid child!"

"Best for me? Ano bang alam mo?! Wala kang alam kundi yang sarili mo lang Dad! Hindi mo man lang tinanong kung ano gusto ko! Wala kang alam--"


bumukas ng husto yung pinto at nakita ko kung pano sya sampalin ng father nya.


Hindi ko narin napigilan yung pagtulo ng luha ko. Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko na dapat makita ito.


"Ganyan ka na ba sumagot sakin?! Wala akong ibang gusto kundi yung makakabuti sainyo!"

"Kapag sinunod kita, magiging masaya ka na? Sa tingin mo matutuwa na si Lolo sayo na naprove mong mali sya? Hindi mo ito ginagawa para sakin, ginagawa mo para sa sarili mo! Naiisip mo rin ba kung magiging masaya ako?"


Nagmamadali akong lumabas. Ayoko ng marinig! Nasasaktan na ko.


"A-ate..wag nyo nalang po sabihin kay Daniel na bumalik ako."


Alam ko na yung gagawin ko, kaya hindi na nya kelangan pangmalaman na narinig ko yung pag-uusap nila ng daddy nya.


Tumutulo parin yung luha ko habang naglalakad. Naiisip ko yung sinabi ni Daniel, naalala ko yung napagusapan namin ng daddy nya sa phone.




"That's not a favor... You need to do it. I don't like you for my son... So, leave him before its too late"


"..o-ok sir"

Continue Reading

You'll Also Like

51.6K 1.5K 26
Nothing to say just enjoy reading ! Sorry for the wrong grammar typos and everything namakikita nyong mali :) Advance thankyou ! List of character Ni...
305K 6.5K 59
[FINISHED || EDITING ] #Wattys2015 "My Plan MAKE THE HEARTBREAKER TEARS FALL" \\ The Operation is now on-going // Copyright © October 27, 2013 by...
45.3K 1.3K 55
Should i forgive or should i forget? Make sure na nabasa nyu na po yung book one bago po ito. Thank you po.
59.4K 2.3K 45
A life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nil...