Paano bang Magmahal?

1K 8 0
                                    

PAANO BANG MAGMAHAL?

Paano ba?
Sa pagbilang ko ba ng isa hanggang lima
Heto ka na
Nasa tabi ko na
Yakap na kita
O baka kailangan ko pang bumilang ng isa hangang sampu
Para lang mahanap kita sa tinataguan mo?
At kapag nahanap na kita
Hindi ka na muling aalis pa

Paano ba?
Kailangan ko lang bang sabihing Mahal kita
Para sabihin mo din saking Mahal mo ako?
Ganun ba kadali yun o baka mali ako
Dahil maaaring kapag sinabi ko ito sayo
Ito pa ang maging dahilan ng iyong paglayo
Ang mga katagang matagal ko ng gustong sabihin sayo
Ay maaaring syang maging dahilan ng pagtalikod mo
Kayat dapat ko na lang bang patuloy itong itatago
Upang manatili ka sa tabi ko?

Paano ba?
Kapag galit ka ba
Dapat galit din ako
O dapat suyuin kita
Hanggang sa kumalma ka?

Kapag ba nagseselos ka
Dapat ba hayaan lang kita
O dapat iparamdam ko sayo
Na ikaw lang, Ikaw lang ang mahal ko?

Kapag ba puro na lang away
Dapat na bang maghiwalay
O dapat nating ayusin
At mas lalo pang patatagin ang relasyon natin?

Kapag sobrang sakit na ba
Kailangan ko ng bitawan ka
O dapat pa kong kumapit pa
Hangga't kaya ko pa?

Kapag mali na
Dapat ba tama na
O kailangan sige pa
Hangga't ikaw pa?

Kapag ba hindi na masaya
Dapat suko na
O dapat laban pa
Hangga't ako pa?

Kapag mahirap na ba
Dapat bang itigil na
O dapat ituloy ko pa
Hangga't Mahal kita?

Paano ba?
Alam mo ba kung paano?
Hindi ko kasi alam kung paano
Turuan mo naman ako

At sabay nating alamin kung paano ba
mahalin ang isat isa, Mahal ko.

******
Hindi naman laging sakit ang dulot ng pagmamahal, parte na yun. 😌

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now