Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.3K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 23

119K 1.2K 152
By frappiness

CHAPTER 23

HOME SWEET HOME

"It has been three days already! Why is she not waking up?!" narinig ko ang boses ni Mom.

"Look Honey. If you'll just calm down, we can talk to the doctor—" Pati si Dad.

"That doctor is fake. Lagi nyang sinasabi na okay lang si Tin pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising?!"

"Look. He's one of the best doctors in the country. Inexplain nya na nagkaroon ng too much fatigue si Tin kaya hindi pa sya gumigising. We just need to wait—"

"I DON'T WANT TO WAIT ANYMORE! Hon, I want my daughter awake. Now. Oh God. Kasalanan 'to ng asawa nya eh! I knew it! That boy is no good. Dapat sa umpisa pa lang hindi na tayo pumayag sa arranged marriage na yan!"

"Can you please calm down?! Tatlong araw mo nang sinisisi si Jefferson sa nangyari. Mabuti nga hindi ka nya pinapatulan!"

"Hindi nya talaga ako sasagutin because I'm in the right. Kasalanan nya kung bakit nagkaganito si Tin kaya dapat lang—"

"M-Mom. Dad." Sa wakas nakapagsalita na rin ako. Kanina ko pa gusto magsalita pero walang lumalabas na boses.

Tumakbo sila papalapit sa'kin. Si Mom hinawakan agad yung kamay ko. "Oh gosh baby. Are you okay? Andito lang si mommy. Baby andito lang si mommy ha."

"Tin? Tin naririnig mo ba kami? Nakikita mo ba kami?" sabi ni Daddy

Inikot ko ang paningin ko. Bakit puro puti? Na saan ba 'ko? Bakit parang ang bigat ng katawan ko?

"TIN. TIN BABY. Ako si mom. Remember me?" Pinisil nya yung kamay ko, tapos tumingin kay Dad. "Oh gosh hon, she doesn't remember us anymore. Tinititigan nya lang tayo."

"May amnesia ka ba Tin? Hindi mo na ba kami naalala?" Yung totoo, naging doktor ba agad ang mga magulang ko? Bakit sinasabi na agad nila na may amnesia ako. Kaloka. Pag hindi agad nakasagot may amnesia agad? Hindi ba pwedeng overwhelmed muna?

"Dad, Mom... ang ingay nyo. Wala po akong amnesia. Imbento naman kayo eh." Ngumiti na ako para makalma sila.

"Oh Tin, my baby. Nagsasalita ka na. Akala ko di ka na gigising. Three days ka na dito sa hospital." Nasa hospital ako? Pero bakit? Pa'no nga ba ako napunta dito. Ang naalala ko lang, tumatakbo ako. Umiiyak.

"Tatawagin ko lang si Dr. Paige. Siguradong matutuwa sya pag nalamang gising ka na. I'll be right back Tin." Hinalikan naman ako sa noo ni dad.

"You'll be alright baby. Everything's gonna be okay." Inayos nya yung buhok ko. "For sure, papauwiin ka na ni Dr. Paige. There's really nothing wrong with you so—"

"Mom. Si Jeff? Asan po si Jeff?"Naalala ko na. Tumakbo ako kasi kailangan ko humingi ng tulong para iligtas si Jeff. Kung ganun asan na siya?

"Mom ano pong nangyari kay Jeff? Naligtas po ba sya ng mga pulis? Nandito din po ba sya sa hospital?"

"Baby please calm down. Wag mo muna isipin si Jefferson. Magpahinga ka muna so—"

Umupo ako sa bed. Wow ang hirap pala. Siguro hindi na sanay gumalaw ang katawan ko after 3 days ng pagtulog.

"Tin anong ginagawa mo? Humiga ka muna please—"Tinanggal ko ang nakalagay na dextrose sa wrist ko. Tapos tumayo from the bed. Kailangan ko hanapin si Jeff. Kailangan ko siya makita.

"Tinatawag na ng Dad mo ang doctor. Please Tin wag ka muna tumayo. Kailangan mo pa magpahinga—"

Lumabas na ako ng room. Sinundan ako ni Mom. "Nasan po si Jeff? Kailangan ko po sya makita—"Hinawakan ni Mom ang arm ko kaya bigla akong napatigil.

"Tin. Listen to me. Kailangan mo na bumalik sa room mo. Wala na si Jeff—"

"What? NO! Hindi po yan totoo!" Tinanggal ko ang hawak niya sa'kin, then tumakbo sa may elevator. Hinabol ako ni Mom pero sinarhan ko siya ng elevator kaya hindi siya nakapasok.

Hindi totoo yun. Buhay pa si Jeff. Hindi pa sya pwede mawala. Pumunta ako sa nurse's area. "Excuse me. Meron po bang pasyente na Jeff dito? Jefferson Lee?"

Tiningnan naman ako ng nurse. Tapos tumingin dun sa data sheet niya."Ka-ano ano po kayo ni Mr. Lee?" sabi nung Nurse

"I'm his wife."

"Well. We had a patient named Jefferson Lee at room 247 pero wala na sya—"

Tumakbo na ako. Madaming tao sa elevator kaya naghagdan na lang ako. Nang mahanap ko kung saan yung Room 247, nagmamadali akong binuksan ang pinto kaya lang biglang may lumabas na nurse.

"Excuse me. Dito po ba yung room ni Jefferson Lee?"

Tumingin siya dun sa hawak niyang board tapos ngumiti ng malungkot sa'kin."Yes ito nga. But I'm sorry you're too late ma'am. I'm afraid to say na wala na po si Mr. Lee—"

"NO! Hindi totoo yan!" Pumasok ako sa room kahit na pinipigilan ako nung babae.

"Ma'am please. Hindi na po kayo pwedeng pumasok dahil—"

"No. Hindi 'to totoo." Iniiling-iling ko pa ang ulo ko. Oh gosh oh gosh oh gosh. Grabe feeling ko nalagutan na rin ako ng hininga. Yung tao kasi sa bed, nakatakip ng puting kumot. Eh diba pag ganyan, ibig sabihin patay na?

"Jeff?" Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya hanggang nasa tabi na nya ako. "Jeff?"

Alam kong mas creepy kapag sumagot siya. Pero kasi parang hindi ko lang matanggap na patay na siya. Gusto ko sanang tanggalin ang kumot sa ulo niya. Pero pa'no kung nakadilat siya? Diba mas nakakatakot?

"Ma'am. I'm sorry to interrupt pero—"

"JEFFFFF!!" Naglupasay na ako tapos unga ng unga. "Hindi ka pwedeng mamatay! Hindi pwede! Jeff wag mo 'kong iwan! Wag mo 'kong iwan!!"

"Ma'am, please calm down. Ang totoo po nyan—"

"Go away!"

"Pero ma'am—"

"Iwan nyo po muna ako please." Umiiyak na ako ng tuluyan kaya medyo nilayuan muna ako ng nurse. Hinampas-hampas ko naman ang katawan ni Jeff. "Nakakainis ka naman eh!! Bakit ka ganyan! Diba sisigawan mo pa ko! Diba kakain ka pa ng luto ko! Bubu naman eh!!! Bakit namatay ka agad?! Hindi pwede!"

Umaagos na naman ang luha ko ng todo-todo. Sinubsob ko ang ulo ko sa kama ni Jeff.

"Bakit hindi mo 'ko hinintay Jeff? Umalis lang naman ako para humingi ng tulong eh! Dapat hinintay mo 'ko!! Tsaka, magcoconfess pa 'ko sa'yo diba! Sasabihin ko pa na mahal kita eh! Tatanungin pa kita kung pwede kita maging boyfriend eh! Bubu naman!! Dapat hinintay mo 'ko."

Todo iyak na 'ko. Nakakaiyak talaga 'to si Jeff!!"Bubu! Gumising ka! Hindi mo 'ko pwedeng iwan dito. Hindi pwede! Kailangan mo gumising—"

"Excuse me. Miss?" Napatigil ako sa pag-eemote. Bakit biglang nagsalita ang bangkay ni Jeff. Hindi ko pa rin tinataas ang mukha ko.

"Bubu? Joke lang yun. Syempre ayokong mawala ka. Pero kung patay ka na talaga, hindi ko naman gusto na gumising ka pa diba. Syempre joke lang yun—"

Biglang tumawa ang bangkay. Oh no!

"Miss. Hindi pa ako patay." HUH?! Tinaas ko ang ulo ko. At naka-face to face ko ang isang matandang lalake na nakangiti.

"Jeff? Tumanda ka na ba agad? Three days lang naman ako natulog ah." Nginitian naman ako ulit nung matanda.

"Hindi ako si Jeff iha."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang ibig sabihin po ba, sumanib sa inyo si Jeff? Nasa loob po ba sya ng katawan nyo?"

"Walang sumanib sa'kin. Hindi ako ang boypren mo. Erning ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong lolo Erning." Pinunasan ko ang mata at mukha ko. Puro luha na kasi.

"Uhm, lolo Erning." Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya. "Kung ganun hindi po kayo patay? Nakataklob po kasi sa inyo yung puting kumot eh."

Tumawa ulit sya."Hindi pa ako mamamatay iha. Malakas pa 'ko. Tinakip ko lang yung kumot dahil nasisilaw ako sa ilaw."

"Ahh. G-ganun po ba. Pero teka, sabi po nila dito yung room ni Jeff?"

"Hmm. Hindi ako sigurado. Pero baka sya yung nandito sa kwartong 'to bago ako dumating."

"Uh, actually ma'am, yan po sana yung gusto kong sabihin sa inyo kanina." Tumingin naman ako sa nurse. "Si lolo Erning na po ang bagong pasyente sa room na 'to. Kakadischarge lang po ni Mr. Lee."

"Teka. Kung ganun, asan na si Jeff? Anong nangyari sa kanya, ok lang ba sya?" Ano bang nangyayari? Naapektuhan ba ang utak ko?

"Mukhang ayos naman ang boypren mo iha. Pero sige tanungin mo na lang sya. Kanina pa naman sya nakatayo dyan." Napatingin ako kay lolo Erning. Pero nakatingin siya sa may likod ko habang nakangiti. So lumingon ako. At nakita ko si Jeff na nakatayo sa may pinto. Nakatingin sa'kin.

Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya. "Ikaw na ba ang multo ni Jeff?"

Kumunot naman ang noo niya. Wow, bakit nagagaya ng multo ang pagkunot ng noo ni Jeff? "Bumalik ba ang kaluluwa mo sa mundo dahil tinawag kita?" Humawak pa 'ko sa may puso ko. "Ok na Jeff. Hindi mo na kailangan gawin 'to. Rest in peace."

"Tsk. Ano bang sinasabi mo?" Hala hala! Bakit nagagaya rin ng multo ni Jeff ang boses niya?!

"Dapat nang matahimik ang kaluluwa mo Bubu. Hindi mo na ako kailangan multuhin." Medyo ang creepy na kasi . Bigla namang lumapit sa'kin ang multo ni Jeff. "Naglalakad ang multo! Naglalakad ang multo!"

Bigla niyang pinitik ang noo ko. Napahawak naman ako sa noo ko. Nanlaki pa ang mga mata ko. "Namimitik ang multo! Namimitik!" Ganito ba talaga ang multo? Parang totoo lang.

"Tsk. Hindi ako multo."

"Nagsusungit ang multo! Nagsusungit!"

"Tama na nga Tin. Hindi pa ako patay."

"HUH?" HInawakan ko naman agad ang cheeks niya. Tapos pinisil-pisil. "Buhay ka nga Jeff! Buhay ka!"

"Sino ba kasing nagsabing patay ako?"Sino nga ba? Wala naman pala. Pero kasi sabi ni Mom, then yung nurses... hay ano ba yan. Meron pa silang pa-'too late, too late'. Sabi pa ni Mom wala na si Jeff! Yun pala nadischarge lang sa room, kaya wala na. Sus naman.

"Teka Jeff. Ibig sabihin magaling ka na? Wala na bang masakit sa'yo?" Sa bagay, wala na siyang mga pasa. Mukhang okay naman siya. Tinitigan niya naman ako saglit tapos pinitik ulit ang noo ko. Aray ha, nakakadami na 'to si Jeff.

"Magsorry ka kay lolo Erning. Ginulo mo siya sa pagtulog."

Hala oo nga pala! Lumapit naman ako kay lolo Erning. "Lolo sorry po. Hindi ko po alam na kayo yun. Nagising ko po ata kayo sa pagdadrama ko. Sorry po talaga."

Ngumiti naman siya sa'kin. "Walang anuman yun iha. Nakakatuwa nga dahil kahit sisenta anyos na 'ko, eh may nagtapat pa ng pag-ibig sa'kin." Nanlaki ang mata ko. Ito naman si lolo! Nambubuking! Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Lolo, wag po kayo maingay. Hahanap pa po ako ng tyempo para magconfess eh. Wag nyo naman po akong ibuko." Tumawa naman siya tapos bumulong din sa'kin.

"Kanina pa naman sya nandun sa may pinto. Narinig nya lahat ng sinabi mo."

"PO?!"

"Tsk. Tama na nga yan. Wag mong sigawan si lolo." Nilapitan na ako ni Jeff then tumango siya kay lolo.

"Mauuna na ho kami. Pasensya na ho sa abala."

"Sige sige mag-ingat kayo. Hay ang sarap talaga maging bata." Sabi ni lolo then nilapitan siya nung nurse na nakatayo sa isang gilid kanina.

Lumabas na kami ng kwarto ni lolo. Hala naman kinakabahan tuloy ako. Nakakahiya kasi. Narinig pala ni Jeff ang mga pinagsasabi ko kanina. Hindi naman ganun ang plano ko ng pagconfess.

"Ayos ka lang?"

"H-Huh? Oo naman Jeff. Ok lang ako."Waaa ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness? Bakit kasi ang ingay ko kanina mag-emote.

"Tsk. Dapat hindi ka pa bumangon. Bigla ka na lang daw tumakbo kaya tinawagan ako ng Mom mo."

"Ah. S-Sorry. Wala ka kasi paggising ko kaya akala ko may nangyari sa'yo eh." Silence. Naglalakad pa rin kami. Tin, ang awkward naman ng mga sinasabi mo!! Kakahiya kay Jeff—

"Hala! T-Teka! Bakit mo 'ko binuhat? Jeff hala." Kanina naglalakad lang kami tapos bigla na lang akong bubuhatin? Bridal style pa. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nagtatanong lang. At kinikilig lang.

"Tsk. Dapat hindi ka napapagod." WEH. Si Jeff ba talaga 'to? Sinabi niya ba talaga ang narinig kong sinabi niya?

Pinagtitinginan naman kami ng mga tao sa ospital. Wapakels ang lola niyo. Nakahawak ako sa leeg ni Jeff 'no. Bakit ko papakialamanan ang pagtingin-tingin nila? Baka inggit lang sila!

Hanggang sa nakarating na kami sa hospital room ko. "There you are! Hindi ka dapat tumakbo baby. I'm so worried!" Lumapit agad si Mom sa akin.

"Tin, hindi ka dapat umalis basta-basta. Pa'no kung may nangyari sa'yo?" sabi naman ni Dad

Nilapag naman ako ni Jeff sa kama. "Mom, dad, sorry po. Actually, gusto ko lang naman po sanang umuwi na."

Ayaw pa sana ni Mom, pero nagpumilit ako. Tapos pinacheck-up ako ni dad kay Dr. Paige, then nung sinabing pwede na akong umuwi pero kailangan pa rin magpahinga sa bahay, pumayag na siyang umuwi ako.

SI Jeff naman naka-tayo lang sa isang gilid. Hindi nga siya pinapansin ni Mom. Siguro nung tulog ako pinagalitan siya ng bongga ni Mom. Kawawa naman ang Jeff ko. Tapos mayamaya pa, hinanda na ang mga gamit ko dahil uuwi na kami. Si Jeff naman kinausap ni Dad sa labas. Hala naman, bakit ba nila pinag-iinitan si Jeff?

Si mom pa gusto sa bahay nila ako umuwi. Ayoko nga, gusto ko sa bahay namin ni Jeff. Mayamaya pa, lumabas na kami at sinakay na ni Jeff ang mga gamit sa car. Grabe nga eh, kahit plastic bag, ayaw akong pagkargahin.

"Mom. Aalis na po kami." Hawak-hawak pa rin kasi ni Mom ang kamay ko.

"Tin. Ayaw mo ba talagang sa bahay muna? I can take care of you if dun ka muna magstay."

"Mom."

"Hon, may asawa na si Tin. Bitawan mo na nga sya." Tapos humarap sa'kin si Dad. "Take care ok? Just call us if you need anything."

"Yes dad. Thanks. Mom wag ka na po umiyak." Niyakap ko sila then kiss.

"Mauuna na po kami." Dumating naman si Jeff sa tabi ko. Na-ikarga na hata lahat ng gamit sa kotse.

"Pakisabi nga hon sa isang lalake dyan na ingatan nya ang baby ko." Sabi ni mom kay Dad.

"Mom. Bakit hindi nyo po kinakausap si Jeff?"

"Well young man, nagkakaintindihan naman tayo diba?" Sabi naman ni Dad kay Jeff.

"Yes Sir." Hala ano 'to parang CAT lang?

"Tin. Pakisabi sa asawa mo na siguraduhin nya lang ang sinasabi nya. Or else I'll slap him harder next time." Sama pa rin ng tingin ni Mom kay Jeff.

"What? Mom! Sinampal nyo po si Jeff? Mom naman! Bakit nyo naman po—"

"Iingatan ko po sya." Bigla namang nagsalita 'to si Jeff. Napatingin tuloy kami sa kanya. "Let's go Tin."

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto tapos umalis na kami. Hala naman, ang tahimik sa kotse. Galit ba siya? Pero mukhang hindi naman siya galit. Mayamaya pa, nakarating na kami sa bahay.

"Uhm Jeff. Gusto mo tulungan kita sa mga binibitbit mo?"

"Wag na. Mapahinga ka na lang sa kwarto mo."

Nakapasok na kami. Inaayos na ni Jeff ang mga gamit. "Pero hindi naman ako inaantok eh." Umupo na lang ako sa sofa at binuksan ko ang tv.

"Tsk. Hindi ka ba mapapagod nyan?"

"Huh? Hala grabe naman Jeff. Wala nga akong ginagawa eh. Pa'no ako mapapagod?" Seriously?! Nakakapaod manood ng tv? Ito talaga si Jeff. Anyway, nanood muna akong konti ng tv. Hanggang sa bored na ako. Ano ba yan, bawal pa din ako pumunta sa shop eh. Tapos si Jeff naman ayaw ako patulungin sa pag-aayos. Ano na lang gagawin ko? Napatingin ako sa orasan! Sakto!

Tumayo ako. "Sa'n ka pupunta?"

"Ah, magluluto ako ng lunch Jeff. Anong gusto mo kainin?"

"Tsk. Maupo ka na nga lang."

"P-Pero—" Bigla naman ako inupo ni Jeff dun sa dining room chair. Gusto ko magluto.

"Dito ka lang."

"Jeff, hindi naman nakakapagod magluto—"

"Ako na ang magluluto."

"Huh? Talaga Jeff? Marunong ka magluto?"

"Tsk. Ano bang akala mo sa'kin? Dito ka lang, wag kang gagalaw." At syempre hindi na nga ako gumalaw. Wow grabe totoo ba 'to? Makakatikim ba talaga ako ng luto ni Jeff? Hindi pa ako ever ever ever nakakatikim ng kahit anong niluto niya. Excited na 'ko!! For sure masarap magluto si Jeff! Si bubu ko pa! The best ata 'yan!

HALA! Isang oras na! bakit ang tagal ni Jeff? Dibdiban hata ang ginagawa niyang pagluluto.

"Jeff? Hindi ka pa ba tapos? Gusto mo bang tulungan kita?"

"Tsk. Tapos na 'ko. Dyan ka lang."

"Uhm, ok."Wow grabe excited na 'ko! Mayamaya pa, lumabas na si Jeff. Pawis na pawis. Dinibdib niya siguro talaga ang pagluluto! Kaya lang parang, medyo kinakabahan siya? Nilagyan niya ako ng plato then utensils.

Nilabas na rin niya ang rice. Kaya lang pagtingin ko, bakit ang daming tubig? Lugaw ba 'to?

"Medyo napadami yung tubig sa kanin." Sabi niya habang namumula ang tenga. Ang cute talaga ni Jeff.

Nginitian ko siya. "No problem Bubu! Actually favorite ko nga yung kanin na medyo masabaw eh. Galing mo talaga!" Nag-iwas naman siya ng tingin tapos pumasok ulit sa kusina. Well hindi ko naman talaga favorite ang kaning may sabaw, pero luto naman 'to ni Jeff eh. Kaya kakainin ko 'to.

Mayamaya pa, lumabas na siya na may hawak na platong nakatakip pa. Naks may cover pang nalalaman! "Wow Bubu! Mukhang masarap yan ah!" For sure masarap. Isang oras niya 'yan ginawa.

Umupo naman siya sa harap ko sa lamesa. Tapos nilapag na niya ang plato sa gitna namin. Excited na 'ko! Inamoy-amoy ko pa.

"Yum! Ang bango Bubu ah. Sigurado masarap 'to!" Actually hindi naman mabango. Ang totoo nyan, amoy sunog. Ano kaya 'to? Pero syempre sa pang-amoy ko mabango yan! Niluto ni Jeff!

And then binuksan na niya ang kanyang niluto! Tentenenen! Ngumiti ako ng malaki. "Wow Bubu! Ang ganda naman ng pagkakaluto mo. It's a....." Teka. Ano nga ba 'tong niluto niya. May isang buong kamatis, at isang buong sibuyas na nasa yellow na thing na medyo sunog. Pancakes ba 'to? Yung kamatis at sibuyas 'yung mata?

"Scrambled egg." Napatingin naman ako nang bigla kay Jeff. Kinakabahan ba siya? "Medyo nasunog lang so..." So yung yellow pala yung itlog. Then lalagyan niya dapat ng kamatis at sibuyas, pero hindi naman niya hiniwa. Yung buo tuloy 'yung nilagay. Now i know, hindi pala talaga marunong magluto si Jeff.

"Yum! Scrambled eggs? Favorite ko yan eh! Ang galing mo naman Bubu magluto!"

"Mmmm." Namumula ang tenga nyia. Hala! Nilagyan niya ako ng masabaw na rice sa plate, pati na din nung scrambled egg niya. Nilagay niya rin sa'kin yung isang buong kamatis at sibuyas.

"Kumain ka ng madami. Magpalakas ka."

"S-Syempre naman." Kumuha ako ng piece nung itlog, then konting rice din. Kainin mo 'yan Tin, niluto yan ni Jeff. Sinubo ko na.

Oh my gosh. Hilaw pa ang kanin tapos yung itlog, lasang sunog. Sinama niya pa hata yung egg shell sa scrambled egg niya. Halos hindi ko manguya.

"Kamusta? Ayos lang ba?" Tanong sa'kin ni jeff habang nakatingin sa'kin. Naghihintay ng reaction ko habang namumula ang tenga. First time niya nga hata magluto. I should be happy. Ako ang unang nakatikim ng luto niya.

With all difficulty, nilunok ko na kung ano ang sinubo ko. Pagkatapos ko uminom ng tubig, ngumiti ako ng napakalaki kay Jeff. "Super sarap Bubu! Grabe ang galing mo pala talaga magluto!"

Hindi ako nagsisinuggaling Lord ha. Masarap talaga. Masarap siya talaga. Okay sorry Lord I'm lying. Pero kasi naman si Jeff. Namula pa lalo ang tenga tapos parang nagingiti na, masasabi ko bang hindi masarap yung luto niya? Syempre ayoko namang mahurt yung feelings niya diba.

"Kumain ka pa ng madami." Hala! Dinagdagan pa ni Jeff ang nakalagay sa plato ko.

"T-Teka lang Bubu. Uhm, ikaw? Hindi ka ba kakain? Bakit nilalagay mo lahat sa'kin?"

"Kailangan mo magpalakas. Kaya dapat kainin mo lahat."

Sweet sana yung thought ni Je. Kaya lang, mamamatay ako nito. Pero syempre kinain ko pa rin yung nilagay nIya. Halos kalahati na ako nang biglang tumunog yung doorbell. Parang gusto kong maiyak.

"I'll get the door." Tumayo na 'ko. Woooh makatakas lang Tin eh 'no?

"Tsk. Umupo ka na lang. Ako na." Umalis na si Jeff. Nung wala siya uminom ako ng uminom ng tubig. Hala bakit feeling ko masusuka na 'ko? Hindi pwede, pigilin mo Tin. Pigilin mo. Bumalik na ulit si Jeff at umupo.

"Sino yung nagdoorbell?" Tanong ko

"Nobody."

Biglang tumunog ulit. "Hindi mo ba sya pinapasok Jeff?"

"Tsk. Fine." Tumayo ulit si Jeff then binuksan na yung pinto. Sino ba yun?

"Boss! Ganda ng bahay ah! Asan si Tin?" Ehh? Parang kilala ko ang boses na 'yun. "Tin! Andito ka pala! Tinatago ka ba sa'min ni Boss?"

"Rey!" Tumayo naman ako at niyakap sya. Pati na rin sina Paul at Bessie.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Paul

"Ok na 'ko Paul. Thank you."

"Tin. Pinapabigay ng mga tao sa opisina." Inabutan naman ako ni Bessie ng mga 'Get well soon cards'.

"Thank you Bessie. Pakisabi rin sa kanila salamat ha." Ang sweet naman nila.

"Nahuli ng mga pulis 'yung Jaime Santos na kumidnap sa'yo. Kahit isa pa lang siya sa mga Santoses na nahuhuli, siguradong darating ang panahon na makakasuhan din yung iba." Napatingin naman ako kay Paul.

"G-Ganun ba." Wow bigla ko namang naalala ang nagyari. Sana nga mahuli na sila.

"Tsk. Tapos na ang sinadya niyo. Umalis na kayo." Tapos napatingin naman ako kay Jeff.

"Ito naman si Boss! Kakadating lang eh! Oi Tin, magpagaling ka ha." Ngumisi naman tong si Rey.

"Syempre naman Rey!"

"Yown! Teka. Anong kinakain mo? Pakain naman hindi pa kami naglulunch eh." Lumapit naman si Rey sa table.

"Tsk. Umalis na nga kayo. Hindi kayo pwede kumain dito." Hinarang naman ni Jeff si Rey.

"Ito talaga si Boss ang selfish! Ayaw mong i-share 'yung luto ni Tin?!" Sumingit pa rin si Rey kahit nakaharang si Jeff.

"Luto ba 'to ni Tin? Ano ba 'to?" Sabi ni Paul habang tinitngnan yung lamesa.

"Scrambled egg yan Paul—"

"SCRAMBLED EGG? Eh bakit mukhang nakakadiri?" nakataas kilay na sabi ni Rey. Napatingin ako kay Jeff. Oh no, nakakunot na ang kilay niya.

"Tin, hilaw pa ang lugaw niyo. Kailangan pa 'to ng konting luto." Sabi naman ni Bessie

Oh no. Kailangan na nila tumigil. Magagalit na si Jeff nito.

"Bakit may buong kamatis at sibuyas sa plato mo?" ehh? Paul ano 'yan eh?

"Uhm kasi—" Waa Bakit ba kasi hindi ako makaisip ng sasabihin?

"Sige nga patikim nung itlog! Kahit na mukhang hindi maganda, masarap naman lagi 'yung luto ni Tin eh." Kumuha na si Rey ng kutsara.

Hala, hindi pwede. Hindi niya pwede matikman. Kumuha na ng scrambled egg si Rey.

"Uhm Rey ang totoo kasi nyan.." Sinubo na ni Rey ang nasa kutsara niya. Oh no. "Si Jeff yung nagluto."

"Ahh. Kaya pala."

"Boss? Nagluluto ka? Medyo kulang pa sa luto yung lugaw..." sabi ni Bessie

Binuga ni Rey ang sinubo niya. "Tangina boss! May egg shell pa dito sa scrambled egg mo?!" Tapos tumakbo siya sa ref at uminom ng maraming tubig. Hala hala.

"Tsk. Pinapakain mo ng ganito ang asawa mo Boss?" Inamoy-amoy pa ni Paul ang pagkain. Naman! Iniinis pa nila si Jeff.

Nilapitan ko siya. "Uhm. Masarap naman talaga Bubu eh. Medyo nasunong lang kaya siguro ayaw nila."

Tumingin naman sa'kin si Jeff tapos kumuha sa kutsara nung scrambed egg niya. Hinaluan nyiia pa ng lugaw, este kanin. Oh no.

"Jeff wag mo na tikman." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Please Jeff huwag na. Pero syempre, sinubo pa rin nya. Nakatingin lang tuloy ang lahat sa kanya.

Naka-poker face lang siya. Nginunguya niya ang niluto niya. Then hanggang sa nilunok niya. Napalunok din tuloy kaming lahat.

"Well?" nakangising sabi ni Bessie

Nakatingin lang kami lahat kay Jeff. Nakatayo lang siya dun. Kaya lang mayamaya tumakbo siya sa CR at sumuka. HALA! Okay lang ba siya?

"Ano ba yan si Boss! Sige na Tin alis na kami. Pagaling ka." Naglakad na si Rey

"S-Sige. Salamat."

Niyakap ako ni Bessie tapos binulungan naman ako ni Paul. "Bilib na talaga 'ko sa'yo Tin. Pati luto ni Boss pinagtyatyagaan mo." Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin sya. Then umalis na sila. Tumakbo ako agad sa CR para i-check si Jeff. Pero palabas na siya.

"You should also throw up. Throw everything up." Tapos tinulak ako ni Jeff papunta sa CR. Pero bakit ganun, hindi na ako nasusuka. Oh well. Ganito katibay siguro talaga ang pag-ibig ko kay Jeff! Kahit anong pagkain, kaya kong kainin!

"Jeff. Labas naman tayo."

"Tsk. Hindi pwede. Magpahinga ka lang."

Naman eh. Wala ba talaga akong pwedeng gawin? Naka-upo lang ako rito sa dining area habang kumakain. Well, nag-order na lang kami ng pagkain. Tinapon na ni Jeff ang niluto niya. Si Jeff naman naka-upo lang dun sa sofa, nagbabasa na naman.

"Bubu sige na. Labas tayo! Okay lang naman ako eh."

"Hindi pwede." Kanina ko pa siya pinepester, hindi naman ako pinapayagan. Pagkatapos ko kumain, nagtoothbrush lang ako tapos umupo sa tabi ni Jeff.

"Pupunta na lang ako sa shop. Hindi ako mapapagod dun promise."

"Bawal."

"Sa mall na lang?"

"No."

"Sa sinehan? Sa playground?"

"Hindi pwede."

"Sa puso mo?"

Napatigil naman siya sa pagbabasa at napatingin sa'kin. Tumawa ako pagkatingin niya sa kin.

"Bakit ka tumatawa?" his brow creased.

Tumawa ulit ako.

"Tsk. Bakit nga?"

Tumigil na ako. "Wala lang. Trip ko lang." Nginitian ko siya ng malaki. Naman eh, nabobored na kasi ako dito sa bahay.

"Wag ka na nga tumawa. Baka mapagod ka." Hala naman. Pati tumawa bawal na rin? Ano na lang gagawin ko.

"Ok lang naman talaga ako Jeff eh." Hinawakan ko ang right cheek ko. Hindi na naman masakit ang sampal sa'kin eh. Promise okay na talaga.

"Tsk. Yan na nga bang sinasabi ko. Masakit ba?"

"Huh? Jeff hindi naman talaga—" Hinawakan nya ang right cheek ko. Tapos hinaplos-haplos. Hala hala.

"Sabi ko na kasing wag tumawa. Ano masakit pa ba?" Nagsmile naman ako ng malaki. "Tsk. Wag ka na nga rin ngumiti. Baka sumakit ang mukha mo."

"Uhm, actually Bubu. Pati yung kabila masakit."

"Ano? Tsk." Hinawakan niya rin ang left cheek ko. Tapos hinaplos-haplos. Wooooh mga da moves ko talaga! Napakahusay. "Tumawag na nga tayo ng doktor."

"Ha? Hala wag na. Uhm, ano. Hindi naman kasi masyado masakit Bubu eh." Kumunot naman ang noo niya tapos tumingin sa'kin. "Uhm, sige Bubu haplus-haplusin mo lang. Mawawala an yung sakit."

"Tsk. Niloloko mo ba 'ko?"

"Hala bubu! Bakit kita lolokohin? Hindi ko magagawa yun 'no!"

Tinitigan niya naman ako habang nakakunot na naman ang noo. Nginitian ko siya. Pero biglang tumunog ang door bell.

"Dito ka lang. Buubuksan ko yung pinto." Tumayo na si Jeff.

"Uh, ok." Naman o. Ang asungot naman nungnagdoorbell. Nakakachansing na nga ako. Naman talaga!

"TIN!"

"ANJ!" Sabi ko na nga ba asungot. Chos. Syempre masaya ako na nandito si Anj. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Hey gorgeous!"

"Kev!" Yayakapin ko na rin sana si Kev kaya lang hinawakan naman ako bigla nito ni Jeff.

"Wag ka masyadong gumalaw. Baka mapagod ka." Sabi sa'kin ni Jeff tapos pinaupo ako ulit. Nagtinginan naman si Anj at Kev at parang natatawa. Nagkwentuhan galore muna kami sa sala. Well syempre si Jeff tahimik lang. Tumatango lang kapag kinakausap.

"Tin! Let's prepare some juice." Hinila ako patayo ni Anj

"Sure!" Kaya lang tumayo rin si Jeff.

"Hindi siya pwede mapagod. Ako na lang kukuha."

"Oh come on Jeff. Hindi naman nakakapagod kumuha ng juice 'no." Bigla na lang ako hinigit ni Anj papuntang kitchen. Wala na lang nagawa si Jeff. Kaya idol ko 'to si Master Anj.

"Ok lang ba maiwan si Jeff kasama si Kev? Hindi ba mag-aaway yun?"

"Ano ka ba bakla, okay lang yan. Good influence kaya ang babe ko sa asawa mong masyadong masungit." Binuksan ni Anj ang ref at kumuha ng pagkain. Tapos umupo dun sa kitchen counter. Nagstart naman ako magprepare ng juice.

"Uy hindi masungit yun 'no. Ang sweet kaya ng Bubu ko." Ngumiti naman ako ng malaki at nagdreamy face.

"Alam mo Tin ang landi mo! Tinawagan pa naman ako ng nanay mo, alalang-alala! Akala ko pa naman naghihingalo ka na."

"Hay naku Anj, kilala mo naman yun si Mom. May pagka-OA. Pero okay na naman talaga ako eh."

"Wag ka kasi masyadong magmukhang mayaman! Kaya ka kinikidnap eh."

"Hala. Wala naman akong ginagawa eh." Lumapit naman sa'kin si Anj at pinisil ang cheeks ko. Ang cute ba talaga ng cheeks ko at gusto nilang pisilin?

"I'm glad you're fine Teeny Weeny." Nginitian ko naman siya.

"Thanks Anj.... Ang drama mo ah—Ouch!" Pinisil niya kasi ng todo ang cheeks ko.

"Sige na sige na, ipasok mo na yan sa loob. Mamaya pagalitan pa 'ko ng asawa mo dahil napagod ka dito."

"Di naman ako napapagod eh."

Pero nilabas ko na ang juice. Mukhang seryoso hata ang pinag-uusapan nila. Well seryoso, kasi although ngumingiti si Kev, si Jeff todo nakikinig. Hmm. Okay naman ata sila.

"Hi Babe. Anong pinagkukwentuhan niyo ni papa Jeff?" Si Anj, umupo sa tabi ni Kev.

"Secret babe. Guys' talk." Kumindat naman si Kev.

"Wooshooo! Gaya-gaya lang kayo sa girls' talk namin ni Tin eh." Ngiting ngiting sabi ni Anj.

"Bubu okay ka lang?" Tumabi naman ako kay Jeff.

"Mmm." Sabi ni Jeff, then nag-iwas ng tingin. Bakit namumula na naman tenga nito? Tiningnan ko ng masama si Kev. Ngumiti lang naman siya at nagshrug.

Nagkwentuhan din muna kami. Actually matagal kaming nagkwentuhan. Si Anj pa at si Kev! Ang ingay ng dalawang yan!

After some time, tiningnan ko naman si Jeff. Medyo nakakunot na ang noo niya. Naiinis na siguro, kanina pa may bisita. Di pa naman 'to sanay kapag laging may ibang tao. Pero naappreciate ko naman na nandito pa rin siya. I mean, pwede naman siya umalis pero sinasamahan niya pa rin ako.

"Babe diba may gagawin ka pa?" Nagstretch ng braso si Kev.

"Ako? Wala 'no—" Hinila naman ni Kev si Anj.

"Meron Babe. May gagawin ka pa. Alis na tayo?" Tinitigan naman siya ni Kevin. Umirap naman si Anj.

"O sige na nga, aalis na kami. Nakaka-istorbo naman ata kami dito." Tumayo na si Anj at Kev.

"Ui hindi naman Anj. Gusto niyo ba dito na din kayo magdinner? Hapon na naman eh."

"Sure—"

"EHEM." Nagfake cough si Jeff.

"Wag na Babe. Tin uwi na kami. Bawal pa kasing mapagod ang dyosa diba?" Kumindat na naman tong si Kev.

"S-Sige. Ingat kayo." Nag-beso kami i Anj tapo hinatid ko sila sa may pinto. Habang naglalakad sila palabas, nagbubulungan pa.

"Babe dito muna tayo. Wala naman akong gagawin eh." Sabi ni Anj kay Kev.

"Iwanan na natin sila. Busy sila." Bulong naman ni Kev. Kahit bulong naririnig ko.

"Hindi yan! Wala namang gagawin yan si Tin eh."

"Si Tin wala. Yung lalake meron. Kinausap ko na."

"Ano na namang kalokohan ang sinabi mo dun Babe?"

"Ehem." Sinara na ni Jeff ang pinto. "You should rest. I'll wash the glasses."

"H-Hindi Jeff. Ako na lang maghuhugas."

"Ako na. Magpahinga ka na lang." Hindi naman nakakapagod yun.

"Ehhhh. Hindi naman ako pagod eh." Nagpout tuloy ako. "Kanina pa 'ko walang ginagawa."

Tinitigan naman ako sandali ni Jeff. "Tsk. Fine. Let's walk outside after I wash the glasses."

"Talaga Jeff?! Sige sige sige!" Tumakbo naman agad ako papuntang taas para magpalit ng damit sa kwarto. Yes yes yes makakalabas ako ng bahay! Ayos 'to!

Mayamaya pa bumaba na ako tapos lumabas na kami ng bahay ni Jeff. Palubog na ang araw kaya medyo malamig na. Perfect mag-stroll around the neighborhood. Naglakad-lakad pa kami. Grabe ang sarap ng simoy ng hangin. Nililipad-lipad pa ng konti ang buhok ko. Tapos kasabay ko pa maglakad si Jeff, ang saya!

"Jeff thank you talaga ha! Buti pumayag ka na lumabas tayo! Ang saya!"

Naglakad pa kami. Hindi talaga matanggal ang ngiti ko! Ang refreshing kasi ng outdoors!

"Tin."

"Hmm?"

"May sasabihin ako sa'yo." Napatingin ako sa kanya. Wow kinakabahan ba siya?

"Ano yun Jeff?" Tumingin naman siya sandali sa'kin tapos nag-iwas ng tingin.

"I..." Jeff trailed off

"I?"

"I really...." Kinakabahan ba tong si Jeff?

"Huh?"

"I really...Tsk." Ginulo naman niya ng konti ang buhok niya. Hala hala. Hindi pa rin tumitingin sa'kin.

"Anong sabi mo Bubu? I really tsk?"

"Haist! Hindi!" Lumunok naman siya. "I really really..."

Napatingin naman siya sa'kin. Natatawa na ako.

"Pinagtatawanan mo ba 'ko?"

"Hala! Hindi bubu ah." Kinakagat ko ang dila ko. Pinipigilang ngumiti ang sarili.

"Wag kang tumawa."

Hindi ko na mapigilan natatawa na talaga ako.

"Tsk. Sinabing wag diba?"

Tawa ulit. Waa! Nakakatawa talaga.

"Tsk. Hindi ka ba titigil?"

"S-Sorry. Sorry." Pinigil ko na ang pagtawa. "Ikaw kasi Bubu eh!"

"Ano na naman?"

"Yung tenga mo Bubu! Namumula! Tapos hindi ka pa makatingin sa'kin. Tapos hindi mo pa masabi yung gusto mong sabihin. Tapos sunset pa ngayon!" ngumiti naman ako ng pang-asar "Kung hindi lang ikaw si Jeff, iisipin ko magcoconfess ka sa'kin eh."

Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad. Napatigil din tuloy ako. Then tiningnan niya ako ng seryoso sa mata. EHHHH? Magcoconfess ba talaga sya kanina? Tama ba ang hula ko? Hala naman. Bakit parang bigla akong kinabahan?

"Tin." Sabi niya sa seryosong boses.

"B-Bakit Bubu?" Ito na ba? Ang moment of truth? Kyaaaaaa.

"Mr. and Mrs. Lee! Nice to see you around the neighborhood!"

Nasira naman ang eye-to-eye namin ni Jeff dahil napatingin kami sa biglang nagsalita.

"M-Madam." Amelia Smith

"Hello Tin, long time no see!" ngumiti naman si madam

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na feeling ko magcoconfess si Jeff saka naman namin makakasalubong ang Homeowners' Association?!

"Hi Mr. Adonis!" Sabi naman nung isang babae. Kumunot naman bigla ang kilay ni Jeff. Wala na, panira na talaga sila ng moment.

Nakipagkwentuhan pa kami ng konti sa kanila. Well actually sila lang ang nagsasalita, nakikingiti at nakikitango lang kami ni Jeff. Humingi na rin ako ng copy kay Madam ng rules and regulations sa subdivision. Diba pinagchismisan nila ako dati? Dapat di na yun maulit 'no.

Salamat naman. Naka-alis na rin kami ni Jeff. Ang hirap hata makawala kay Madam. Nakapangako nga agad kami ng donation para sa bagong project ng homeowner. Kamusta naman yun.

"Jeff punta tayo dun!" Tinuro ko ang clubhouse tapos tumakbo na ako papasok. Walang masyadong tao dito sa clubhouse. Pumasok at tumayo naman si Jeff sa may gitna.

"Tsk. Ano bang ginagawa natin dito? Umuwi na nga tayo!"

"Huh? Uuwi na agad? Wag muna Jeff!" Pumunta naman ako dun sa harap. 'Yung kung nasan 'yung stage ng Mr. Adonis dati. Hihi. "Ladies ang gentlemen! Let's welcome our Mr. Adonis 2012!" Nagboses emcee pa ako niyan.

Nagcross arms naman si Jeff habang pinapanood ako. "Nang-aasar ka ba?"

"He-he Hindi ah!" Tapos rumampa ako kunwari. Ginaya ko ang lakad ng mga lalake. "Diba Jeff ganito yung lakad mo kaya ka nanalo."

Namumula na ang tenga niya. Ang cute talaga asarin nito ni Jeff. "Itigil mo na nga yan!"

"Tapos pano nga ba yung talent mo Jeff? Teka nakalimutan ko eh. Iisipin ko muna. Pano nga ba yun? Basta diba best talent ka?"

"Tsk. Uuwi na ako." Tapos tumalikod na siya at naglakad na. Ang bilis talaga mapikon nito

"Uy sandali lang bubu! Ikaw naman hindi ka na mabiro." Hinabol ko siya tapos hinawakan ko ang kamay niya. Napatigil tuloy siya sa paglalakad tapos napatingin sa'kin. "Alam mo kung nasabihan lang ako ng maaga, ang talent mo dapat ay dancing."

"Tsk. Kung sinabihan mo 'ko, hindi ako sasali—" Hinigit ko naman ang kamay niya.

"Okay practice na tayo!" Nilagay ko ang right hand ko sa shoulder niya, tapos tinaas ko ang left hand ko. This is what you call, a ballroom dancing position. Chos.

"Umuwi na nga tayo."

"Hindi pa pwede Bubu. Sasayaw pa tayo."

"Tsk. Ayoko."

"Hmm. Hindi ka ba marunong? Don't worry sabayan mo lang ako." Then ginalaw-galaw ko ang paa ko. Pano nga ba ulit magwaltz? Parang ganito hata yung step nun. Di ko masyado matandaan.

"Marunong daw."

"Marunong talaga ako Bubu! Medyo nakalimutan ko lang. Hmm, alam ko ganito lang yun tapos—" Bigla akong inikot-ikot ni Jeff. Tapos sinayaw-sayaw niya ako.

"Waaaa! Ang galing mo pala sumayaw Bubu!" Namumula na naman ang tenga. Sinayaw-sayaw niya pa ako. Tapos inikot-ikot. Ang saya naman! "Fast learner ka talaga Bubu! Ang galing ko magturo kung pa'no sumayaw 'no?"

"Tsk."

"It's okay Bubu. No need to thank me." Nginitian ko naman siya then sinayaw-sayaw niya pa 'ko. Wow kahit hindi ko maalala ang steps parang nililipad lang ang mga paa ko. Ang galing kasi ni Jeff talaga eh. Hanggang sa...

"Sorry sorry! Natapakan ko yung paa mo! Sorry Jeff!!" Napatigil tuloy kami sa pagsasayaw.

"Ngayon mo lang napansin? Kanina pa kaya."

"HUH?! Talaga? Waaaa! Sorry sorry sorry! Masakit na ba yung paa mo? Kanina ko pa ba naapakan?" Nakatungo ako dahil tinitingnan ko ang paa niya. "Ano pupunta na ba tayo ng ospital? Masakit ba ng super super Bubu? Hala naman bakit kasi ako nagmamarunong sumayaw eh hindi naman talaga— Ouch."

Ito talaga si Jeff. Pinitik na naman ang noo ko. Napahawak tuloy ako sa noo.

"Stop always worrying about me." Sabin i Jeff.

"Pero kasi—" Bigla namang hinawakan ni Jeff ang bewang ko. Napalagay tuloy ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Let's just dance slowly." Hala hala. Ang lapit naman namin ng bongga ni Jeff. Sumasayaw-sayaw lang kami ng dahan-dahan. Naks parang prom lang ah. Wala nga lang tugtog.

"Bubu. Ok na ba yung paa mo? Pwede naman kasi tayong pumunta ng hospital—"

Pinulupot niya ang arms niya sa bewang ko. Napalapit tuloy ako sa kanya. Hala naman, magkayakap na kami. Pero gumagalaw-galaw pa rin kami. Parang sumasayaw na magkayakap lang. Basta ang lapit namin. As in nararamdaman ko na ang mabilis na tibok ng puso niya. Or puso ko ba 'yun?

"I'm sorry." Bulong niya.

"Ehh? Kasalanan ko naman na natapakan kita—"

Hinigpitan naman niya ang yakap niya sa'kin. "For everything. I'm sorry for everything."

Bakit ba siya nagsosorry? Kasalanan ko naman talaga. Basta hindi ako makapag-isip. Nararamdaman ko kasi ang hininga niya sa leeg ko kapag nagsasalita siya.

"Hindi ko pinirmahan yung dokumento. Buti dumating agad ang mga pulis. Basta hindi ako titigil hanggang hindi pa sila napapakulong. Ipapakulong ko sila lahat." Bulong na naman ni Jeff. Nakikiliti na talaga ang leeg ko! Tin kase, seryoso 'to.

"Wala ka namang kasalanan Bubu eh." Pinulupot ko rin ang arms ko sa leeg niya. Tapos hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kanya. Ito talaga, seryosong paglalandi na.

"Sinasakal mo ba 'ko?"

"Huh? Hindi ah!" Medyo niluwagan ko naman ang hawak ko. Baka di na siya makahinga. Nagyakapan muna kami dun then after some time, naglakad na kami pabalik sa bahay.

Gabi na kasi kaya madilim na. Ito namang si Jeff ang bilis maglakad. Nangunguna. Ano na namang problema nito? Kanina kung makayakap sa'kin parang dikya, tapos ngayon ang bilis maglakad? Naiiwan tuloy ako.

"Uy Jeff wait lang." Hala ang bilis pa rin niya maglakad. Naiihi na ba 'to? Sinusundan ko pa rin siya sa likod. "Ui diba bawal ako mapagod?"

Napatigil siya sa paglalakad. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya. "Hay grabe Bubu bakit ang bilis mo maglakad—"

"Tin." Hala bakit ang seryoso na naman ng boses niya?

"May problema ba?" Nakatalikod pa rin kasi siya sa'kin. Hindi ko makita ang mukha niya.

"Sinasagot na kita."

"Huh?!" Teka. Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Bigla naman siyang humarap sa'kin. Namumula ang tenga.

"Oo na. Tayo na."

"HUH?!" Is he saying what I think he's saying? Chos ang gulo lang. Nagcross arms naman siya.

"Ehem. Bakit hindi mo 'ko hinintay Jeff. Umalis lang naman ako para humingi ng tulong. Dapat hinintay mo 'ko. Tsaka, magcoconfess pa 'ko sa'yo diba." Monotonous pa ang pagkakasabi niya. Pero teka teka! 'Yan ba ang sinabi ko kay lolo Erning na narinig ni Jeff? "Sasabihin ko pa na mahal kita eh. Tatanungin pa kita kung pwede kita maging boyfriend—"

Tinakpan ko ang bibig ni Jeff. Hala naman 'yan nga yung sinabi ko! Bakit memorize na niya agad! Nakakahiya! Waaa!

"Bubu naman eh! Hindi kasi dapat ganun yung confession ko! Hindi mo naman kasi dapat yun narinig eh! Diba akala ko nga patay ka na!"

Tinanggal naman ni Jeff ang kamay ko sa bibig niya. Pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko. Tapos bigla syang nagsmile. Waaaaaaa! Minsan lang magsmile si Jeff ng ganito! 'Yung nakakalaglag panty na smile!

"Be my girl, Tin." Yan ang narinig kong sinabi niya bago ako... nahimatay. Nahimatay dahil sa sobrang saya.

Hala. For the first time in my life, may boyfriend na hata ako.

Continue Reading

You'll Also Like

785K 10.8K 69
[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their Un...
570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
22.8K 1.8K 62
<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...