Siya

914 6 0
                                    


SIYA

Sawa ka na bang magmahal ng paulit-ulit
Pero wala namang natatangap na kapalit?
Sawa ka na bang magmakaawa sa kanya
Para lang manatili sya sa tabi mo at hindi humanap ng iba?
Sawa ka na bang ikumpara ang sarili mo sa kanila
Dahil pakiramdam mo hindi ka sapat para sa kanya?
Sawa ka na bang tanungin ang sarili mo
Kung saan ka ba nagkamali at nagkulang para pagmukhain ka niyang gago?
Sawa ka na bang magalit sa tadhana
Dahil paulit ulit ka na lang niyang pinapaasa at pinapaluha?
Sawa ka na bang magbigay ng magbigay
Hanggang sa ibigay mo na ang lahat ng meron ka sa iyong buhay
Pero sa huli ikaw at ikaw pa rin ang talunan
Ikaw at ikaw pa rin ang luhaan
Ikaw at ikaw pa rin ang iniiwan
Nakakasawa nga naman talaga
Pero wag kang mag alala
Darating din Siya

Siya na magtatama ng lahat ng mali sa buhay mo
Siya na muling bubuo ng puso mo
Siya na hindi mo na kailangang magmakaawa pa manatili lang sya sa tabi mo
Bagkus yayakapin ka niya ng mahigpit at hindi niya na gugustihin pang mawalay sa piling mo
Siya na ipaparamdam sayo na ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya
Siya na ipaparamdam sayo na sobra sobra kapa sa hinihiling niya
Siya na magtuturo sayong magmahal at magtiwalang muli
Dahil ang basagin ka ang pinakahuli at ayaw niyang mangyari
Siya na ipapakita sayo ang tunay mong halaga
Na ang katulad mo ay hindi dapat binabalewala
Siya na mag aalis ng lahat ng takot sa puso mo
Dahil ang magmahal ay ang pinakamasayang pakiramdam dito sa mundo
Siya na mamahalin ka higit pa sa inaakala mo
Na baka dumating sa puntong tatanungin mo ang sarili mo
Kung bakit ikaw ang napili niya sa dami ng tao
Pero pakiusap wag, wag kang magdududa
Wag kang magduda sa sarili mo kung bakit ikaw ang pinili niya
Kung bakit ikaw ang minahal niya

Bagkus hawakan mo siya ng mahigpit na mahigpit
Na tipong hindi na sya makakawala sayong kapit
Iparamdam mo sa kanya ang katumbas na pagmamahal na meron siya sayo
Kung kinakailangang ikadena mo ang puso niya sayo
Gawin mo
Pakiusap kapag dumating na sya
Wag mo na siyang pakakawalan pa

Pakiusap, wag na wag mo ng pakakalawan pa ang tulad niya.

**********

Tiwala lang Bes dadating din siya. :)

HUGOT TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon