Bitaw na

1K 5 0
                                    

BITAW NA

Nakakatanga palang magmahal no?
Yung tipong sinasabi sayo ng utak mo
Na tama na, awat na, suko na tayo
Pero yung puso mo isinisigaw sa buo mong pagkatao
Na Sige pa, laban pa, Kaya natin to
At pikit mata mong susundin ang idinidikta ng puso mo
At sasabihing Bahala na
Basta Mahal ko sya

Susugal ka kahit alam mong malaki ang posibilidad na matalo ka
Na sa huli ikaw lang din ang iiwan niya
Pero mas pinili mong kumapit dun sa maliit na pag asa
Na baka hindi naman, baka mananatili din sya
Kaya kahit maliit ang tyansa, sumubok ka
Siguro ganun talaga pagnagmahal ka, nakakatanga
Nagiging bulag ka sa katotohanan na pinapakita sayo ng mundo
Na hindi talaga maaari, na hindi kayo aabot hanggang dulo
Dahil yung taong pilit mong hinahawakan at kinakapitan
Bumitiw na ng di mo man lang namamalayan
Bakit ganun no?
Handa mo namang iabot yung kamay mo sa kanya
Pero mas pinili niyang hawakan ang kamay ng iba?
Siguro ganun talaga

May mga bagay talaga sa mundo na pwede mong ipaglaban
Pero hindi mo pwedeng ipagpilitan
Dahil para ka lang nagsusuot ng tsinelas
Di mo na nga kasukat, hindi pa magkaparehas
Bukod sa nasasaktan ka na
Nagmumukha ka pang tanga
Kaya't bitaw na, tama na

Dibale lilipas din yan, dadating din ang panahon
Na yung mga sakit magiging isa na lamang kahapon
Yung mga iyak mo noon, tatawanan mo na lang ngayon
Yung mga ala-ala magiging isa na lamang nakaraan
Yung mga sugat magiging peklat na lamang
Dahil pag dumating na yung taong sayo'y talagang nakalaan
Malalaman mo kung bakit hindi pwede
Kung bakit hindi maaari
Kung bakit kailangan mong bitawan ang mga kamay niya
Dahil hindi ka talaga para sa kanya
Kundi, para tayo sa isa't-isa.

******

HUGOT TULAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz