"PAMINTA lang ang dinudurog ba't pati PUSO KO?"

5K 55 13
                                    

"PAMINTA lang ang dinudurog ba't pati PUSO KO?"

Una pa lamang nating pagtatagpo
ramdam ko,
Ikaw ay akin ng gusto
hanggang sa nagpakita ka ng motibo
na ako din ay nais mo
Tayo'y nagkakwentuhan
mga loob natin ay nagkapalagayan
Hanggang sa tayo'y nagkapalitan
ng numero at nagkateksan
Niyayaya mo 'ko kung minsan
gumala at kumain
kung saan mo maisipan
Maging ang iyong tahanan
ay akin na ding napuntahan
Doon tayo nanonood ng kung ano man
O kung minsan
ay naghaharutan at naglalambingan
Yayakapin mo 'ko
kapag gusto mo
o kaya'y biglang hahalikan sa noo
Pero naisip ko
Ano ba tayo?
Meron nga bang tayo?
Ikaw ba saki'y seryoso
o isa lamang itong laro
Hindi ko na alam kung ano ba ang totoo
Kaya't pakiusap ko
kung isa lamang itong laro
Itigil na natin to
dahil ayoko ng ganito
Sawa na 'ko
sa paulit-ulit na panloloko
at panggagago
ng kung sino-sino
Kaya't pakiusap ko
Kung balak mo lamang durugin ang puso ko
bumili ka na lamang ng pamintang buo
dyaan sa may kanto
yun na lang, wag ako
Dahil hindi ikaw ang kailangan ko
kundi iyong tao
na sya nang bubuo
dito sa puso ko
na matagal nang nagkapira-piraso
Kaya't kung hindi ikaw ito
hahayaan na kitang lumayo
habang hindi pa ako
tuluyang nahuhulog sayo.

*******

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now