Wala ng Tayo

1K 8 2
                                    

WALA NG TAYO

Saan ko ba dapat umpisahan ito?
Sa kung paano ka ba dumating sa buhay ko?
Na walang pasabi'y nagulo ang mundo ko
Sa kung paano mo ba napapasaya ang bawat araw ko
Na kahit malungkot ako makita lang kita okay na ko?
Sa kung paano mo ba ko titigan sa aking mga mata
Habang binibigakas mo ang mga katagang "Mahal kita"?
Sa kung paano ba ko unti-unting nahulog sayo
Hanggang sa sinagot na kita at naging Tayo?
Sa kung paano mo ba ko titigan
At sasabihing "Ang swerte ko naman"?
O sa kung paano mo ba ipinangako sa'kin
Habang saksi ang mga tala at bituin sa langit
Na hindi mo ko iiwan dahil mahal mo 'ko
Ako lang, Ako lang ang mahal mo
Pero bakit ganito?
Nasaan na ngayon ang mga pangako mo?
Kasabay ba ng mga tala
Ay naglaho rin na parang bula?
O kasabay ng pagdating niya
Sa buhay nating dalawa?
Nawala ring bigla?
Mali, mali pala
Kasabay pala ng pagbalik niya sa buhay mo
Nawala ang salitang Tayo
Ayan naumpisahan ko na
Kailangan ko na lang ipagpatuloy pa
Hanggang makaabot ako sa dulo
Parang tayo, andito na ngayon sa dulo
Ayaw ko pa sanang umabot sa puntong 'to
Gusto ko pa sanang kumapit
Kahit sobra ng sakit
Gusto ko pa sanang umasa
Kahit malabo na
Gusto ko pa sanang lumaban
Kahit sobra na kong nahihirapan
Kaso paano pa ako kakapit kung bumitaw ka na?
Paano pa ko aasa kung ayaw mo na?.
Paano pa ko lalaban kung sumuko ka na?
Kaya kahit gusto ko pa
Kailangan ko na ring bumitaw tulad mo
Kailangan ko na ring sumuko
Sana ganun din kadali ang lahat no?
Sana katulad nung bida na si Lea
Dun sa palabas na Kita kita
Na sa pagbilang ko ng isa hanggang sampu
Mawala rin tong sakit na nararamdam ko
Pero natapos na ko sa pagbilang ng isa hanggang sampu
Heto pa rin ako umiiyak gabi gabi
Tinatanong ang sarili
Kung bakit ganito ang nangyari
Pero kahit na ilang balde ata ng luha ang iluha ko
Wala pa rin namang magbabago
Dahil andito na tayo ngayon sa dulo
Ganun talaga siguro
Lahat ng bagay may hangganan
May katapusan
Kaya kahit ayaw ko pa
Kailangan na
Tama na
Tama na pagiging tanga
Kailangan ko ng tanggapin na wala na kong babalikan
Na wala na kong aasahan
Na may iba ka ng gusto
Na wala ka na sa buhay ko

Kailangan ko ng tanggapin na Wala ng Tayo.

*******

Bakit ba may mga taong dadating sa buhay natin pero aalis din? 😔

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now