Malaya na ako

877 9 2
                                    

MALAYA NA AKO

Ilang taon na din ang lumipas
Buwan na nagdaan
Oras na iniyakan
Segundo na sinayang
Ang tagal ko ding hinanap ang sarili ko
Ang tagal ko ding nagtago
Ang tagal ko ding sinisi ang sarili ko
Ang tagal ko ding tinanong kung Bakit iniwan mo 'ko?
Ang tagal ko ding umasa na babalikan mo pa 'ko
Sa sobrang tagal akala ko di na 'ko makakaalis pa
Akala ko hndi na uusad pa ang bangka
Akala ko wala ng pag asa
Akala ko hindi na muling iinog ang mundo ko
Akala ko hanggang dito na lang ako
Akala ko hindi na ko makakamove on sayo

Hindi ko alam saan ako mag uumpisa
Ang hirap sobra
Pero kaya ko pala
Kinaya ko
Ngayon masasabi ko "Okay na ko"
Walang halong biro at lito
Yung totoo lang na galing talaga sa puso ko
Napupuntahan ko na nga yung dati nating paboritong tambayan
Napapatugtog ko nga yung mga kantang dati'y parehas nating sinasabayan
Nakakainan ko na nga yung karinderyang paborito nating kainan noon ng dinuguan
Napapanood ko na rin yung mga pelikula na noo'y sabay nating tinawanan at iniyakan
Nakakausap na kita ng wala ng hinanakit sa puso ko
Nagagawa ko ng tignan yung picture mo sa facebook ng hindi tumutulo ang mga luha ko
Dahil imbes na sakit ang maramdaman ko
Mas nananaig yung tuwa at saya sa puso ko
Mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na okay na ako
Dahil sa ilang taon na lumipas
Buwan na nagdaan
Oras na iniyakan
Segundo na sinayang
Nakalabas na rin ako sa pinagkukublian ko
Nahanap ko na rin ang liwanag sa madilim kong mundo
Natagpuan ko na rin ang sarili ko

Sa wakas, Malaya na ako.

*******

Kaway kaway sa mga nakalaya na. Hahaha 😂😂

HUGOT TULADove le storie prendono vita. Scoprilo ora