Louisse's POV
Ugh! Monday nanaman! I hate Mondays! Nakakatamad. Bumangon ako kahit mahirap. Ganun naman talaga, madaling matulog pero mahirap bumangon.
"Arf! Arf!" Waah! Si choochai nandito na! Nasabi ko na ba na nagkasakit siya kaya matagal-tagal rin siyang nawala? Kung hindi, ngayon alam nyo na. Namiss ko siya!
"Choochai nandito ka na!" Sabi ko sa kanya at niyakap siya. Dinala ko na siya sa baba.
"Good morning Manang." Bati ko kay Manang. Nilaro-laro ko naman si choochai. Ang cute!
"Kumain ka na diyan at papakainin ko na rin si choochai." Sabi niya at kinuha si choochai sakin. Nagsimula na rin akong kumain. Ang sarap talaga! Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko para makaligo at magbihis na.
Bumaba na ako para makaalis na.
"Manang! Alis na ho ako!" Sigaw ko kay Manang na nasa kusina.
"Bye choochai!" Sabi ko at hinimas siya. Tumayo na ako at lumabas ng bahay. Agad akong pumasok ng kotse at umidlip.
-----
"Ma'am Louisse gising na po kayo." Rinig kong sabi ni Mang Berting. Iminulat ko yung mata ko. Nasa school na pala kami.
"Sige po Mang Berting. Alis na ako." Sabi ko at bumaba na ng kotse. Habang naglalakad ako, may narinig akong nag-uusap.
"Girls alam nyo ba na may multo dito sa school?" G1
"Ha? Talaga? Meron?" G2
"Oo. Sabi nila kadena boy daw." G3
"Madalas daw yun magparamdam sa CR ng girls sa 3rd floor." G1
"Sabi pa nila, may maririnig ka daw na tunog ng kadena sa hallway kapag mag-isa ka lang." G3
"Grabe! Nakakatakot naman yun!" G2
Hala! My mumu dito sa school?! Waah! Ayoko na! Nakakatakot! Huhuhu! Pagdating ko sa room, nandun na yung tatlong bruha.
"Oh Louisse nandyan ka na pala." Sabi ni Jhoanna ng makita ako.
"Ay hindi! Nandun pa kasi ako sa may pintuan eh." Pambabara ko sa kanya.
"Tsk! Magtigil ka nga!" Sabi niya sakin.
"Bleh!" Sabi ko at dinilaan siya.
"Guys narinig nyo na ba yung usap-usapan dito sa school?" Tanong samin ni Hannah. Yun ba yung multo?
"Yun ba yung mumu?" Sabi ko kay Hannah.
"Oo. May nagpaparamdam daw sa CR ng girls." - Amethyst
"Kadena boy daw yun eh. Kasi may kadena sa paa." - Jhoanna.
"Saang CR?" Tanong ni Hannah.
"Sa may 3rd floor daw." - ako
"Hala! Yung CR na nakasara dun sa may dulo?" - Jhoanna
"Oo. Balita ko binuksan na yun eh." - Hannah
"Hala! Ayoko na mag-CR diyan!" - ako
"Ako din!" - Amethyst
"Wag nga kayong duwag!" - Jhoanna.
"Edi ikaw na matapang!" - Amethyst
"At ito pa, sabi nila maririnig mo daw yung tunog ng kadena niya sa hallway kapag ikaw nalang mag-isa sa 3rd floor." Dagdag pa ni Hannah.
"Totoo ba yan?" - Jhoanna.
"Malay ko." - ako.
"Gusto nyo malaman kung totoo?" - Hannah. Nagkatinginan kaming lahat. Mukhang iisa lang ang nasa isip namin.
"Ghost hunting!" Sabay-sabay naming sabi. Exciting! Kaya lang takot ako sa multo.
"Natatakot ako!" Sabi ko sa kanila.
"Ok lang yan." - Jhoanna
"Pero takot ako sa mumu!" - ako.
"Kaya mo yan." - Hannah
"Kami bahala sayo." - Amethyst.
"Sabi nyo yan ha."
"Naman!" Sabay-sabay nilang sabi. Napatingin naman ako sa pinto at sakto naman na papasok rin si Nick. Waah! Naalala ko yung nangyari kahapon! >////<
"Anong pinag-uusapan nyo Pearl?" Tanong ni Sean ng makalapit samin.
"Wow! PEARL!" Sabi ko sa kanya.
"Ha? Bakit?" Naguguluhang Sabi niya sakin.
"Wala! Sabi ko ang ganda ko!" Sabi ko sa kanya.
"Weeeh! Maganda ka?!" Singit ni Jhoanna.
"Oo naman!" - ako.
"San banda?!" - Jhoanna.
"Sa mukha alangan naman sa pwet."
"Edi wow." Sabi niya.
"So, ano nga pinag-uusapan nyo?" Tanong ni Lucas.
"Tungkol sa multo dito sa school." Sabi ni Hannah.
"Ah. Yun? Naniniwala kayo dun?" Sabi ni Joaqin.
"Kaya nga aalamin namin eh." Sabi ko sa kanila.
"What do you mean?"
"Ghost hunting." - Amethyst
"Ghost hunting? Mukhang masaya yan ah." - Lucas.
"Pwede kaming sumama?" Sabi ni Joaqin at nag-puppy eyes pa. So cute!
"No problem." - Jhoanna.
"Kelan naman yan?" - Sean. Nagkatinginan kami nila Hannah. Waah! I'm so eggzoited kahit natatakot ako!
"Mamayang Gabi." Jhoanna said with a creepy grin on her face. Nagsitanguan naman silang lahat. Maya-maya dumating na si ma'am. Nagsimula na siyang mag-disscuss. Syempre nakinig ako. Takot ko lang diyan.
KRIING!!
Wooh! Tapos na Rin! Ang sakit ng pwet ko kakaupo. Recess na, sa wakas makakakain na ako. Nag-uunat ako ng may biglang humigit sakin. Luh! Lakas naman neto! Tinignan ko kung sino. Ano bang problema ni Nick at nanghihigit nanaman?
"Hey! What's your problem? San mo ko dadalhin?" Tanong ko sa kanya.
"We're going to the cafeteria." Sabi niya. Hindi nalang ako sumagot. Pagdating namin sa cafeteria, agad kaming pumila.
"Pumili ka na ng gusto mo. My treat." Sabi niya. Eh? Ba't niya ako ililibre?
"Bakit mo naman ako ililibre?"
"Tsk. Yung kondisyon mo sakin kahapon. Remember?" Oo nga pala! Ililibre niya ako kapalit ng pagtigil ko sa pag-iyak kasi..... Kasi...... Nahalikan niya ako. Hala! Naalala ko nanaman! >_____< waah!
Umorder na ako ng pagkain ko, kinuhaan ko na rin siya. Umupo na kami sa may table.
"Nick pwede favor?" Sana pumayag siya.
"What is it?"
"Pumayag ka muna."
"Ano muna yun?"
"Eh! Mag-yes ka muna! >.<"
"Ok fine. I'll do it. Ano ba kasi yun?"
"Samahan mo ako mamaya."
"Where?"
"Dito. Maggho-ghost hunting kasi kami. Kasama naman sila Sean eh." Sabi ko at nagsimula ng kumain. Tumango lang siya at nagsimula na ring kumain. Bigla naman dumating sila Hannah kasama sila Joaqin. May dala na rin silang pagkain.
"Ang daya niyo. Iniwan nyo kami." Reklamo ni Jhoanna.
"Sya sisihin mo, wag ako." Sabi ko sabay tinuro si Nick na abala sa pagkain niya.
"So, ano ng plano?" Tanong ni Hannah.
"Mag papaiwan tayo dito mamayang uwian." Sagot ko. Nagsitanguan naman sila at nagsimulang pagkain.
KRIING!!
Sakto lang! Kakatapos lang namin kumain. Tumayo na kami at sabay-sabay na bumalik sa room. Halos kasabay lang namin dumating si sir kaya pagpasok namin agad siyang nag-disscuss.
-------
Hay! Sa wakas! Uwian na rin! Hayy kapagod mag-aral. Ang mga estudyante ay agad nang nagsilabasan. Pero kami ay nanatili sa loob.
"Excited na ako na kinakabahan." Sabi ko.
"Ako rin." Sabi ni Amethyst.
"Pero pano kung makita talaga natin siya? Anong gagawin natin?" Tanong ni Hannah.
"Ewan. Bahala na si Batman." Sagot ni Jhoanna.
"Girls c'mon wala ng mga estudyante." Anunsyo ni Lucas. Lumabas na kaming lahat including Nick. Medyo madilim na sa labas. Nagsimula na kaming maglakad. Walang nagsasalita samin, tahimik lang kami. Dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa kabilang dulo ng hallway. Huhu! Ang dilim na! Tanging flashlight lang ng cp ni Sean ang ilaw namin. Maya-maya may narinig akong tunog ng kadena.
"Guys narinig nyo ba yun?" Tanong ko sa kanila.
"Ang alin?" Tanong ni Joaqin.
"May narinig akong tunog ng kadena."
"Wag ka namang manakot Louisse." Sabi ni Amethyst at biglang kumapit jay Sean. Ay may pagkapit?
"Baka guni-guni ko lang yun." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Awhoooooo!!
Agad akong napakapit kay Nick. Siya kasi pinakamalapit sakin. Hala! Ano Yun?
"Tsk." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Tumatayo na yung balahibo ko. Bakit parang feeling ko may tao sa likod ko? Nilingon ko ito. Wala naman. Feeling ko anytime may bubulaga sakin.
O_____O
B-bakit may h-humawak ng b-balikat ko? Agad akong napayakap kay Nick at nagsisi-sigaw.
"Waah! Nandito na siya! Nandiyan na yung multo! Kyaah!" Sigaw ko. Hinawakan naman ni Nick yung dalawa kong balikat.
"Hey stop. It's not a ghost. Si manong guard lang yan." Sabi niya sakin. Napatingin naman ako sa likuran ko. Oo nga si manong guard nga.
"Anong ginagawa niyo dito ng ganitong oras?" Tanong niya samin.
"Ahm. Naghahanap po ng multo." Sagot ko sa kanya.
"Mga kabataan nga naman. Oh siya umuwi na kayo at gabi na."
"Sige po. Bye po." Sabi ko at umalis na kami dun.
"Sige guys bye. See you tomorrow." Pagpapaalam ko sa kanila. Nag-siuwian na rin kami dahil gabi na. Hayy makauwi na nga para makatulog na.
---------------------------
[EDITED]
~ Ms. Sandoval