Tayo

1.4K 13 0
                                    

TAYO

Hindi ka na siguro naniniwala sa Pag ibig
Marahil para sayo isa na lamang itong kathang isip
Tila isang aparisyon
Isa na lamang ilusyon
Dahil minsan ka ng pinaikot nito
Binago ang mundo mo, ang buo mong pagkatao

Hindi naman kita masisisi
Minsan na rin naman na akong pinaikot nito dati
Parang mahika na s'yang nag uudyok sa buo mong pagkatao
Na okay lang umasa, magpakatanga at magmukhang gago
Dahil ang mga katagang "mahal kita" o "mahal ko sila"
Ay sapat ng dahilan para ang lahat ay aking makaya

Maniwala ka sakin, naiitindihan kita
Yung sakit at pait na s'yang naging dahilan ng iyong bawat pagluha
Yung lahat ng bigat ng loob na iyong dinadala
Yung mga pekeng ngiti na iyong pinapakita
Alam ko lahat ng iyon
Dahil minsan ko na din tong pinagdaanan noon.

Hindi mo kailangang magpanggap na tila wala lang ang lahat ng ngyari
At ikubli na lang lahat sa isang ngiti
Hindi mo naman kailangang takbuhan ang iyong nakaraan
O kalimutan ang lahat ng sakit na iyong naranasan
Ang kailangan mo'y tanggapin ito ng lubusan
Para tuluyan ka ng makalaya sa mapait na kahapon na iyong kinasadlakan

Tandaan mo, hindi lang ikaw ang nasaktan dito sa mundong ibabaw
Hindi lang ikaw ang pinaikot ng mundo at binago ang pananaw
Hindi lang ikaw ang pinaglaruan ng pagkakataon
Hindi lang ikaw, marami na tayo ngayon
Kaya wag mong akuin lahat ng sakit at poot dito sa mundo
Hayaan mong tangayin ito ng hangin mula sayo at pakawalan mo

Hayaan mong dumaloy ang mga luha sa iyong mga mata
Hayaan mong lamunin ka ng sakit na iyong nadadama
Hayaan mong ipakita na minsan isa ka ding mahina
Hayaan mong malaglag ang maskarang nakabalot sa iyong mukha
Hayaan mong yakapin kita
At iparamdam sa'yo na hindi ka nag-iisa

Alam ko masakit, sobra
Sa sobrang sakit, nakakatakot ng maulit pa
Kaya mas pinili mo na wag na lang makadama
Na mawalan ng pakielam sa mga bagay-bagay na iyong nakikita
Mas mainam nga naman 'yon
Para yung sakit na dulot ng kahapon ay sakaling di na muling maulit ngayon

Minsan na ring nadurog ang puso ko, nagkapira-piraso
Na naging sanhi ng pagkabasag ng buo kong pagkatao
Pero mula sa'king pagkakadapa pinilit kong tumayo
Pinilit kong buoin muli ang puso ko't ibalik sa pwesto
Dahil ang gusto ko, buo ko 'tong ibibigay sa taong susunod kong mamahalin
Gusto kong ipadama sa kanya ang buong pagmamahal na ipinagkait sa'kin

Kaya't wag mong sabihin na wala kang karapatan na maging maligaya
Dahil parang ipinagkait mo na rin sa'kin ang mahalin ka
Wag mo sana hayaang mamayani ang takot sa iyong puso
Hayaan mong tibagin ko ang pader na binalot mo sa iyong puso
Kung isusugal mo lang sana para sakin ang kahit na isa mong baraha
Ang sakit at poot ay maaaring mapalitan ng saya at tuwa

Hindi ko alam kung paano ako lalaban
Kung hindi mo ko sasamahan
Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy
Kung pilit mo 'kong tinataboy
Bigyan mo sana ako ng kahit isa man lang na pagkakataon
At patunayan sa iyo na hindi na muling mauulit ang kahapon

Masaktan na 'ko kung masasaktan
Ang mahalaga para sa'yo naman
Dahil handa akong masaktan ng paulit-ulit
Kung ikaw lang din naman ang s'yang magiging kapalit
Parte naman ng pagmamahal ang masaktan
Kaya't mas okay na ang masaktan kesa ang matalo ng hindi lumalaban

Ayokong mangako na kahit kailanma'y hindi kita masasaktan
Dahil dito sa mundo, lahat ng bagay walang katiyakan
Hahawakan ko na lamang ang iyong mga kamay
At ipapadama sa'yo na ikaw ay laging may karamay
Sumabay na lang tayo sa agos ng alon
At wag palagpasin ang bawat pagkakataon

Sa bawat gabi ng iyong pagluha
Handa akong maging unan mo't mabasa
Sa bawat oras na nalulunod ka sa mga ala-ala ng iyong kahapon
Handa akong maging salbabida mo't ibalik ka sa ngayon
Sa ngayon, kung saan nandito ako
Ako na handang mahalin ang buo mong pagkatao

Minsan na tayong nasaktan pareho
Minsan na tayong pinaikot ng mundo
Minsan na tayong pinaasa ng pauli-ulit
Minsan na tayong nagmahal ng walang natanggap na kapalit
Baka ito na ang bayad sa'tin ng mapaglarong tadhana
Ang makilala at mahalin ang isa't isa

Kaya't hayaan mong damayan kita sa bawat pagluha mo
Hayaan mong yakapin ko ang basag mong pagkatao
Hayaan mong pulutin ko ang bawat piraso ng iyong puso
Hayaan mong mahalin kita sa paraang alam ko
Kung hahayaan mo lang ako,
Baka sakaling posible ang salitang "Tayo".

*****
Eto yung mga katagang gusto kong sabihin sa'yo pero hindi mo ko binigyan ng pagkakataon. 😔

Try and try until you find "The one". ❤

HUGOT TULADonde viven las historias. Descúbrelo ahora