Mahal ko, Pasko nanaman

1.6K 11 1
                                    

MAHAL KO, PASKO NANAMAN

Labing tatlo
Oo, labing tatlong araw na lang
bago sumapit ang Pasko
Mga kabahayan ngayon
ay puno na ng iba't-ibang dekorasyon
At kumukutitap sa iba't-ibang kulay ng ilaw
na tiyak kong kay sarap matanaw
Ang ilan nama'y makikita mo
abala na sa pamimili ng mga regalo
Tila inilaan talaga ang kanilang sweldo
upang magbahagi naman sa ibang tao
Ramdam mo na talaga ang simoy ng Pasko
Pero, heto ako
Nangangamba sa paglipas ng bawat segundo
Dahil papalapit nanaman
Ang s'yang araw na gusto ko ng kalimutan
Dahil labing tatlo
Oo, labing tatlong araw na lang
bago sumapit ang Pasko
Ay mali! Hindi Pasko
Kundi ang araw kung kailan mo 'ko iniwan
Iniwang durog at luhaan
Tandang tanda ko pa
mga binitawan mong salita
At kung paano ako sayo'y nagmakaawa
na saki'y manatili ka
Pero tili bingi ang dal'wa mong tenga
At bulag ang dal'wa mong mata
Dahil mukhang desidido kana
na ako'y iwang mag-isa
Pero bakit Pasko pa?
Ang hirap tuloy maging masaya
katulad ng nakikita ko sa iba
Dahil ang tangi ko lang naaalala
Ay ang pagtalikod mo
at paghakbang papalayo
Tanda na iiwan mo na 'ko
at hindi na muling babalik sa piling ko
Oo Mahal ko, Pasko nanaman
Ngunit ang sakit na iyong dinulot at iniwan
Dito sa puso ko, Ay patuloy pa ring nananahan.

*******
Kung akala mo lahat masaya sa darating na pasko baka nagkakamali ka. 😏

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now