Sa Pagbalik mo

789 5 0
                                    

SA PAGBALIK MO

Alam mo ba?
Gusto kong magalit sa tadhana
Gusto ko syang sigawan
Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob na aking nararamdaman
Lahat ng sakit na meron ako dito sa puso ko
Pero naisip ko
Para saan pa?
Bakit pa?
Wala din namang mangyayari diba?
Kasi andito na tayo
Wala na ding magbabago
Wala naman kasing time machine dito sa mundo
Na pwede nating balikan ang nakaraan
Para maiba ang nangyayari ngayon sa kasalukuyan
Pero alam mo kahit gusto kong magalit sa tadhana
Gusto ko pa din magpasalamat sa kanya
Kasi kung hindi dahil sa kanya
Hindi tayo pagtatagpuin
Wala ka ngayon sa'kin
Walang Tayo
Tanging Ikaw lang at Ako
Kaya't salamat pa din
Dahil kahit malayo ka sakin
Andyaan ka pa din

Mahirap? Oo
Pero kaya ko
Wala akong pakielam sa layo
Basta ang mahalaga babalik ka sa piling ko
At asahan mong sa pagbalik mo
Andito pa rin ako sa pwesto
Kung saan mo ko iniwan noon
Lumipas man ang panahon
Tangayin man ng alon
At subukin man ng pagkakataon
Mananatili akong nakatayo dito
Hinihintay lang ang pagbabalik mo
Ang muli mong paghawak sa mga kamay ko
Ang pagakay sakin mula sa kinatatayuan ko
At sabay na nating lalakbayin ang mundo
Magkahawak-kamay
At di na muling magkakahiwalay.

**********

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now