Sa Pangalawang Pagkakataon

2.3K 25 2
                                    

SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

Ilang buwan na rin ang lumipas
Simula ng ako'y iyong iwan
Tandang-tanda ko pa
mga binitawan mong salita
Salita na s'yang naging takda
na gusto mo ng tuldukan
kung ano man ang ating nasimulan
At iniwan mo na nga ako ng tuluyan
Sa bawat umaga na gigising ako
Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko
na hindi na mensahe mo
ang unang-una kong mabubungaran sa telepono ko
Sa bawat hapon na uuwi ako
Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko
na hindi na ikaw ang s'yang saki'y susundo
at s'yang hahalik sa'king noo
sa tuwing magkikita tayo
Sa bawat gabi na matutulog ako
Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko
na hindi na "iloveyou" at "goodnight" mo
ang s'yang huling maririnig ko
Mahirap pala talagang baguhin
ang mga bagay na nakasanayan mo ng gawin
Katulad ng kailangan kong magsimulang muli
At kalimutan na ang dati

Pero isang umaga nagising ako
Pagbukas ko ng pinto
nandun ka't nakatayo
At ang sabi mo,
"Pwede bang tayo na lang uli?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako
o maiinis sa'yo
Dahil pagtapos mo 'kong iwan
Ngayon gusto mong makipagbalikan?
Pinaglalaruan mo ba 'ko?
Dahil kung Oo,
Itigil mo na 'to
Tapos na 'ko maging laruan mo

Habang nakatayo ka sa'king harapan
Pinagmasdan ko ang iyong kabuuan
At napansin ko,
ang pangangalumata mo
Tila wala kang tulog ng ilang gabi
Pumayat ka din ng kaunti
Gusto ko tuloy isipin
na nasaktan at nahirapan ka din
sa ginawa mong pag-iwan sa'kin
Tumitig ako sa'yong mga mata
At tila sinasabi nito na ako'y tama
Pero, bulong ng isip ko
Wag akong maniwala sa'yo
Dahil baka masaktan nanaman ako
Dahil baka iwan mo lang uli ako
Pero, sigaw ng puso ko
Buksan kong muli ito
At papasukin ka dito
Kaya't pikit-mata akong sumagot sa'yo ng "Oo"
"Oo sige, payag ako sa gusto mo"
At kasabay nun ang pipi kong dalangin
Sa lahat ng mga tala sa langit
Sanay wag mo 'kong biguin
Sa pangalawang pagkakataon na iyong hinihiling

Dahil sa pangalawang pagkakataon
Susubok akong muli
Hindi para ibalik ang dati
Kundi para magsimulang muli
na ikaw pa rin ang nasa'king tabi
Sa pangalawang pagkakaton,
Aasa ako
sa mga pangako mo
na hindi mo na 'ko iiwang muli
gaya ng ginawa mo dati
Sa pangalawang pagkakataon,
Maniniwala ako
na ako pa rin ang mahal mo
Kaya ka nandito ngayon sa harapan ko
at nakikiusap na magkabalikan tayo

Sa pangalawang pagkakataon,
Susugal ako
Dahil alam ko
Dito ako sasaya, sa piling mo
Kahit katangahan o kabaliwan man ito
Susugal ako
Dahil maaaring dito
Sa pangalawang pagkakataon
Ay s'ya nang sati'y tamang panahon.

**********
Pls. Vote thank you 😘

HUGOT TULAOnde as histórias ganham vida. Descobre agora