HUGOT TULA

By MisYellowBell

79.3K 683 107

Mga tulang tatagos sa inyong puso. More

Author's Note
Maling Pag-ibig
"PAMINTA lang ang dinudurog ba't pati PUSO KO?"
Para Sa'yo
Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Baka
Tanga
Ako na lang Sana
Sa Pangalawang Pagkakataon
Hi at Hello!
Mahal ko, Pasko nanaman
New Year's Resolution
Sa Pagitan ng Ikaw at Ako
(Walang Titulo)
Ayoko na
Patawad, Mahal pa din kita
Nagmahal. Nasaktan. Magmamahal uli
Tayo
Byahe
Hanggang dito na lang
Bitaw na
Malaya na ako
Paghakbang
Maghihintay Ako
Siya
Sa Pagbalik mo
Wala ng Tayo
Paano bang Magmahal?
Ikaw
Pangalawa
Nakakatakot Pero, wag kang matakot
Panandaliang Silong

Pagbitaw

908 7 1
By MisYellowBell

PAGBITAW

Umiiyak nanaman ang langit
Tila sumasabay sa nararamdaman kong sakit
Ang sarap tuloy magtampisaw sa gitna ng daan
At damhin ang bawat pagpatak ng ulan
Ng sa ganoo'y aking mapagtakpan
Mga luha kong naguunahan sa pagtulo
Pero sino nga ba ang niloloko ko?
Sarili ko lang din naman
Dahil natapos na ang pagbuhos ng ulan
Heto pa rin ako iniiyak ang puso kong sugatan
Inaalala ang mga buwan na nagdaan
Mga masasayang araw na ating pinagsaluhan
Kung paanong ang bawat araw ay aking kinasasabikan
Dahil alam kong may isang ikaw na andyaan
Kung paanong ang ating simpleng pag uusap
Ay pinaramdam mo sakin na tila ako'y nasa alapaap
Kung paanong ako'y bumigay sa mga matatamis mong salita
Kaya't ako'y nahulog sayo at sa huli'y minahal ka
Kung paanong tayong dalawa ay nag umpisa
Umpisa, nakakatawa
Nakalimutan kong ang lahat nga pala ng umpisa'y mayroon ding katapusan
Kaya nga heto tayo ngayon
Pinaglaruan ng tadhana at pagkakataon
Bakit ba kasi may mga taong dadating sa buhay natin
Pero aalis din?
Bakit pinatagal pa
Kung sa huli aalis din naman sila?
Bakit lahat ng bagay na sinimulan
Kailangang bigyan ng katapusan?
Bakit may mga bagay na kailangan pa nating hawakan
Kung sa huli bibitawan lang din naman
Ganun ba talaga ang patakaran?
Kaya ba heto tayong dalawa
Kailangan ng bitawan ang isat isa?
Ang pag ibig na inakala nati'y walang hanggan
Ngayo'y nandito na sa hangganan
Kahit pala gaano mo kagusto kumapit sa isang bagay
Sa huli ikaw at ikaw pa rin ang bibigay
Dahil yung taong hinahawakan mo
Hindi pala ang siya ang taong nakalaan para sayo
Kaya kailangan mong bitawan
Dahil ang pagbitaw ay ang siyang tanging paraan
Upang hindi ka na mas lalo pang masaktan
Upang ang sugat ay hindi na lumalim pa
At ang nararamdamang sakit ay matapos na
Kaya't binibitawan na kita
Binibitawan ko na ang mga pangarap
Na sabay nating binuo saksi ang mundo
Binibitawan ko na ang mga pangako natin sa isa't isa
Na hanggang dulo ay tayong dalawa
Binibitawan ko na ang mga kamay
Na gusto ko sanang makasama habang buhay
Binibitawan ko na ang puso
Na minsa'y ako ang naging dahilan ng bawat pagtibok nito
Binibitawan na kita
At kasabay ng pagbitaw sayo
Ay ang pagtalikod sa mundo
Na minsay ikaw ang naging sentro, Mahal ko.

********
Sabi nila kapag binitawan mo mas gagaan pwro bakit nung binitawan kita mas lalong bumigat? 💔

Continue Reading

You'll Also Like

276K 2.2K 101
"She know she can. She believed, she reached her dream." (TAGALOG - ENGLISH) Highest Rank: #1 in Poetry #2 in Poems
21.3K 636 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
40 0 6
A proverbial and poetic book written by Timothy Angelo D. Cabangon tackling the concept of love and living with all virtues connected to love that i...