Hanggang dito na lang

1K 15 0
                                    

HANGGANG DITO NA LANG

Sabi nila, maraming uri ng pag-ibig
Merong pag ibig na walang makakadaig
Merong pag-ibig na pinaglalaban
Merong pag-ibig na sinusuklian
Merong pag-ibig na binabalewala
Merong pag-ibig na tinatapon na lang na parang basura
Merong pag-ibig na mali
Merong pag-ibig na hindi nasasabi
Merong pag-ibig na hindi sigurado

Pero alam mo kung anong klase ng pag-ibig ang meron ako?
Yung pag-ibig na totoo
Yung pag-ibig na handa kong ibigay sayo ng buo
Yung pag-ibig na kaya kong ipagsigawan sa buong mundo
Yung pag-ibig na walang takot
Yung pag-ibig na di makakalimot
Yung pag-ibig na umaasa
Yung pag-ibig na kayang magpakatanga

Pero eto pala yung klase ng pag-ibig na kailangan kong isuko
Na kailangan kong bitawan
Na kailangan kong pakawalan
Na kailangan kong hayaan
Dahil ito pala yung klase ng pag-ibig na kahit kailan hindi matutugunan
Hindi masusuklian

Akala ko kasi sapat na yung pagibig na meron ako para manatili ka
Pero hindi pala
Mali pala ako
Dahil ayun pa ang naging dahilan ng iyong paglayo
Akala ko okay lang na magbigay ng magbigay hanggang kaya ko
Pero hindi pala
Gusto ko rin pa lang may matanggap kahit hindi man sobra
Basta't meron, kahit konti lang pwede na  
Akala ko sapat na yung mahal kita
Pero hindi pala
Inaasam ko din pala na sana Mahal mo rin ako
Katulad ng pagmamahal na meron ako sa'yo

Pero baka ganun lang talaga
Baka ito talaga ang nakatadhana
Baka nga hanggang dito na lang tayo
Hanggang dito na lang ang ating kwento
Hindi pa man nauumpisahan
Pero kailangan ng wakasan.

*********

HUGOT TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon